Blog Archives
Hindi Nga Ba Ukol? (1)
(1st of 7 parts)

Nang matapos ko na ang pangatlong pelikula ay pinatay ko muna ang aking desktop computer. Mamaya eh laptop naman ang aking bubuksan kapag nagbrowse ako sa Internet. Ganoon lang umiikot ang buong araw ko kapag walang trabaho – Nexflix… Internet… at kapag inspired eh magsusulat ako ng kuwento, tula, o essay at ipo-post ko sa aking website. Kapag wala ako magustuhang pelikula at tinatamad akong mag-browse o magsulat eh nagbabasa na lang ako . Basta nasa loob lang ako ng bahay. Ayaw ko naman kasing gumala dahil sa Covid. Weekend kaya siguradong matao ngayon sa labas. Mahilig mamasyal ang mga Koreano kapag wala silang pasok. Bukod doon eh malamig, Hindi pa tapos ang winter.
Bukas eh tatapusin ko naman iyong librong binabasa ko. Nangako kasi ako sa sarili na hindi muna ako gagawa ng ano mang bagay kaugnay sa trabaho buong weekend. Bawas stress muna. Sa opisina ko na lang tatapusin iyong report na pinapagawa ni boss.
Pumunta ako sa terrace ng two-bedroom apartment na inuupahan ko upang sumagap ng sariwang hangin at mag-stretching ng kaunti. Madilim na. Pasado alas-otso na kasi.
Maliit lang ang terrace ng apartment unit na inuupahan ko. Isang upuan at maliit na lamesita lang ang inilagay ko doon. Doon ako umuupo kapag gusto kong magpapresko, magbilad sa araw kapag umaga, nagbabasa ng libro, o tuwing ako’y nagkakape o umiinom ng beer.
Pero sandali lang ako naglagi sa terrace. Gutom na kasi ako kaya nagpunta ako sa kitchen. Makapananghalian pa nang magsimula akong manood. Iyong natira kong chicken at pizza eh minaycrowave kong upang hapunanin. Dinagdagan ko na lang ng ramen para may sabaw akong mahigop.
Bitbit ang aking pagkain eh bumalik ako sa kuwartong ginawa kong study room at mini-theatre. Iyon ang nagsilbi kong workplace noong nagdesisyon ang mga employers ko na work from home muna kaming mga nasa opisina dahil marami ang cases ng covid. Kamakaylan lang kami ulit na nirequire na mag-report na sa opisina.
Habang kumakain, binuksan ko na ang laptop at sinimulan ko mag-browse. At katulad ng dati, bago ko bisitahin ang mga websites at social media platforms na regular kong ino-open eh inuna ko muna ang FB. Nagmessage ako kay Anna, misis ko, para kumustahin kung okay na siya. Hindi kasi kami nakapagchat maghapon dahil masama daw ang kanyang pakiramdam.
Mukhang offline siya, hindi kulay green ang active status niya sa Messenger. Sinubukan kong i-video call ang anak naming si Kenneth. Hindi sumagot. Dalawang bagay lang tulog na siya oh busy sa paglalaro ng Mobile Legends.
Tinignan ko na lang ang mga posts ng mga FB friends ko. Binuksan ko rin ang profile ng ilan sa mga malalapit kong kaybigan at mga mahal sa buhay. Ganoon ko na lang nasusubaybayan kung ano ang nangyayari at ginagawa nila sa Pilipinas. Kapag may gusto akong kumustahin o maka-chat eh mine-message ko sila. Isa sa kanila ang nagse-celebrate ng birthday – si Katherine.
Binuksan ko ang profile ni Kath. Pumili ako ng magandang birthday image sa Google at sinend ko sa kanya sa Messenger. Dinagdagan ko iyon ng isang maikiling message sabay na rin ang pangungumusta.
Pagkatapos niyon eh inopen ko ang website ng ESPN para tignan kung ano resulta ng mga games sa NBA. At mula doon ay lumipat ako sa You-Tube para panoorin naman ang highlights ng mga NBA games. Sa ganoon na naubos ang oras ko. Alas-onse na pala. Ubos na rin ang pagkain ko.
Sawa na ako sa pagba-browse. Manonood na lang ulit ako ng isa pang pelikula. Pero nagtimpla muna ako ng kape.
Bago ko i-turn off ang laptop ay binuksan ko muna ulit ang FB. Hindi ko pa pala nako-close ang profile ni Kath. Tinignan ko kung nabasa na niya ang pinadala ko sa kanyang birthday greetings.
Hindi pa “seen.” Tulog na siguro iyong ale. Baka bukas na niya makikita ang message ko.
Naisipan ko biglang tignan ang convo namin sa Messenger.
Iniskrol up ko.
Wala pala kaming seryosong naging usapan mula noong nagtrabaho ako sa Korea. Tuwing birthday niya eh babatiin ko siya. Pagkatapos niyang mag-thank you at maikiling kumustahan eh babay na. Gusto ko sanang makipagkuwentuhan ng medyo mahaba-haba pero ang hirap tantyahin kung gusto ba niyang maki-pag chat ng matagal o hindi… kung gusto ba niya akong maka-usap katulad ng dati.
Inikskrol down ko naman.
May balak pala sana kaming magkita noong isang taon nang ako’y magbakasyon. Pero sanay na ako sa mga ka-chat kong kaybigan, ma-babae o ma-lalaki, na yayayain akong magkape at magkuwentuhan kapag nagbabakasyon ako sa Pinas pero hindi naman natutuloy. Puro drawing lang. Pero siguro kung hindi nagka-covid noon isang taon eh baka nga nagkita kami ni Kath. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong makita siya at makausap. Hindi ko lang alam kung ganoon din siya.
Nang iko-close ko na sana ang FB para makapanood na ulit ako ng pelikula eh biglang naging “seen” iyong message ko kay Kath. Naka online pa siya. At nakita kong nagsisimula na siyang mag-type ng message.
“Sirrr!!!” Iyong ang unang message ni Kath.
Hanggang ngayon sir pa rin ang tawag niya sa akin. Naging intern kasi siya sa travel at recruitment agency ng tito ko kung saan kami nagtatrabaho pareho ni Anna bago ako napunta dito sa Korea. Ang misis ko na lang ang nandoon ngayon. Ako ang head ng HR office at mismong sa office ko ini-assign noon ng tito ko si Kath. Fresh graduate siya noon at ang kasunduan nila ng tito ko eh internship muna ang unang buwan, pero with pay, at kung iha-hire siya o hindi bilang fulltime employee eh depende sa recommendations ko.
“Kumusta po?”
“Ano ba Kath… kanina sir… ngayon pinopo mo naman ako. First name ko na lang.”
“Okay… okay. Sige… take two… Kumusta Marco?”
“Ma-beauty pa rin?” Ang pabiro kong sagot sa message niya.
“Wow! Same here… at mas ma-beauty ako sa iyo.”
Nagpalitan kami ng mga smileys pagkatapos niyon.
“Salamat naman at hindi mo nakalimutan ang birthday ko.”
“Paano ko makakalimutan eh nakalista sa mga dapat kong batiin tuwing magbe-birthday sila.”
“Talaga lang ha. Salamat kasi nakasama ako sa listahan mo.” Ang sagot ni Kath matapos niyang pusuan ang message kong sinagot niya.
“Ano nga pala ang pinagkakabalahan mo ngayon?” Ang tanong ko sa kanya.
Sa tanong kong iyon nagsimula ang mahabang kuwentuhan namin. Noon lamang nangyari ang ganoon, ang mag-chat kami ng matagal sa FB. Dati matapos ang siguro’y palitan ng tatlo hanggang limang messages eh nagpapaalaman na kami.
Kinumusta ko ang kanyang pamilya.
“I and Jay… we’re happy together. We’re blessed as a couple.” Wika niya.
Ang tinatanong ko eh buong pamilya. Sa totoo lang eh hindi ko naman naisip si Jay ng kumustahin ko pamilya niya. Pero dahil doon na din lang niya dinala ang usapan eh tinanong ko na kung nasa Pinas ang asawa niya. Alam ko kasi na seaman ang kanyang napangasawa.
Aniya’y nakasampa daw ito kasalukuyan at sa South America daw bumibiyahe ang barko nila.
“Kumusta naman kayo ni Anna?”
Matagal bago ko sinimulang i-type sa convo namin ang sagot ko. Pinag-isipan ko ito ng mabuti. Kumusta na nga ba kami ng asawa ko?
“We’re okay.”
“Wow. Ang tagal bago sumagot tapos sasabihin lang na okay sila.”
Actually may karugtong iyon. Napindot ko lang kasi ang enter after ko i-type iyong isinagot ko.
“Nang tumigil na akong mag-set ng standards, eh mas naging maayos ang lahat sa amin.”
“Has she changed?”
Hindi ko agad nasagot ang tanong ni Kath.
“Marco… sorry for asking.”
“No worries Kath…. Actually… Anna is Anna. She is who she is. Tanggap ko na iyon.”
Thumbs up na lang ang isinagot ni Kath.
Naala-ala ko tuloy iyong mga pagkakataon na kapag nag-aaway kami ni Anna noon eh si Kath ang nagiging hingahan ko ng sama ng loob. Kapag pumapasok siya sa opisina ko noon at ako’y tahimik lang eh alam na niyang nagkaroon kami ng diskusyon ng misis ko. Ipagtitimpla na niya ako ng kape at pagkatapos ay sasabihin na nitong huwag na akong mahiyang mag-share.
Akala ko na pagkatapos niyang mag-thumbs up eh magpapaalam na siya. Instead eh nag-send ito ng malungkot na emoji.
Nag-type ako sa convo namin.
“Okay lang ako Kath.”
Pinusuan niya ang message kong iyon.
Siya naman ang tinanong ko.
“Kayo, kumusta set-up ninyo ni Jay? Restored na ba? As in back to what it used to be.”
“Yeah, back to normal. Naayos namin lahat ng problema. We both realized na kaylangan naming pagdaanan ang mga pinagdaanan namin. Katulad nang pinagdaanan ninyo ni Anna noon. You know na pareho kaming Christians kaya we chose to stay together and allowed God to lead the healing process.”
Thumbs-up ang isinagot ko sa kanya.
“I think mas matured na kami ngayon when handling our problems.” Dagdag pa niya.
Bago kasi ako nagpunta na Korea ay nagkita kami ni Kath. May pinagdadaanan daw silang mag-asawa na krisis noon at kaylangan lang niya ng kausap. Ako naman ang nakinig sa mga hinaing noon ni Kath. Mukhang hahantong daw sa hiwalayan ang problem nila noon. Tinanong ko kung ano ang dahilan pero nag-alangan siyang sabihin.
Sa bigat ng problemang pasan niya noon eh hindi ko na nagawang ihinga din sa kanya ang mga saloobin ko… ang mga pinagdadaanan ko noong panahong iyon. Ang matiniding krisis na pilit kong nilalampasan noon. Tiyak kong mas mabigat kung ikukumpara sa mga pasanin niya noon… na kinaylangan ko pang maresetahan ng anti-depressants noong mga panahong iyon. Ni hindi ko na rin nasabi sa kanya noon na malapit na akong umalis papuntang South Korea.
“Naku mukhang busy na si Marco.”
“Oops… no Kath. Naalaala ko lang kasi iyong last time na nag-usap tayo. Nanood tayo noon ‘di ba? ”
“Alin ang naalaala mo, pelikula o iyong pananantsing mo… iyong kunwari eh yayakapin mo ako to comfort me pero sumisimple ka nang halik sa pisngi ko?”
“Hoy hindi ah.” Ang sagot ko sa message ni Kath. “I was just really comforting you then. Kung iba ang intention ko noon eh di sana…”
“Stop it Marco…”
“Okay… but I had no other intentions that time.”
“Sige na nga, sabi mo eh.”
Smileys ang isinagot ko kay Kath.
Tatlong puso naman ang sinend niya sa akin.
“I miss you Kath. I really do.”
Hindi ko alam kung tama ba na mag-message ako sa kanya ng ganoon. Para lang kasing may bigla akong naramdaman. Pamilyar ako sa pakiramdam kong iyon sa kanya.
Nasend ko na bago ko na-realize na baka masamain niya iyon.
“Naku… naku Marco… Sige goodnight na. It’s getting late. Sige na.”
Minasama nga siguro ni Kath ang sinabi kong iyon.
“Sorry Kath.”
“Sorry? Sorry for what?”
Hindi ako makapindot sa keyboard ng kahit anong letra. Matagal.
“Kako sorry for what?”
Hindi ko na matantiya kung gaano katagal na para akong natulala. Ang daming nanumbalik sa aking ala-ala.
Nag-type ako ng message. Pero hindi ko alam kung nandoon pa rin si Kath o nag-logout na siya.
“Wala iyon Kath. Ay siya. Sabi mo nga kanina eh goodnight na. Thanks for the time.”
Sumagot si Kath. Galit na mga emoji ang isinagot niya. Sunod-sunod.
“Sige Marco, ibitin mo ako ulit. Sanay naman na ako na ganyan ka.”
Napahawak ako sa noo nang mabasa ko iyon. Itong ganitong pagkakataon talaga ang dahilan kaya kahit gusto ko mang maka-chat si Kath eh umiiwas ako. Ganoon din siguro siya. Pareho sigurong ayaw naming may maungkat na hindi na dapat pang ungkatin.
Sa halip na mag-type ako ng message eh sinubukan kong i-video call si Kath.
Ni-reject niya.
Sinubukan ko ulit.
Rejected pa rin.
“Please answer my call. Hirap na akong mag-type sa keyboard.” Ang sumamo ko kay Kath.
Sinubukan ko ulit siyang tawagan.
Sa wakas eh sinagot na niya. Pero naka-off ang cam niya.
Nag-type ako ng message…
“Pa-on naman ng video mo… please.”
“Why?” Ang sagot niya.
“I want to see you.”
Matagal-tagal rin bago pinagbigyan ni Kath ang kahilingan ko.
Pinagmasdan ko si Kath nang naka-on na ang kanyan cam. Tantiya ko parang ganoon din ang ginagawa niya. Tingin ko parang walang nagbago sa kanya. Halos walong taon na ang lumipas matapos ang huling pagkikita namin.
“Umiiyak ka ba?” Ang tanong ko.
“Buwisit ka kasi Marco. Nakakainis ka. Oh… bakit kaylangan pa natin mag-video call?”
“Eh ngalay na kamay ko’t mga daliri sa kaka-type. Saka kasi…”
Hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin.
“Kasi ano?”
“Hay… sige na nga… nami-miss kita Kath.”
“Aywan ko sa iyo Marco. Ang hirap tantiyahin kung nagsasabi ka ng totoo o nambobola ka lang.”
“Ganyan ba talaga tingin mo sa akin.”
“Oo matagal na. Mula nang hindi ka sumipot noong araw na iyon.”
Wala akong maisagot kay Kath. Iyon pa rin ang isyu niya sa akin kapag napupunta sa ganito ang usapan namin. Isyu na hindi ko rin alam kung bakit hindi ko pa nasasagot hanggang ngayon.
“Marco, may itatanong ako sa iyo. At sana once in your life eh maging honest ka sa pagsagot. Kahit ngayon lang.”
Masakit iyon. Brutal. Para bang napakasinungaling kong tao talaga.
“Okay… okay… Promise. I’ll be honest. Ano iyon?”
Hinintay ko ang tanong niya. Alam kong tinititigan niya ako sa monitor ng computer na gamit niya. Pilit kong hinuhulaan kung ano ang tanong na iyon. Iyong nanaman bang hindi ko pagsipot sa usapan naming magkitkita noon? Siguro iyong ginawang paglilipat sa kanya ng tito ko sa ibang branch ng pinagtatrabahuhan namin. Halos six months kaming magkasama sa office ko pagkatapos ng kanyang internship bago siya inilipat. After two months ng paglipat sa kanya eh nag-resign siya at naghanap ng ibang trabaho. Baka gusto niyang itanong kung bakit hindi ko siya pinigilan noong sinabi niyang magre-resign siya o bakit parang balewala lang sa aking nooong sinabi niyang magpapakasal na sila ni Jay. Hindi namin kasi napag-usapan ang mga isyung iyon kahit ilang beses kaming nagkita bago ako nag-Korea. O baka itatanong niya kung bakit hindi ako nagsabi sa kanya na mangingibang-bansa ako at bakit hindi ako gumawa ng paraan na kontakin siya madalas mula noong nagtrabaho ako sa dito.
Aling kaya sa mga naisip ko ang itatanong niya?
Matagal-tagal din bago siya nagsalita.
“Ay huwag na lang. Nakakahiya”
“Ganun? Teen-ager ba ang peg.”
“Sobra ka Marco ha.”
“Okay. Ano ang gusto mong itanong?”
“Hindi na nga kako. Forget about it?”
Napabuntung-hininga tuloy ako. Parang alam ko na kung ano ang gustong itanong ni Kath.
“Okay Kath. Ako na lang ang magtatanong.”
“Sige…sige… huwag lang sa Math ha. Weakness ko iyon.”
Nangiti ako sa sinabing iyong ni Kath. Nandoon pa rin ang kanyang trademark na sense of humor.
“Kath… did you really love me before?”
Napapikit si Kath. Bumuntong-hininga.

On Stories and Storytelling (3)
(Last of 3 Parts)

One subject that I miss teaching is Creative Writing. As an English and literature teacher, I consider it an ultimate challenge to teach the subject. It is quite challenging to lead a study of the different forms of discourse to develop the student’s ability to write narrative, descriptive, expository, and argumentative compositions. What adds to the challenge is making the students understand the principles of stylistics, literary criticism, and linguistic and literary devices. As course requirements, I required them to submit a movie review, a short story analysis, two essays, and a short story.
When I created the syllabus for the course, I intentionally did not include poetry. It wasn’t just possible for me to cover both prose and poetry in one semester. It would be difficult for them had I included a poem among those they should submit at the end of the term.
My students had struggles with writing stories. It was easier for them to produce essays. They just toyed with the movie review and short story analysis. Yes, it was easy for them to deconstruct a story and break it into its different parts – the so-called elements of fiction. But most of them had difficulty putting those component parts to construct their own stories.
I told them that I had the same struggles when I began writing. My first stories then were terrible (I hope they are better now.) Writing a story is a skill that would require time to develop. I explained to them that the most famous and talented writers had to hone their craft over a period of many years. I didn’t have statistical data to support that statement, but it was (and still is) safe to assume that the literary greats had “burned oil in many midnights” before they attained their greatness.
I did not mention Gladwell’s 10,000-hour rule, for it might instantly extinguish any flickering hope of any of them to become a writer. Perhaps some of them may have bumped into that idea later on. If, during those times, I had already known about Kaufman’s 20 hour-rule, I would not be mentioning it either, for I don’t like to give them false hope that it would take that so short a time to become good at writing stories.
To become good at writing stories, you have to attain a certain degree of fluency or proficiency in the language you are using to write your stories. If saying that your sentences should be syntactically correct is a mouthful, then let me just say that they (your sentences) should be correct and comprehensible.
You already have an advantage if the language you intend to use to write your stories is your native language. You very well know how important vocabulary is in writing. Consider this: Native-level fluency (this is from Wikipedia) is estimated to require a lexicon between 20,000 to 40,000 words.
But it doesn’t mean that being a native speaker of that language automatically makes one a good writer. If so, we could have had lots of Shakespeares, Hemmingways, Tolstoys, Hugos, Tagores, Xuns, and Rizals. Many native speakers of their own languages could not write a simple story or a poem.
Proficiency in a language is only one of the many skills you have to develop. There are other skills necessary to write well, including choosing the right words to develop related ideas, organizing those ideas into a cohesive whole, and creatively combining and contrasting those ideas. And as I reiterated in part 1 of this 3-part series… “Writing stories require that you should be able to knit together the elements of fiction within the frame of the plot, to make sure that the most important element of fiction – conflict – is laid down clearly and passes through exposition, complication, crisis, falling action, and resolution.”
In short, writing stories is an art, and I doubt anybody could learn it in just 20 hours. Just developing proficiency in a language, if you are not a native speaker of that language, is not achievable in 20 hours. However, you might think spending 10,000 hours to develop a specific skill would probably be too much – unless you want to acquire true expertise in a specific field. If you do it for 5 days a week, because you might need a 2-day break, that’s 4 hours a day in nine years.
You probably would like to start developing your writing skills for at least one hour each day. That’s what I have been doing. It works for me.
Before writing the short story, I would require my students to submit a 10-sentence storyline of the story they plan to write. One time, when I was giving them examples of storylines off the top of my head, one of them asked me where am I getting ideas for my stories.
Before answering that question, I asked them to, again, define literature. Then one of them gave exactly the definition upon which I intended to anchor my answer to the question one of them asked – “Literature is a faithful reproduction of life executed in an artistic pattern.”
I explained that what we read in stories mirrors the things happening in real life. Writers draw ideas for their stories from the experiences of people around them and from theirs as well. That’s how I do it.
“Literature,” I added, “is an artistic expression of significant human experiences.” (I can’t recall anymore who said that.) That’s why when we read stories or watch movies, we feel like it’s our personal story being told.
I told my students I rarely borrow someone’s experience to write a story because my life is a fountain of many storylines.
As I wrote the last part of this article, I could hear Fortunato saying, “For the love of God, Montressor.” Fortunato hoped those words would stop his friend from slowly walling up the niche where he was being buried alive.
On Stories and Storytelling (2)
(Second of 3 Parts)
Obviously, the conflict is the problem to be resolved in a story. If you are familiar with the literature, you know that there are three categories of conflict – man vs. man, man vs. nature, and man vs. himself. Janet Burroway proposed that the following should be included – man vs. society, man vs. God, and man vs. machine. We may also refer to them as sources of conflict.
In one of my literature classes in the Philippines, I told my students to watch the movie “Titanic.” That was when our topic was “elements of fiction.” Students would prefer watching movies over reading short stories or novels when dissecting stories.
When I asked them to identify the story’s central conflict, most answered “man vs nature.” You would understand why that was the answer they gave –Jack and Rose (and all the rest of the passengers) have to survive the ship’s sinking. They were surprised when I told them that there was a dual conflict in the story. There are two sources – “man vs nature” and “man vs man.” While the star-crossed lovers try to figure out how to stay away from the icy water of the ocean, they also have to contend with an extremely angry Cal and his loyal minion Lovejoy.
That’s how clever some writers are. They push their readers or audience closer to the edge of their seats – to the edge of the cliff of excitement – by inserting a conflict within a conflict. With that, they make the “rising action” more intense. When a writer uses multiple sources of conflict, with all the conflicts equally significant, I call it “layered conflict.” (I am not sure if I was the first to call it this way.)
What if the one who wrote the script for The “Titanic” added an extra layer of conflict? Let’s say somebody steals the necklace (“Heart of the Ocean”), and Rose asks Jack if they have to do everything to return it. Let’s say that the thief is a hardened criminal who is willing to kill just to keep what he has stolen. Would the story be more exciting if, while the lovers are trying to survive the unfolding sea tragedy, they have to pursue the one who took the expensive jewel and at the same time hide from Cal and Lovejoy?
I told my students that it would be easier to explain a story’s conflict by starting with a guide question. In the case of the dual conflict in The Titanic, the questions should be: Will Jack and Rose survive the anger of Cal? Will they (also) survive the sinking of the ship?
In another class – Literary Criticism – I taught my students how to trace symbolism in stories. I also used the movie Titanic for the activity. It was easy for them to pick the necklace and explain its symbolism – that the jewel symbolizes Rose’s heart and her love for Jack. They gave nothing more about symbolism after the necklace.
So, I told them that they should not focus only on objects for symbolism. The story – the writer – may try to convey meaning through events in the story. For example, I asked them if they could see any meaning beyond the band continuing to play while the ship was sinking. What about the sinking of the Titanic? What does it convey?
I told them that the decision of the band to continue playing while the ship sinks conveys two things. Firstly, it shows the resilience of the human spirit in the face of tragedy. Secondly, there are people who when confronted by whatever is inevitable, could face it courageously.
And what does the sinking of the mighty “Titanic” symbolize? It shows how helpless mankind is against the forces of nature.
On Stories and Storytelling (1)
(First of 3 Parts)

Do you really know what a story is?
Answer the question before sliding your eyes down to the next line.
Done?
Okay, read on.
Just like you, I know what a story is. I can assure you of that.
Let me begin by saying that I love stories. I am so fascinated by them. Very likely that my having earned the degree Bachelor of Arts in English and my having completed the academic requirements for the degree Master of Arts in English contributed to that. The two main fields of studies (major) in both degrees are English language and literature, but more on literature. We studied, among other things, the different forms of literature – prose and poetry, the body of literature of selected countries, literary criticism, philosophy of literature, and creative writing. Just imagine how many stories I had to read when I was enrolled for subjects like Short Story, Novel, Drama, and Shakespeare. To enhance my understanding of the stories I was reading then, I had to watch their screen adaptation (especially of Shakespeare’s famous plays) if they happened to be available. In short, I became interested with stories, not as a hobby. I studied them. I taught Literature and Literary Criticism when I was teaching in the Philippines. By the way, I worked so hard to become a writer as well. I write dramatic monologues, short stories, novels, and plays. Check my website for some of my works – madligaya.com.
I am so fascinated by the art of knitting together the elements of fiction within the frame of a plot – of how to make sure that the most important element of fiction – conflict – is laid down clearly and passes through exposition, complication, crisis (commonly known as climax), falling action, and resolution. Gustav Freitag, a nineteenth-century German critic, laid this down in what came to be known as the Freitag Pyramid. Crisis – or climax – is at the top of the pyramid. The exposition and complication constitute the rising action which ultimately leads to the crisis. Thereafter is the falling action which leads ultimately to the resolution or the denouement. There are stories (movies) that abruptly ends when the climax is reached. In cases like this the crisis implies the resolution. The resolution is left for the readers to deduce.
When a series of events is not laid down in the conflict-crisis-resolution arc, they are but just that – series of events, not a story. Conflict, crisis, and resolution (call them together as plot) are the necessary features of a story. A narrative, to be classified as a story, requires more than setting, character, theme, point-of-view, tone, and style. No matter how short or long a story is, there should be a conflict, conflict that progresses from the time it is revealed (exposition), becomes complicated, reaches a climax (referred to as crisis earlier), slows down to a falling action, and makes a full stop at the juncture called resolution. Am I right? A writer, as I articulated earlier, may stop raising the action right after reaching the climax to let readers imagine how it ends or create the kind of ending they desire.
In movies (or films), cliffhanger endings have become so popular. In cliffhangers, it can be argued that the story does not immediately end after the climax but somewhere between the falling action and the resolution. There was no clear resolution. It can be argued also that cliffhanger endings are applicable only in the case of standalone movies, not of the serialized ones like the Star Wars, Avengers, and the like. When for example Thanos (in Avengers: Infinity War) snapped his fingers and some of the Avengers were reduced to dust, we were like left hanging and wondering why all those heroes we used to seeing alive and victorious in previous Marvel movies died or disappeared. But it’s not a cliffhanger ending per se because we know that that movie is the 3rd part of the main 4-part Avengers series. We know that the last part of the series is forthcoming. All the Avenger movies, together with all the other standalone Marvel hero movies in previous years, are all part of one whole story.
You might ask, “Where are the events in Avengers 3 located in the Freitag (plot) Pyramid?” It’s in the complication (or rising action part), far away yet from the climax. Your next question might be – “Which part of Avengers 4 is the climax?” It started the moment Tony Starks snapped his fingers and said “I am Iron Man” and culminated at the moment Thanos slowly turned to dust. All the events that followed are parts of a very clear falling action and resolution.
What do you think, am I right not to consider the endings of serialized stories as cliffhanger endings (because of the imaginary “To be continued”)?
An example of a movie that had a climax and a falling action but the resolution was not clear and the audience need to decide what to think about it is the way the movie “Don’t Breathe” ends. (I hope you have watched that movie too… and in case you haven’t, I am sorry if this part of my article will now serve as a spoiler. Just skip reading the rest of this paragraph and proceed to the next one instead in case you’re planning to watch the movie.) The climax of that movie came at exactly the 1:20:43 mark. The blind man, after Rocky hits him repeatedly in the head with a crowbar, falls from the 1st floor of the house to the basement. Part of the falling action shows Rocky coming out of the house alive with the blind man’s money. Later she could be seen with her sister leaving Detroit for California. The movie ends showing that the blind man alive. He survived. And I was left formulating my own resolution… or is a sequel (or a prequel) being planned?
I used to teach Literature, Creative Writing and Literary Criticism in the Philippines. One of my students once asked this question: Should all stories have conflict?
If you were me then, how would you answer?
Do you think a series of events stitched up together in any form can be considered a story without a central conflict?
From Janet Burroway’s “Writing Fiction: A Guide To Narrative Craft”:
“And story is a form of literature. Like a face, it has necessary features in a necessary harmony… Every face has two eyes, a nose between them, a mouth below; a forehead, two cheeks, two ears, and a jaw. If a face is missing one of these features, you may say, ‘I love this face in spite of its lacking nose’, but you must acknowledge the in spite of. You can’t simply say, ‘This is a wonderful face.’
The same is true of a story. You might say, ‘I love this piece even though there’s no crisis action in it.’ You can’t say, ‘This is a wonderful story.’
Fortunately, the necessary features of the story form are fewer than those of a face. They are conflict, crisis, and resolution.
Conflict is the first encountered and the fundamental element of fiction, necessary because in literature, only trouble is interesting.”
Let the foregoing paragraphs be my answer to the question “Should all stories have conflict?”
If a narrative has no conflict, don’t call it a story. Call it a face without any part that should be there – eyes, nose, mouth, cheeks, or forehead.
Tuwing Bubuhos Ang Ulan (7)
(Last of 7 Parts – A Novelette in Filipino)

Hindi nanaman ako nakatulog halos dahil sa iyo. Kahit ganoon ang naging desisyon ko, kahit hindi kita sinipot upang magkasama sana tayong umalis ng Sagada eh aaminin kong may nararamdaman pa rin ako sa iyo. Hindi basta-basta na lang na biglang maglalaho ang pagtangi ko sa iyo. Sa maniwala ka o hindi, kung hindi lang buntis si Elena, eh magkasama tayong umalis ng bayang iyon.
Bumangon na ako nagtungo sa kusina. Iniwan ko sa kuwarto si Elena na natutulog pa. Nang makapagtimpla ako ng kape eh nagpunta ako sa terrace. Nandoon pala kayo ni Daniel. Nakita kong nakahilig ka sa kanyang balikat at siya nama’y nakahawak sa iyong baywang. May naramdaman ako, alam ko ang tawag doon – selos. Nang akmang babalik ako sa loob ng bahay eh napansin ako ng asawa mo.
“Oh bayaw, gising ka na pala.” Wika ni Daniel.
“Oo nga. Inagahan ko at ihahanda ko pa iyong mga gamit ko. Lalabas kasi ulit ako mamaya, pupunta ako sa Marlboro Hills.”
“Maganda nga doon bayaw, magsasawa ka sa pagkuha ng mga pictures doon. Pasensiya na nga pala sa abala namin sa inyo kagabi.”
“Wala iyon kuya.”
“Teka… ako nga pala eh mauuna na. Lilinisin ko kasi iyong taniman namin ng gulay.”
“Ah ganoon ba. O sige, ingat kayo kuya.”
“Ako lang ang muna ang aalis, dito daw muna si Camille. Susunduin ko na lang siya mamayang hapon.”
Bago umalis si Daniel ay hinalikan mo siya sa labi. Habang hinahalikan mo siya ay bakit ba naisipan mong tumingin sa akin? Yumuko na lamang ako. Bakit nga ba ako nakakaramdan ng selos?
Binuksan ko ang gate para sa asawa mo. Nang makaalis siya’y bumalik ako sa terrace.
Nang malapit na ako sa kinauupuan mo’y tumayo ka at bigla mo akong sinampal… dalawang beses… sa magkabilang pisngi.
“Bakit?”
Ang tanong ko sa iyo sabay tingin sa loob na bahay upang tiyaking walang ibang taong nakakita ng ginawa mo.
“Bakit? Bakkkittt? Hindi mo alam kung bakit? Kulang pa iyan sa panggagagong ginawa mo sa akin.”
Ang sumunod mong sampal ay nasangga ko na.
“Tama na Camille… tama na. Patawarin mo sana ako.”
“Putang-ina mo Jeff. Bakit mo ako ginanito? Sa halip na iahon mo ako mula sa kumunoy na kinahulugan ko eh lalo mo lang pala kong ilulubog.
Nagsimula kang umiyak. Dahan-dahan kitang iniupo.
“Camille… magpapaliwanag ako.”
“Hindi ko kaylangan ang paliwanag mo. Ikaw ang kaylangan ko. Puwede pa tayong umalis. Mamaya… o kahit bukas… kung kaylan mo gusto.”
“Sorry Camille… hindi natin puwedeng gawin iyan.”
Bakit hindi? Bakit?”
Umiling-iling na ako habang ako’y nakatingin sa iyo.
Tinadyakan mo ako sa paa.
“Umalis ka sa harapan ko.”
Lumakad ako papunta sa kabilang dulo ng terrace. Patuloy ka sa paghikbi mo. Naiintindihan ko kung bakit galit na galit ka sa akin. Gusto ko sanang magpaliwanag pero tingin ko hindi ka na makikinig sa akin.
Ilang saglit lang eh lumabas na rin ng kuwarto si Elena. Nakita niya tayong nasa terrace.
“Good morning ate Camille”
Nginitian mo lamang siya bilang tugon.
“Bakit mukhang umiiyak ka ate?”
“Wala, naalaala ko lang ang mga nangyari kahapon.”
“Ah, akala ko kasi inaapi ka ni Jeff kaya ka umiiyak.”
Tumawa si Elena pagkasabi niyon. Alam kong nagbibiro lang ang kasintahan ko. Tumingin ka sa akin bago mo nginitian si Elena bilang tugon sa kanyang sinabi.
Pagkatapos niyon ay tumabi sa akin Elena at hinalikan ako sa pisngi. Yumuko ka rin, katulad ko nang hinalikan mo si Daniel. Parang ayaw mong makita na hinahalikan ako ni Elena. Selos din siguro iyon.
“Parang namumula ang pisngi mo dad. Ano ba nangyari diyan.”
“Wala… nakamot ko lang kanina kaya namula.” Wika ko at para mawala doon ang atensyon mo ay nagtanong ako – “Ang inay, tulog pa ba?”
“Oo, hayaan lang natin siya, kaylangan niyang magpahinga para gumaling agad.”
Nakihigop si Elena sa kape ko.
“Ay… siyanga pala ate Camille… may good news ako sa iyo.”
“Ha!? Ano naman iyon?
“Dad ikaw na kaya ang magsabi kay ate Camille.”
“Oh. Bakit ako?
“Sige na dad… pleeeassseee!”
Atubili ma’y pinagbigyan ko ang kahilingan ni Elena.
“Camille… bu… buntis si Elena. 6 weeks na”
“Oww… talaga?”
“Yes ate Camille.”
“Wow… aba eh congratulations sa inyong dalawa. Magiging nanay at tatay na pala kayo niyan.”
Pinilit mong ngumiti habang sinasabi mo iyon pero kita ko sa mata mo na parang nanlumo ka nang marinig mo iyon. Hindi mo siguro napansin na ang isang braso mong nakapuwesto sa patungan ng kamay sa inuupuan mo’y biglang nalaglag. Hindi ko alam kung ang bagay na iyon ay napansin ni Elena.
“Thank you ate. Siyempre kukunin ka naming ninang… ‘di ba dad.?”
Tumango ako.
“Ah… sure… sure. Bakit naman hindi.”
Pagkasabi mo niyon ay parang gusto mong humagulgol lalo na nang parang batang itinaas ni Elena ang tshirt at inilagay ang kamay ko sa ibabaw ng kanyang tiyan.
“Sandali lang ha, papasok muna ako at hihiga ako ulit. Masakit ang ulo ko.”
“Ow… hangover iyan ate. Sige ate pahinga ka. Ako naman eh magluluto na ng agahan natin.”
Sabay kayo ni Elena na pumasok ng bahay. Siya’y nagputna ng kusina at ikaw naman ay sumalampak sa sofa sa salas. Nakatagilid ka patalikod sa kinalalagyan ko sa terrace kay hindi ko malaman kung natutulog ka ba talaga o umiiyak.
**********
Mula noon eh minsan isang linggo kayo pumuntan ni Daniel sa bahay. Kadalasang araw ng Linggo. Halatang umiiwas ka sa akin tuwing nandoon kayo sa bahay. Ni minsan hindi tayo nag-usap na tayong dalawa lang. Mabuti na rin iyon dahil ayaw kong madagdagan pa ang pagdududa ni Elena tungkol sa atin, kung nagdududa man siya.
Nasasaktan ako sa nangyayari. Hindi mo lang alam kung ano ang tunay kong nararamdaman sa iyo, damdaming pilit kong iwinawaksi alang-alang sa magiging anak namin ni Elena. Sa tingin ko ay naunawaan mo na kung ano ang dahilan kung bakit hindi kita pinuntahan sa kubo noon.
Ang magandang bagay na naging resulta ng hindi ko pagsipot sa usapan natin noon, bukod na sa walang pamilyang nasira, ay ang mga pagbabagong nakita ko sa asawa mo. Ang biyenan mo na magiging biyenan ko na rin mismo ang nagsasabi na ibang-iba na si Daniel. Kung totoo ang sinasabi niya eh hindi na siya tumikim ng alak mula noong araw na sana’y iiwan natin sila ni Elena. At siguro kung drugs iyong nakita ko noon sa clutch bag niya, marahil ay tinigilan na rin niya iyon.
Maganda ang naging panahon ng sumunod pang isang buwan at ilang araw. Hindi bumuhos ang malakas na ulan, manaka-nakang ambon lang at hindi pa nagtatagal. Kaya napasyalan namin ni Elena ang mga lugar na gusto kong puntahan para sa mga kaylangan kong pictures at videos. Pag-aalaga kay Elena at ang aking travel vlog ang pinagkaabalahan ko ng mga araw na iyon.
Iyong linggong susunod ang pinili naming schedule para sa pagpapakasal sa huwes dahil ang susunod na linggo doon ay uuwi na kami pabalik sa Pasig. Three months na noong buntis si Elena. Ang tatay at nanay ko at isang kapatid na lang ang dadalo dahil simpleng kasalan lang naman ang gagawin. Pagkapanganak na lang ang engrandeng kasal na ipinangako ko kay Elena.
**********
Araw ulit ng Linggo noon, dumalaw kayong muli ni Daniel sa bahay. Noon lamang muling kumilimlim ang kalangitan at umiihip ang malamig na hangin. Ayon sa balita, ay mayroong malakas na bagyong paparating.
Habang abala sa paghahanda sina Elena at ang kanyang nanay sa pag-aayos ng tanghalian at si Daniel naman sa nagpa-practice shooting sa likod bahay, ay nilapitan mo ako sa terrace. Hindi ko inaasahan iyon. Bago ka nagsalita eh luminga-linga ka pa upang tiyaking walang ibang nakikinig.
“Jeff… two weeks na akong delayed. Napakadalas kong mahilo at magsuka nitong mga nakaraan araw.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.
“Bakit mo sinsabi sa akin iyan Camille?”
“Tarantado ka. Ikaw lang ang nakagalaw sa akin bukod kay Daniel at siguro naman eh nasabi na sa iyo ni Elena kung bakit kahit matagal na kaming nagsasama ng kuya niya eh hindi kami magkaroon ng anak.”
Alam ko namang baog ang asawa mo. Ayaw ko lang paniwalaan ang sinabi mo dahil kung totoo iyon eh napakalaking problema ang hinaharap natin. Mas gugustuhin ko pang nagiimbento ka lang ng kuwento para kuhanin ang atensiyon ko.
“Bakit hindi ka magtest para sigurado.”
“Mamaya, may dala nga akong pregnancy kit. Huwag kang magalala Jeff. Alam kong wala kang gulugod. Isa kang duwag. Kung buntis man ako’y hindi ako maghahabol sa iyo. Kaya kong harapin itong mag-isa.”
“Camille…”
“Huwag mo akong maCamille-Camille. Ang saya kung buntis nga ako di ba. Dalawa agad ang magiging anak mo next year. Parehong panganay. Ang galing mo.”
Iniwan mo ako sa terrace pagkasabi mo niyon.
Ang lahat ng sayang naramdaman ko ng ilang linggo, ang katahimikan ng kalooban at pagiisip, ay naglahong parang bula. Mula sa terrace ay nakita kong nagsimula ng umambon, maya-maya lang ay bubuhos na ang malakas na ulan at iihip na ang malakas na hangin.
“Dad… tawagin mo na si kuya Daniel sa likod. Sabihin mong nakahanda na ang tanghalian.”
Parang akong nakalutang habang ako’y naglalakad papunta sa likod ng bahay upang tawagin si Daniel.
“Kuya, kain na daw tayo.”
“Okay bayaw. Ikaw ba, gusto mo bang matutong humawak ng baril? Tuturuan kitang pumutok.”
Tumango na lamang ako dahil wala na ako sa wisyo. Lutang na lutang na ako. Ano ang mangyayari kung buntis nga si Camille. Ano ang mangyayari kung malaman ni Elena, ni Daniel, at ng nanay nila na ako ang nakabuntis kay Camille?
Nang makapasok kami sa bahay ay inilapag ni Daniel sa lamesita sa salas ang kanyang mga bala at baril.
Nagsimula nang umulan. Dumating na siguro ang bagyo.
“Naku Daniel… anak… Ingat lang kapag gumagamit ka ng baril mo ha.”
“Opo naman inay. Kaya ko lang naman inilabas ulit yan eh balak kong sumali sa isang shooting competition sa Baguio sa November.
“O puwede nang magsimula, kain na kayo mga anak.” Wika ng nanay nila.
“Teka, nasaan si Camille.”
“Nasa CR, parang masama ang pakiramdam. Mauna na daw tayong kumain.” Ang sabi ni Elena.
Tumayo si Daniel at nagpunta sa CR. Nakita ko nang itulak niya ang pinto. Bumukas, nakalimutan mo sigurong i-lock.
Hindi nga lang malinaw pero nauulinigan naming nag-uusap kayo ni Daniel sa loob. Matagal-tagal din bago lumabas si Daniel ng CR. Hindi ka kasama.
Lumapit si Daniel kay Elena.
“Sa iyo ba ito Elena.” Padabog na inilapag ni Daniel ang pregnancy test sa lamesa. Positive ang resulta.”
Napapikit na lamang ako dahil nangyari na ang isang malaking problemang hindi ako nakakatiyak kung malulusutan ko ba o hindi.
Ang kapalaran ay walang gulong… ang karma meron at pakiramdam ko ay malapit na akong magulungan. Ang inihagis kong boomerang ay pabalik na sa akin at mukhang hindi ko yata ito kayang saluhin nang hindi ako nasasaktan.
Sa bubong na yari sa yero ay parang mga batong tumama ang buhos ng malakas na ulan.
“Ha… hindi kuya… hindi ito sa akin. Matagal ko nang alam na buntis ako kaya hindi ko na kaylangang gumamit nito.”
Nakita ko kung papaano napapikit ang nanay nila Elena. Yumuko ito at umiling-iling.
Bago pa man makakilos ang sinoman sa amin ay nakuha na ni Daniel ang baril sa lamesita. Bumalik siya sa CR. Paglabas niya’y hila-hila ka sa buhok. Pilit kang kumakawala. Ano ang ginawa ko? Wala. Dapat eh ipinagtanggol kita. Tama ka, wala nga akong gulugod. Duwag nga ako.
“Anak, maghunos-dili ka.”
“Kuya… kuya.”
Ako’y parang tuod. Wala akong ginawa. Naghihintay na lamang ako kung ano uri ng kabayaran ang nakatakdang singilin sa akin sa lahat ng ginawa kong kabalbalan.
Dinala ka ni Daniel sa kuwarto namin. Kasunod kami pero ibinalibag niya pasara ang pinto. Hindi ito nagsara ng maayos. Papasok sana si Elena sa kuwarto.
“Walang makikialam!”
Naudlot ang pagpasok ni Elena. Siguro tinutukan siya ng baril ng kuya niya kaya umurong siya.
“Sino ang lalaki mo? SINO?
Pumutok ang baril.
“Diyos kong mahabagin.” Wika ng nanay nila na akma sanang papasok sa kuwarto subalit pinigilan ni Elena.
“Sino kako ang lalaki mo? Puta ka, kanino ka nagpabuntis.”
Wala kaming magawa sa labas ng kuwarto. Nakinig na lang kami at naghintay. Hinintay ko na lang na sabihin mo ang pangalan ko.
“Ano Daniel. Masakit di ba? Ganiyan kasakit ang naramdaman ko ng minsang sa mismong kuwarto natin mo dinala ang babae mo. Akala mo wala ako noon sa bahay. Sa palagay mo ilang beses ko ring nakita na pumasok ka sa bahay niya. Ang daming beses kitang sinundan dahil gusto kong mapatunayan ang tsismis tungkol sa inyong dalawa.”
“Hiniwalayan ko na siya ‘di ba? Nagbago na ako ‘di ba? Nangako akong aayusin ko ang sarili ko … ang buhay natin ‘di ba?”
“Huli na Daniel nang magbago ka. Nadumihan ko na ang sarili ko bago mo naisipang magbago. Nagmahal na ako ng iba bago mo naisipang magbago. Naiputan na kita sa ulo bago mo naisipang magbago.”
At muling pumutok ang baril… isa …dalawa… tatlo.
Tumahimik sa kuwarto. Tumahimik sa bahay. Ang ingay lang ng ulan na tumatama sa bubong ang nadidinig.
**********
“Tao po… tao po… ano pong nangyayari diyan.”
May mga taong dumating. Kinakalampag nila ang gate.
Nanginginig sa takot sina Elena at ang nanay niya. Magkayakap sila.
Binuksan ko ang gate.
Pumasok ang ilang kalalakihan.
“Aling Upeng… Elena… may mga putok kaming narinig kaya kami’y nagpunta dito.”
“Kapitan…” sagot ni Elena, “pumasok po kayo sa kuwarto.”
Itinulak ng isa sa sa mga lalaki ang pinto.
Tumambad sa amin paningin ang duguan mong katawan. Si Daniel nama’y nakasalampak sa isang sulok ng kuwarto. Iyak ng iyak. Nilapitan siya ni Elena at ng kanilang nanay.
“Anak, bakit mo nagawa ito.” Niyakap ng kanyang nanay si Daniel.
“Kuya, bakit?”
“Patawarin po ninyo ako inay… Elena… Ang hirap tanggapin. Ang sakit.”
“Kapitan,” wika ng isang lalaki, “patay na po si Camille.”
Pagkarinig ko niyon ay nagpunta ako ng CR. Doon ako’y nagkulong. Habang bumubuhos ang ulan sa labas ay bumuhos ang mga luha ko. Binalot ang buong pagkatao ng lungkot at pagsisisi.
Ano sa palagay mo ang naramdaman ko matapos mangyari ang lahat-lahat? Sino sa palagay mo ang sinisisi ko sa lahat ng nangyari. Kung alam ko lang na sa ganoon hahantong ang lahat eh sana pumayag na akong umalis tayo ng Sagada. Sana buhay ka pa. Para sa magiging anak namin ni Elena ay pinili kong huwag kang puntahan sa kubo. Pero hindi ko alam na sa pagpili ko kay Elena at sa magiging anak namin ay ganoon ang magiging resulta. Mamamatay ka at ang sana’y magiging anak din natin. Kung ikaw at ang anak natin ang pinili ko eh masasaktan lamang si Elena pero walang trahedyang mangyayari.
Sisihin ko ba ang Panginoon dahil sa sinapit mo at ng anak natin? Tatanungin ko ba Siya na kung halimbawa mang nagpasiya Siyang pakialaman ang kahihinatnan ng mga nangyari ay bakit puro pabor para kay Elena? HINDI. Dahil alam kong ang lahat ng nangyari ay bunga ng maling desisyon natin na huwag magdala ng payong sa araw na iyon nang pareho tayong sumilong sa kubo dahil bumuhos ang malakas na ulan. Ang lahat ay nangyari dahil sa maling desisyon natin na magtampisaw sa tubigan ng kataksilang binuo ng bumuhos na ulan.
**********
Kusang sumama sa mga dumating na pulis si Daniel. Ang bangkay mo naman ay sinabi nina kapitan na dadalhin na sa isang punenarya. Nilinis na rin nila ang mga dugo mong kumalat sa kuwarto namin ni Elena.
Bumumuhos pa rin ang malakas na ulan. Malakas pa rin ang hihip ng hangin. Hindi pa lumilipas ang bagyo.
Gabi na ng makaalis ang mga tao sa bahay. Ako, si Elena, at ang nanay nila ang natira.
Sina Elena at ang kanyang nanay ay nakaupo lamang sa salas. Wala silang imik, wala silang kibuan. Si Elena’y hindi ko malapitan. Parang may pader na nakapagitan sa amin, pader na nilikha ng nababagabag kong konsensiya.
Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagtapat kay Elena at sa kanilang nanay ang mga namagitan sa atin. Dapat ko bang sabihin pa sa kanila na ako ang nakabuntis sa iyo? Ano ang mangyayari kapag nalaman nila iyon? Iniisip kong manahimik na lang. Iniisip ko ba kung hahayaan ko na lang na isama mo sa libingan ang sikreto natin.
“Inay, dapat na po nating ipaalam sa mga magulang at kapatid ni ate Camille sa Pangasinan kung ano ang nangyari.”
“Oo nga Elena. Mahirap kung sa iba pa nila malalaman ito.”
“Malamang na iuuwi nila sa Pangasinan ang bangkay ni Camille kapag nalaman nila kung ano talaga ang nangyari.”
“Oo nga po inay. Hindi ko inaasahang hahayaan nilang dito sa Sagada ibuburol at ililibing si ate Camille.”
“Sige kontakin mo na sila. Ako ang kakausap sa mga magulang ni Camille.”
“May number po ba kayo ng sinoman sa mga partido ni ate?”
“Naku anak wala ah.”
“Teka, friend ko po pala sa Facebook ang isang pinsan ni ate Camille. Kokontakin ko po’t hihingin ko ang number ng kung sino mang puwede nating tawagan sa kanila.”
Kinuha ni Elena ang cell phone niyang nasa ibabaw ng ref.
“Naku, lowbat pala ako. Dad, pahiram ako ng laptop mo. Doon na lang ako magfefacebook.”
Kinuha ko mula sa kuwarto ang aking laptop at iniabot ko kay Elena. Pagkatapos niyon ay nagpunta muna ako ng terrace upang mapagisipan kung ano ang dapat kong gawin, kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang lahat ng nangyari sa atin.
Muli nanaman akong nagbalik-tanaw sa unang araw ng pagdating namin ni Elena sa Sagada. Bakit kasi ako naging atat na kumuha ng mga pictures at videos noon.
Pictures?!
Sa pagkakataong iyon ay aking napagtanto na hindi ko pala nadelete ang picture mo sa kubo na nasave ko sa desktop ng aking laptop. Halos lumipad ako pabalik sa salas.
Wala doon si Elena at ang laptop ko.
“Inay, nasaan po si Elena?”
“Pumasok siya sa kuwarto ko.”
Nang pumasok ako sa kuwarto ay nakaupo sa sahig si Elena. Patulalang nakatingin sa picture mo na nasa desktop ng laptop ko.
Sukol na sukol ako. Walang akong mapagtataguan.
“Mommy, hayaan mo akong makapagpaliwanag.”
Hindi sumagot si Elena. Gulat siya’t lumuluhang nakatingin lang sa larawan mong iyon na suot mo ang t-shirt. Si Elena ang bumili ng t-shirt na iyon. Regalo niya sa akin.
Sinimulan kong magpaliwanag. Mula sa simula, mula ng bumuhos ang ulan at sumilong ako sa kubong iyon at ang bigla mong pagdating. Sinabi ko lahat. Walang labis, walang kulang. Pati ang binalak mong pagalis nating ng Sagada na hindi natuloy dahil hindi kita pinuntahan nang malaman kong buntis siya. Wala na akong dapat itago pa.
Habang nagpapaliwanag ako eh napansin kong unti-unti nawawala ang pagkagulat sa mukha niya at huminto na siya sa pag-iyak. Dahan-dahang nagsasalubong ang kanyang mga kilay at naririnig kong nagngangalit ang kanyang mga ngipin.
At narating ng paliwanag ko ang dulo. Wala na akong maidudugtong pa bukod sa pakiusap na ako’y patawarin niya.
“Tapos na ba ang paliwanag mo?”
Tumango lamang ako.
“Tumahimik na lang tayo Jeff. Tayong dalawa na lang ang makakaalam ng tungkol sa inyo ni Camille.”
Gusto kong magbunyi sa mga narinig kong iyon. Inakala kong patatawarin na niya ako.
“Ayaw ko nang dagdagan pa ang sama ng loob ng nanay ko. Baka hindi na niya kayanin.”
“Salamat mommy.”
Umakma akong yayakapin si Elena. Pero itinulak niya ako palayo.
“Huwag kang magpasalamat. Hindi pa ako tapos. Gusto ko pag-gising namin ng inay bukas ay wala ka na dito. Ako na ang bahalang gumawa ng kuwento tungkol sa pagkawala mo. Dalhin mo ang lahat ng gamit mo, pati ang t-shirt na pinasuot mo sa babaeng iyon. Masarap dyumugdyug ang mga diwata ‘di ba?”
“Elena… please…”
Sinubukan ko ulit na yakapin siya. Sinampal niya ako.
Iyon siguro ang pinakamalakas na sampal na natikman ko. Mas masakit kung ikukumpara doon sa mag-asawang sampal na pinadapo mo noon sa pisngi ko.
Tagos hanggang kaluluwa ko ang sakit ng sampal niyang iyon.
“Mula ngayon ay tapos na sa atin ang lahat. Kahit kaylan ay hindi mo makikita ang anak ko at hindi kita ipapakilala bilang kanyang ama.”
“Mommy… sor…”
“Kung mababago ng pagso-sorry mo ang lahat ng nangyari, eh patatawarin kita. Pero hindi di ba. Makakatulog ka kaya tuwing gabi niyan? Alam mo ba kung gaano katindi ang ginawa mo? Masahol ka pa sa hayop. Sana lang eh kasama ka ng namatay ng punyetang babaeng iyon.”
Lumuhod ako sa harapan ni Elena at handa na akong magmakaawa. Tinalikuran lang niya ako at iniwan ako sa kuwarto.
“Lumabas ka na diyan at nang makapangpahinga ang nanay ko.”
**********
Madaling araw pa lang ay nilisan ko na ang bahay nina Elena. Tahimik ang ginawa kong paglabas. Nang nasa gate na ako ay lumingon ako. Nagbabakasakaling gising si Elena at tawagin ako niya at pabalikin sa bahay. Pero wala.
Hindi na umuulan nang lumabas ako, pero mahangin pa rin. Walang tao sa paligid. Tulog pa siguro silang lahat. Ang mga ilaw sa ilang poste ng kuryente ang nagsisilbing liwanag ko sa paglalakad.
Bitbit ko ang lahat ng gamit ko. Nang madaan ako sa isang basurahan ay itinapon ko na lang ang isang bag na naglalaman ng ilan sa mga lumang damit ko upang maginhawa akong makapaglakad.
Wala pa akong masasakyan paalis sa lugar na iyon kaya minabuti kong maglakad-lakad muna hanggang nakarating sa kalye na pasukan papunta sa mini rice terraces. May kaunti ng liwanag kaya nagpasiya akong tignan siguro sa huling pagkakataon ang palayang iyong.
Ako’y naglakad hanggang natanaw ko ang kubong pinagsimulan ng lahat. Nilapitan ko iyon. Pumasok ako. Pagod ang katawa’t isipan ko kaya minabuti kong magpahinga sandali.
Nang hihiga na ako’y nadinig kong pumapatak ang ulan. Isinarado ko ang bintana. Nang isasara ko na rin ang pinto ay naalaala kita.
Dahan-dahan kong isinara ang pinto ng kubo.
Hinihintay kong itulak mo iyon pabukas upang makapasok ka’t muli’y samahan ako sa loob.
At tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan.
– W A K A S –
Tuwing Bubuhos Ang Ulan (5)
(5th of 7 Parts – A Novelette in Filipino)
Nang sumunod na araw ay hindi kami nakalabas ng bahay ni Elena. Maghapon kasing bumuhos ang ulan… ulang nagpapaalala sa iyo… ulang nagpapaalala sa kung ano man ang namamagitan sa atin… ulang hindi tubig na umaapula ng apoy kundi parang langis na pinagniningas ito.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdam ko sa iyo. Init lang ba ito ng katawan? Inalipin lang ba ako ng kamunduhan? May nabubuo ba akong pagmamahal sa iyo o naaawa lang ako sa kalagayan mo.
