Higit Pa Sa Kaibigan (Part 1)

jo n iNang pahiramin nga ako ni sir Randy ng cell phone at i-Pod ay natawagan ko sa wakas ang mga mahal ko sa buhay at nakabalitaan, pumanatag ang kanilang kalooban, ganoon din ang sa akin.

Sa Skype kami nagkakausap ng mga mahal ko sa buhay. Doon ko mas na-appreciate ang pakinabang na dulot ng technology. Mantakin mong kausap ko buong hapon hanggang gabi, pakiramdam ko nasa bahay lang ako, naririnig ko ang mga tunog, ingay, tawa, sigaw at kulitang nakasanayan ko sa Pilipinas. Later on ay may makikilala akong sasabihing OA at exaggerated daw ang ginagawang kong halos maghapon at magdamag kong pakikipag-Skype sa mga mahal ko sa buhay. WHHATTT? Believe me, talaga namang pinuntirya at pinagtripan n’ya ang “Skype habits” ko. Hindi  ko na lang pinansin dahil opinion n’ya lang naman iyon at wala namang bilang sa akin ang mga sinasabi n’ya. Mahalaga sa isang OFW na katulad ko ang regular na pakikipag-usap sa mga mga mahal sa buhay sa ‘Pinas.

Ang pinakamagandang nangyari sa unang araw ko sa South Korea ay ang makikila ko si sir Randy at ang kanyang kasintahang si Nikki.

Hindi kaybigan ang bagong nakilala ko sa South Korea…sila’y mga kapatid…hindi lamang isa… tatlo sila. Di natapos ang isang linggo ko sa South Korea, bukod kay sir Randy ay nakatagpo pa ako ng 2 pang kapwa ko Pinoy na naging mga kaybigan kong matalik… sina sir Jonathan at sir Noli.  S’yemre marami akong naging iba pang kakilala dito pero silang tatlo ang mga naging kasanggang-dikit ko.

5

Matapos kong makilala si sir Randy araw ng Sabado ay nakadaupang-palad ko naman sumunod na araw si sir Jonathan.

Ang mga bagay na mahirap kalimutan tungkol sa mga taong nakikilala natin ay ang kanilang mga “acts of kindness.” Habang-buhay ko nang hindi makakalimutan ang pagtulong na ginawa sa aking ni sir Randy. Ganun din ang kay sir Jonathan.

Araw ng Linggo noon, unang activity ng Gyeoungju University na aking sasalihan. Iyon ang unang pagkakataon na nag-kausap kami ni sir Jonathan. Napansin n’yang medyo ako’y nilalamig kaya’t ibinigay n’ya sa akin ang kanyang suot na scarf. Hindi na ako makatanggi dahil ibinalabal na n’ya ito sa bandang leeg ko.

Nagkakumustahan at nagkatanungan kami ni sir Jonathan. Marami kaming napag-kwentuhan tungkol sa Pilipinas at sa mga work experiences namin. Matapos iyon ay parang naging tourist guide ko si sir Jonathan. Papunta sa isang hotel sa Bomun Lake sa Gyeongju-si ay marami pa kamin napag-usapan. S’ya rin ang nagpakilala sa akin sa mga Amerikano at sa iba pang mga Pinoy na kapwa-guro namin sa Gyeoungju University (GU).

Nagkataon na kasama ko rin sa building na tinitirhan ko si sir Jonathan kaya madalas na pinupuntahan ko s’ya sa unit n’ya at pinupuntahan din n’ya ako. Naging fitness buddies din kami ni sir Jo mula nang isinama n’ya akong maglakad mula sa apartment naming hanggang downtown. Akala ko noong una ay madali lang lakarin iyon, pitong kilometro pala. Noong unang dalawang beses naming ginawa iyon ay aaminin kong napasubo ako, nanakit ng ilang araw ang buong katawan ko. At dahil hilig ko rin ang mag-gym ay niyayaya ko rin s’yan paminsan-minsan papunta sa gym facilities ng university.

Bukod sa tulong Sina sirs Randy at Jonathan ang mga naging mentor ko everything about South Korea. Silang dalawa ang nagbukas sa isipan ko tungkol sa buhay-buhay sa bansang ito at kung ano ang mga aasahan ko at hindi dapat asahan sa trabaho.

Kanila ring ipinatikim sa akin ang SOJU, ang popular na alak dito at ang MEKJU, beer naman ito.

Kaming tatlo’y laging magkakasama halos tuwing gabi kapag tapos na ang mga klase naming. Ang pinakamasayang gabi namin ay Huwebes dahil movie night namin ito. Iinom kami ng kaunti habang nanonood. Sa movie nights namin na iyon ko napanood ang ilang magagandang Korean movies na may sub-title na English. Pagkatapos ng panonood ay huntahang halos di matapos-tapos ang ginaagawa naming na kung saan ang madalasa naming topic ay mga issues sa bansang Pilipinas. Sumasama sa amin paminsan-minsan noon ang isa pang kapwa Pinoy namin na si sir Noli.

Kapag weekend ay pumupunta si sir Randy sa Danjeon-si upang dalawin ang kasintahan n’yang si Nikki kaya’t kaming dalawa ni sir Jonathan ang nagkakasama sa lakaran. Kapag gusto naming mamili sa downtown ay lalakarin lang naming ito. Pagkatapos naming mamalengke ay kakain namin kami bago umuwi.

Marahil kung hindi ko nakilala silang dalawa ay maaring nahirapan ako sa adjustment period ko dito sa South Korea. Ginawa nilang madali ang transition ko mula sa buhay-Pinas papuntang buhay-Korea.

Advertisement
%d bloggers like this: