Pulitiko…Botante – 2
Sabi ng botante…
Pulitiko… sa akin nangako ka
kalsada, tulay at paraalan, magagawa.
Nasaan ang pangako?
Bakit napako?
Bakit di tumupad?
sa pangakong bayan ay uunlad.
Na bayan ay tatahimik
hanggang ngayon ay panaginip.
Na maglilingkod ng tapat,
di hangad pagyaman at pagiging sikat.
Subalit ng maluklok,
Ang inatupag… pagmamalabis, pangungurakot!
Sagot ng pulitiko…
Di ko kasalanan,
pangako ko’y pinaniwalaan.
Di ko naman akalain,
ako’y iyong pananalunin.
Di ko kasalanan,
ikaw sa akin ang nagluklok sa puesto.
At teka! Bayad ka na!
Ano pa ang reklamo?
Pera-pera lang! Boto mo’y binayaran.
ikaw pa ang sa aki’y lumapit noong halalan.
Huwag magmalinis, huwag magreklamo,
nagastos mo na bigay kong isang libo.
Ngayon kung kulang… pag-usapan natin!
Basta sa balota pangalan ko’y sulatin.
Sa susunod magkano?
Dangal mo, boto mo, di ba’t may presyo?
Magkano boto mo?
Magkano dangal mo?
Limang daan? Isang libo?
Sige, gawin na nating dalawang libo!
Leave a comment
Comments 0