Tula (Mukhang “Poet”)

23546991_10155807089774844_2076806665_o

Mukhang “poet” lang  ako. Hindi talaga masasabing bihasa  ako sa pagsulat ng tula. Masigasig lang ako kung taludtura’y nilalakbay at pilit na mga pintig ay tinutugma’t pinapantay. Mahilig lang akong gumamit ng mga talinghagang batid kong ang babasa’y kayang namang talusin at pilit na sila sa kariktan ng tula’y sa lugod lunurin.

Natuto lang ako ng kaunti kung papaanong ang mga saknong sa tayutay ay habiin. Kahit naman papano ang pagwawangis ay kaya kong gawin.  Natutuhan ko rin naman kahit kaunti kung papaano pagapanging ang damdamin sa bawat taludtod at hayaang laman ng puso ko’y sa pantig tumibok.

Marunong lang akong sumulat kahit naman papaano at pinipilit kong aralin ang mga dapat kong matutuhan sa larangang ito upang maging karapat-dapat akong matawag na makata. Hindi pa ako tapos sa aking pag-aaral.

Ang nasa kong matuto’y hindi magmamaliw hangga’t  puso ko’t isipa’y kayang sabay  na umindak sa kumpas ng aliw-iw.

— 0 —

Karahimihan sa mga tula ko’y “lalabindalawahin” at ang mga saknong ay apat na linya. Gumagamit din ako ng malayang taludturan, walang sukat pero sinisikap kong lagyan ng tugma sa dulo.

Pinagsama-sama ko ang aking mga tula ayon sa mga kategoryang pinili ko. Ang mga tula kong may temang pag-ibig ay aking inipon  sa pahinang  may pangalang TIBOK  habang ang mga tulang tumatalakay sa bayan, pagkamamamayan   at   mga   isyu  patungkol sa pulitika  ay sa BAYAN MUNA

Ang mga paboritong kong love songs sa English eh ginagawan ko rin ng tula  at mababasa ang mga ito sa TINULANG KANTA

Sumulat din ano ng mga tula  ukol sa kung ano-anong bagay at mga isyu o mga paksa    na hindi tumatalakay sa pag-ibig at sa bayan. Pinagsama-sama  ko ang mga ito sa SAMU’T-SARING TULA.

May mga sinulat rin akong satirikong tula na bumabatikos sa mga sa palagay ko’y ugaling ‘di maganda ng mga taong nakapaligid sa akin at ng mga taong nakakasama ko sa trabaho.  Ang mga tulang ito  ay parunggit ngunit hindi ako nagmamalinis dahil maaaring angkin ko rin ang mga ugaling hindi ko nagugustuhan sa iba kaya’t kapag nababasa ko ang  mga tulang ito’y nagbubulay-bulay din ako. Pinagsama-sama ko ang mga tulang ito sa pahinang pinangalanan kong SA PILING NG MGA HAYOP. Bahala na ang babasa kung ano sa tingin nila ang kahulugan ng salitang HAYOP sa pangalan ng pahinang ito.

Lumikha  rin ako ng pahina para sa mga tula kong sinulat habang ako’y nakasakay sa jeep o insipired ng mga experiences ko sa pagsakay sa jeep. Matatagpuan ang mga tulang ito sa pahinang binansagan kong HETO NA ANG JEEP.

May mga sinulat rin akong APATANG TALUDTOD (Quatrains). Nag-eksperimento rin ako sa isang uri ng tula na tinawag kong PAKWELANG TALUDTURAN na sa unang tatlong taludtod ay parang seryoso ang tinatalakay subalit sa pang-apat (clincher) ay ang sundot na patawa. At dahil mahilig din ang magpatawa eh gumawa ako ng mga tulang ang layon ay magkwento ng nakakatawa. Ang mga tulang naturan ay nasa TINULANG JOKES.

May mga tula rin akong nagpapahayag ng pagkilala sa ating Dakilang Lumikha. Pinangalang kong PAGNINILAY ang sulok na ito ng aking website.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: