Siya
(Mula sa kantang “Come What May” ng Air Supply)
Palaisipan akong mahirap arukin
Isang suliranin na dapat lutasin
Sakit sa ulo na mahirap liripin
Ngunit siya ako’y kayang unawain
Sa mga sandaling ako’ nahihibang
Siya’y nasa tabi’t ‘di ako iiwan
Kapag ako’y nagapi ng karuwagan
Ang tapang sa kanya ako’y humihiram
Inibig ako nang walang agam-agam
Pagtangi niya’y walang gamit na sukatan
Kailanma’y hindi ako hinusgahan
Kapintasa ko’y pinagkibit-balikat lang
Kapag hinampas ng alon ng kahinaan
Lumilisan ako nang walang paalam
Basta ako’y kanya lamang hahayaan
Batid niyang siya’y aking babalikan
Sa tulirong isip siya ang katinuan
Sa bugtong ng buhay siya ang kasagutan
Kamay niya’y mahigpit nang hahawakan
Habang buhay ako’y ‘di na bibitawan