PASYALAN NATIN AKING MGA HARDIN
Hardpen, 03-10-10
TIBONG CAGAYANO labis akong nagagalak,
at ipinakilala mo sa akin ang tatlo mong hiyas,
at masuyong sa bulaklak sila’y inihalintulad,
sa buhay mo sila’y mga rosas na humahalimuyak!
Bawat saknong mo’y parang mga “flower pots,”
doo’y nakatanim mga rosas mong namumukadkad,
pagmamahal sa bawat isa sa tatlo mong bulaklak,
walang kiyemeng sa mundo ay iyong isiniwalat.
Ngayon naman katotong katulaan kita’y papapasukin,
sa loob na puso ko kung saan may tatlong hardin,
mga bulaklak sa buhay ko ay iyong kilalanin,
sila’y malaya mong maamoy, pero bawal pitasin.
Pasukin natin isang luma ngunit kaakit-akit na hardin,
na kung saan pawang SUNFLOWERS ang nakatanim,
SUNFLOWERS na sumisimbolo sa araw natin,
araw na “source of life” kung ating ituring.
Heto’t mga SUNFLOWERS ko sa iyo ipakikilala,
pangalan nila ay VICTORIA at BASILISA,
sila ang magaganda’t pinakamamahal kong lola,
and the most special SUNFLOWER… SALLY, aking ina.
Ang malungkot, si Lola Basilisa, di inabutang buhay,
binawi ng Maykapal bago ako sa mundo’y nagkamalay,
subalit ang aking ama’t mga tita ang nagpapatunay,
kung gaano siya kabait at mapagmahal na nanay.
Tungkol naman sa Lola Toyang at sa aking nanay,
sa iyo, tungkol sa kanila, marami nang naisalaysay,
silang tatlo, sa buhay ko, SUNFLOWERS na tunay,
ginamit ng Diyos, upang bigyan ako ng buhay at gabay.
Halina Tibong sa kabilang hardin tayo lumipat,
ipakikilala ko sa iyo mga paboritong bulaklak,
maari mo silang amuyin, huwag ka lang hahawak,
baka salakayin ka ng mga turuan kong higad.
Sa harding ito ay masuyo at maingat kong inilagak
paborito kong tatlong pula at isang puting rosas,
huwag isiping tula ko sa pagkatao nila’y pagyurak,
sapagkat pagtangi ko’t respeto sa kanila’y busilak.
Mga pulang rosas, iba’t iba ang pinanggalingan,
may nagmula sa Tarlac, Batangas at Bulacan,
ang puting rosas nama’y langit ang pinagmulan,
sa kanya-kanyang panahon, ligaya ako’y dinulutan.
Uunahin ko muna ang pinakamapula sa mga rosas,
nakita ng katoto mong bubuyog nang dumapo sa Tarlac,
“four inches taller than me,” siya’y maganda’t matangkad,
“I maybe short at 5’2”,” ngunit ako’y kanyang tinanggap.
Pareho kaming nasa kolehiyo sa panahong iyon,
magkasama, umaga hanggang gabi, tuwing bakasyon,
maganda, masaya’t malalim ang aming relasyon,
nagkabunga iyon ng anak, pangalan ay TONTON.
Ngunit pagsasama namin ay hindi naman nagtagal,
hindi ko natupad sa kanya ipinangakong kasal,
kasi noong kabataan ko, sa pag-ibig ako’y hangal,
di alam ang kahulugan ng tunay na pagmamahal.
Makalipas ang ilang taon siya’y muling nilapitan,
nanikluhod at humingi sa kanya ng kapatawaran,
umaming nagkamali ng sila ng anak ko’y talikuran,
umaming ako’y nalunod sa kumunoy ng karuwagan.
At ang rosas na ito’y lubos kong hinahangaan,
ako’y pinatawad, tinanggap pa rin akong kaybigan,
aamin ako na sa naunsyami naming pagmamahalan,
pagsisi’t panghihihayang ang aking nararadaman.
Tungkol sa dalawa pang rosas, kita na’y nakuwentuhan,
sila’y iyong dentista sa Batangas at Librarian sa Bulacan,
ukol sa kanila’y maraming nasabi sa tula kong Part Nine,
kapag may panahon ka, tulang iyon ay iyong balikan.
May nag-iisang magandang puting rosas sa aking hardin,
siya ang prinsesa ng mga anghel sa langit nanggaling,
busilak siyang rosas, bango niya’y puedeng langhapin,
puwedeng pagmasdan, ngunit di siya puedeng pitasin.
Ang puting rosas na ito “poetic muse” sa kanya ang turing,
sa pagkakaybigan, turingan namin di puedeng palampasin,
ngunit ang taong ito’y tunay na napakahalaga sa akin,
kaya’t ang ala-ala niya’y nakatanim sa aking hardin.
Sundan mo ako TIBONG at atin ng pasukin,
ang isa pang mahiwaga at espesyal na hardin,
KAMPUPOT at KALACHUCHI ang dito’y nakatanim
ang mga bulaklak na ito’y mahalaga rin sa akin.
Kilala mo iyong una kong nagustuhang kampupot,
na katulad nating bata at noon ay bubot na bubot,
may nakabantay sa kanyang matabang surot,
di ko malapitan noon baka kasi ako matuhog.
Aaming noong binata ako’y pilyong bubuyog,
kaya’t aking nanay madalas akong kinukurot,
madalas kasi akong lumilipad kapag nababagot,
maghahanap ng bulaklak na aking mahaharot.
Minsan pinanood pelikulang “Og Must Be Crazy,”
pinagbidahan iyan ng komedyanteng si Dolphy,
biglang may isang babaeng umupo sa aking tabi,
sa taglay niyang bango’y naalaala bulaklak na kalachuchi.
Nilingon ko ang katabi, sa dilim pilit pinagmasdan,
bukod sa bango may taglay din siyang kagandahan,
at katoto mong bubuyog, parang si Og, naging “crazy,”
sinimulang harutin bulaklak na KALACHUCHI.
Ang bulaklak na iyon ay naging aking kaybigan,
paanyaya kong kumain at mamasyal ay pinaunlakan,
at bago naghiwalay, binigyan ako ng phone # at larawan,
ngunit ng tawagan, wala akong natanggap na kasagutan.
May iba pang kampupot at kalachuchi na nakatanim,
sa nabanggit kong mahiwaga at espesyal na hardin,
ugat nila sa hardin ko, di man tumagos ng malalim,
bahagi sila ng buhay ko, di ko puedeng limutin.
Iyong iba pang bulaklak na kalachuchi at kampupot,
na naharot nitong katoto mong pilyong bubuyog,
pakikipagkaybigan sa kanila di masyadong pumalaot,
iba’t iba ang dahilan kung kaya’t ugnayan nami’y nalagot.
Ang pagbanggit sa kanila ay hindi pagyayabang,
sila’y mga kaybigang lubos-lubos kong iginalang,
ang ibinahagi nila sa buhay ko’y pinasasalamatan,
ang pangbanggit sa kanila’y bahagi lang ng kuwentuhan.
May ilang impormasyon lang na sa iyo’y ipapaalam,
ukol sa KALACHUCHI at KAMPUPOT na pinaguusapan,
ang KALACHUCHI pala ay puwedeng ispelinging KALATSUTSI,
at puwede ring isulat na KALASUSI, hindi KULASISI
KAMPUPOT pala ay KUKUBULAI-BUNTAI sa Ibannag,
KURIBETBET naman dito sa Ilocano ang tawag,
at ang dahilan kung bakit marami ditong humahanap,
F.Y.I. Tibong, “herbal viagra” ang naturang bulaklak.