Kape’t Matamis

Pag-ibig ay matamis sa tubo kumatas
Parang pulot na sa pukyutan ay nalagas
Sa puso galak na dulot walang katumbas
Nanaising ang saya di na magwakas

Ngunit ang pag-ibig may katas na mapait
Parang kapeng barakong walang matamis
Ang magmahal may kaakibat na sakit
Kapag sa pagsuyo pagsubok humahagupit

Isiping pag-ibig ay kapeng hihigupin
Sadyang kape’t minatamis dapat haluin
Di nangyayaring saya lang daramdamin
Darating ang lungkot puso ay kukurutin

Puso’y nahahati sa ligaya at hapis
Dahil pag-ibig parang kape’t matamis

%d bloggers like this: