SA PILING NG MGA HAYOP

cat

Iba’t-ibang tao, iba’t-iba ang ugali. May ugaling maganda, at syempre may pangit din. Sa madaling salita,  may mga taong asal HAYOP at sila’y nakakasalamuha natin araw-araw.

Kung may mapagbigay ay meron ding madamot. May masipag at meron din naman nukunukan ng tamad. May mga taong mabuti na ayaw gumawa ng ano mang bagay na nakakasakit sa kapwa-tao at meron namang ang makapanakit ang hanap. May mga taong ang nais ay tumulong,  ang mai-angat ang moral at dignidad ng kapwa nila. Sa kabilang banda, may mga taong mapanira at mapanakit na ang nais ay masira ang buhay ng mga taong kinaiinisan o dili kaya’y kina-iinggitan nila. May mga taong ang bisyo ay hanapin ang kapintasan ng iba upang ito’y pag-usapan at pagtawanan. May mga taong mapagsamantala sa kahinaan ng iba.

Kung may mga parehas ay meron din naman mga taong madaya at may mga nuknukan ng gulang na tanging ang pansariling pakinabang lamang ang nasa isip.

Saan ka, saan ako, saan tayo nabibilang na uri ng tao? Anong ugali tayo meron? Tao ba tayong asal-hayop? Bulayi’t pag-isipan natin.

Ganyan ang mga kaybigan natin at mga mahal sa buhay…hindi perpekto. Maging ang mga kapit-bahay natin, ang mga kasamahan sa trabaho at mga taong nasasalubong natin sa daan. Hindi rin sila perpekto.

Minsan tumatahimik na lamang tayo kung may mga hindi magandang ugali tayong nakikita. Meron naman lumalayo na lamang upang walang maging problema.

Kapag nagpakita ang isa tao ng kagaspangan ng ugali wala rin akong sinasabi, pero may sinusulat ako…mga satirikong tula.

Ang mga satirikong tula kong nandito ay ang pagpuna ko sa ibang-ibang ugali na nakikita ko sa mga tao na nakakasalamuha ko sa paligid, sa pamayanan na kinabibiliangan ko at sa trabaho.

Ang Buwitre sa Kumbento

Ang Huklubang Ipis

Ang Loro

Ang Mga Buwaya

Ang Mga Hayop sa Manggahan

Ang Mga Hungyano

Ang Mga Unggoy, Ahas at Talangka

Ang Palatawang Tarantula

Ang Banal Na Tupa

Kakaibang Mga Hayop

Mga Talangka sa Banga ng Kimchi

Pintaserong Butanding

Mapamulang Baboy

Ang Selfish na Shellfish

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: