Category Archives: Tula

Like Wine

Be like wine.
As you age,
be sweeter…
be fuller.

Age with grace…
be not a disgrace.
Be elegant.
Be opulent.

Like an aged wine.
Let your value appreciate,
not depreciate.

Life’s an oak barrel.
Live to be smoother.
full-bodied
intense.

That barrel
should have made you…
well-rounded
like a wine.

Ako’y Noyping Manunulat

Madalas akong tanungin kung bakit ako nagsusulat. Bakit nga ba?  Libangan ko lang talaga ito. Ako’y nagsisikap na maging mahusay na manunulat ngunit aaminin kong marami pa akong bigas na kakainin (matapos ko siyempreng isaing). Wala po akong ilusyon (Wala nga ba?) na maging  tanyag sa larangang ito. Kahit na nga ba madalas kong sabihin sa mga estudyante ko sa “Literature” na pangarap kong mapagwagian ang “Nobel prize in Literature.” Biro ko lamang iyon. Sa “Palanca” nga hindi ako manalo-nalo eh sa “Nobel” pa kaya. Gusto ko lang talagang magsulat at masaya ako kapag ginagawa ko ito. At heto pa, medyo malalaki-laki na rin ang kinita ko sa pagusulat. Nalilibang na ako eh kumikita pa. Pero ang mga sinulat ko sa English ang binabayaran. Medyo malaki ang  tinatanggap kong bayad kaya sulit. 

Kinaloob ng Panginoon na gawing daluyan ng biyaya Niya sa akin ang pagsusulat at kung kaloobin rin ng Panginoon na makilala ako sa larangan ng pagsusulat eh bakit naman hindi. At kung kaloobin niyang balang araw eh manalo rin ako sa “Palanca” eh ‘di wow. Malay mo eh masungkit ko rin ang “Nobel Prize in Literature.” Eh di dalawa wow na. Wow na wow! Si Bob Dylan nga na isang song writer (composer) at hindi talaga regular na writer ng mainstream prose and poetry at fiction ay nanalo. (Sabagay, ang kanta naman kasi ay tula kaya si Bob Dylan ay isang poet.) Pero mismong siya ay nagulat nang mapanalunan niya ang presitihyosong premyo at noong una ay ayaw nga niya itong tanggapin. Siya daw ay nanalo “for having created  new poetic expressions within the great American song tradition.” 

At ako, eh ano bang “something new” at kakaiba sa mga sinusulat ko na baka ituring na “new poetic expression.” Heto… TINULANG JOKES. Meron na bang mga makata at manunulat noon na gumagawa ng jokes nang patula? Malay mo ako ang nauna. Malay mo mapansin ito ng National Commission for Culture and the Arts at i-nominate nila akong maging National Artist dahil dito. JOKE! JOKE! JOKE! 

May mga TULAMAIKLING KWENTO, MAIKLING NOBELA at SANAYSAY akong sinulat. May mga nasulat na rin akong  mga DULA. May mga sinusulat rin ako tungkol sa mga karanasan ko dito sa South Korea. Tinipon ko ang mga naturan sa KUWENTONG KIMCHI (BUHAY OFW).

Dula ang entry ko nang sa unang pagkakataon ay sumali ako sa patimpalak na tinatawag na Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Ang pamagat ng naturang dula ay “K-Drama.”  Hindi ako pinalad na manalo.  Mula noong 2014 ay sumasali ako sa Palanca. Hanggang ngayon (2020) ay hindi pa rin ako sinisikatan ng suwerte. Pero hindi ako marunong madala. Kaya taon-taon na sasali ako…hangga’t kaya ko pang pumindot sa keyboard ng aking laptop.

Ang mga akda ko ay simple lang. Patuloy akong nagsisikap upang mapagbuti ko ang pagsusulat. At ang paglikha ko ng website/blogsite na ito ay isang simpleng paglilibang lang. Nais ko lamang na maging produktibo. Napakadami ko kasing libreng oras dito sa South Korea at bukod sa pagsusulat ay naghanap ako ng iba pang mapaglilibangan. At heto nga, ang paglikha ng sarili kong website/blogsite na siyang paglalagakan ko na aking mga sinulat at mga susulatin pa. Sayang at napakadaming mga sinulat ko noon na nangawala na kaya’t dito sa site na ito ay titiyakin ko na lahat ng aking mga likha ay mapi-preserve ko ang aking mga akda.

Napakalaking challenge sa akin ang bumuo ng ganitong website/blogsite dahil hindi naman ako magaling sa computer. Pero pilit kong iginapang at heto nga paunti-unti ay natututo ako.

Maraming salamat po at sana’y may makita kayo dito na magugustuhan ninyong basahin. Nais ko rin pong mabasa ang inyong mga komento upang malaman ko kung paano ko mas mapagbubuti ang pagsusulat.

Freedom To Verse

I am free!

My verse is free!

I verse –

whatever

whenever

however.

I versify –

my joys,

hurts,

thoughts,

and my angsts.

I versify my visions and dreams,

I versify my beliefs…

and disbelief

my faith and the lack of it.

I conjure up my shallowness and depth

from the hat I call my verses.

I turn to verse when… and if I want.

I am free to verse away from meter…

to verse away from rhyme.

For to verse is a freedom!

Shouldn’t be chained…

nor boxed.

Shouldn’t be buried in the grave of standards.

<span>%d</span> bloggers like this: