Lingon (Part 1)
Hindi ko na mabilang kung ilang beses tumingin sa kanyang relo si Daniel at pagkatapos ay bubuntong hininga. Wala na siyang sigarilyong masindihan pero patay-sindi pa rin ang ginagawa sa hawak na lighter. Matagal nang ubos ang laman ng kaisa-isang pakete ng sigarilyo na binili niya sa terminal ng bus bago kami bumiyahe. Ako nama’y nang magsawang makinig sa mga kantang naka-save sa luma kong i-phone ay pinanood ko na lamang ang mga bankang inuugoy ng mga alon malapit sa pampang habang nagbabalik-tanaw ako sa kamusmusang aking ginugol sa tabing-dagat sa bayang aking sinilangan. Magkatabi kami ni Daniel na nakaupo sa dulo ng konkretong breakwater. Nakasandal kami sa isang poste na may nakapatong na may kalakihang lampara. Luma na’t de gaas ang ilawang iyon. Amoy na amoy ko ang “kerosene” nang ito’y lapitan ko. Nakapaloob ito sa isang lalagyang yari sa makapal na salamin at bakal. Merong animo’y maliit na “chimney” sa ibabaw nito. Marahil iyon ang labasan ng usok kapag nakasindi ang lampara. Nakasusi ito. Gabay siguro iyon ng mga mandaragat upang malaman nila kung saang banda ang pampang kapag madilim ang gabi, lalo na kung masama ang panahon.
Si Daniel ay may takip na panyo sa ilong. Halatang hindi sanay sa amoy na isinisingaw ng dagat at ng buhanginang nagsisilbing libingan ng mga patay at nabubulok na lamang dagat. Pablihasa nga ako’y laking dagat kaya bale-wala sa akin ang amoy ng tubig-alat na itinuturing ni Daniel na mabaho at malansa. Para sa akin, di-hamak na mas mabaho ang amoy ng sigarilyong kumapit sa suot niyang t-shirt at mas malansa ang hininga niyang may halong amoy ng nikotina.
May isang luma na’t sira-sirang rampa na yari sa magkahalong kahoy at kawayan na nakadikit sa breakwater na sa tinging ko’y nagsisilbing daungan ng mga bangka at marahil ay babaan rin ng mga isda at iba pa mga lamang-dagat na nahuhuli ng mga mangingisda kapag kati at hindi makatuloy sa pampang ang kanilang mga bangka. Dalawang baytang na hagdanang yari sa kahoy ang nakapagitan sa rampa at breakwater. Malamang na yari sa kongkreto o malaking kahoy ang nagsisilbing poste ng rampang iyon. Hindi ko makita sa dahilang “high tide” noon.
Nakatayo sa gilid ng rampang iyon si Tomas at nakatingin sa direksyon ng araw na malapit nang lamunin ng dagat. Habang kami ni Daniel ay umiiwas sa tilamsik ng tubig dagat na hatid ng along humahampas ng paulit-ulit sa aming kinapupwestuhan ay hinahayaan lamang niyang mabasa siya nito. High tide nga kasi at medyo may kalakasan pa ang hangin kaya maalon.
“Anong oras ba talaga darating ang bangkang sasakyan natin,” ang tanong ni Daniel kay Tomas. “Aba’y makapananghalian pa tayong naghihintay dito ah.”
“Oo nga naman tol, hayan papalubog na ang araw o,” ang dugtong ko.
“Aywan ko ba,” ang sagot ni Tomas. “Ang sabi ng kakilala ko na kapag wala na ang araw at lalatag na ang dilim eh saka pa lamang daw darating ang bankang naghahatid sa mga gustong pumunta sa isla. Akala ko nagbibiro lang siya pero mukha yatang totoo ang sinabi niya.”
Pailing-iling na tumingin sa akin si Daniel. Hindi iyon nalingat kay Tomas.
“Pasensya na mga tol,” ang dugtong nito. “Nadamay pa kayo sa problema ko. Kung gusto na ninyong umuwi eh okay lang. Ako na lang ang maghahanap sa kapatid ko.”
Nanahimik na lamang kami matapos iyon sabihin ni Tomas.
Maya-maya pa’y sabay kami halos ni Daniel na bumaba sa rampa upang lapitan si Tomas.
“Tol, sorry, hindi ka naman namin pwedeng iwanan dito,” wika ko sabay akbay sa aming kaybigan. “Kami naman ang nagpumilit sumama sa iyo dito di ba. Wala tayong iwanan. Mula noon ganyan tayo.”
“Nakakainip lang kasi tol, dalawang oras pa halos ang biniyahe natin patungo dito kanina,” ang dagdag ni Daniel. “Tapos mahigit isang oras pa tayong naglakad papunta dito. Sumakit ang mga paa ko dito sa suot kong sapatos.”
“Eh engot ka kasi eh,” ang sabi ko. “Alam mo namang dagat ang pupuntahan natin at sasakay pa tayo ng bangka eh nag-rubber shoes ka. Dapat kasi tsinelas o sandals ang sinuot mo. Tapos nakapantalon ka pa.”
“Nakalimutan ko nga,” ang sagot ni Daniel. “Hay naku, akala ko’y naiwan ang nanay kong sermon nang sermon. Kasama ko pala”
“Ganyan ka kapag napapansin ang kaengotan mo.” ang sabi ko.
“Oo na… oo na. Ikaw na magaling.”
Tinampal ko sa balikat si Daniel. Lumayo siya sa akin ng kaunti. Parang nagtatampo.
“Pagod na, gutom pa. Napakalayo pa naman nung mga bahayan na nadaanan natin kanina. Wala man lang mabilhan ng pagkain at mahingan ng kahit tubig na maiinom.”
“Magtigil ka nga Daniel,” wika ko. “Ayos lang na naglakad tayo ng malayo at wala tayong pagkain para pamin-minsan eh nakakapag-exercise ka at nakakapag-diet. Tignan mo nga iyang tiyan mo oh, parang tambol na ah.”
“Kung makapagsalita ka Willy eh parang ke payat-payat mo,” ang sagot ni Daniel sa akin.
Tumawa ako’t tinampal ko nanaman sa balikat si Daniel sabay sabing, “Joke lang tol. Pero tignan mo… di hamak na mas malaki ang tiyan mo sa akin.”
Binuksan ko ang aking dalang backpack. “O heto tubig. Kundi ka ba naman talaga engot ni tubig ‘di ka man lang nagbaon.”
“Eh tumakas nga lang ako eh.”
“O heto pa biscuit, isaksak mo sa ngala-ngala mo.”
“Hindi ko kasi natanong doon sa nakausap ko kung may mga karinderya o tindahan dito. Pasensya na mga tol.”
Tumingin ako kay Daniel, sinimangutan ko ito’t sinenyasang manahimik.
“Ang tigas kasi ng ulo ni Ella. Pinagbawalan ko siyang sumama sa mga kaybigan niyang mag-night swimming eh hindi nakinig.”
“Eh mukhang lahi yata talaga kayo ng matitigas ang ulo tol,” ang hindi ko malaman kung nanunuya o nagbibirong sabi ni Daniel.
“Baka naman nagtanan na si Ella at ang nobyo niya kaya hindi pa umuuwi,” dagdag ko naman.
“Hinahanap nga siya ni Jeff sa bahay kagabi kaya nalaman ng nanay namin na wala pa siya. Pilit ko siyang pinagtakpan pero bistado kami. Masyado nang nag-aalala si nanay kaya pinapasundan na sa akin. Aywan ko ba. Kinakabahan talaga ako. Sa lahat pa naman ng mapipiling puntahan eh ang isla pang iyon.”
“Bakit Tomas? ang tanong ni Daniel. “Anong meron sa islang iyon?”
“Ha… eh, wala naman tol,” ang sagot ni Tomas.

Pakiramdaman ko’y may gustong sabihin si Tomas. Pinagmasdan ko siya at nang magkasalubong ang aming tingin eh ngumiti siyang pilit.
“Ano iyon tol?” ang tanong ko kay Tomas.
Kilala ko si Tomas. Meron siyang dapat sabihin sa amin. High school pa lang eh magkakabarkada na kaming tatlo. Nagdesisyon din kaming pumasok sa iisang kolehiyo at pare-pareho pa ang kursong kinuha namin. Halos araw-araw eh magkakasama kami. Wika nga’y kabisado namin ang likaw ng bituka ng bawat isa.
“Puro sabi-sabi lang ang mga naririnig ko tungkol sa islang iyon.”
“Ah, haunted ang islang iyon. Parang isang haunted house – may mga multo at maraming kababalaghang nagaganap,” ang pabirong sabi ni Daniel.
“Sabihin na nating parang ganoon na nga. Idagdag mo na na may mga maligno doon at halimaw.”
Hindi ko masabi kung seryoso ba si Tomas ng sabihin iyon o sinakyan lamang niya ang biro ni Daniel.
Tinanong ko si Tomas, “Siyanga pala tol, bakit hindi mo niyayang sumama dito ang nobyo ng kapatid mo?”
“Hindi daw siya pinayagan ng mommy. Sinubukan niyang magpaalam.”
“Mama’s boy. Mabuti pa itong si Daniel… mama’s boy din pero marunong tumakas.”
“Naku Willy. Ako nanaman ang nakita mo.”
“Pero heto, pinahiram ako ni Jeff ng kalibre .45 at nagbigay pa ng mga bala, meron pa ngang ibinigay na isang magazine ng silver bullets. Baka daw kaylanganin natin. Mukhang may alam din iyong tao tungkol sa islang iyon.”
“Silver bullets? Bakit meron bang bampira at werewolf sa pupuntahan natin?!!”
Hindi namin pinansin ang parang nanunuyang pagtatanong ni Daniel.
“Bakit nagdala ka pa ng baril tol? Mabuti wala tayong nadaanang checkpoint.” ani ko.
“Para lang sa proteksyon natin ito. Hindi natin kabisado ang lugar na pupuntahan natin. Ayaw kasing ipagamit sa akin ni nanay ang baril ni tatay kaya nanghiram ako sa nobyo ni Ella.”
Dating pulis ang ama ni Tomas at siya’y tinuruan nitong gumamit ng baril. Madalas kaming isinisama ni Tomas kapag nagpupunta silang mag-ama sa shooting range. Kasama rin madalas si Ella. Doon nga sila nagkakilala ni Jeff.
Namatay sa isang police operation ang ama ni Tomas.
“Mga tol!”
Nang kami ni Tomas eh tumingin kay Daniel eh tumuro ito sa direksyon ng pampang. May tatlong tao na humihila ng isang bangka palusong sa dagat. Binantayan namin ang kanilang mga kilos. Sumakay ang mga ito’t sumagwan papalaot patungo sa direksyong kinalalagyan namin sa breakwater. Nakaupo sa likod ng bangka ang dalawa sa kanila, sumasagwan, habang ang isa’y nakatayo sa bandang unahan. Nasa dulo kami ng breakwater kaya’t medyo natagalan bago nakalapit sa amin ang bangka.
Umakyat ako pabalik sa breakwater. Gusto kong may distansya kami ng kaunti sa mga taong paparating. Sumunod sa akin ang dalawa.
Tumigil ang bangka sa dulo ng breakwater sa tapat mismo namin. Medyo may kahabaan ang bangka at de-motor pala ito, hindi lang nila pinapaandar. May mga katig sa magkabilang bahagi at sa bandang unahan ay merong parang spotlight. Dalawang lalaki at isang babae ang lulan nito. Tantya ko’y kasingtanda ng aking ama ang lalaking nakatayo sa harap ng bangka, higit-kumulang na singkwenta siguro. Ang babae at iyong isang lalaki nama’y parang kasing-edad lang namin. Pakiwari ko’y mga estudyante rin sila sa kolehiyo. Tingin ko’y mag-ama ang dalawang lalaki. Sila’y magkahawig. Hindi ko masabi kung kaano-ano nila ang kasama nilang babae. Iba ang hugis ng mukha nito. Maganda siya’t morena.
Maari kong sabihing hindi sila mga mangingisda. Bukod sa mga pantalon nila’t kamiseta ay may suot sila na parang tunika na kulay magulang na pula. Kung hindi ako nagkakamali eh mga deboto sila ng Nazareno… o baka miyembro sila ng isang kulto. Ang nagsisilbing sinturon nila’y parang malaking rosaryo at nakalawit sa bandang harapan ang krus. Wala rin akong nakitang gamit-pangisda sa kanilang banka. Ang nandoo’y mga lubid, sibat na kawayan at tulos. Ang nakakapagtaka ay may dala silang isang kahon na may lamang mga bote na ang nagsisilbing takip ay punit na damit. Nakatitiyak akong hindi ilawan ang mga iyon kundi parang mga Molotov cocktail. Gumagawa ng ganoon ang mga kaybigan namin sa unibersidad kapag sumasali sila sa rally. Kapansin-pansin rin ang mga mahahabang gulok na nakapatong sa mga upuan sa bangka.
“Makikisuyo na nga po mga amang. Kung may lighter sana kayo o posporo eh pwede bang sindihan ninyo ang lamparang iyan na nakapatong sa poste.” Ang pakiusap ng lalaking nasa unahan ng bangka.
“Oh sige po. Ako na lang po.” ang sabi ni Daniel.
Inihagis ng lalaki kay Daniel ang susi pambukas sa lalagyan ng lampara.
“Salamat mga amang. Mawalang-galang na … mukhang may hinihintay yata kayo?”
Ang sumagot ay si Tomas. “Opo, iyong bangka papuntang isla Miedo.”
Natahimik at nagkatinginan ang mga kausap namin. Ang lalaking nakaupo sa likod ay sumagwan at mas inilapit pa sa kinalalagyan namin ang kanilang bangka.
Inihagis ni Daniel sa bangka ang susi matapos sindihan ang lampara.
“Sa anong dahilan at pupunta kayo sa isla Miedo?” ang tanong naman ng babae.
Si Tomas muli ang sumagot, “Nagpunta doon ang kapatid ko at mga kaybigan niya. Nag-swimming sila doon kahapon. Hindi pa sila nakakabalik. Hahanapin namin sila.”
Muling nagtinginan ang mga nasa bangka. Sila’y nag-ilingan. Nilapitan ng babae ang kasama niya’t may ibinulong. Nag-usap sila habang parehong nakatingin sa amin. Hindi namin maulinigan ang kanilang pinaguusupan. Nilulunod ng ingay ng mga along humahampas sa breakwater ang kanilang mga tinig.
“Ipagpaumanhin ninyo pero hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Mga amang, kung ako sa inyo eh dumito na lamang kayo. Hintayin na lamang ninyo na bumalik sila.”
Ang lalaking nakakatanda ay parang isang ama na naguutos sa kanyang anak nang sabihin iyon sa amin.
What Teachers and Students Expect From One Another

Teachers do talk about their students. They share among themselves their best and worst experiences in the classroom and compare their students’ performance and behavior. This they do either in meetings or just informally during lunch and coffee breaks.
Students do the same – they also talk about their teachers. When they are not within hearing distance of the educators, they discuss about them. Students tell each other (and their parents) how good or bad their teachers are – how much they like or abhor them.
It’s not only the teachers who could express satisfaction over good performance of students or show discontent for the students’ lack of effort in their studies. The students could do the same. They would show approval for the good effort put up by their teachers and convey disdain when they feel they are being shortchanged.
Both teachers and the students expect each other to perform well when they come to class. They both demand excellence. The teachers assume that their students have studied their lessons and have done their assignments. On the other hand, the students believe that the ones leading the learning process, their teachers, are prepared whenever they stand in front of them – that they have a lesson plan and they know how to execute it.
The most foolish assumption that teachers could make is to think that their students wouldn’t notice if they come to class unprepared. Students know if a teacher is not doing his or her job properly. It’s not only the teachers who could distinguish excellence from mediocrity.
Teachers require students to participate in discussions and other class activities. For that, they need to do their part. The teachers should never forget that there is a prerequisite to requiring the students to participate – motivation. Students expect their teachers to make them interested in the subject and to ask questions that make them think. They expect them to explain clearly and give sufficient examples for them to be ready to participate.
Such are among the pedagogical skills that teachers are expected to manifest if they hope to succeed in making students participate actively in their classes.
Students expect their teachers to be competent. The worst mistake educational managers could do is to not strictly screen applicants or blindly disregard hiring procedures and standards for whatever reasons and end up entrusting to somebody mediocre – to somebody not trained to be a teacher – the education of students. Knowledge coupled with the required pedagogical skills are what constitute competence among teachers.
Interestingly, competence and their correlates are not the ones that came out on top of the list of what students perceive as qualities of effective teachers. In studies conducted to determine what students consider as the best characteristics of quality teachers, those that relate to personality, not pedagogical skills, were the ones that consistently top the list.
In one of the said studies, among what emerged as the top five qualities of effective teacher as perceived by students, “the ability to develop relationships with their students” received the highest score.1 Of the four remaining, only “engaging students in learning” (ranked 5th) is related to pedagogy. “The ability to develop relationships with their students,” “patient, caring, and kind personality,” and “knowledge of learners” were ranked, 2nd, 3rd, and 4th, respectively.
Students and teachers differ in their perception of the characteristics of effective teachers. In a study that explored student and teacher beliefs on good teaching,2 teachers rated constructs related to their abilities as teacher much higher than those related to their personality. For the students, it’s the opposite. They gave preference to constructs related to the personality of teachers. Students who participated in the study rated “caring,” “content knowledge,” “safe environment,” “dependable,” “prepared” and a “teacher-student relationship” as most important when describing what makes a good teacher.
Again, emerging on top of the list, as viewed on the perspective of students, is a quality related to the personality of the teacher – “caring.” Note that “content knowledge” and “prepared” are related to pedagogy, the rest to the attitude and behavior of the teachers.
A very interesting topic for research is who can best answer the question “What are the qualities of an effective teacher, the students or the teachers?”.
Who is the better judge of what constitutes quality teaching – the students or the teachers themselves?
Teachers also expect respect from the students. That is something not difficult to elicit from young people like the students who are (supposedly) taught by their parents to respect people in authority. But even if parents were remiss of their duties to inculcate among their children that value, the teachers are always in a position to be accorded respect. The teachers, however, have to understand that respect is a two-way street. Students also expect to be respected. Their being the persons in authority don’t give them the right to embarrass the students either directly or indirectly.
In a study on students’ perceptions of effective teaching in higher education,3 “respectful” and other correlated descriptors were mentioned by students in a number of times significantly more than any of the other characteristics, including “knowledgeable” (which got the second highest mark). Student-respondents said that they appreciate teachers who are compassionate and understanding of the unique and challenging situations that students sometimes experience.
One of the proven ways of ensuring successful learning is for the teacher to ensure that a good rapport between them and their students exist. And the best way to do it is by not only telling the students what they expect from them but by knowing also what the students expect from the teachers.
References:
Tunay Na Kaibigan
Simple ang tanong. Kaylan masasabi na ang taong tinatawag kang kapatid, kapuso, kapamilya o kabarkada ay tunay mo ngang kaibigan at hindi nagpapanggap lamang? Nakakatiyak ka ba na ang fren o BFF mo, na minsan ay tinatawag mong sister o brother, kahit hindi kayo magkadugo, ay tunay mong kasangga at pinagmamalasakitan ka?
Tunay ngang napakasarap na magkaroon ng kaibigan. Iyong taong kasama mong tumatawa kapag ikaw ay masaya at kasama mong nagdiriwang kapag ika’y nagtatagumpay. Subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ka, nakakamit mo ang iyong mga pangarap, at ang takbo ng buhay mo ay sumasangayon sa iyong kagustuhan. May mga panahong igugupo ka ng kalungkutan at kabiguan. Ito ang pagkakataong kaylangan mo ng balikat na iiyakan – ng taong kadamay.
Ang kaibigan bang kasama mo kapag masaya ka at masagana ay nandoon rin kapag gumagapang ka sa balag ng pighati at kabiguan? Kung siya ay nandoon kasama mong sumasagwan habang ang bangka mo ay tumatawid sa lawa ng kalungkutan at paghihirap ay mapalad ka sa dahilang meron kang tunay na kaibigan.
Hindi kasi lahat ng taong akala mo ay kaibigan ay tunay na nagmamalasakit sa iyo at handa kang damayan sa abot ng kanilang makakaya. May mga tao na gusto ka lamang kasama sa lakaran, inuman, kainan o kantahan. Wika nga sa English, “friends in good times,” lalo na nga kung ikaw ang taya.
Marahil narinig mo na rin ang idyom sa wikang English na “fair-weather friends.” Sila ang mga taong ituturing kang kaybigan kung may mapapala sila.
May mga tao kasing ang pananaw sa pakikipagkaibigan ay nakabase sa tanong na ,“Ano ba ang pakinabang ko sa iyo?” Kung merong mapapala mula sa iyo ay babarkadahin ka upang sa panahon na may kaylangan sila ay tatawagin o pupuntahan ka.
May ganyan bang tao na kaybigan ang tawag sa iyo? Mag-ingat ka dahil siya ay manggagamit – isang “user.” Maaala-ala ka lang ng ganyang uri ng kaibigan sa pagkakataon na may hihingin siyang pabor o kaya nalulungkot siya kaya kaylangan ng kausap. Kabilang ka sa listahan ng mga tinatawag niyang kaibigan dahil may mapapala sa iyo. Paminsan-minsan na may gagawin siyang pabor para sa iyo para hindi siya halatain. Pero kung lilimiin mo nang mas malalim ay makikita mo na hindi “symbiotic” ang uri ng relasyon ninyo. Makikita mong para siyang “parasite” na gusto laging kumabig. Hindi ka naman tanga para hindi mo mapansin na ang taong iyan ay makasarili at nuknukan ng gulang.
Hindi sa naghihintay ka ng kapalit sa mga bagay na ginagawa mo sa iyong kaibigan. Hindi rin materyal na bagay ang pinaguusapan dito. Ang pagtulong natin sa mga kaybigan sa ano mang paraan ay pagpapakita natin ng kagandahang loob. At lahat ng tao, ano man ang estado sa buhay, may pinagaralan man o wala, mahirap man o mayaman, ay alam na dapat sinusuklian ang kagandahang loob kahit sa pinakasimpleng paraan. Subalit kung ang taong tinatawag kang kaibigan ay hindi alam iyan dapat eh magisip-isip ka.
Hindi lamang mga kaibigang may kagulangan ang pag-iingatan mo. Baka rin may mga taong traydor na ang tawag din sa iyo ay kaibigan. Sila ang mga taong kapag nakatalikod ka lahat ng baho mo ay isinisiwalat sa iba. Kaya’t kilatisin mo ng mabuti kung ang pinagsasabihan mo ng iyong mga problema at mga hinaing sa buhay ay mapagkakatiwalaan o hindi.
Mahirap magkaroon ng kaibigang makati ang dila na ang kaligayahan ay siraan ang mga tinatawag niyang kaibigan sa iba niyang mga kakilala. Kaya’t mag-ingat ka. Hindi nangangahulugan na kapag ang kaibigan mo may pinag-aralan na siya ay matinong tao. Hindi ibig sabihin na kung ang tumatawag sa iyo ng kaibigan ay pala-simba, nagnonobena at nagrorasaryo na siya ay isang santo o santa. Ang siste nga ay kung habang nasa simbahan mismo kayo ay kung ano-ano ang kanyang pinupuna at sinasabi sa mga taong hindi naman ninyo kakilala eh magisip-isip ka na.
Ano pa ba ang ibang uri ng kaibigan ang dapat iwasan?
May mga kaibigan ka ba na sa tuwing kausap mo ay puro tsismis at kasiraan ng ibang tao ang laging bukang-bibig? Tandaan mo ito – kapag wala ka at kausap niya ay ibang tao, isa ka sa mga pinaguusapan nila. Pinagpipyestahan nila ang mga problema at sikreto mo. Tiyak iyan.
May kabarkada ka ba na kapag kausap mo ay puro pamimintas at paghuhusga ang ginagawa sa iyo? Iwasan mo na siya. Okay lang na sabihan ka sa mga maling ginagawa mo pero alam mo kung ano ang pagkakaiba ng pagpapayo upang itama mo ang isang pagkakamali at pagsasabi ng pagkakamali mo para pintasan at husgahan ka.
At kung may kaibigan ka na minemenos ka’t minamaliit, aba, ora mismo, lumayo ka. Ang tunay na kaybigan ay dapat pinapalakas ang ating loob at naniniwala na may kakayanan tayo. Gusto nilang tayo ay magtagumpay at makamit natin ang ating mga pangarap sa buhay.
Meron kasing mga grupo ng magkakaibigan na kapag sama-sama sila ay kaylangang merong isa sa kanila na pagtsismisan, merong hahamak-hamakin at merong pagtatawanan. Sa madaling sabi, kaylangan nila ng “punching bag” – ng kaybigang pagtitripan. Huwag kang pumayag na ikaw iyon. Umiwas ka sa ganyang uri ng grupo. Mero’t merong kang mahahanap na mga kaybigan na may paggalang at tunay na pagmamalasakit sa bawat isa – mga kabarkadang alam ang pagkakaiba ng biro sa lait.
Hindi tayo perpekto. Walang taong perpekto. Kaya’t kaylangan natin, bukod sa pamilya, ng mga kaibigan na tutulong upang maiangat natin ang ating sarili at mapagbuti ang ating pagkatao. Iyon bang susuporta sa pakikipagtunggali natin sa mga hamon ng buhay. Hindi iyong lalo pang magpapabigat sa ating mga dalahin. Kaylangan natin ng mga kaibigang bukal sa loob ang pagtulong at hindi pansariling interes lang ang iniisip, kaybigan marunong magbalik ng kagandahang loob, sa ano mang paraan, hindi mo man ito hinihingi.
Kaylangang natin ng mga kaibigan na nakatampuhan mo man, may nasabi man kayong hindi maganda sa isa’t-isa, sa paglipas ng panahon, kapag muli kayong nagkita, nagkapaliwanagan ay muli ninyong yayakapin ang isa’t-isa. Ganyan ang tunay na kaybigan. Minsan nga, matindi man ang tampuhan ninyo, kapag nagkita kayong muli at nagyakapan ay ni hindi na kaylangan ng paliwanagan.
Isa pang palatandaan ng tunay na pagkakaibigan ay ang pagiging bukal sa puso ng pagtulong sa bawat isa. Hindi na kaylangang hingin, hindi na kaylangang sabihin. Ano mang bagay na makakatulong ay kusang loob na ibinibigay o ginagawa natin para sa ating mga kaybigan.
Ang tunay na kaibigan ay iyong naaalala ka kahit walang kaylangan, iyong tipong bigla kang yayayaing mag-kape dahil nami-miss ka.
Huling tanong, “Anong uri ka ng kaibigan, tunay o nagpapanggap?”
On Perspective

I do have a friend who would usually be mistakenly identified as me. There were many instances that people in the university where both of us are teaching called me by his name and him by mine. Why? None of us is a dead ringer for the other but very likely that our similar built, height and rounded face would make people commit that mistake.
Seemingly bemused, he asked me one time, “Why would they think I am you? Do I look as old as you are?” I paused for a while, smiled then told him jokingly, “No, I think I just look as young and handsome as you are.”
As my friend laughed at my response, I thought that the contrasting way we looked at the issue has opened an opportunity for me to revisit the topic “perspective.”
That (perspective) is one of the most amazing things about us…
View original post 689 more words
“BILBILingly Yours”

Pilit pumupulupot sa aking baywang
Habang buhay yata akong didikitan
Kahit anong gawin ayaw akong iwan
O BILBIL pakiusap ako’y tantanan
BILBIL MO:
Di nga ba’t tayong dalawa’y nagsumpaanNa magpakaylanman ay walang iwanan
Sa kabilang buhay man ika’y susundan
Akong BILBIL mo’y h’wag nang ipagtabuyan
ISANG PAGTANGGAP:
Mahirap man ay dapat ko nang amininMasakit man ay dapat ko nang tangapin
Sinikap ko ngunit ano man ang gawin
Ikaw oh BILBIL ‘di na kayang tanggalin
ISANG PANGAKO:
BILBIL pangako ko’y iyong panghawakan
Tanggap kita’t ‘di na ipagtatabuyan
Nangangakong kita’y pangangalagaan
Katakawang taglay ko’y ‘di na pipigilan
TUGON NG BILBIL MO:
Pangako mong iyan ‘di ko lilimutin
Si DIET sana ay h’wag mo nang isipin
Kung tawagin kang CHUBBY iyong dedmahin
Ipagmalaking ikaw ay tabatsingtsing
Masaya Ka Na
(Inspired by Ed Sheeran’s “Happier”)

Dati nating tagpua’y aking pinuntahan
Nakitang kamay mo’y mahigpit n’yang tangan
Kamakailan lamang nang ako’y iwanan
Kagyat kapalit ko’y iyong natagpuan
Mula sa malayo kayo’y pinagmasdan
Tila kay saya ninyong nagkukwentuhan
Nais mo bang aking tanggapin na lamang
Na kay bilis mong ako’y kinalimutan
Nagbubulungan kayo’t nagtatawanan
Puso’y hinagupit ng panghihinayang
Kasiyahan ninyong walang mapagsidlan
Animo’y krus ng kalbaryong aking pinasan
Kamay ko’y binitawa’t ika’y umalis
Dahil damdamin mo’y nasaktan ng labis
Ngunit umaasang iyong malilirip
Pagmamahal ko’y walang makahihigit
Masaya ka na ngang iba ang kapiling
Nakakalungkot ma’y aking tatanggapin
Nasasaktan ma’y akin ding aaminin
Nahihirapan akong ika’y limutin
Saan man magpunta’t ano man ang gawin
Ala-ala mo’y ayaw akong palayain
Anino itong nakabuntot sa akin
Aking naaaninag kahit pa madilim
Masaya ka na… paano naman ako
Kaligayahan ko’y nanggagaling sa ‘yo
Nasa bisig mo ang aking paraiso
Kung wala ka ay ‘di iinog ang mundo
Kung ang sayang iya’y panandalian lang
Kung sa bandang huli ika’y masasaktan
Huwag magatubiling ako’y balikan
Puso ko’y katukin kita’y pagbubuksan
How Colonialism Shaped the Filipino Character (2nd of 4 parts)
Filipinos often ask questions like, “What would Philippines be like today had Spain not colonized the island nation? Would the Filipino character developed the way it is now had the Spaniards not succeeded in putting the natives in chains for more than three centuries?
What if the Americans observed the principle that “governments derived their just powers from the consent of the governed” [3] and decided not to stay in 1898 and allow the Filipinos to govern themselves? The Americans should have known better. That principle was the driving force of the declaration of their independence in 1776. It is touted to be the model for the right to self-determination, the very right that they deprived the Filipinos of when they colonized the Philippines. The Americans justified their occupation of the islands by saying that the Filipinos were not ready for self-governance. But how sure were they? And even…
View original post 1,130 more words

