Kawawang Indio
Sa dayong sa dalampasigan mo lumapag
Sa tangos ng ilong ikaw ay nagulat
Nasilaw ka sa mapusyaw nyang balat
Kaya’t halos paluhod mo siyang niyakap
Ïlang daang taon ka niyang inalipin
Hinayaan mong ika’y lait-laitin
Halos Diyos kung siya ay iyong ituring
Salita niya’y batas di pwedeng baliin
Dapat kang kahabagan kawawang Indio
Nagbubunyi pa rin dayuhan mong amo
Sa kanang kamay ay tangan ang gobyerno
Kaliwa nama’y nilalaro ang negosyo
Maling sandigan ganid na pulitiko
Sila’y mga Kastilang nanatili dito
Sila’y nagkukuwaring mga Pilipino
Ang tingin nila’y alipin pa rin tayo
Gat Jose Rizal lagi kang sinasaling
Gat Lapu-lapu tabak mo ay hasain
Gat Bonifacio mga Indio’y tipunin
Baka nais nilang sedula’y punitin
Leave a comment
Comments 0