FOR ADULTS ONLY

Hardpen, 03-07-10

me 21st

Kay Tibong Cagayano ako’y nagagalak,
sa paghabi ng tula ay ubod talaga ng sipag,
aba’y nabasa ko na tula mo na 24th part,
ako heto’t twenty first pa lang ang inilalatag.

Kathang ito’y patungkol doon sa iyong kasagutan,
sa tula kong Pangalan, Palayaw at Alyas – Part 1,
sa mga nakasaad sa tula mo lubha ako nagulantang,
sa katatawa ng malakas sumakit ang aking tiyan.

Nang nasabing tula mo ay aking binasa,
“breaktime” noon at nagpapahinga sa opisina,
sa bawat saknong na daanan tawa ako ng tawa,
mga nakarinig, baka naisip, ako’y nabaliw na.

Habang tulang ito’y ginagawa ako ay nag-iisip,
itong si Tibong Cagayano, medyo yata “defensive” (hehehe)
sa pagpapaliwanag talagang sobrang “emphatic,”
na siya’y hindi tipong daliri’y pumipilantik!

Kung magkita huwag akong kurutin, este batukan,
kasi kahit katiting, di kita pinagdududahan,
ni minsan di kita nakita manyika’y pinaglaruan,
kaya’t batid kong ciento porciento kang kalahi ni Adan.

Kapag naliligo kayo noon ng iyong mga mistah,
wika mo’y nagkalat ang inyong mga sandata,
nakita mo ba kanilang pistola, armalite o bazooka,
at naikumpara mo sa nakasukbit mong kargada!

Meron ka bang mistah na noo’y mahilig sa silipan,
mga sandata ninyong nagkalat hilig ba niyang tignan,
“shower moments” ninyo muli mong balikan,
kapag naisip, PEEKER na alyas ko sa kanya ipahiram.

Hoy TIBONG CAGAYANO baka ikaw ay paniwalaan,
ng mga kaybigan nating sumusubaybay sa ating tulaan,
na “The PEN IS mightier than the sword!” pinanggalingan,
ng HARDPEN kong alyas, iyan ay walang katotohanan.

Tunay ngang sa tula kong Part 18 aking nabanggit,
na mula sa kasabihang iyan alyas ko ay sinungkit,
ngunit sa tula ko ay hindi binigyan ng emphasis,
dalawang letra, alanganing magkatabi…iyong PEN at IS.

Talagang pilyo, katulad mo, iyong nabanggit kong kaybigan,
at ang HARDPEN kong alyas ay kanyang napagdiskitahan,
hanggang ngayon ay nagsusumamo siyang aking ibalik,
dalawang letrang ayon sa kanya’y hindi ko dapat inalis.

Mabuti na lang pala at hindi ko na binanggit,
ang isa pang alyas na dati ko na ring ginamit,
noon sa kolehiyo nagamit ko minsan, di ko na inulit,
iyan ay GREENHORN na “baguhan” ang pahiwatig.

Kung sa tulang iyon GREENHORN ay idinagdag,
na kabilang sa ginagamit kong alyas sa pagsusulat,
Pilyong TIBONG CAGAYANO magbibintang tiyak,
na sa dulo ng alyas may isa akong letrang binawas.

Tiyak na sa tula mong iyon, lilikha ka ng isang saknong,
isasama mo sa PEEKER at HARDPEN ang GREENHORN_,
siguradong sa lawak ng maberde mong imahinasyon,
sa susulatin mo, ako’y matatawa, malutong na malutong.

Hay naku ‘mate, ngayon, sobra nanaman akong natatawa,
mga tula kasi natin ay paiba-iba ang nagiging tema,
noon sa simula, mga habi natin pormang “nostalgia,”
biglang naging “dramatic” nang pagusapan ay pamilya,

Nitong mga nakaraan tayo’y umarangkada sa “comedy”
Ngayon naman heto naging “FOR ADULTS ONLY!”
Kapag simbahang Katolika ito’y biglang nadiskubre,
baka ako dito sa Pilipinas ay ipatawag sa MTRCB!

Advertisement
%d bloggers like this: