Pulitiko…Botante – 1
Pulitiko:
Nag-ambisyon
Tumakbo
Nangako
Gumasta
Tsumamba… nanalo!
Naluklok
Naglingkod
Sa kapangyarihan nalasing… nalunod
Nagyabang… nagmalaki
Nagmalabis… nangurakot.
Parang tuko…
sa kapangyarihan kakapit…
buong higpit!
Tatakbo ulit…
Mangangako ulit!
Gagasta ulit…
Baka manalo ulit!
Botante:
Magkano?
Limang daan?
Isang libo?
Magkano dangal mo?
Magkano boto mo?
Tanga ka ba?
Tanga ba ako?
Magpapakatanga nanaman ba tayo?
Pulitiko panalo… tayo talo!
Sino ba pipiliin?
Guwapo, sikat o matalino?
Lahing bayani o bilyonaryo?
Makamasa, maka-Diyos o Inglisero?
Leave a comment
Comments 0