Sanaysay
Hindi ako madalas magsulat ng sanaysay sa Filipino. Mas nakagawian ko kasing humabi ng tula sa mga pagkakataong mayroon akong damdamin o ideya na nais ipahayag at sa Filipino ko nais itong isulat.
Ang mga sanaysay na naisulat ko na’y tumutukoy sa ilang isyung panlipunan at sa mga bagay na napupuna ko sa mundo ng trabaho. Mayroon din akong mga nasulat na bumabatikos sa ilang pag-uugali na napapansin kong hindi tama. Hindi rin naman ako perpekto, marami din akong ugaling hindi maganda at pilit ko ring inaayos. Ang mga isinusulat ko’y parang “boomerang.” Minsan tinatamaan din ako. Pero nais ko lang talagang isulat ang mga bagay na napupuna ko, hindi upang baguhin ang pag-uugali at pag-iisip ninoman. Batid kong ang tanging may kakayahang baguhin ang sinomang tao ay ang Diyos at ang may katawan.
Ang mga sumusunod ay ang ilang sa aking mga nasulat na sanaysay.
2. Ugali
Nasa anyong sanaysay din ang mga sinulat ko tungkol sa mga karanasan ko dito sa South Korea. Ang mga ito’y mababasa sa Kwentong Kimchi, isa sa mga bahagi ng aking website.
Leave a comment
Comments 0