Huli Na Ang Lahat

 

(Mula sa kantang “When I Was Your Man” ni Bruno Mars)

boy

Kamang higaan ko biglaang lumuwag
Walang katabi’t sa aki’y yumayakap
Kanta natin noon na dulot ay galak
‘Pag ngayon nadinig ako’y naiiyak

Tuwing pangala’y sumasagi sa isip
Magugunita naglaho mong pagibig
Walang magagawa kundi ang pumikit
Luha’y aagos lugami ang dibdib

Kung yakap sa iyo’y aking hinigpitan
Kung panahon ko sa iyo’y inilaan
Kung ng bulaklak kita ay hinandugan
Baka sakaling ako’y ‘di mo iniwan

Nakalimutang kita’y pahalagahan
Pinabayaa’t hinayaang masaktan
Natiis na magdusa’t mata’y luhaan
Kaya’t nagpasya ka na ako’y iwanan

Nang mawala ka kita’y pilit hinanap
Ninais kong sa iyo’y magpaliwanag
Nanalanging hindi pa huli ang lahat
Tanggapin muli ako at mapatawad

Sa pasyalan natin kita’y pinuntahan
Nagbakasaling doo’y matagpuan
Sa nasumpungan labis akong nasaktan
Yakap ka ng iba’t masuyong hinahagkan

 

%d bloggers like this: