Advertisements

Ang Loro

(Sa Piling Ng Mga Hayop – 4)

parrot

Heto akong muli’t kayo’y kukwentuhan
Tungkol sa isang HAYOP sa kagubatan
Kilalaning mabuti… siya’y iwasan
At nang kayo’y kanyang hindi mapagtripan

HAYOP na ngayo’y ating pagkukuwentuhan
Isang LORONG kilala sa katabilan
Ano mang bagay kapag kanyang nalaman
Ay kangyang ibo-broadcast  sa buong bayan

Nakakainis itong LORONG matabil
Makati nitong dila hindi mapigil
Mga dapat itago pilit ire-reveal
Sa pakikipagdaldala’y ayaw tumigil

Ibang mga ibong kasama sa kawan
Ugali niya’y labis pinagtatakhan
At ang tanong – Ano ba ang pakinabang,
Kung ang buhay ng iba’y paguusapan?

Ano ba kasi ang kanyang mahihita,
Kapag pilit ikakamot makating  dila?
Ano ba kasi ang kanyang mapapala,
Kung  katabilan niya’y makakasira?

Hindi naman siguro AHAS ang LORO
Para kaybigan niya’y ipagkanulo
Siya ba ay TALANGKA na sobrang tuso
Nang makaangkat tatapakan ka sa ulo

Lubhang kakaiba ang HAYOP na LORO
Kasi’y mapagkakamalan mong HUNYANGO
Mahirap hulaan tunay na kulay nito
Kakampi? Katunggali? – Nakakalito!

Anila ay talagang natural lamang
Na heto ngang LORO ay may kadaldalan
Ang akala siguro’y simpleng bagay lang
Kung lihim ng iba’y ipagwawagwagan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: