Kimchi, Samgyeopsal, Ppyeo Haejangguk, atbp. (Part 2)

Pyo

May pang-ulam dito na maituturing na Korean version ng nilagang baka. Ito ay ang kalbitang (galbitang). Sa wikang Hangeul ay pareho lamang ang at kaya’t alin man sa dalawa ay tama. Kaya nga ang kimchi ay pwede ring tawaging gimchi. Ang kalbi sa English ay short ribs at sa pang-ulam na ito ay tadyang ng baka ang iniluluto. Ang kaibahan nito sa nilagang baka ay ang mga isinasahog na gulay. Labanos at mga onion licks ang sahog nito at hindi petsay, repolyo at saging. May kasama din itong bihon at pagkaminsan ay nilalagyan nila ng itlog.

Ang tang naman ang ibig sabihin ay soup. Guk ang isa pang tawag sa soup. Kaya’t kapag narining mo sa dulo ng pangalan ng pang-ulam ang tunog na tang o guk ay asahan mong ito ay may sabaw. Tulad na lang ng samgyetang, manok na may sabaw. Ang pang-ulam na ito ay maihahalintulad sa ating tinola. Meron din ditong animo’y bulalo….seolleongtang, para ringkalbitang ngunit ang inilulutong bahagi ng baka ay leg bones. At kung may sinabawang baka at manok ay syempre meron ding baboy. Gamjatang naman ang tawag dito. Buto-butong bahagi ng baboy, kadalasang gulugod, ang iniluluto para sa Korean dish na ito. Maanghang ito. Tinatawag ito gamjatang dahil sa sahog nitong patatas, hindi dahil sa mabutong bahagi ng baboy. Ang gamja ay patatas sa Tagalog at ang buto naman sa Korean ay ppyeo.

received_10153445754954844

Ang maituturing ko na talagang paborito kong Korean dish ay ang ppyeo haejangguk. Halos araw-araw akong kumakain nito. Halos magkatulad ang gamjetang at ppyeo haejangguk  Kapag hindi mo sinamahan ng patatas at sesame leaves ang niluluto  mong gamjetang ay ppyeo haejanggukang kalalabasan nito.

Katulad ng gamjetang, maaanghang din ang ppyeo haejangguk. Ito ay itunuturing na hang-over food. Madalas akong kumain nito, hindi dahil ako’y palaging lasing. Comfort food din kasi ang pang-ulam na ito, madalas kainin kapag tag-lamig. At dahil nga sa malamig dito ay napakasarap humigop ng sabaw, lalo na’t kung ito ay maanghang. Ito ang dahilan kung bakit naging paborito ko ito. At kahit hindi tag-lamig ay binabalik-balikan ko ito sa mga paborito kong restaurants.

Sa mga ayaw ng maanghang ay pwede i-request na kaunti lang ang pampa-anghang na ilalagay sa order mo. Pwede nga na totally na walang anghang.

received_10153438356439844

5,000 won (5 US $) ang isang order ng ppyeo haejangguk. Halos ganito ang average na presyo ng mga pagkain dito. Mahal? Hindi! Mura kung tutuusin. Sulit na sulit ang ibabayad mo dahil maraming kasamang banchan. Malaki ang serving ng mga pagkain dito. Kung tutuusin ay good for two ang isang order at sa banchan naman ay eat-all-you-can. Libre pa kape.

Main dish at maraming side dishes, may pakape pa. Saan ka na! Kaya nga napakahirap magpapababa ng timbang dito. Ito ang dahilan kung bakit sinisipagan ko ang pagdyi-gym dahil kung hindi ay lalo akong tataba.  

Advertisement
%d bloggers like this: