Puro Satsat

Sa katiwalian ikaw ay umangal
Hiniling na sila sa pwesto’y matanggal
Hindi ba’t ikaw sa kanila ang naghalal
Dapat kang ituring na dakilang hangal

Parang kay galing  kapag bumabatikos
Puro naman dada kulang sa pagkilos
Sariling buhay nga’y hindi maiayos
Naghihintay na lang sa grasyang bubuhos

Pag-unlad ng bayan mananatiling pangarap
Kapag tayo ay puro lamang satsat
Pag-angat sa buhay hindi magaganap
Kapag iniluklok mga pinunong huwad

Masasamang  gawi sana ay baguhin
Mga pinuno man ay masusing piliin

Leave a comment