Patungkol Sa Alaala ng mga Klasmeyts sa Elementarya

Hardpen, 02-10-10

 

him3

Nang tula mong “part 7” sa akin ay bumulaga,
maniwala kang sa mata ko’y gumilid ang luha,
luhang dulot ng magkahalong lungkot at tuwa,
pinaglakbay muli sa nakaraan itong aking diwa.

Sa bukal ng memorya buong sabik na tumalon,
nilangoy at sinisid ang nagdaang panahon,
tunay na masarap namnamin alaala ng kahapon,
nang kasama pa natin mga klasmeyts natin noon.

Nang mga klasmeyts natin binanggit mga katangian,
ang pinaka-totoo sa ginawa mong pagsasalarawan,
ay nang sabihing mga babae’y mala-diyosa sa kagandahan,
at mga kalalakihan ay mala-Adonis taglay na kakisigan.

Tunay na tula mo’y ubod sarap na balik-balikan,
pagbasa nito, ilan beses mang gawin, di pagsasawaan,
pihadong kinilig mga klasmeyts nating kababaihan,
sana lang sa mga klasmeyts na “macho,” walang nagtilian.

Sa naturang tula, sa akin ay meron kang hiniling,
alaala sa mga klasmeyts sana ay aking banggitin,
at katulad ng ginawa mo, pilit silang kilitiin,
sa isang tula na buong pusong aking kakathain.

Mga klasmeyts sana natin ako ay maunawan,
sapagkat parang di ko na kaya pang dagdagan,
mga binanggit mo na taglay nilang katangian,
wala na talaga akong iba pang matandaan.

Siguro’y idadagdag ko na lang sa ating kuwentuhan,
aamining sa mga klasmeyts meron akong natipuhan,
“crush” ko siya ika nga, huwag sanang pagtawanan,
pagsisiwalat ay ginawa “for the spirit of fun.”

Libangan ko noon ang siya ay lihim na pagmasdan,
hinihintay palagi na ako ay kanyang ngitian,
napaka-bubot naman natin upang siya ay ligawan,
at kapag ginawa iyon, nanay niya, ako’y kakagalitan.

Dahil sa iyo noon ay sinabi ko kanyang pangalan,
kaybigan mangako ka na walang ibang makakaalam,
“word of honor” mo sasandalan, “top secret” ko iyan
sikreto’y dadalhin natin hanggang sa libingan.

Sa mga klasmeyts natin sa elementarya ako’y nanawagan,
ako ay i-add sa Facebook bilang isang kaybigan,
si CHING na malaki ang ulo, pero “cute” naman,
MASSULINE ANTONIO DUPAYA LIGAYA, ako iyan.

HARDPEN naman ang gamit ko na “pseudonym,”
“QUIJANO DE ILOCANDIA, bilang alias, gamit ko rin,
kami ni katotong Banjun marami pang tulang susulatin,
sana abangan at basahin ninyo, kayo’y aming aaliwin.

Advertisement
%d bloggers like this: