Para sa ‘yo… HARDPEN
Tibong Cagayano, 01-27-10
saan ba nagsisimula
ang pagiging makata
ito ba ay biyaya
o utak ang may gawa
kung ito ay biyaya
di mas mahal ka pala Niya
kung utak naman ang may gawa
medyo di ata ako makapaniwala
noong tayo’y mga bata
lagi tayong magkasama
sa mga nangyayarinbg kalokohan
tayo laging napagbibintangan
sa pagnanais nating noo’y kumita
para tayong mga sirang plaka
sa kalye sumisigaw
bannawag at liwayway ang inihihiyaw
sa panahong tayo’y magka-eskwela
talong-talo ata kita
sapagkat ako lagi ang bida
at matalinong bata hahaha
bigla tayong nagkahiwalay
di naman kita inaway
ika’y nangibang-lalawigan
kaibigan mo’y iniwanan
lumipas maraming taon
wala tayong komunikasyon
sa Friendster nag-hook
na nauwi sa Facebook
ngayon makata ka na
mga likha’y magaganda
mga sulatin mo’y inspirasyon
pwedeng bilhin kahit na halagang milyon
ako ngayo’y naiinggit
sa taglay mong pag-iisip
sa pagsusulat at pagtititik
ng mga tulang nagwawalis ng inip
pag si Hardpen ang nagsulat
mga mambabasa’y dilat na dilat
kapag gawa ko ang nilatag
lahat sila’y parang mga bulag
———-