Ang Mga Buwaya

(Sa Piling Ng Mga Hayop – 5)

alligator-cartoon-clip-art-1931762

HAYOP na BUWAYA ating kilalanin
Makapal nyang kaliskis ating kalkalin
Matalim nitong pangil ating ramdamin
Halina’t BUWAYA’Y  i-dissect na natin

Hindi “crocodile” ang sentro ng usapan
Hindi rin “alligator” ang kakaliskisan
Ang HAYOP na BUWAYANG pag-aaralan
Ay iyong nag-evolve nilang pinsan

Sila’y mga BUWAYA sa  paligid nagkalat
Sa daan minsan sila ay masasabat
Madalas ding makakadaupang-palad
Kapiling natin sila kaya magmatyag

Atin na silang ngayong isa-isahin
Katangian nilang taglay kikilatisin
Mga HAYOP na ito dapat hulihin
Sa piling ni Hades dapat patirahin

BUWAYA ang tawag sa may basketbolan
Ang player na kakampi’y ayaw pasahan
Kapag ang bola ay kanyang nahawakan
Tira hindi pasa iyong aasahan

Ganyan ang BUWAYA gusto s’ya ang bida
S’ya lang ang magaling “all the rest”  palpak na
“Excellence” ay parang kanyang monopolya
“Credit due to others” kakamkamin pa n’ya

Ganyan ang BUWAYA lahat kakamkamin
Pagmamay-ari ng iba  aangkinin
Kahinaan kanyang sasamantalahin
Patalikod ika’y kanyang sasagpangin

May mga BUWAYA sa patag nakatira
Hilig magbabad sa tabi ng kalsada
Kapag oras ng kainan o meryenda
Tiyak ang mga ito aarangkada

At kapag ikaw ay kanilang pinara
Huminto ka na lang h’wag ng umangal pa
Tiyak nang “violation” ay hahanapan ka
At gagawan ka kung wala silang  makita

Kaya’t lisensya laging ipitan
Bente, singwenta o kaya isang daan
Mga HAYOP na ito hindi ka titigilan
Kung sila ay hindi mo inaabutan

Meron namang ‘di sa kalsada tatambay
Sila’y sa mga “limousine” sumasakay
Mala-palasyo ang tinitirhang bahay
Mga HAYOP na ito “big time” na tunay

“Big time” na BUWAYA wala na sa tubig
Sila’y  nakatira na sa “condo units”
Iba’y naroon sa village na “exclusive”
“Honorable” kung tawagin… kakainis

Nang sila’y naluklok sa kapangyarihan
Mga BUWAYANG ito’y kagyat yumaman
Kaya’t  mga posisyon kung pag-agawan
Sukdulang umabot hanggang kamatayan

Mga BUWAYANG iyan ay kasiraan
Sa magandang imahe ng “public servant”
Mga BUWAYA na nagsisilbing hadlang
Sa tunay a pagunlad ng bayan ni Juan

Sa mga BUWAYA ano ang gagawin
Hindi ba’t dapat natin silang hulihin
Makunat nilang balat ating tanggalin
Gawin bag o sapatos pang-export natin

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: