Author Archives: HARDPEN

Cholesterol Hub

isawMay lugar sa ating mga baya’t siyudad
“Cholesterol hub” ang dapat na ibansag
Kung mataas (Gets mo ‘to…) ang iyong “high blood”
Payo ko sa iyo huwag ka doong maglakad 

Kasi doon maraming abnoy at bugok
Nakahalo sa mga penoy at balut
Kapag nakita ika’y mapapalunok
Mataas na “high blood” mo tiyak malilimot 

At may pinipiritong balat ng manok
Kung gusto mo naman balat ng pork
Sige lang manong lamon basta may gamot
Tikman mo na rin masarap na hepalog 

Kwek-kwek… sige baka gusto mong subukan
Sagana sa calories bawat piraso niyan
IUD, adidas, helmet… hala tikman
Basta ba fully-paid na ang life insurance 

Sa “cholesterol hub” patuloy maglakad
May makikitang nakahaing “betamax”
Ito ay “curdled chicken or pork blood”
May balun-balunan din o chicken gizzard 

Ateng, kuyang…rayuma din ay isipin
Chicharong bituka huwag nang amuyin
Sa atay at baga – umiwas ng tingin
Magturo na lang ng ibang iihawin 

Suggestion lang fish balls na lang ang tusukin
Isawsaw sa sukang may sili’t maasim
Safe din ang kikiam, iyong subukin
At kapag nauhaw suka ay higupin 

Isa-isip ang high blood pati uric acid
Para mas safe, ang ipaihaw mo’y pusit
H’wag ng maglaway sa pang-takeout na sisig
Iwasan din – long-legged na day-old chick

Ashed

ash

The fire ceased to burn –
Doused with indifference
Drenched in disregard

I sifted through the fireplace
I lovingly built in your heart
Combed it for dying embers

I sifted through and through.
Hoping to find a flicker,
Hoping to blow upon it a whisper
And cover it with dried leaves and twigs.
Hoping  the flame grows taller,
And burn my anguish and grief.

I sifted more  and more.
There was nothing but ashes –
Ashes of guilt and regrets –
Ashes that the wind refuse to blow away.

T A K D A

HARDPEN'S PORTFOLIO

lonesome-man-2.jpg(A Short Story in Filipino)

 Hindi tinanggap ni Alfred ang paliwanag ko na ang tao ang gumagawa ng sarili niyang tadhana’t kapalaran. Ang kalahatan ng mga desisyong ginagawa ng isang tao sa  buhay ay magdidikta sa kanyang kakahinatnan at s’ya ring huhubog sa kanyang kinbukasan. Sa sinabi kong iyon ay kinwestyon ng aking kapatid ang pagiging Kristyano ko. Bakit hindi daw ako naniniwala na bago pa man isilang ang tao ay may kapalarang nakaguhit na sa kanyang palad. Naniniwala ang kapatid ko na ang Panginoong Diyos ang nagtatakda nito. Para sa kanya ay nang ang tao’y isilang sinimulang pagulungin ng Lumikha ang gulong ng kanyang kapalaran. Hindi raw kayang pigilin ng tao ang pagikot ng gulong ng kanyang palad, minsa’y papaibabaw siya’t minsan nama’y papailalim.

At nangyari ang isang trahedya sa kayang pamilya…

At sa pagkakataong iyon ay pwedeng sabihin ni Alfred na tila natumbok sya’t nagulungan ng gulong…

View original post 56 more words

%d bloggers like this: