Huling, Paalam

Nakakapagtaka kung bakit kakarampot
Ang perang sa pitaka ay nadudukot
Ako nama’y nagsisikap, nagpapagod
Sa pagtatrabaho’y di halos natutulog

Bakit antas ng buhay hindi maiangat
Kahit anong tindi gawing pagsisikap
Huling, ‘di ako manhid lalong ‘di bulag
Batid ko kung ano mga  nagaganap

Di ba’t nasa poder ng kapangyarihan
Wala nang pagsidlan ng kanilang yaman
Bakit ninanakaw pa kaban ng bayan
Bakit panloloko nila’y hinahayaan

Kaya Huling iyong ipagpaumanhin
Bundok ay dapat na muli kong akyatin
Mga kaisa ko’y doon titipunin
Sa pagbaba nami’y hustisya’y hahanapin

 

 

 

Leave a comment