Ang Sumpa
(Maikling Nobela)
Paano kung mali ang akala natin na lahat ng totoo ay kung ano lamang ang nakikita ng dalawang mata… kung ano lang ang puwedeng ipaliwanag sa pamamagitan ng lengwahe ng siyensiya, matematika at lohika?
Paano kung ang lahat ng kaalaman ng mga itinuturing na mga dalubhasa’t paham na nabuhay mula noong unang araw sa kasaysayan ng tao ay hindi pala naisulat sa ano mang aklat o sadyang hindi isinulat dahil kapag ito ay nalaman ng mga hindi dapat makaalam eh sa halip na makabuti sa sangkatauhan eh makasama ito?
Paano kung bukod sa dalawang mata ay totoong may pangatlo at ang nasusulat lang at nababasa sa mga libro eh iyong nakikita lang ng dalawang mata? At kung totoong may pangatlong mata, ano kaya ang nakikita nito?
Paano kung bukas ang iyong ikatlong mata? Gusto mo ba? Kakayanin mo bang bigla na lamang makakita ng mga hindi pangkaraniwan – mga kakaibang elemento at mga espiritu? Hindi ka kaya mabaliw o mamatay sa takot?
Kay lolo Benjamin at kay Mon, ano ba ang nangyari ng mabuksan ang ikatlong mata nila?
Ano naman kaya ang mangyayari kay Alfred kapag ang kanyang ikatlong mata ang nabuksan?