Katangi-tangi Ka

(Inspired by Ed Sheeran’s “Perfect”)

asianMay gatas sa labi’t ‘di sapat ang isip
Nang sa puso ay may damdaming gumuhit
Walang muwang kaya noo’y hindi batid
Iyon pala kung tawagin ay pag-ibig

At ngayo’y aking nang naiintindihan
Kamay mo ay hindi ko na bibitawan
Pakiusap h’wag mo akong iiwanan
Pag-ibig mo ang tangi kong kayaman

Ngalan mo’y nakaguhit sa aking palad
Ika’y katuparan ng aking pangarap
Katangi-tangi ka at walang katulad
Pakiwari ko’y ‘di ako karapat-dapat

Katangi-tangi’t walang makahihigit
Marilag ka’t tunay na kaibig-ibig
Ikaw ay isang anghel galing sa langit
At ako’y alipin ng taglay mong akit

Mapalad ako’t pinili mong ibigin
At sinamahan sa daang tatahakin
Sa anomang pagsubok na haharapin
Mahigpit ka lang na humawak sa akin

Halina’t sa damuhan kita’y dadalhin
Doon hayaang mahigpit kang yakapin
Indak ng pag-ibig ay ating sayawin
Himig ng puso sabay nating awitin

%d bloggers like this: