TANGING YAMAN
Vidang., 03-06-10
(Corrections are yours Banjun and Ching)
Ang sarap balik-balikan ang nakaraan
Mga taon na puno nang ligaya at pagmamahalan
Buong akala mo ay wala nang katapusan
Dadapwat ito pala ay may hangganan.
Ang mga larawang ito ang magsasalaysay
Mga taon na ang pamilya ay buo at nagmamahalan
Pero di ko akalain na ang tinatawag na ama ng tahanan
Ay isa palang marupok sapagkat ito ay kinain ng anay.
Ako ngayon ang tumayong ina at ama ng mga iniwang anak
Sa responsibilidad na iniwan ng isang ama para sa mga anak
Ang pagkapa sa dilim ng buhay ay pilit ginagampanan
Sapagkat ako ang tinaguriang ina na ilaw ng tahanan.
Kahit gaano man kahirap at sakit ay sinubukang makatayo
Maging malakas ang katawan at loob ay buo
Dahil malaki ang nakaatang na responsibilidad sa balikat ko
Kaya nagbakasakali sa ibang bansa maghanap-buhay
Para siguradong hindi magutom ang mga mahal sa buhay.
Dadapwat sa utak paminsan-minsan sumasagi
Mga tanong na katulad din nang sa inyo
Ano kaya ang mas mainam
Ang hinayaan kong sa Pilipinas manirahan
O umalis at mangibang bayan
Subalit sa panahon ngayon
Ang huli ang mas pipiliin ko pa rin
Sapagkat dito nakasalalay
Magandang kinabukasan ng buhay.
Trabaho sa ibang bansa ang sa akin
Ang tiyak na kasagutan sa aking isipan
Dagdag pa niyan ang oras na kakailanganin
Upang itong sugat sa puso ay paghilumin
Nang takdang panahon.
Ang tanging hangarin ko lang naman
Ang magkaroon ng magandang kinabukasan
Para sa aking mga iniwananan
Gagawin lahat ng ina ang kanyang makakaya
Upang makapag-aral at mapagtapos mga anak sa eskwela.
Ganoon pa man ang manirahan sa ibang bansa ay di ganoon kadali
Na kailangan mong makibaka at makisama sa ibang lahi
Anumang homesick na iyong mararamdaman
Ang kapalit naman nito ay magandang kinabukasan.
Nais ko ring pasalamatan ama ng aking mga anak
Dahil sa pagkakataon nang kami pa ang nagsasama
Itinuro niya sa akin ang maging matatag at matibay
Sa pagharap sa unos ng buhay
Dahilan sa palagiang paglisan sa kanyang pamilya
Ang magtrabaho sa Saudi ang kanyang ginawa
Iniwan niya sa akin ang buong responsibilidad
Na dapat kaming dalawa ang magpatupad.
Dadapwat palagi niyang sinasabi ito sa akin
Na ang lahat nang ito ay “para sa pamilya din natin”
Subalit ang lahat ng pangarap ay nabura
Nang dumapo ang sakit na “TUKSO” sa pamilya
Pero ganoon pa man, salamat sa iyo
Sapagkat ang iyong palagiang pagtungo sa Saudi
Ang naging “training ground” ko
Para hindi maging “dependent” sa iyo.
Kung ano ako ngayon ay iyan sa kadahilanan ng mga natutunan ko
Na palaging maging matatag at matibay sa buhay ko
Natuto akong makibaka sa gulo ng mundo
At naging matapang sa pagharap sa buhay ko.
Kaya mga anak, ang buhay ay “weather-weather” lang
Ngayo’y nasa ilalim ka, bukas naman ay nasa ibabaw ka
Ang makinig sa payo ng mga magulang at nakatatanda sa inyo
Ang siyang magsilbing gabay para sa magandang kinabukasan n’yo
Huwag sanang akalain na kayo ay malalaki na
Na mas maraming nalalaman pa
Dadapwat marami pa kayong dapat matutunan
Sa inyong pagpunta
Kami naman ay pabalik na.
Anumang agos sa buhay ay kayang-kaya
Kung ang pananalig sa Poong Maykapal ang tanging sandata
Anumang unos ay magagapi nito
Kung ang sandalan ay si Hesu Kristo.
Kahit ilang asawa pa ang darating sa buhay ko
At kahit ilang asawa pa ang iiwanan ako
Wala kahit na anumang bagay o tao
Ang makakapalit sa inyo sa puso ko
Sapagkat kayo MGA ANAK ang “TANGING YAMAN” ko.