Advertisements

Kumpareng Baby

does-your-partner-use-their-phone-to-cheat“Sino itong Baby na nagte-text sa ‘yo?”
Tanong ng GF sa BF na palikero.
“Don’t worry babe, lalaki ‘yan, kumpare ko.”
Sagot ng BF sa GF na nagtatampo.

“Si pareng Baby ‘yan, kabarong barako.”
Ang paliwanag ng batikang bohemyo
“Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko,
Ako sana ay pagkatiwalaan mo.”

At ang sagot ng GF sa BF nito –
“O, ano nga pala ang isasagot ko?
Hindi na matutuloy ang lakad ninyo,
Kasi nagka-mens daw ang kumpare mo.”

Advertisements
%d bloggers like this: