Pasko Ba’y Ano

Pasko nga ba’y ano ang ibig sabihin
Ito ba’y  ang parol na nakalambitin
Regalo ba itong ating tatanggapin
O malulutong na perang iipunin

Ito ba’y ang masasarap na pagkain
O ang mga alak na nakakalasing
Magiging malungkot ba paskong darating
Kung walang damit na bago’t mamahalin

Kung sa pasko’y magsasaya at magdiriwang
H’wag sanang mawaglit sa ating isipan
Na sa araw na ito’y may isinilang
Dakilang manunubos ng sangkatauhan

 

Leave a comment