Perpekto

gosssip

Wala mang kuwenta pilit pinapansin
Walang kabagay-bagay ay pupunahin|
Kaunting kibot ika’y may sasabihin
Animo’y perpekto ka’t ubod ng galing.

Mala-artista ba ang tindig mo’t hubog
Kaya’t mahilig kang mamintas at bumatikos?
Ikaw ba’y sobrang matino’t maaayos
Kaya’t pinapansin bawat maling kilos?

H’wag magmamalaki kung mas matangkad ka
Bukod ba diyan meron ka pang ibubuga?
Baka naman matangkad ka pero lampa
‘di kayang tumayo sa sariling paa

Kung maputi ka ay h’wag sanang laitin
Kapwa mo tao na balat ay maitim
Pagkatao’y h’wag mo sa kutis sukatin
Ugali ang panuntunan mong gamitin.

At ikaw man ng ganda’y nabiyayaan
Ang mamintas ay hindi mo karapatan
Nuknukan ka man ng talino at yaman
Dangal ng kapwa’y hindi dapat yapakan

H’wag ipagyabang talino mo’t yaman
Kursong tinapos h’wag ipangalandakan
Ganda mong taglay sanay h’wag ipagyabang
Dahil sa pagtanda mo’y kukupas din yan

Tandaang kukupas ganda’t kakisigan
Pagtanda’y ‘di mapipigil ng iyong yaman
Matalino ka man at sikat na paham
Ika’y babalik sa abong pinanggalingan.

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: