HOLISTIC APPROACH TO SELF-IMPROVEMENT

My book, A PARADIM FOR SELF-IMPROVEMENT, will be retitled HOLISTIC APPROACH TO SELF-IMPROVEMENT for its second edition. The decision to change was informed by the fact that, after reviewing the contents, I found that the original title does not fully reflect the book’s scope and spirit. The original title focused on a conceptual framework, but the new title, Holistic Approach to Self-Improvement, better describes the book’s integrated view of personal growth and development. This view goes far beyond positive thinking to include ATTITUDES, BELIEFS, SKILLS, ABILITIES, PRACTICES, ACTIVITIES, and SELF-DISCIPLINE.

The change was made to ensure the title better fits the book’s content and its practical approach.

As I continue to fine-tune the contents, I have come to understand that the book is not merely about suggesting a framework; it is about embodying one. The word HOLISTIC describes that change. The word PARADIGM is too technical and creates the impression that this is just another research work, something to study. Replacing it with APPROACH tells readers that this is not a book meant only for academic purposes, but one that outlines the steps for those who intend to embrace personal growth and development.

Adding holistic indicates that growth doesn’t happen in separate parts; it happens when attitudes, beliefs, skills, abilities, practices, activities, and self-discipline come together. That’s the purpose of including PARADIGM in the original title: to show that SELF-IMPROVEMENT is a PROCESS that, when successfully carried out, would help an individual become their BEST SELF and attain FULFILLMENT.

In my book, I proposed the concepts of VALUE SYSTEM to comprise attitudes and values, COMPETENCE FRAMEWORK skills and abilities, and HABIT SCHEME practices and activities. The proposed concepts are viewed as DIMENSIONS of self-improvement.

The book, whether bearing the old or new title, encapsulates the interrelationships among these categories and self-discipline into a framework, illustrating how their synergy yields an effective process of self-improvement that leads to the attainment of one’s full potential.

The paradigm is divided into three sections: left, middle, and right. The middle section comprises three parts: the dimensions of self-improvement, the self-improvement process, and the concept of full potential, also known as the best self. The dimensions of self-improvement in this book are generally categorized as the attitudes & beliefs (value system), skills & abilities (competence framework), and practices & activities (habit scheme) that a person pursuing personal growth and development should acquire, possess, or develop. These elements come together through the self-improvement process, forming the second part of this section. This process aims  

to help one become one’s best self, not as attaining perfection but as unlocking one’s full potential.

The left section of the paradigm highlights a crucial requirement for self-improvement: self-discipline. The paradigm illustrates how self-discipline continuously influences the process; even after one has achieved one’s full potential and become one’s best self, self-discipline remains essential. Self-discipline bolsters personal growth and development, forming the foundation for consistent progress and sustained fulfillment.

The right section of the paradigm illustrates the outcome of the self-improvement journey—fulfillment, characterized by becoming healthy, successful, and happy. This fulfillment represents not only the achievement of personal goals but also a deep sense of completeness and satisfaction that comes from living in alignment with one’s true potential. It is the reward for the dedication and discipline invested in becoming the best version of oneself.  

Through self-improvement, individuals develop attitudes and beliefs, acquire skills and abilities, and engage in practices and activities to navigate life’s complexities confidently and purposefully. This transformation empowers them to achieve personal success, sustain a healthy state of being, and experience genuine happiness.

Those who achieve their full potential and become their best selves succeed in personal and professional endeavors. They become HEALTHY, SUCCESSFUL, and HAPPY.

If one intends to achieve their full potential and attain fulfillment, they must approach self-improvement holistically.

Huwag Kang Lilingon ~ Chapter 10A

Chapter 10A
“Ang Tunggalian”

Hangga’t hindi ko tiyak na si Berith, na nasa katawan ni Adam, ay nagapi nina Mang Fidel at Tomas, hindi ko masasabing kami’y ligtas na. Ganoon pa man,  nakahinga ako nang maluwag nang muling lumapat ang aking mga paa sa buhangin. At ito’y hindi sa pampang ng Isla Miedo.

Sa kalupaan ay may panganib pa rin kaming haharapin pero hindi katulad nang nasa dagat kami na pati ang mga alon at ang hangin animo’y kakampi ng mga Sutsot, gusto kaming lunurin.

Bitbit ang isang flashlight, pinangunahan kami ni Marco sa pagbagtas ng daan sa gitna ng maraming puno ng niyog. Huminto kami sa harapan ng bahay na napapalibutan ng mataas na bakod. Ang bahay na iyon ay ang nadaanan namin nang pumunta kami sa breakwater. Tanda ko pa ang mga nakapalibot na CCTV doon.

Inilabas ni Marco ang susi. Pumasok kami sa loob.

“Hintayin ninyo ako dito.”

Nagkumpulan kami sa ilalim ng bubong ng terrace, basang-basa kami at nanginginig habang ang magkahalong tubig-ulan at tubig-dagat ay tumutulo mula sa aming mga damit. Ilang sandali pa, ang ugong ng makina ay umabot sa aming mga pandinig, at biglang nagliwanag ang buong kabahayan.

Binuksan ni Marco ang pinto mula sa loob, at pumasok kami.

Dumiretso si Marco sa CCTV monitor na nakakabit malapit sa pinto. Tumingin siya sa camera at sumigaw, bakas ang pagmamadali sa kanyang boses, “Kailangan namin ng tulong… kailangan namin ng tulong!” Pagkatapos mayroon siyang isinenyas. SOS signal iyon.

Sa loob, ang hangin ay bahagyang amoy-insenso. Dalawang silid ang nasa magkabilang panig ng malawak na sala. May hiwalay na palikuran malapit sa pintuan papunta sa likod ng bahay. Ang dining at living areas ay nahahati ng isang display counter na pinalamutian ng mga imaheng relihiyoso.

Malawak ang sala at kompleto sa gamit. Isang malaking mural ni San Miguel Arkanghel na nakaibabaw sa nakahigang si Lucifer ang nakapaskil sa pader. Nakasulat sa ibaba ng mural ang “Guardians of the Light”. Sa ilalim nito, may dalawang linyang panalangin: “St. Michael the Archangel, defend us in battle…”

“Dito nananatili ang mga Guardians bago at pagkatapos ng aming operasyon sa dagat,” sabi ni Jasmine, na umagaw ng atensyon ko palayo sa inskripsyong binabasa ko.

“Dito muna tayo magpapalipas ng gabi,” dagdag ni Marco habang hinuhubad ang kanyang basang damit. “Sandali lang, may mga damit sa loob ng kwarto.”

Sumenyas si Jasmine na mauna na ako. Paglabas ko, siya naman at si Eve ang pumasok sa silid para magbihis.

“Bro, baka kailanganin mo ito.” Inabutan ako ni Marco ng isang machete, bago siya nagsuot ng tuyong damit. “Binasbasan ito—tatalab ito laban sa mga Sutsot.”

“Salamat,” sabi ko. “Nasaan na kaya sina Tomas at ang tatay mo ngayon? Ano kaya ang nangyari sa kanila?”

“Malalaman natin mamaya. Malaki ang tiwala ko sa tatay ko—marami na siyang napatay na mga Sutsot noon, sa dagat man o sa lupa. Sinanay kaming lumaban sa mga halimaw na iyon at sa iba pang uri ng demonyo,” sabi ni Marco habang nililinis ang kanyang .45 caliber na baril.

Hindi pa rin namin alam kung ano ang nangyari kay Tomas at sa tatay ni Marco—o kung ang Sutsot na sumanib sa katawan ni Adam, si Berith,  ay patay na o buhay pa.

Binuksan ko ang bintana ng bahay. Tumigil na ang ulan, at ang hangin sa labas ay tila tahimik at mukhang mapayapa. Pero nararamdaman ko, hindi pa ito ang dulo. Wika nga’y dumadaan lang ang mata ng bagyo.

Sa isang dako, sa kabila ng katahimikang iyon, naghihintay si Berith. Ang bagyong sinimulan niya ay hindi pa lumilipas—huminto lang ito sandali para kumuha ng lakas bago muling sumalakay.

Sa loob, tahimik ang bahay, nagkukunwaring walang nangyari. Ang bahagyang amoy ng insenso ay nananatili pa rin sa hangin, na ngayon ay nahaluan ng amoy ng mga basa naming damit.

Lumabas sina Eve at Jasmine mula sa silid, suot na ang malinis na shorts at T-shirt. Dumiretso si Jasmine sa kalan. “Magpapakulo ako ng tubig para makapag-kape tayo,” sabi niya.

Naupo kami sa sala. Ilang beses nang tumatayo si Marco, binubuksan at isinasara ang mga pinto, at sumisipsip sa labas, laging hawak ang kanyang machete at nakasukbit ang baril sa baywang.

“Aray.” Napangiwi si Eve at hinawakan ang kanyang tiyan. “Biglang sumakit ang tiyan ko!”

“Baka gutom ka lang,” ang wika ko sa kanya..

“Baka nga,” bulong ni Eve, nagsasalubong ang mga kilay niya. “Oww! Parang lumalala. Parang humihilab  ang tiyan ko. Sandali, pupunta muna ako sa banyo.”

Nang haplusin niya ang kanyang puson, naramdaman ko ang isang kirot na hindi ko mapangalanan,  pag-ibig ba, awa, o ang multo ng dalawang ito.

Nang mapasok sa banyo si Eve, lumapit si Jasmine at bumulong, “May boyfriend ba si Eve?”

“Oo, meron. Jeff ang pangalan niya,” sagot ko. “Bakit mo naitanong?”

Ang mga mata ni Jasmine ay lumingon sa direksyon ng banyo. “Mukhang malaki ang tiyan niya. Mukha siyang… buntis.”

Ang mga salitang iyon ay tumama sa akin na parang isang suntok. Iyon ang kinatatakutan ko—ang madilim na kaisipang pilit kong ibinabaon pero hindi ko mapatay. Kay Jeff ba ito… o— Oh, Diyos ko. Huwag naman sana.

“Tulong! Pakiusap! Masakit ang tiyan ko!” Ang sigaw ni Eve.

Natigilan kami panandalian. Pagkatapos ay halos sabay kaming tumakbo papunta sa banyo.

Naunang nakarating si Jasmine sa pinto at itinulak ito, nanginginig ang boses habang tinatawag ang pangalan ni Eve.

“Anong nangyari? Willy… Marco… dinudugo si Eve! Tulungan niyo ako!” ang sumamo ni Jasmine. “Kailangang mailabas natin siya rito.”

Tinulungan namin ni Marco na buhatin si Eve palabas ng banyo. Inihiga namin siya sa sofa sa sala. Mabilis na kumalat ang dugo sa ilalim niya, madilim at makintab sa ilalim ng ilawan. Napaarko ang katawan ni Eve sa sofa, ang mga daliri niya ay bumaon sa mga sandalan habang siya ay namimilipit sa sakit.

Tumama sa akin ang kaisipan—kung buntis nga siya, mukhang makukunan siya.

“Eve, lumalaki ang tiyan mo,” sabi ni Jasmine, ang boses ay puno ng pag-aalala.

Sa harap ng aming mga mata, ang kanyang tiyan ay nagsimulang mamaga. May kung anong gumagalaw sa ilalim ng kanyang balat—mabagal noong una, pagkatapos ay mabilis at malakas na tila may mga alon.

Napakasakit nito, hindi lang dahil sa nangyayari sa kanya. Isang bahagi ng aking sarili ang nasusunog pa rin sa selos, ang baluktot na hapdi ng pagmamahal sa kanya habang alam kong ibinigay niya ang sarili niya sa iba. At ngayon, habang pinagmamasdan ko ang kanyang katawan na nangingisay sa hirap, hindi ko malaman kung alin ang mas masakit—ang hirap niya, o ang sa akin.

Pero may panahon para ramdamin ko ang sakit. Sa pagkakataong iyon nangagaylangan siya ng tulong at unawa… lalo na’t ang paglaki ng tiyan niya’y kakaiba.

Sa sandaling iyon, biglang bumukas ang pinto sa likod ng bahay.

Pumasok sina Tomas at Mang Fidel, basang-basa.

“Ama, salamat sa Diyos at ligtas kayo!” bulalas ni Marco. “Napatay niyo ba ang Sutsot?”

Umiling si Mang Fidel. “Nawasak ng alon ang balsa, nagkahiwa-hiwalay kami. Sa breakwater ko na inabutan si Tomas.”

“Kuya… tulungan mo ako.”

Noon pa lang napansin nina Mang Fidel at Tomas ang kalagayan ni Eve.

Nilapitan kaagad ni Tomas si Eve. Hindi maikakaila sa reaksyon ni Tomas ang labis na pagtataka. Mukhang umurong ang kanyang dila. Tumingin siya kay Jasmine at parang naghahagilap ng paliwanag.

“Kuya, tulungan mo ako. Masakit na masakit ang tiyan ko.”

“Diyos ko! ang nangyayari rito?!” sigaw ni Mang Fidel, ang boses ay pumiyok sa kabiglaanan.

Lumuhod si Tomas, nangilid ang luha bago pa siya makapagsalita. “Ano ba ang nangyari?”

Noong una, nakatitig lang si Eve sa kanya. Nanginig ang kanyang mga labi, pero walang salitang lumabas. Yumayanig ang kanyang mga balikat sa bawat hikbi.

“Eve… magsalita ka,” pakiusap ni Tomas.

Hindi ko na kailangang marinig ang kanyang sagot—alam ko na. Nabuo ko na ang kwento mula nang umalis kami sa dampa ni Adam hanggang ngayon. Marahil alam na rin ni Tomas. Gusto lang niyang kumpirmahin ito ni Eve.

“Kuya… kuya!”

“Ano? …Evvveee!”

“Kami ni Adam…” Huminga siya nang malalim. “Sa isla… nangyari ito nang maraming beses. Nagtangka siya na—hindi ko siya mapigilan. Hindi ako nakatanggi. Ayaw kong tumanggi.”

Ang mukha ni Tomas ay namilipit sa hindi paniniwala. “Anong problema mo, Eve? Paano si Jeff?”

“Hindi ko alam… hindi ko alam. Hindi ko maipaliwanag,” hagulgol niya. “Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay si Adam. Mahal ko siya. Kuya, pakiusap—hanapin mo siya. Huwag mo siyang sasaktan.”

Matindi ang sakit na dulot sa akin ng mga sinabi ni Eve. Alam ko na wala akong karapatang husgahan siya—pero ang mga salitang iyon, Mahal ko siya, ay parang batong tumama sa aking mukha. Mas masakit na ‘di hamak ang dulot nito kumpara noong narinig ko siyang nagsabi ng I love you kay Jeff—mga salitang pinapangarap kong marinig mula sa kanya… pero marahil ay hindi na kailanman mangyayari.

Pagkatapos niyon ay nangyari na ang aking kinatatukutan. Narinig ko ang isang pamilyar na atungal. Napakalakas na sa pakiwari ko ay parang nayanig ang buong kabahayan. Ang atungal na iyon ay ipinalangin ko ng huwag ko na sanang muling marinig pa.

Naging malinaw sa aming lahat, buhay ang Sutsot. At ang kanyang atungal… tila naging mas mabagsik.

“Ang Sutsot,” bulong ni Marco. “Buhay si Adam.”

“Hindi. Hindi siya ang kuya ko.” Ang madiing wika ni Jasmine. “Hindi ko na kapatid ‘yan,” Pakiwari ko’y mas humigpit ang hawak niya sa kanyang machete. “Hindi siya si Adam. Si Berith ‘yan.”

“Adam… Adam… tulungan mo ako… manganganak na ako!” sigaw ni Eve.

Ang kaligtasan ni Eve ang nais kong matiyak.Pero kung ang batayang gagamitin ay ang mga sinabi Jasmine tungkol sa mga halimaw ng Isla Miedo at sa mga naganap, nakakatakot isipin kung ano ang mangyayari kapag iniluwal na ni Eve ang kung ano man ang nasa kanyang sinapupunan. Dapat bang pingilan ang malapit nang maganap o tiyaking si Eve ay ligtas.

At biglang kumalabog ang pintuan.

Lahat kami ay nagulantang. Merong nagpipilit buksan ang pintuan. Hindi na kaylangang hulaan pa kung sino iyon.

Kumalabog muli ang pintuan… mas malakas.

Isa pa. 

Ang mga bisagra ng pintuan mukhang bibigay na. Itinaas ni Marco ang kanyang baril at nagpaputok.

Nabutas ang pintuan. Tumigil ang pagkalabog.

Ang kalabog ay pinalitang ng nakakabinging atungal mula ka Berith… malakas at nagngangalit. Wala na si Empusa para sundan ang atungal na iyon pero nandoon ang hangin na humalinghing  bilang sagot..

“Kuya… kuya… hindi ko na kaya! Parang may lalabas na bata! Arrrray!!!”

“Hindi bata,” sabi ni Mang Fidel, ang boses ay seryoso. “Mga bata. Hindi lang isa, Tomas—maraming sanggol na Sutsot ang nasa loob ng tiyan ng kapatid mo..”

Muling sumigaw si Eve, nangingisay sa sofa, ang dugo ay umaagos sa mga unan. “Tulong, kuya! Anong gagawin ko?! Kuya!”

Hawak ni Tomas ang mga kamay ni Eve. Mangiyak-ngiyak ito… hindi malaman kung ano ang gagawin.

Napansin ko ang titigan nina Mang Fidel at Marco. Halos sabay pa silang tumitig kay Jasmine

Hindi maganda ang naramdaman ko. Kinabahan ako.

Chapter 10B
Ang Tunggalian

Huwan Kang Lilingon
(Maikling Nobela – Horror)

Huwag Kang Lilingon ~ Chapter 9B

Chapter 9B
“Ang Pagbubunyag”

Siguro naman ay hindi pa ninyo nakakalimutan ang aking mga sinabi…“Isa sa inyo ang mabubuhay para ibahagi ang kuwentong ito. Ang iba’y magiging plamuti sa kuwento.”

At bago pa tuluyang lumayo ang balsa ni Kharon ay naihabol pa niyan itanong ang babala niya kina Tomas at Jasmine… ang mag-ingat sa bagay na matalim.

Habang papalayo si Kharon ay unti-unti numinipis ang hamog at muling nanamang dumilim ang paligid. Umasa sa na lang kami sa maputlang liwanag ng flashlight ng aking cellphone. Nang tuluyang maglaho ang hamog, isang dambuhalang alon ang sumalubong sa amin. Tumagilid ang balsa sa tindi ng hampas ng along iyon.

Habang sinisikap naming bumalanse ay may nakita akong liwanag mula sa malayo.

“Ang parola,” bulong ko. “Ang breakwater.”

Isa pang alon ang humampas—at sumunod ang isang mapurol na kalabog sa harapan ng balsa. Itinutok ko ang flashlight ng aking cellphone doon. Isang sibat ang nakatarak doon, may nakataling lubid. Mula sa itaas, gumuhit ang apoy at bumagsak ito sa aming paanan—isang Molotov cocktail. Mabuti na lang  at hindi kami tinamaan. Nabasag ang bote pero hindi ito sumabog. Ang amoy ng gasolina ay ikinalat nghangin habang ang apoy sa mitsa ay mabilis na napatay ng mga along humahampas sa balsa.

Tumagilid muli ang balsa namin, halos tumaob nanaman ito. Tanging si Adam lang ang nanatiling matatag ang tayo sa gilid. Itinaas niya ang kanyang itak at tinaga ang lubid ng sibat.

Naputol ang lubid.

Itinulak ni Tomas ang balsa palayo sa bangka, pero isa pang sibat ang tumarak sa harap, na humihila sa amin pabalik doon. Iyon ay isang bangka na katulad ng sinakyan nina Jasmine, Marco, at Mang Fidel noong una namin silang makatagpo.

Patuloy ang ugong ng hangin. Ilang sandali pa, isang malaking alon pahumampas sa amin. Basang-basa na kami; kung hindi dahil sa lubid ng sibat na nagsisilbing angkla, malamang ay tumaob na ang balsa.

Lalong lumakas ang hangin. Bumubuhos ang tikatik na ulan.

“MARCO… MANG FIDEL?” sigaw ni Jasmine. “AKO PO ITO… SI JASMINE.”

Walang sagot. Tanging ang dagundong ng kulog at guhit ng kidlang ang tumugon.

Lumuwag ang tensyon sa lubid, at ang balsa namin ay dahan-dahang tumama sa gilid ng bangka. Dalawang lalaki ang nakatayo roon, hindi gumagalaw. Tatalon na sana si Adam sa bangka, pero hinawakan ni Jasmine ang kanyang kamay.

“Huwag kang padalos-dalos, kuya,” bulong niya. “Kung miyembro sila ng Guardians of Light, baka barilin ka lang.”

Akala ko kapag nakaalis na kami sa Isla Miedo, tapos na ang problema namin. Mali ako. Doon ko naalala ang mga babala ni Jasmine tungkol sa mga Guardians.

Binuksan ng isa sa mga lalaki ang kanyang flashlight. Ang liwanag ay tumutok isa-isa sa aming mga mukha…kay Tomas, Eve, Jasmine, Adam, at sa huli ay sa akin.

“Sino ang mga bagong mukhang kasama mo?” tanong ng isang lalaki.

Walang duda, ang boses na iyon ay kay Mang Fidel iyon. At ang isa pang anino na nakatayo sa tabi niya ay tiyak na si Marco.

“Si Eve po ito,” panimula ni Jasmine. “Siya ang kapatid na hinahanap ni Tomas. At ang lalaking ito sa tabi ko…” nabulol siya, “ay ang kuya ko, si Adam. Siya po ang dahilan kung bakit ako nakiusap na sumama sa kanila sa Isla Miedo.”

Katahimikan ang sumunod.

“Nilinlang mo kami, Jasmine. Itinago mo ang tunay na dahilan kung bakit gusto mong maging Guardian,” ang wika ni Mang Fidel.

“Alam kong hindi po ninyo papasalihin sa grupo kung nalaman niyong nawawala ang kuya ko at pumunta sa Isla Miedo” sagot ni Jasmine.

Walang nagsalita sa dalawang lalaki. Ang tanging sagot ay ang hampas ng mga alon at ang sitsit ng ulan. Patuloy na hinahampas ng hangin at alon ang balsa at ang bangka. Tila kahit gaano kami kalayo maglayag, ang sumpa ng Isla Miedo ay hindi kami binibitawan.

Parang isang kawalang-hanggan na ang lumipas. Pagkatapos, biglang bumukas ang spotlight, na nagliwanag sa balsa.

“Kung hindi dahil sa pakiusap ni Marco—at sa mga kontribusyon mo sa mga Guardians—wala na sana ang balsa ninyo ngayon… at malamang patay na kayong lahat.”

“Salamat po Mang Fidel,” ang malumanay na tugon ni Jasmine.

“Pero kailangan naming makasiguro,” patuloy ni Mang Fidel. “Marami na kaming nakitang nabiktima ng mga Sutsot. Malay ko ba kung ang isa sa inyo ay sinaniban na. Kahit ikaw, Jasmine. Paano ako makakasiguro na ikaw pa rin ‘yan—at hindi isa sa kanila na suot ang mukha mo’t kami ngayo’y nililinlang?”

“Ano… ano po ang kailangan naming gawin?” ang tanong ni Tomas.

“Susugatan ko ng kaunti ang mga palad niyo gamit ang aking binasbasang balisong bago namin kayo payagang lumipat dito. Titingnan natin kung anong kulay ng dugo ang lalabas,” sabi ni Mang Fidel.

Matapos hugutin ang sibat at irolyo ang lubid, naglatag si Marco ng isang tabla bilang tulay sa pagitan ng balsa at ng bangka. Ginamit ito ni Mang Fidel para tumawid sa aming balsa.

Nagprisinta si Eve na mauna.

Sinugatan ni Mang Fidel ang kanyang palad, at ang dugo ay umagos—PULA.

“Pasensya na sana kayo. Kailangan kong gawin ito. Masyadong mapanganib ang mga Sutsot. Alam ni Jasmine ‘yan. Sige, umakyat ka na sa bangka,” sabi niya.

Sumunod kami ni Jasmine. Pigil-hininga ako nang humalik ang talim sa aking balat—pero ang makitang pula ang dumadaloy sa aking palad ay tila isang kaligtasan. Ang dugo ni Jasmine ay malinis din.

Pagkatapos ay si Tomas. Pulang muli.

“Ikaw naman, Adam,” sabi ni Mang Fidel, habang pinupunasan ang talim ng kanyang balisong.

Hindi gumalaw si Adam. Sa halip, humakbang siya nang dahan-dahan palayo kay Mang Fidel, ang kanyang kamay ay humigpit sa hawakan ng kanyang machete.

“Kuya?” bulong ni Jasmine.

“Adam?” ang wika naman ni Eve.

Pagkatapos—isang malalim at malakas na atungal. Ang atungal na iyon ay katulad ng unang atungal na narinig ko sa Isla Miedo.

Parang nanghina ang mga tuhod ni Jasmine. Napapaatras siya at humawak sa braso ko para hindi matumba. Nabigla rin  si Tomas. Napakapit siya sa gilid ng tabla, ang mga mata ay nanlalaki pilit inuunawa ang mga pangyayari.

At sa sandaling iyon, ang lahat ay luminaw. Ang katotohanang ayaw naming makita ay sumisigaw na ngayon mula sa lalamunan ni Adam. Ang nilalang na nasa harap namin ay hindi ang kapatid ni Jasmine. Hindi na  kailanman magiging siya.

Ang Sutsot na pinagkatiwalaan namin—si Berith pala mismo—ay kasama na pala namin simula pa noon sa sapa. Tunay ngang magaling siyang manlinlang.

Naipaliwanag nito ang lahat:  kung paano tila hindi sumasalakay ang mga demonyo noong nasa isla pa kami. Hindi gustong patayin ni Berith si Eve—sinubukan niya itong angkinin. Gamitin siya. Para dalhin ang kanyang panlilinlang pabalik sa mainland.

Gusto kong magkamali. Diyos ko, nanalangin ako na sana ay mali ako. Pero ang hula ni Kharon ay muling umalingawngaw sa isip ko, “Isa sa inyo ang mabubuhay para ibahagi ang kuwentong ito. Ang iba’y magiging plamuti sa kuwento.”

Siguro ang nagpanatili sa akin na buhay ay ang aking matigas na kagustuhang mabuhay. Marahil ay hinayaan niya si Tomas dahil kapatid ito ni Eve. Pero bakit niya pinili si Eve?

Marahil ang sagot ay nasa galit na kanyang ginising. Kaya naman pala ganoon na lang ang poot ni Empusa. Ang kanyang galit ang nagbigay sa kanya ng lakas—ang lakas na maaaring nakasira kay Berith mismo, kung hindi lang kami nakialam. Totoo ngang wala nang mas titinding galit pa kaysa sa galit ng isang babaeng nalinlang.

Pinatay niya ang babaeng Sutsot—si Empusa, ang demonyong nagmahal at nagsilbi sa kanya sa loob ng ilang siglo. Ang pagkamatay nito ay hindi aksidente; mukhang bahagi ito ng isang plano. Pinatahimik niya ito para burahin ang huling saksi sa kung ano siya noon. Ngunit sa halip na bumaling sa amin, nagpakita ng interes si Berith kay Eve—tila ba may hawak itong bagay na wala sa aming lahat. Pinatay ni Berith si Empusa dahil kailangan niyang pumili sa kanilang dalawa.

Pag-ibig ba ito?  O isang mas madilim na layunin na tanging mga demonyo lang ang nakakaintindi?

Anuman iyon, ang isiping pinili ni Berith si Eve ay nagdulot ng sakit sa kalooban ko. Siguro hindi lang ito takot—ito ay panibugho. Maging ang isang demonyo ay nangahas na gustuhin ang bagay na hindi ko kailanman nakuha.

Ang mga langitngit mula sa balsa ang nagbalik sa akin sa kasalukuyan. Nakatayo si Tomas sa tablang nagsisilbing tulay  sa pagitan ng balsa at bangka. Napaluhod si Jasmine sa tabi ko, hindi siya makapaniwala sa nasasaksihan.

“Wala na ang kuya ko… wala na ang kuya ko!” hikbi niya.

Lumuhod ako sa tabi niya, dahan-dahang kong hinawakan ang kanyang batok para aluin siya. Hindi ko alam kung ano ang tamang sabihin sa pagkakataong iyon.

At sa dahilang siya lang ang nakakaalam, nagtangka si Eve na bumalik sa balsa. Tumalon si Tomas mula sa tabla patungo sa bangka at pinigilan ang kanyang kapatid.

“Bitiwan mo ako, kuya. Pakiusap, huwag ninyong sasaktan si Adam!”

“Eve, hindi ‘yan si Adam—si Berith ‘yan,” sabi ni Tomas, habang hinihigpitan ang hawak sa braso niya.

Ang hirap paniwalaan na nangyayari ang nasasaksihan ko. Mukhang hindi alam ni Eve ang kanyang ginagawa. Mukhang hindi niya naiintindihan ang nangyayari. Ngayong alam na niya na nasaniban ni Berith si Adam, bakit niya ito pilit na ipinagtatanggol?

Patuloy akong sinasaktan ni Eve… subalit handa pa rin akong siya ay unawain.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na ang pag-ibig ay maaaring maging bulag para yakapin ang sarili nitong kapahamakan—pero ang mga salita ay hindi lumabas sa aking bibig. Ang tanging nagawa ko lang ay panoorin siyang nanginginig sa mga bisig ni Tomas habang nagpupumiglas at nagpipilit na puntahan ang halimaw na tila kanya nang iniibig.

Sa halip na galit ay awa sa kanya ang aking nararamdaman.

“Pakiusap… huwag niyong sasaktan si Adam!” sigaw ni Eve.

Mahirap unawain kung bakit  ipinagtatanggol ni Eve ang halimaw? Tumingin sa kanya si Jasmine, napapailing sa kalituhan sa nakikitang asal ni Eve. Pasasalamat ba ito, dahil iniligtas siya ng Sutsot na noo’y  nagpapanggap na si Adam? O nalilito lang siya… nakakulong sa mga pang-aakit at labing ni Berith na mapanlinlang?

Pagkatapos ay idiniin niya ang kanyang nanginginig na kamay sa kanyang tiyan. Para siyang napangiwi. Sinabi ko sa sarili ko na maaring kumirot lang bigla ang bahagin iyon ng kanyang tiyan—pero may isang mas madilim na kaisipan ang sumagi sa isip ko. Pilit ko itong iwinawaksi.  Nang bumalik ito at unti-unting kinakain ang aking isipan, ang tanging naibulong ko na lang ay, “Diyos ko, huwag naman sana.”

Isang malaking alon nanaman ang humampas sa amin dahilan upang mapahiwalay sa bangka ang balsa. Ang spotlight ay kumurap-kurap pero nanatiling nakabukas, nagbibigay ng nanginginig na liwanag sa kaguluhang nangyayari sa harap namin. Nagtapat sina Adam at Mang Fidel. Si Adam ay may itak, habang si Mang Fidel naman ay may balisong.

Tumalon si Tomas pabalik sa balsa matapos kaming pakiusapan na pigilan si Eve sa pagsunod. Inihagis ni Mang Fidel ang balisong kay Tomas at binunot ang dalang machete mula sa kanyang baywang. Inikutan nina Tomas at Mang Fidel si Adam.

Nakita ko si Marco na itinututok ang baril kay Adam, ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang sinusubukang puntiryahin si Adam. Hindi nakatulong ang malalakas na alon na patuloy na humahampas sa bangka. Dalawang putok ang bumasag sa bagyo—isa, at isa pa. Hindi natamaan ang Sutsot. Nanatili itong nakatayo.

Sinubukan ni Marco na muling iputok ang kanyang baril. Hindi ito pumutok. Mukhang naubusan ng bala. Mula sa kanyang bulsa ay kumuha siya ng mga bala, pero dahil sa paulit-ulit na hampas ng alo ay hindi niya ito mailagay sa kanyang baril.

Ang bangka ay patuloy na hinahampas ng malakas na alon. Patuloy ang paglayo ng balsa rito.

At di nagtagal ay naglaho na ang balsa sa paningin namin. Inikot ni Marco ang spotlight upang hanapin ang balsa pero wala na kaming makita.

Ang kulog ay kumakalmot sa langit habang ang wisik ng tubig-alat ay nagdudulot ng hapdi mga mata.

Narinig ko ang pamilyar na atungal, sinundang ng sigawan. Mahirap tukuying kung saang direksyon nangaling.

Paulit-ulit na hinila ni Marco ang tali ng motor, pero ayaw itong umandar. Sinubukan niya nang ilang beses, pero tila bumigay ang makina sa kung kaylan kaylangang-kaylangan ito.

Pagkatapos ay dumating ang malakas na buhos ng ulan—parang mga kumot ng tubig na humahampas sa aming mga mukha.

Napilitan kaming gumamit ng mga sagwan, pero hirap kaming  maigaod ang bangka dahil sa alon at hangin. Ang aming mga pagtatangkang hanapin ang balsa ay walang saysay laban sa malupit na hangin at naglalakihang alon. Wala kaming malinaw na direksyon, kaya wala kaming nagawa kundi hayaan ang alon at hanging magpasya kung saan kami dadalhin.

Ilang saglit pa’y humupa ang malakas na hangin. Luminaw ng kaunti ang paligid. Hindi pa rin namin matanawan ang balsa. Pero sa isang dako ay my nakita akong ilaw. Maaaring iyong ang parola sa pinanggalingan naming breakwater. Ang agos ay sa direksyong ng ilaw na iyon kami dinadala.

Tila ba ang karagatan mismo ay napagod na sa pakikipaglaro sa amin, at nagpasya nang ibalik kami kung saan kami nanggaling. Sa pagod ay napaupo na lamang kaming lahat sa sahig ng bangka.

Naalimpungatan ako ng naramdaman kong sumadsad ang bangka. Panandalian pala akong nakatulog. Halos sabab-sabay kaming tumayo.

Kasabay ng pagsadsad namin sa buhanginan malapit sa breakwater ay ang paghinto ng ulan. Huminto na rin ang malakas na hangin.

CHAPTER 10A
“Ang Tunggalian”

Huwan Kang Lilingon
(Maikling Nobela – Horror)

Huwag Kang Lilingon ~ Chapter 9A

Chapter 9A
“Ang Pagbubunyag”

Itinulak ni Tomas ang balsa palaot, pero bago pa man kami makalayo, may mga aninong sumulpot mula sa aming likuran  at nagsitalunan rin papunta sa aming balsa.

Kumalabog… tatlong sunod-sunod. Animo’y tinamaan ng malakas na alon ang balsa. Halos tumaob ito. Nabuwal ako’t gumulong papunta sa likurang bahagi… kasabay ko sina Eve at Jasmine. Sina Tomas at Adam ay nakabalanse. Matataga ang kanilang pagkakatayo.

Nang tumigil sa pag-ugoy ang balsa ay may tatlong katawang nakatayo sa aming harapan. Mga Sutsot na nasa katawan ng mga tao. Dalawang lalaki… isang babae. Silang lahat eh halos kasingtangkad nina Adam at Tomas. Ang mga lalaki’y pawang nakahubad… matitipuno ang katawan.

Unti-unti lumapit ang mga Sutsot. Tinignan ko si Eve. Tumayo ako sa harapan niya, gusto kong magsilbing kalasag niya laban sa mga papalapit na nilalang.

Tatlong putok ng baril ang umalingawngaw. Dalawa sa mga Sutsot ang napaatras, dahan-dahang lumuhod habang ang kulay berdeng likido ay bumubulwak mula sa kanilang dibdib.

Bago pa sila tuluyang tumimbuwang, sinalubong na sila ni Adam. Iwinasiwas niya ang kanyang itak nang dalawang beses—malinis, walang awa. At ang dalawang bangkay ay nahulog sa dagat… magkahiwalay ang ulo’t katawan.

“Hindi mo laging matatamaan ang target mo, Tomas,” isang boses ang nangutya.

Tinig iyong ng isang babae.

Ang ikatlong Sutsot ay tumayo nang matuwid. Gamit niya ang katawan ng isang babae. Muling kinalabit ni Tomas ang baril.

Click.

Ubos na ang bala.

Kinapa niya ang kanyang bulsa.

“Diyos ko… nalaglag ko ‘yung ibang mga bala ko,” bulong niya, bakas ang pagkadismaya sa kanyang boses.

Inilabas ni Jasmine ang kanyang patalim at ibinalibag sa Sutsot. Sinubukang umiwas ng demonyo, pero tinamaan ito sa kanang balikat. Hindi siya napuruhan. Daplis pero nakabaon ang patalim sa kanyang balikat.

Parang balewala lang na hinugot ng Sutsot ang patalim. Berdeng likido rin ang umagos mula sa kanyang sugat.

“Salamat sa patalim. Sayang… dapat sa puso ko pinuntirya mo. Tapos na sana problema ninyo.”

Tumitig sa amin ang halimaw. Para isa-isa kaming kinikilatis. Ang kanyang galit ay hindi maitago nang mala-anghel niyang kagandahan. Parang hindi ordinaryong babae ang nasa aming harapan. Mukhang ang katawang iyon ay hindi niya inagaw kung kanino man. Isa lang ang alam kong makakahigit sa kagandahang iyon… si Eve.

Sa likod ng paghanga sa kagandahang angkin ng Sutsot ay kinikilabutan ako. Siya kaya si Empusa.

Lima kaming tao laban sa isang Sutsot. Ang demonyo ay may patalim, at si Adam ay may hawak na machete. Hindi sumasalakay ang Sutsot. Naglalakad siya sa balsa na parang isang leon na sinusukat ang layo niya sa kanyang bibiktimahing usa.

Huminto siya sa tapat ni Adam, ang mga mata ay nakapako sa huli.

Nagsalita ang Sutsot sa isang wikang hindi ko maintindihan. Ang boses niya ay parang paos at puno ng poot. Habang siya’y nagsasalita ay tumuro siya sa direksyon ng nasusunog na isla. Sinisisi ba niya si Adam sa sunog?

Walang sinabi si Adam. Hinigpitan lamang niya ang hawak sa machete; hindi niya inalis ang tingin sa Sutsot na nasa kanyang harapan. Pareho silang handang pumatay.

“Berith, ginawa mo ang lahat ng ito dahil sa isang babae? Hindi pa ba ako sapat? Daan-daang taon na tayong magkasama,” Nagsalita na ang halimaw sa wikang naiintindihan namin.

Tinawag ng demonyo si Adam sa pangalang Berith. Ang pangalang iyon ay umalingawngaw sa isip ko.

“Ako ang anino mo, Berith. Pinagsilbihan kita… binigyan ng maraming supling… sinunod ko lahat ng iyong kagustuhan… at ngayon ay itatapon mo ako para siya ang makasama mo? Tanga ka ba… ako ay ganito ang hitsura ko hanggang sa dulo ng panahon. Pero iyang si Eve ay ilang taon lang eh tatanda… mangungulubot. Ako hindi.”

“Tomas… Willy… iyan si Empusa,” ang bulong ni Jasmine sa amin.

“Adam ang pangalan ko!” Pa-angil na wika ni Adam. “Bistado na namin kayong mga Sutsot. Hindi na tatalab sa amin ang mga kasinungalingan mo… ang panlilinlang mo!”

“Ah talaga? Nagbibiro ka ba, Berith?” pangungutya ng Sutsot. Tumawa nang tumawa ang babaeng Sutsot.

“Berith… Berith… Prinsipe  ng Impiyerno, panginoon ng panlilinlang. Pinaniwala mo ako na may dakila kang plano para sa ating lahat. Pero ano ang ginawa mo? Hinayaan mong masunog ang mga kasamahan mong anghel na libong taon mo nang kasama… pinaglingkuran ka… sinusunod ka… at ang ating mga mga anak… hinayaan mong masunog. Itinakwil mo kami—lahat dahil sa isang sariwang karne na ni hindi na birhen nang makuha mo.”

Itinuon ng Sutsot ang paningin kay Eve, mabilis na tumakbo patungo sa kanya at sinubukang saksakin ito. Pero mas mabilis si Adam, pinatid niya ang demonyo at sinipa palayo.

Sa sandaling iyon, hindi ko alam kung sino ang mas dapat katakutan—ang babaeng Sutsot o si Adam, na tinawag nitong Berith. Bakas din ang kalituhan sa mga mata nina Jasmine at Tomas.

Napatingin ako kay Eve… minsan akong nagbiro na sa kariktan niyang angkin ay kahit mga maligno, halimaw, o demonyo, kung sila’y damdamin ding katulad ng mga tao, ay imposibleng hindi sa kanya magkagusto.

Tumayong muli ang babae Sutsot… binuksan nito ang kanyang bibig. Narinig kong muli ang atungal na inisip ko noon na galing sa isang babaeng halimaw. Ang atungal na iyon ang laging pumapangalawa noon tuwing magiingay at maghihiyawan ang mga Sutsot.

Kasalanan mo ang lahat ng ito, babae! Inakit mo si Berith. Tingnan mo kung ano ang ginawa niya para sa’yo.” Itinuro ng nanginginig na daliri ng demonyo ang nasusunog na isla.

Muling sumugod ang halimaw kay Eve, pero sinalubong siya ni Adam at nagpambuno sila sa sahig ng balsa. Yumanig nang malakas ang balsa, kaya napakapit kami sa mga panaling nakausli sa mga pagitan ng sahig nito para hindi kami mahulog.

“Hanggang sa huli, ipagtatanggol mo ang babae mo.”

Nagpambuno sina Adam at ang Sitsit. Naibagsak ng Sutsot si Adam at napatungan ito. Parang eksena sa pelikula ang aking nakikita. Nakontrol ng Sutsot ang kamay ni Adam na may hawak na machete, habang ang kabilang kamay nito ay itinaas ang kutsilyo, handang itarak sa mukha ni Adam.

Mabilis kaming sumaklolo nina Tomas. Hinawakan ko ang braso ng Sutsot, habang pilit na ibunubuka ni Tomas ang mga daliri nito. Sumali si Jasmine, at si Eve naman ay walang tigil sa pagsipa sa binti ng demonyo.

Kalauna’y naagaw namin ang patalim.

Hinawakan namin ang mga braso at binti ng Sutsot. Malakas siya, hirap kaming siya’y kontrolin. Nakawala si Adam mula sa ilalim. Pinagtulungang naming idapa sa balsa ang halimaw.

Tila napagod sa pagpipiglas ang Sutsot. Hindi na ito kumikilos kalaunan.

“Bakit mo ito ginawa sa akin, Berith? Minahal at pinaglingkuran kita,” bulong ng Sutsot.

Niluhuran ni Adam ang Sutsot. Idiniin nito ang kanyang tuhod sa likod ng halimaw. Hinablot niya ang buhok nito at hinila ang ulo pabalik. Sa isang malamig na boses, sinabi niya, “Itigil mo na ang panlilinlang… Adam ang pangalan ko.”

Dahan-dahan niyang nilaslas ang leeg ng Sutsot gamit ang kanyang machete. Kahit demonyo ang ginagawan niyong ay  hindi ko kayang panoorin. Si Eve ay umiwas din ng tingin. Pero sina Tomas at Jasmine ay hindi kumurap. Pinanood nila ang pagpipiglas ng Sutsot habang hawak nila sa magkabilang kamay nito.

Mula sa nakadilat na mata ng Sutsot ay parang may lumabas na kulay itim na usok.

Nang tuluyang maputol ang ulo ng halimaw ay  sinipa ni Adam ang katawan hanggang sa ito’y mahulog sa dagat. Ang hawak nito ulo ng Sutsot ay palayong ibinalibag.

Matagal na walang nagsalita. Siguradong iniisip din nina Tomas at Jasmine ang sinabi ng demonyo.

Kung hindi lang namin alam na mga dalubhasa sa panlilinlang ang mga Sutsot ay maaaring paniwalaan namin ang mga sinabi niya tungkol kay Berith.

*****

Bumalik si Tomas sa paggaod.

Lumingon ako sa Isla Miedo. 

Ang apoy ay naging isang dambuhalang halimaw, isang buhay na nilalang na inuubos ang lahat ng madilaan nito. Naririnig pa namin  ang ingay ng mga Sutsot. Ang kanilang panaghoy ay hindi awa ang nilikhang damdamin sa akin kundi pagbubunyi.

Nanalangin ako na sana ay  ubusin ng apoy ang bawat anino at  walang itira kahit isa sa kanila. Umaasa ako na wala nang Sutsot na mabubuhay pa. Umaasa ako na wala nang tao ang mapupunta sa Isla Miedopara mabiktima.

Lumapit si Eve sa kanyang kapatid at niyakap ito, habang ang mga mata ni Jasmine ay nanatili kay Adam. Hindi mabasa ang kanyang mukha, naghahalo ang paghanga at pagdududa. Ang mga alon ay humahampas sa balsa, tila hinuhugasan ang init na naramdaman niya nang makitang buhay ang kanyang kapatid.

Unti-unting nagdilim habang lumalayo kami sa isla hanggang sa ang dagat at langit ay naging isang walang katapusang itim na salamin. Ang tanging liwanag ay nagmumula sa malamlam na kislap ng aking cellphone. Mabuti at may kaunting battery pa ito.

Ilang minuto ang lumipas, isang mahinang liwanag ang kuminang mula sa kung saan. Patuloy na lumaki ang liwanag at kalaunan ay isang haligi ng hamog ang nabuo sa harap namin—katulad ng nabuo nang sunduin kami ni Kharon sa breakwater.

“Dito tayo dumaan para makarating sa Isla Miedo,” sabi ni Jasmine. “Maaaring ito rin ang daan natin palabas.”

Tila ginagabayan ng isang puwersang hindi nakikita, pumasok ang aming balsa sa hamog. Hanggang sa mga sandaling iyon, ang kilabot sa aking gulugod ay hindi pa rin nawawala. Malayo na kami sa isla, pero may nararamdaman pa rin ako. Ito’y isang panganib pero hindi ko alam kung saan galing.

Sa halip na humawak sa kanyang kapatid, mahigpit na umukyabit si Eve sa braso ni Adam. Nahuli ko sina Tomas at Jasmine na muling nagpalitan ng mga nag-aalinlangang tingin. Sanay na akong makita siyang nakakapit sa braso ng iba sa halip na sa akin—una kay Jeff, at ngayon kay Adam. Kung darating pa ba ang pagkakataong braso ko naman ang hahawakan niya ay hindi ko alam.

Sa unahan namin, ang liwanag sa likod ng makapal na hamog ay naging mas malinaw. Hindi ako nagkakamali—si Kharon iyon, sakay muli ng balsang kawangis ng balsang sinasakyan namin.

May mga sakay nanaman siya… lahat sila ay nakaupo, tila natutulog. Nakita namin sila nang mas malapitan  nang ang kanilang balsa ay ilang metro na lang ang layo sa amin.

“HOY! HOY! GISING! HUWAG KAYONG PUMUNTA SA ISLA!” Ang bulalas ni Jasmine.

Pero ang mga tao sa balsa ni Kharon ay nanatiling tahimik, hindi gumagalaw, tila ba natutulog habang nakaupo.

“Matanda! Wala na ang isla mo—sinunog na namin!” sigaw ni Tomas.

At muli ay narinig ko ang boses ni Kharon.

“Iyan ang akala niyo. Iyan ang pinaniniwalaan niyo, mga hangal na tao.”

Sinundan niya ito ng isang mala-demonyong tawa.

“Patay na ang lahat ng mga amo mong Sutsio!” sigaw muli ni Tomas.

Muli, sumagot si Kharon sa tonong tila pamilyar.

“Umasa kayo sa wala… hilingin niyo ang hindi mangyayari. Ang gabing ito ay simula pa lamang… hindi ang wakas.”

Pagkasabi niya niyo’y muli siyang tumatawa. Nang-uuyam. Ang hamog ay tila tumitibok kasabay ng kanyang tawa.

Chapter 9B
“Ang Pagbubunyag”

Huwan Kang Lilingon
(Maikling Nobela – Horror)

Huwag Kang Lilingon ~ Chapter 8

Chapter 8
“Sa Ningas Ng Paghihiganti”

Humakbang kami palabas ng bahay ni Adam. Sinalubong kami sa makapal at malagkit na hangin. Tahimik ang paligid pero ang katahimikang iyon ay isang patibong.  Hindi  kami puwedeng maging kampante.

Habang binabagtas namin ang gubat pabalik sa sapang pinanggalingan namin  ay ramdam ko pa rin ang kilabot sa aking gulugod. Hindi ito halos nawala mula nang makita namin si Adam sa may sapa.

Nang makarating kami sa sapa ay tumigil kami panandalian. Tinitigan ko ang malaking kagubatan na nakatayo sa pagitan namin at nang dalampasigan na kung nasaan ang balsang gagamitin namin pabalik sa pinanggalingan naming breakwater.

Sinimulan naming pasukin ang kagubatan. Ako ang nasa huli habang nangunguna si Adam, ang kanyang itak ay bahagyang kumikislap sa dilim. Nasa gitnang sina Jasmine at Eve. Si Tomas ay sinasabayan sa paglalakad ang kanyang kapatid.

“Brod meron akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.” bulong sa akin ni Tomas na binagalan ng kaunti ang paglalakad upang maabutan ko siya.

Habang papalapit kami sa gubat, ay nakita kong parang nahawan ang matataas  damo na tila may dumaan doon. Sigurado akong mga Sutsot iyon. At nang nakapasok na kami sa gubat ay nagsimula ng lumikha ng ingay ang mga Sutsot. Malakas ang sigawan ng mga halimaw ngunit kung noong dati ay nahihintakutan ako kapag narinig ko sila, ngayo’y wala na. Marahil ay mas iniisip ko ang gagawin naming pagtakas mula sa mala-impyernong isla.

Mabilis ngunit maingat ang ginawa naming pagtakbo. Tinitiyak namin na walang maiiwan  at mahihiwalay sa amin.

Nakarating kami sa lugar kung saan namin inilibing si Daniel—ang kanyang katawan ay wala sa hukay na ping libingan namin sa kanya, at malayo s ang kinalalagyan  ng kanyang ulo.

“Sandali!” sigaw ko. “Hindi natin pwedeng iwan si Daniel nang ganito.”

“Ha—!?” Naputol ang boses ni Eve. “Diyos ko… si Daniel ‘yan?”

Napaatras siya, ang mga mata ay nanlalaki sa takot at pagkagulat. Tila nanghina ang kanyang mga tuhod, napaluhod siya.

“Ilang kamatayan pa ba ang kailangan kong makita?” Ang mga salita niya ay putol-putol, barado ng hikbi. “Kasalanan ko ang lahat ng ito… may ibang tao pang nadamay.

Itinakip niya ang dalawang kamay sa kanyang bibig para pigilin ang sigaw na namumuo sa kanyang lalamunan. Nangangatog ang kanyang mga balikat.

Mabilis na lumapit sina Tomas at Adam sa kanya. Naunang lumuhod si Adam sa tabi ni Eve. Ibinaba ang kanyang itak. Inakbayan ni Adam Eve.

“Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil sa nangyari,” ang wika ni Adam. “Hindi na bata si Daniel. Ginusto niyang pumunta dito sa isla..”

Wala akong magawa kundi pagmasdan sina Eve at Adam. Noon ka lamang siya nakitang umiyak at gusto ko sana siyang aluin. Pero naunahan ako. Lagi akong nauunahan pagdating kay Eve… nauhanan ako ni Jeff… at mukhang naunahan din ako ni Adam. Pumunta ako sa isla para iligtas siya, pero naunahan ako. Lagi akong nahuhuli pagdating sa kanya.

Nang halos malagutan na ako ng hininga dahil sa panibugho, ay itinuon ko ang aking atensyon sa hawak kong pamalo. Ganoon naman ang naramdaman ko. Hindi ko malamang kung hawak ko ang piraso ng kahoy o kinakapitan ko ito na parang salbabida na kapag binatawan ko’y baka malunod ako sa ilog ng kalungkutan.

Pagkatapos ay humagupit ang hangin, dala ang masangsang na amoy ng nabubulok na laman. Nagising ako mula sa panibugho at muling natuon ang pansin sa luray-luray na katawan ni Daniel. Guta-gutaytay ang kanyang katawan, ang kanyang mga laman-loob ay nilapa—kung ng mga lobo ba o ng mga demonyong Sutsot, hindi na namin alam. Napako ako sa aking kinatatayuan.

Narinig namin ang mga galaw sa paligid. Nagsimula ang nakakabinging atungal at alulong. May mga aninong mabilis na gumagalaw sa pagitan ng mga puno, ang kanilang mga hiyaw ay umaalingawngaw sa bawat panig.

Tinulungan ni Adam si Eve na tumayo at sinabing, “Pasensya na, pero kailangan na nating magpatuloy. Huwag titingala—nasa itaas natin ang mga Sutsot!”

Inihanda nina Jasmine at Adam ang kanilang mga sandata.

“Tara, Willy, tulungan mo ako,” sabi ni Tomas, at sumunod naman ako.

Mabilis naming inayos ang katawan at ang pugot na ulo ni Daniel sa ilalim ng kumot ng mga tuyong dahon at sanga. Tumulong din si Eve.

Mula sa aking backpack, kinuha ko ang mga mitsa at inipong kerosene ni Daniel. Ibinuhos ang mga ito sa ibabaw sa pinaglagyan namin  ng kanyang bangkay. Sa isang pitik ng lighter ni Daniel, nasindihan ko ang tumpok ng mga sanga at dahon. Pinanood namin ang pagsiklab ng apoy.

Nagpatuloy ang mga hiyaw —pero sa pagkakataong ito, hindi para magdiwang, kundi dahil sa takot. Napansin kong lumalayo ang mga Sutsot sa kinalalagyan namin. Totoo ngang takot ang mga halimaw sa apoy.

Mabilis na kumalat ang apoy. Nagdagdag pa kami ni Tomas ng mga dahon at sanga. Ang apoy ay lumaki, dinidilaan ang mga kalapit na dahon at gumagapang sa mga tuyong baging na nakapulupot sa mga puno. Wala na akong marinig na galaw sa paligid, tanging ang lagitik at sagitsit  ng apoy na lumalamon sa bawat tuyong dahon at marupok na sanga madilaan nito.

Tila nararamdaman ko ang espiritu ni Daniel sa dila ng mga apoy. Pinapaypayan niya ang apoy gamit ang mga kamay na hindi nakikita… inuutusang habulin ang mga Sutsot at ubusin sila upang siya’y makapaghiganti.

Mula sa malayo, dinig namin ang hiyaw at ungol ng mga Sutsot. Nagsisigawan sila, hindi upang magdiwang at magkasayahan. Sigaw iyon ng  paghihirap at sindak.

Tuloy-tuloy ang  aming pagtakbo at hindi na nangangamba sa panganib na dala ng mga halimaw. Sila man kasi ay tumatakbo, hindi para kami habulin. Tumatakbo sila upang takasan ang apoy na likha ng paghihiganti ni Daniel.

Pagkatapos ay narinig ko ang pamilyar na atungal—muli, isa na lang—na sinundan ng koro ng mga takot na hiyawan. Napaisip ako kung nasaan ang kanilang pinuno. Patay na  ba siya? O may iba na bang nag-uutos sa mga Sutsot? May kakaiba sa solong atungal na iyon. Galit na galit.

Sa pangunguna nina Adam at Jasmine, tinahak namin ang daan patungo sa dalampasigan. Habang nagngangalit ang apoy, naramdaman namin ang tindi ng init sa aming likuran, na nag-uutos sa aming bilisan ang takbo at lumabas mula sa gubat.

Pagod na pagod na ako pero hindi ko magawang huminto. Batid kong ganoon din ang mga kasamahan ko. Batid naming lahat na kapag huminto kami sa pagtakbo ay baka abutan kami, hindi ng mga Sutsot kundi ng naglalaglab na apoy na walang pinapatawad sa mga nadadaanan nito.

Kakaibang ginhawa dulot ng isipin na ang islang ito ay malapit nang maging isang libingan—hindi lang para sa mga biktima nito, kundi para na rin sa mga halimaw na naninirahan dito.

*****

Nakalubog na ang araw nang lumabas kami mula sa gubat. Mula sa pampang, kitang-kita ang malaking apoy na aming sinimulan. Sinabi ni Adam na nagkalat siya ng gaas sa ilang bahagi ng gubat, at tila ito ang nagpapalakas sa apoy.

Ang mga dating mapanghamong hiyaw ng mga demonyo ay naging mga desperadong tili; ang kanilang kayabangan ay napalitan ng takot.

Habang tumatakbo kami, isang kakaibang saya ang bumangon sa akin. Naiganti namin si Daniel—at ang hindi mabilang na iba pang biktima ng mga Sutsot sa loob ng mahabang panahon. Ngunit sa likod ng tagumpay na iyon, alam kong hindi pa tapos ang laban. Hindi magtatagal at ang mga halimaw na nakaligtas sa apoy ay makakarating din sa dalampasigan—o baka naunahan pa nila kami. Ang pampang na lang ang tanging matatakbuhan nila.

Bagama’t takipsilim na, ang dalampasigan ay nagliliwanag nang nakapangingilabot dahil sa nasusunog na gubat. Ang apoy ay bumabakas sa mga alon, kinukulayan ang dagat ng kahel na parang likidong apoy.

Mabilis kaming tumakbo sa dalampasigan patungo sa kinalalagyan ng balsa ni Kharon. Nasa hulihan pa rin ako. Kaylangan nang bantayan ko ang likuran upang tiyakin na walang Sutsot na bigla sa aming susugod.

 Nangunguna si Tomas, habang kami ni Adam ay hirap na sumasabay kina Jasmine at Eve. Kaya ko namang tumakbo nang mas mabilis, pero nanatili ako sa huli para magbantay sa likuran—at para hindi mawala si Eve sa paningin ko. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya habang nagtatakbuhan kami patungo sa pampang.

May mga yabag na narinig ko sa aking likuran—tiyak kong hindi tao ang may-ari ng mga yabag na iyon. Pero patuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi kami pwedeng huminto. Hindi kami pwedeng magpahinga.

“Bro, mauna ka na kaunti.” Ang wika ni Tomas. Mukhang naulinigan din niya ang mga yabag na sumusunod sa amin.

Nang marinig kong nagkasa ng baril si Tomas ay biglang huminto ang mga yabag na sumusunod sa amin. Nakahinga ako ng maluwag.

Sa wakas, nakita kong narating ni Adam ang pampang kung saan namin iniwan ang balsa ni Kharon. High tide na noon, at halos kalahati na ng balsa ay lubog na sa tubig. Naging madali para kina Tomas at Adam na itulak ang balsa sa dagat.

Unang tumalon si Tomas sa balsa, inihahanda ang kawayang tikin. Hinintay kami ni Adam, hinayaang sumakay muna sina Jasmine at Eve. Nakatayo siya paharap sa direksyong pinanggalingan namin, hawak ang kanyang itak.

Nagsimulang itulak ni Tomas ang balsa palayo sa pampang.

“Bilis, Willy!” sigaw ni Adam.

Tumalon ako sa balsa sa tamang oras; yumanig ito nang lumapag doon ang aking mga paa. Si Adam ang huling sumakay. Lumingon ako at nakita ang apoy sa gubat na kumakalat—ang mga dila ng apoy ay kumakalos sa mga puno, nilalamon ang lahat ng malapit sa pampang.

Pero hindi lang apoy ang humahabol sa amin. Unti-unti lumalakas ang alon.

Chapter 9A
“Ang Pagbubunyag”

Huwan Kang Lilingon
(Maikling Nobela – Horror)

TEACHER OR LECTURER?

A Reflection on What It Really Means to Teach

“Teaching starts with a relationship. Until then, you are just a dancing monkey standing
in front of your students performing tricks.”
~ Andrew Johnson~

I. The Question Worth Asking

Not everyone who stands in front of a classroom truly teaches.

Some deliver content. Others shape minds. The titles may be identical — Teacher, Instructor, Professor — but the intentions, mindsets, and commitments behind them often are not. And this gap, quiet as it sometimes is, makes all the difference in the world to the students sitting in those chairs.

This raises an uncomfortable yet necessary question — not to accuse, but to reflect:

Are you a teacher? Or are you merely a lecturer?

These are not the same thing. A lecturer delivers content; a teacher transforms it into learning. A lecturer measures success by how much material was covered; a teacher measures it by how much understanding was actually built. Lecturers speak to students; teachers listen to them. A lecturer is satisfied when the lesson ends on time; a teacher is troubled by what remains unclear after the bell rings.

All teachers lecture at times — that is unavoidable. But not all who lecture truly teach. The distinction lies not in the method but in the mindset: Does this person see their role as the transmission of information, or as the cultivation of human potential?

II. How Teachers Differ From One Another

Even among those who genuinely intend to teach, no two practitioners approach the profession in exactly the same way.

Like fingerprints, their mindsets, tendencies, and personal philosophies are unlikely to be identical. Given the same course syllabus, we cannot expect any two teachers to design the same lesson plans or implement the same strategies. Some approach each class with meticulous preparation; others improvise; and some — regrettably — do not plan at all.

Work attitudes vary just as widely. There are teachers acutely conscious of the hours stipulated in their contracts, unwilling to extend themselves beyond what is formally required. There are others who go far beyond — who assist students outside teaching hours, volunteer for tasks no one asked them to do, and give freely of their time and energy without expectation of compensation.

And then there are those who arrive late, leave early, and submit required paperwork only when pressed — or not at all. If you are a teacher reading this, the question is not which group others belong to, but which group you honestly belong to yourself.

No one can force a teacher into the second group. But every teacher owes it to their students — and to themselves — to stay as far as possible from the third.

There are also teachers who are perpetual fault-finders — those who can always identify what is wrong with a policy, a colleague, or an administrator, but rarely what might be improved. When they find fault, they whine about it or gossip about it, or both. This habit does not make them critical thinkers. It makes them corrosive presences in a community that depends on trust and collaboration.

III. How Teachers Treat Their Students

Perhaps no difference among teachers is more consequential than the way they treat the people in their care.

Some set standards so exacting that only the strongest students can meet them, leaving the rest behind without apology. Others calibrate their expectations thoughtfully — maintaining rigor while ensuring that even the slowest learner has a genuine pathway to success. Some believe in a one-size-fits-all approach, as though all students arrive at learning in the same way, at the same pace, with the same needs. Others recognize that students differ profoundly in learning styles, abilities, languages, and personal histories — and they differentiate their methods accordingly.

Numerous studies confirm what students have always known intuitively: among the most valued qualities in an effective teacher are the ability to build genuine relationships, and a patient, caring, and kind personality. These are not soft virtues. They are the foundation on which all learning is built.

What causes some teachers to treat students with indifference or harshness? Sometimes the answer lies in upbringing or in the treatment they themselves received as students — a sad inheritance, passed unconsciously from one generation to the next. Sometimes it is simply burnout. Exhaustion does not excuse poor teaching, but it does help explain why some teachers gradually lose the fire they once had. Compassion, it turns out, is not inexhaustible. It must be renewed.

IV. The Heart of the Matter: Passion and Compassion

At its deepest level, the difference among teachers may be reduced to two qualities — and what each teacher does or does not possess of them.

There are teachers who possess both passion and compassion.

There are teachers who have only one of the two.

There are teachers who have neither.

Passion is what drives a teacher to prepare thoroughly, to stay current in their field, to search for better methods even when existing ones are adequate. It is the restlessness of someone who genuinely believes that this lesson, this class, this student deserves their best effort.

Compassion is what keeps that passion human. It is what reminds a teacher that behind every exam score is a person — with pressures, fears, histories, and hopes that the classroom did not create and cannot simply ignore.

Without passion, teaching becomes mechanical. Without compassion, it becomes cold. Without both, it becomes something that should not be called teaching at all.

If you are a teacher reading this — and if, in honest reflection, you find yourself in the third category — it may be time to ask whether you are in the right profession. That is not an accusation. It is an invitation to reconsider, before another generation of students pays the price for a choice that was never truly theirs to make.

V. The Question of Training — and Its Limits

One of the gravest mistakes an institution can make is hiring someone with no pedagogical training to teach.

Knowledge of a subject is not the same as the ability to teach it. Being a mathematics wizard does not automatically make one a mathematics teacher. Having perfect pronunciation and impeccable grammar does not make one an English teacher. Teaching requires something beyond subject mastery — it requires the ability to make that mastery accessible, to motivate learners who do not yet share it, to design assessments that genuinely measure growth, and to adjust strategies when understanding has not yet arrived.

To be fair, there are rare individuals who compensate for the absence of formal training through humility, mentorship, and a genuine hunger to learn the craft. But these are exceptions, not the rule. And relying on exceptions as a hiring strategy is a gamble made at students’ expense.

Yet perhaps the more troubling question is not about the untrained. It is this:

Why are there teachers who were trained to teach, yet behave as though they were not?

Teachers’ conduct is shaped by the educational philosophy they develop through their training — an evolving framework built from theory, practice, experience, and the personal belief systems they carry into the classroom. That philosophy, whether articulated or not, is visible in every decision a teacher makes: how they speak to students, how they respond to failure, how they handle disagreement, how they use — or misuse — the authority their position grants them.

When teachers act or speak in ways that diminish students, ignore professional codes, or prioritize personal comfort over student welfare, they are not simply having a bad day. They are revealing what they truly believe about teaching — and about the people they were hired to serve.

Common sense, even in the absence of formal training, should be enough to remind any adult in a position of influence: words carry weight. Actions leave marks. Students remember — sometimes for a lifetime — how their teachers made them feel.

VI. A Calling, Not a Paycheck

Teaching is not a neutral act.

Every teacher who enters a classroom makes a choice — consciously or not — about what kind of presence they will be. They can be a source of clarity or confusion, of encouragement or discouragement, of possibility or limitation. They can be the reason a student discovers a love of learning, or the reason that love dies quietly before it ever had a chance to grow.

The difference between a teacher and a lecturer is not merely technical. It is ethical. It is a question of whether one has accepted not just the job title, but the responsibility that comes with it — the responsibility to know your students, to adjust your methods, to take ownership of whether learning is actually happening, and to care about the answer.

A lecturer fills the time. A teacher uses it. A lecturer covers the syllabus. A teacher uncovers the student.

Not every teacher will be extraordinary. Not every lesson will ignite a passion. But every teacher can choose, on any given day, to be present — truly present — for the people who have been entrusted to their care.

That choice is available every single morning. It costs nothing except the willingness to make it.

That is — if they care.

If teaching is still a calling, and not merely a paycheck.

★  ★  ★

— M.A.D. Ligaya, PhD

Huwag Kang Lilingon ~ Chapter 7

CHAPTER 7
“Sa Muling Pagtatagpo”

Nakaalpas kami mula sa sakmal ng gubat na siyang naging libingan ng mga biktima ng mga halimaw at bumulaga sa amin ang isang sapa.

Napakalinis at napakalinaw ng tubig nagaanyayang kami’y magtampisaw… hinihimok kaming limutin ang lahat ng mga hindi magagandang karanasan namin mula ng dumating kami sa islang iyon. Pero napakahirap gawin niyon.

Naupo kaming magkakalapit, ang mga mata ay patuloy sa pagmamasid sinusuri ang bawat sulok sa paligid. Maging ang sapa, para sa akin, ay kahina-hinala—masyadong malinis, masyadong tahimik, masyadong mapang-akit.

Naupo ako sa mabatong bahagi  sa tabi ng tubig, pinagmamasdan ang aking repleksyon na gumagalaw sa umaagos na tubig ng supa. Tuyot na tuyot na ang lalamunan ko mula sa mahabang oras ng paglalakad at nakaktuksong yumuko para uminom. Kumikinang ang malamig na tubig, napakahirap tanggihan.

Ibinaba ko ang aking hawak na pamalo, bagama’t nag-aalinlangan akong bitawan ito. Ang kahoy na ito ay parang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob at huwag matakot sa mga Sutsot.

Akmang ilulubog ko na ang aking kamay sa sapa,  ang mga daliri ko’y nasa  ibabaw na ng tubig. Pero may pumigil sa akin. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Sa likuran namin ay pinanggalingang gubat. Sa kabilang pampang ng sapa ay isa nanamang kagubatan.

Nakakangilo ang katahimikan. Napakahirap kumampante at isipang okay na ang lahat.

Paano kung ito ang sandaling piliin ng mga Sutsot para sumalakay? Ang sapa ay mukhang masyadong perpekto, ang agos ay tila isang duyan na parang gusto akong ipaghele.

Binawi ko ang aking mga kamay. Baka may kung ano sa tubig—isang bagay na kapag nainom namin ay magpapahina sa amin laban sa mga demonyo. Kung ano-ano na ang inisip ko. Pati tubig na walang malay ay pinagduduhan kong kakampi ng mga halimaw.

Sinulyapan ko sina Tomas at Jasmine. Ang kilos nila’y nagpapahayag nang  pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim. Hindi ako pwedeng maging pabaya. Hindi ngayon… hindi kaylanman. Hindi ako pwedeng mamatay. Hindi ngayon. Hangga’t hindi ko nasisigurong ligtas si Eve.

Pagkatapos ay muli kong naramdaman  ang pamilyar na kilabot na gumapang sa aking gulugod, malamig at matalas, parang haplos ng mga daliring hindi nakikita. Natutunan ko nang pagkatiwalaan ang pakiramdam na iyon. Iyon ang paraan ng katawan ko para magbabala na meron nagbabantang panganib pero hindi ko nakikita.

Tumayo ako, at pinagmasdan ko ng mabuti ang paligid. Bawat kilos sa madilim na bahagi sa harapan namin at likuran ay pilit kong inaaninag. Bawat tunog ay mabusising pinapakinggan. Batid kong ganoon din sina Tomas at Jasmine. Kaligtasan namin ay kaylangang tiyakin. Lahat kami’y nangangamba na biglang sumulpot ang mga Sutsot at  katawan nami’y pilit na agawain..

Napansin ni Tomas na ako ay balisa.

“Ano ‘yun, bro?” tanong ni Tomas.

“Hindi ko alam…” Pabulong kong sagot. “May nararamdaman lang akong kakaiba.”

Mula sa likod ng isang malaking bato, isang lalaki ang lumabas.

Ang kanyang buhok ay tila mga madulas na lubid, ang kanyang balbas ay ligaw at may mga guhit ng abo. Halos kasing-tangkad siya ni Tomas pero mas malapad ang balikat. Ang machete sa kanyang baywang ay bahagyang kumikislap—ang hawakan nito ay parang pudpod na dahil sa ilang taong paggamit.

Dahan-dahan siyang humakbang palapit. Naamoy ko ang alat, kalawang, at pawis na umalingasaw mula sa kanyang katawan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hinablot ko ang aking sanga at humanda sa pakikipaglaban. Itinaas ni Tomas ang kanyang baril at itinutok sa lalaki. Pero nakakagulat ang bilis na ipinamalas ng lalaki. Sa isang iglap, naagaw niya ang baril ni Tomas at itinutok ito sa amin.

Susugod sana si Jasmine, pero mabilis na ibinaling ng lalaki ang baril sa kanya. “Huwag mong gawin ‘yan, Jasmine!”

Napatigagal kami.

“Kuya? Kuya Adam! Ikaw ba talaga ‘yan?”

Bahagyang ibinaba ng lalaki ang baril. “Oo. Ako nga. Kanina ko pa kayo pinagmamasdan simula nung makarating kayo sa sapa.”

Dali-daling lumapit si Jasmine para yakapin ang kapatid, pero mabilis akong humarang. “Sandali lang, Jasmine. Paano kung—”

“Huwag kang mag-alala, hindi ako Sutsot.  Hindi ako nasaniban.”

Nakahinga ng maluwag si Jasmine. “Salamat sa Diyos at buhay ka! Alam kong matatag ka!” bulalas niya, bago mahigpit na niyakap ang kapatid. Pagkatapos ay humarap siya sa amin at ipinakilala kami ni Tomas sa kanyang kuya.

“Kayo ba ‘yung nasa balsa ni Kharon kagabi?” tanong ni Adam habang ibinabalik ang baril ni Tomas.

Tumango ako.

“Ako ‘yung nagwawagayway ng sulo kagabi. Tuwing nakakakita ako ng  hanay ng ilaw sa gitna ng dagat, umaakyat ako sa tuktok ng mga burol na ‘yan.” Itinuro niya sa pinakamataas na bahagi ng isla. “Doon ako nagsisindi ng sulo para makita ng mga nasa balsa.”

Napailing si Tomas. “Mahirap paniwalaang nakatagal ka nang ganito dito sa dami ng mga demonyong ‘yan sa paligid.”

Ngumiti si Adam. “Sa tingin ko, ang training ko sa militar ang naghanda sa akin para rito. Pero ang tunay na nagpatibay sa akin ay ang kagustuhang ipaghiganti ang pagkamatay ni Julie… at iligtas ang sinumang maihahatid ni Kharon dito.”

Lalong hinigpitan ni Jasmine ang yakap sa kapatid. “Pero bawat taong naililigtas ko,” patuloy ni Adam, bakas ang panghihinayang sa kanyang boses, “sa huli ay kinakain din ng mga demonyong Sutsot.”

Kumalas siya sa yakap ni Jasmine. Tumingin sa aming isa-isa “At hindi ko alam kung hanggang kailan tatagal ‘yung nailigtas ko kamakailang lang… at kayo man.”

Nanlaki ang mga mata ni Tomas. “Ano? May nailigtas kang buhay pa hanggang ngayon?”

Hindi makahinga si Jasmine. “Babae ba siya, kuya?”

Sinalubong ni Adam ang kanyang tingin. “Oo.”

Nag-atubili siya—saka bumulong, “Evelyn ang pangalan niya.”

Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaligayahan. Kitang-kita ko rin kung paano nagliwanag sa galak ang mukha ni Tomas.

“Nasaan ang kapatid ko? Nasaan siya?” Ang tanong ni Tomas.

Laking gulat ni Adam. “Oww, ikaw ang kapatid ni Eve?”

Lumapit ako’t kinamayan ko si Adam. “Salamat brod. Maraming salamat. Si Eve ang dahilan kung bakit kami narito. Dalhin mo kami sa kanya.”

Sandaling hindi gumalaw si Adam. Pagkatapos, sa isang dahan-dahang tango, humarap siya sa mabatong bangin. “Sumunod kayo sa akin.”

Tumawid siya sa sapa. Mababaw lang naman ito. Lampas tuhod lang angn pinakamalalim na bahagi. Sinundan namin siya. Hawak ko ng mahigpit ang aking pamalo. Si Tomas ay nagkasa ng baril. Nakahanda rin ang patalim ni Jasmine. Batid naming lahat na hindi kami puwedeng kumampante.

Nang matawid namin ang sapa ay pumasok kami sa isa pang bahagi ng gubat. Mas malinis ito, hindi gaanong masukal—pero amoy ng kerosene ang paligid.

Nagtaas ng kamay si Adam, hudyat na magdahan-dahan kami. “Mag-ingat kayo sa bawat hakbang,” babala niya. “Ang bahaging ito ng gubat ay puno ng mga patibong. May mga hukay dito na may mga matatalas na tulos at binuhusan ko ng kerosene. May mga alarm system din ako dito sa bahaging ito ng gubat. Ginawa ko ito para hindi  hindi ako masalisihan ng mga Sutsot habang ako’y natutulog.

Habang naglalakad, napansin ko ang mga bahagyang kislap ng bakal sa pagitan ng mga ugat at sanga na natatabunan ng dahon. Ang hangin ay malapot sa amoy ng kerosene at kalawang.

