Good News

mother“Matutuwa ka sa ibabalita ko!”
Ang wika sa text ng kabiyak ni Pedro
Kaya’t nang matapos ang kanyang trabaho
Buong pananabik na umuwi ito

“Honey ano ba ang ibabalita mo?”
Ang kaagad na tanong sa misis nito.
At ang sagot – “Magiging tatlo na tayo.”
At Pedro’y sumigaw, “Yes tatay na ako!”

“Teka muna sweetie, ika’y maghinay-hinay.
I don’t mean na ikaw na’y magiging tatay
Tayo’y magiging tatlo dito sa bahay
Kasi dito titira ang aking nanay.”

%d bloggers like this: