tugon sa iyong Tulang KINATHA!
Tibong Cagayano, 03-04-10
Salamat naman mahal kong Ate Vivian,
at nakisali ka na rin sa aming tulaan,
sana naman ay magtuloy-tuloy na iyan,
di ba napakaganda nitong libangan?
Sa iyong tula nabanggit mo itong si Papa,
nasiyahan kamo siya sa kanyang pagbabasa.
sa palitan namin ng kaybigan ko ng mga tula,
kahit papaano nabigyan namin siya ng ligaya.☺
Kausap ko lang siya sa telepono kanina,
nabanggit nga niya tungkol sa aking mga tula,
tinatanong ako kung saan ko raw ito namana,
aba, nagduda pa ata siyang iba ang aking ama! ha.. ha.. ha..
Sagot ko… kanino pa ba ako magmamana,
kung di sa iyo na magaling din sa pambobola,
wala ngang tigil sa kasesermon ang iyong bunganga,
para itong machine gun kung tumirada!
Buwelta naman niya sa akin,
ngayon lang daw niya talaga napansin,
may pagka-makata raw pala akong angkin,
bukod sa pagiging maloko at mahangin.
Usapan namin biglang nauwi sa sermon,
umuusok na naman ang aming telephone,☏
di ko akalaing makalipas ang maraming taon,
si Papa di pa rin nagbabago, madaling mapikon!
Kung lahat ng sermon niya noon dinaan niya sa tula,
siguro… tayong magkakapatid ngayon ay mahuhusay na makata,
kung sigawan niya sana tayo noon ay tugma-tugmang salita,
para na rin sana tayong nag-aaral sa pagkatha. ha.. ha.. ha..
Ngayong inumpisahan mo ang pagsusulat ng tula,
asahan mong ang iyong utak ay mapipiga,
sige na… ubusin mo ang tinta ng iyong pluma,✎
pero tirhan mo rin ng mapagsulatang papel si Maraya!