ALAALA ng mga KAKLASE sa ELEMENTARYA

Tibong Cagayano, 02-07-10

him3

kanino ko ba sisimulan
ang pagbanggit sa alaala ng nakaraan
sa mga kaybigang lalaki ba na mala-Adonis sa kakisigan
o sa mga kaklaseng babae na mga animo’y diyosa ng kagandahan

sino man ang mauna o mahuli sa aking salaysay
lahat kayo’y naaalala ko ng pantay-pantay
walang nawawaglit, walang nalilimutan
sapagkat lahat kayo ay aking mga kaibigan

Maritoni

unahin natin si MARITONI RESURRECCION
bukod sa maganda, matalino pa noon
magaling umarte at palaban sa “declamation”
laging nananalo sa mga “competition”

alona

si ALONA ROSALES naman
kung sa kantahan lang, di aatras yan
miyembro siya ng “choir” sa aming paaralan
na dumadayo at nakikipagpaligsahan pa sa ibang bayan

elizabeth

ELIZABETH AREOLA o Liz sa mga kakilala
sa sayawan at indakan wala ng tatalo pa
sariwa pa sa aking alaala
ng sayawin namin ang “My Sharona”

filipina

si FILIPINAS UMAYAM, sa pangalan pa lang
mahinhin, mayumi at kagalang-galang
mangingimi kang sa kanya’y makipagbiruan
baka habulin ka ng kurot sa tagiliran

oloive

pagdating sa mga aralin, lalo na sa matematika
ang pangalang OLIVE ARGONZA ang maaalala
walang tatalo sa pagka-kalkula
sa mga pagsusulit, laging nangunguna

elenita

marami kaming kaklaseng may “beauty” at “brain”
pero ang isang ito ay mahiyain
simpleng ganda, matindi ang dating
ELENITA TAPAO, Tina po kung aming tawagin

charina

CHARINA TUMACDER, ang kaklase naming tatahi-tahimik
ngunit marunong din namang gumimik
magaling… sa lahat ng “subject” namin ay matinik
ngunit medyo mahina lang sa aritmetik

connie

malaking bulas, apelyido niya’y tulad ng sa bulaklak
maganda, matangkad, nakakabighani kung humalakhak
kaakit-akit, palangiti, ang “dimple” ay malalim
CONNIE JASMIN, siya ang “muse” namin

arnold

kung napapanood niyo si John Travolta
yan ang tindig ni ARNOLD ARGONZA
magandang lalaki, talagang maporma
sa papogian, sa klase namin siya ang bida

Noriel

pagkanta, pagsayaw at pag-arte
ilan lang ‘yan sa mga talento niyang pag-aari
sa lahat ng aktibidad na sa iskul ginaganap
NORIEL SALILADIA ang pangalang hinahanap

richard

may kasabihan tayong “daig ng maagap ang masipag”
akma yan sa kaklase kong si RICKY MAAGAD
kung umarangkada yan ay agad-agad
kung kumilos mabilis, hindi makupad

belmar

kapag nakarinig ka ng kakaibang tugtog ng gitara
tapos may kasabay pang malambing na kanta
si BELMAR COLUMBANO, tumitirada na
siya ang kaklase naming kampeon sa musika

evangeline

ang isang ito naman, kung tumakbo napakatulin
mahirap habulin, yan si EVANGELINE MEDELIN
Vangie ang tawag namin, kung kumilos medyo tomboyin
kaya naman lagi siyang napapagalitan ni Mam Josephine (Ms Josie Rosales)

me

so yo ‘igan kong MASSULINE ANTONIO DUPAYA LIGAYA
“partner in crime”, kakampi ko at laging kasama
sa tingin ko wala ng gaganda pa
sa mga alaalang hinubog nating dalawa

ayan Hardpen, binuhay ko ang mga alaala
ng mga kaklase natin noong tayo’y nasa elementarya
pagmasdan mong mabuti mga larawan nila
hindi ba’t lahat sila’y pogi at magaganda

sana’y gumawa ka rin ng tula
at banggitin kung paano mo sila na-aalala
likha mong tula, ialay sa kanila
sigurado akong mapapalundag sila sa tuwa

NOTE : sa mga girls, ginamit ko po yung mga maiden names
              n’yo just to make it more realistic and for us to feel
             THOSE memories while reading the poem.

Advertisement
%d bloggers like this: