Punong Kawatan

Bayan nating sa kahirapa’y nakalugmok
Sa isang kahihiyan lalo pang lumubog
Pinunong sa bayan dapat magtaguyod
Ginagawang libangan ang pangungurakot

Pinuno ba’y dapat pang pagkatiwalaan
Sino sa kanila ang hindi naulingan
May tapat pa ba sa tungkuling sinumpaan
Na ni kusing ay di nagnakaw sa bayan

Pinuno ba’y tunay na may malasakit
Halal na walang hinihintay na kapalit
Noong halalan ba’y maglingkod ang inisip
O kung paanong sa baya’y makapangupit

Hindi mapigilang bayan ay magtanong
Ilang Napoles kaya meron tayo ngayon
Meron bang kabuluhan ang imbestigasyon
Sa mga nagnakaw meron bang makukulong

Nakataas ang kuyom na palad ni Juan
Nagalit nang mapagtantong siya’y ninakawan
Ngunit Juan parang masarap kang batukan
Dahil ibonoto mo pinunong kawatan

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: