Kita’y Babalikan
Sisinghap-singhap sa inip
Nakalublob sa pananabik
Tila puso’y napupunit
Luha’y parang nanggigilid
Lungkot puso’y hahaplitin
Lahat ng ito’y tatanggapin
Ang malayo’y titiisin
Upang pangarap ay kamtin
Ngunit ‘di ka kakalimutan
Labis kang kakasabikan
Pangako kita’y babalikan
Mahal kita Inang Bayan
Malayo man ang marating
Masungkit man ang bituin
Pinanggalinga’y lilingunin
Baya’y ‘di kayang limutin
Leave a comment
Comments 0