Pagkatapos ay biglang tumigil si Jasmine. Sa unahan namin, nakasabit sa isang animo’y sapot ng gagamba pero yari sa baging ang isang kalansay—malinis na ang mga buto nito, ang bungo ay nakatingala sa langit. Ilang hakbang pa, may isa pang kalansay na nakasalampak sa isang hukay na puno ng matutulis na tulos ng kawayan.

“Mga Sutsot ang mga ‘yan,” ang wika ni Adam. “Mga biktima ng bitag ko ang mga iyan. Kapag narinig kong humihiyaw sila kapag nahuhuli sa mga patibong na iyan eh pinupuntahan ko para gamitan ko nitong bendidatong machete ko. Kaya takot na silang pumasok sa bahaging ito ng isla. Marami sa kanila ang namatay rito.”

Sa malayo, natanaw namin ang isang dampa na may bubong na gawa sa tuyong dahon ng nipa. Habang papalapit kami, may lumabas ng bahay… Eve.

“Diyos ko! Kuya! Kuya!” Ang boses niya ay binalutan ng magkahalong galak at iyak.

Mabilis na tumakbo si Tomas at niyakap nang mahigpit si Eve. “Salamat sa Diyos at buhay ka! Alalang-alala si Nanay sa’yo—pati na si Jeff.”

Gusto ko ring yakapin si Eve, sabihin sa kanya kung gaano ako kasaya na ligtas siya. Pero ang tanging nagawa ko lang ay ipikit ang aking mga mata at bumulong ng isang dasal ng pasasalamat.

“Hindi mo na kaylangang pumunta dito Kuya. Sobrang mapanganib.”

“At bakit hindi? Pinangako ko kay Tatay na poprotektahan kita sa lahat ng oras. Gagawin ko ang lahat para tiyaking ligtas ka Eve.”

“Sorry! Patawarin mo ako! Dapat nakinig ako sa’yo. Hindi ko na lang sana pinatulan ang hamon ng mga classmates ko na pumunta sa islang ito. Na-excite kasi sila sa mga napanood nila sa YouTube tungkol dito. At totoo nga palang may mga halimaw na naninirahan dito.”

“Masaya kami Eve na makitang ligtas ka.” sabi ko.

“Oo, salamat kay Adam. Iniligtas niya ako,” sabi ni Eve habang kumakalas sa yakap ni Tomas at sumisiksik kay Adam, ang kanyang ulo ay sumandal sa balikat nito. Para bang kay tagal na nilang magkakilala.

Gusto ko ring pasalamatan si Adam, pero ang mga salita ay tila bumara sa aking lalamunan. Sandaling nakalimutan ko ang isla, ang mga demonyo, pati ang pagkamatay ni Daniel. Ang makita si Eve na ganoon, buhay pero nakasandal sa balikat ni Adam—ay naghatid ng isang matinding kirot sa aking dibdib.

Gusto kong magdiwang dahil nakita ko siyang buhay, pero hindi ko magawa habang nakikita ko na parang napakalambing niya kay Adam. .

Tumingin ako sa malayo bago pa mabasa nina Tomas o Jasmine ang nakasulat na pagkadismaya sa mukha ko. Pero duda akong napansin nila. Ang mga mukha nina Tomas at Jasmine ay bakas rin nang pagkalito habang pinagmamasdan ang ipinapakitang lambing ni  ni Eve kay Adam.

Napansin ko ang pag-aalinlangan sa ngiti ni Tomas. Ang kanina’y pasasalamat na ipinpakita niya kay Adam ay mukhang napalitan ng duda at kalituhan. Halatang pilit ang kanyan ngiti nang tumingin siya sa akin.

Si Jasmine naman ay parang nagtataka. Ang kanyang tingin ay nakatutok  sa kanyang kapatid, pinagmamasdan kung paano nito hawakan si Eve. Hindi ko mahulaan kung ano ang naglalaro sa isip ni Jasmine.  Pag-aalinlangan, marahil. O takot. Tahimik siyang nag-antanda ng krus, bumubulong ng dasal na siya lang ang nakakarinig.

“Siyanga pala, gustong sumama ni Jeff, pero hindi siya pinayagan ng nanay niya,” sabi ni Tomas, upang basagin ang katahimikan biglaang namayani sa kalagitnaan namin.

“Jeff… Sino naman si Jeff?”

“Ha… eh … Family friend,” mabilis na sagot ni Eve.

Napansin ko ang bahagyang inis sa kanyang boses. Kung bakit hindi niya sinabing kasintahan siya nito ay hindi ko alam. Marahil galit siya dahil hindi ito sumama sa amin para hanapin siya. O baka may iba pang dahilan.

“Ah… Kuya, nakita mo ba ang mga classmates ko?” tanong ni Eve ng may bahid ng pananabik na marinig ang kasagutan.

Nagkatinginan kami ni Tomas.

“Sorry Eve… pero wala na sila—maliban na lang sa isa, marahil,” seryosong sagot ni Tomas.

Napayuko si Eve nang madinig iyon.

“Kami lang ni Eve ang nakaligtas sa islang ito. Maging ang mga kasama namin ni Julie na pumuta dito noon ay isa-isa ring namatay,” dagdag ni Adam. “Halika, pasok tayo sa dampa.”

Sumunod kami sa loob. Isang lamesa na yari sa kahoy ang nasa gitna ng bahay. May mga prutas at tila bagong ihaw na mga isda sa ibabaw nito. Ang mga upuang nakapaligid sa lamesa ay yari din sa kahoy. Sa isang  sulok ay may dalawang manipis na kutson—luma, sira-sira, at magkatabi.

“Kumain muna kayo—alam kong gutom na gutom na kayo. May tubig din dito.”

Atubili man ay kaylangan naming kumain.

“Huwag kayong mag-alala. Walang lason iyan.” Ang pabirong sabi ni Adam ng napansin niya tila parang nagaalangan kaming isubo ang mga pagkaing hawak na namin.

Habang kumakain, muli kong naramdaman ang pangangalisag ng mga balahibo ko sa aking kamay at batok. Parang may mga matang nakatingin mula sa labas o baka nasa bubong ng dampa.

“Paano ka nailigtas ni Adam, Eve?” tanong ni Tomas.

Ang tingin ni Eve ay napako sa sahig, napabuntong-hininga. “Ang natatandaan ko lang… matapos naming itayo ang mga tent, ang isa sa mga kasama  ko ay nagpasimula ng siga. Nakaharap kami sa apoy nang makarinig kami ng paswit mula sa likuran namin. Lahat ng lumingon ay nagsimulang mangisay. Nawala ang kanilang mga mata, at ang kanilang mga tiyan ay unting nawawakwak.”

Nanginginig ang boses ni Eve habang ito’y nagkukwento.

“Dahil sa takot, tumakbo ako sa gubat. Nang tumigil ako para huminga, may humablot sa akin mula sa likuran at tinakpan ang bibig ko. Si Adam ‘yun. Sinabi niya sa aking huwag gagalaw at huwag gagawa ng ingay. Sinabi niya ring huwag akong magpa-panic habang naglalakad kami.”

Nabulunan si Eve sa emosyon. Inakabayan siya ni Adam. Isinandal ni Eve ang kanyang ulo sa kanyang balikat.

Sinakmal nanaman ako ng matinding panibugho. Pero wala akong magawa.

“Paulit-ulit na nagbabala si Adam na huwag lilingon sa likod, anuman ang mangyari—kahit may tumawag pa sa pangalan ko o may papaswit. Ang mga Sutsot ay tinatawag ang pangalan ko. May kaboses nga noon si kuyaTomas.”

“Patuloy niyang iwinawasiwas ang kanyang itak para hindi makalapit ang mga demonyo. Tumigil lang sila sa pagsunod nang makarating kami sa sapa.” Sinulyapan ko si Adam. Gusto kong  magpasalamat sa kanya, pero aaminin kong mas nanaig ang matinding selos.

Napapikit ako ng makita kong halos idikit na ni Eve ang ulo sa mukha ni Adam. Nakakainggit. Dapat ako ang nakapagligtas sa kanya mula sa mga Sutsot. Kung nangyari iyong marahil ay sa balikat ko ngayon nakahilig ang ulo ni Eve.

Ngunit, may kung ano kay Adam na bumabagabag sa akin. Hindi panibugho. Parang mas mas malalim. Hindi ko maintindihan kung ano.

“Bakit kaya hindi tayo sinusundan ng mga Sutsot dito?” tanong ni Tomas. “Ang mga halimaw na nakapasok  sa  katawan ng tao lang ang pwedeng masaktan ng mga bitag na nakita natin kanina.”

“Apoy lang ang tatapos sa isang demonyo  na wala pa sa katawan. Alam nila na ang bahaging ito ng isla ay diniligan ko ng kerosene—lalo na ang paligid ng dampang na ito—at susunugin ko ito hanggang dagat kung kinakailangan. Kumukuha ako ng kerosene sa mga balsa ni Kharon tuwing may mga bagong dumarating.”

“Takot din sila rito.” Binunot ni Adam ang itak sa kanyang tabi; ang talim ay kumislap sa liwanag ng gasera. “Marami na itong napatay sa mga halimaw na yan. Dala ito ni Julie nang pumunta kami rito—sabi niya ay binasbasan ito ng isang pari.”

May kinapa si Jasmine sa kanyang bulsa. Inilabas niya ang singsing ni Julie—at inilagay ito sa palad ni Adam.

Pinagmasdan ni Adam ang singsing. “Nawa’y makahanap ng kapayapaan ang kanyang kaluluwa,” bulong ni Adam, ipinikit ang kanyang mga mata at itinikom ang kamay sa singsing na parang isang dasal at pangako. “Nawala ko siya nang ang isang Sutsot ay nagbago ng anyo at nagpanggap na ako. Iyon lang ang tanging paraan para makuha nila siya. Sandali lang akong pumunta sa sapa para kumuha ng tubig noon. Pagbalik ko… wala na siya.”

Lumapit si Jasmine at niyakap siya.

“Kailangan na nating makaalis sa islang ito,” sabi ni Adam. “Okay pa ba ang balsang ginamit niyo?”

Tumango si Tomas. “Oo.”

“Kailangan nating kumilos nang mabilis. Kung tapos na kayong kumain, tara na.”

Nagpalitan kami nina Tomas at Jasmine ng mga seryosong tango.

“Kailangan nating makarating sa dalampasigan bago lumubog ang araw,” sabi ni Adam. “Ang ilang minuto pagkatapos ng paglubog ng araw ang tanging pagkakataon natin.”

Noon ko lang tiningnan ang aking relo—halos alas-kuwatro na ng hapon. “Tara na,” sabi ni Adam, at humakbang na siya papalabas ng bahay. Sinundan namin siya.

Chapter 8
“Sa Ningas Ng Paghihiganti”

Huwan Kang Lilingon
(Maikling Nobela – Horror)

__________
This short novel has been translated into English and published through Amazon.