Alam kong mali. Maling-mali. Hindi nga kayo kasal ni Daniel at hindi pa rin naman kami ikinakasal ni Elena kaya hindi masasabing tayo’y nangalunya. Pero tayo’y nagtaksil. Maaaring ikaw ay hindi dahil marahil naglaho na ang pagmamahal mo kay Daniel pero paano naman ako. Mahal ko si Elena. Kaya nga pakakasalan ko siya. Pero bakit ganoon? May puwang pa pala sa puso ko at parang ikaw ang nagpuno niyon. At hindi ko alam kung gaano kalaki ang puwang na pinuno mo. Hindi ko alam kung mas higit kay Elena.
Nasa tabi ko si Elena pero ikaw ang laman ng isip ko. Bakit ganoon? Kapag hahalikan ko si Elena at pipikit ako’y ikaw ang nasa isip ko. Parang ikaw ang hinahalikan ko at hindi siya.
Nagpunta ako ng Sagada dahil kay Elena, hindi dahil sa iyo. Hindi ko alam kung ano ba ang aking puwedeng gawin para mawala ka sa isip ko. Ginulo mo ang tahimik at simple kong buhay.
“Sorry dad, hindi na tayo nakapamasyal. Bukas na lang ha.”
Halik sa pisngi ang itinugon ko kay Elena.
“Hiyang-hiya sa iyo ang inay dahil sa mga nangyayari. Bakit daw kasi nagkataon na nang nandito tayo eh saka pumutok itong mga problem nina kuya Daniel at ate Camille.”
“Sabihin mong huwag niya akong alalahanin. Mas mahalaga na maayos ang kalagayan ni Camille… ah… at ng kuya mo.”
Inihabol ko lang na sabihin ang pangalan ng kuya ni Elena dahil baka kung ano isipin niya tungkol sa ating dalawa.
“Tinatawagan ko nga sila para mangumusta pero hindi nila sumasagot. Nagmessage din ako kay ate Camille pero wala rin. Siguro hawak ni Daniel ang phone niya. Alalang-alala na ang inay. Kaya hayan mukhang sumama ang pakiramdam.”
Ako man ay ganoon din, alalang-alala na ako sa iyo. Dumaan ang maghapon hanggang sumapit ang gabi, wala akong nabalitaan tungkol sa iyo. Hindi ako mapakali. Nilibang ko na lamang ang sarili ko sa pageedit ng mga pics at videos. Mula sa camera eh inilipat ko sa aking laptop ang mga files para ma-upload ko sa website ng travel vlog ko.
At naalaala kong kinunan pala kita ng picture. Kinopya ko iyong sa desktopng laptop ko. Binuksan ko ito’t pinagmasdan. Hindi nakatulong, mas lalo akong nalungkot ng makita ko ang iyong larawan. Lalo akong nanabik na makita ka ulit.
**********

Dumating ang ikatlong araw mula ng makilala kita.
Kaunti lamang ang naitulog ko sa nagdaang magdamag. At sa bawat sandali na ako’y gising tanging ang iniisip ko ay ikaw. Ako kaya eh iniisip mo rin? Sa dami siguro ng dalahin mo eh wala ng puwang sa isip mo para sa akin. Sa puso mo kaya ako ay nagkaroon ako ng puwang? Sana meron. Kahit katiting lang.
Ako ang naunang bumangon. Tulog pa si Elena at ang nanay niya nang gumising ako. Sa kurwarto ng magiging biyenan ko natulog ang aking kasintahan. May sinat daw kasi ang nanay niya kaya kaylangan niyang bantayan.
Nagtimpla ako ng kape at naupo sa terrace. Sumikat ang araw pero baka sandali lang iyon dahil nga tag-ulan. Naisip ko na sana eh makapamasyal na kami ni Elena para malibang ako nang hindi puro ikaw ang iniisip ko. Ikako sa sarili’y makalimutan na sana kita.
“Good morning dad. Ang aga mo yata gumising.”
Umupo sa tabi ko si Elena’t nakihigop sa aking kape.
“Tumawag si kuya ng bandang hating-gabi na. Nag-sorry kay inay. Bati na daw sila ni ate Camille.”
“Ah… mabuti naman kung ganoon.”
Bati? Ganoon lang ba kadali na maayos ang mga matitinding problema ninyong mag-asawa? Ganoon pa man eh masaya akong may narinig akong balita tunkol sa iyo.
“Dad, nilagnat ang inay kaylangang bantayan ko. Kung gusto mong mamasyal para sa mga pictures at videos mo para sa iyong vlog eh baka hindi kita masamahan. Okay lang ba?”
“Okay lang mommy. Kaylangan mong alagaan ang inay.”
“Puntahan mo iyong mini rice terraces. Kuhanan mo ng pictures. Pagtiyagaan mo na lang muna ang maliit na rice terraces na iyon. Pasasaan mo ba at makikita mo rin iyong mas malawak na rice terraces.”
“Ayos mommy. Don’t worry abut me.”
“Pati iyong kubo kuhanan mo rin. Ang tagal ko na kasing hindi nakikita iyon. Gusto kong makita kahit sa larawan man lang muna.”
“Sige. Mga bandang alas-diyes ako aalis habang maganda ang sikat ng araw. Baka kasi umulan nanaman mamayang hapon.”
“Okay dad. Teka, magluluto na ako ng breakfast natin. Ipagluluto rin kita ng babaunin mo para mamaya. Lover boy… meron ka pang beer in can sa ref kung gusto mo magbaon.”
Pinagmasdan ko si Elena habang naglalakad papuntang kusina. Mabuti siyang tao, marami siyang katangiang maganda. Alam mo rin iyan dahil matagal na kayong magkakilala. Wala akong maipintas sa kanya dahilan para ang mga magulang ko ay magustuhan siya. Kaya nga kinukurot ang konsensya ko dahil sa mga nangyayari.
**********
Pagkatapos naming mag-agahan eh inihanda ko na ang mga gamit ko. Muli akong lalabas ng bahay para makakuha ulit ng mga pictures at videos.
Nginingitian na ako ng mga taong nadadaanan ko sa labas. Baka nabalitaan na nila na ako ang mapapangasawa ni Elena. Kinakawayan ko sila’t ginagantihan rin ng ngiti.
At nakarating ako sa lugar na puwede ko nang simulan ang pagkuha ng mga pictures at videos. Bukas na ang unang beer in can na iinumin ko. Nakapasak na rin sa tenga ko ang earphone at sinimulan ko nang muling i-sing along ang mga kanta ng Air Supply at ni Ed Sheeran. Dahil sa iyo ay nagkaroon na ng kahulugan sa akin ang kanta ng Air Supply na “Here I Am.” Tumitimo sa akin ng matindi ang mga linyang “those thoughts of you keep taunting me.”
Sulit na sulit ulit ang labas ko na iyon. Napadami kong nakuhang larawan. Nang tignan ko oras sa aking cell phone ay napagtanto kong halos tatlong oras na pala akong lakad ng lakad.
At nakita kong muli ang palayang inuukit sa gilid ng bundok. Mas maganda palang pagmasdan ang mga ito kapag tinatamaan ng sinag ng araw.
Bumilis ang lakad ko ng matanaw ko na ang kubo. Impokrito ako kung hindi ko aamining nagbakasali akong makita kita doon. Nang malapit na ako’y may mga kaluskos akong narinig mula sa loob ng kubo kaya halos eh takbuhin ko na ito. Umaasa ako na nasa loob ka. Sumilip ako sa nakabukas na bintana at nakita kong mga dagang bukid lang pala na nasa ibabaw ng lamesita ang nandoon.
Wala ka doon. Nanghinayang ako pero ayos lang. Inisip ko na baka nga okay na kayo ng asawa mo, ng magiging bayaw ko. Ayaw kong sabihin na sana ay naayos na ninyo ang inyong mga problema. Aaminin kong ayaw kong mangyari iyon.

Naiinis ako dahil ikaw na nanaman ang nasa isip ko, si Elena ang dapat kong isipin hindi ikaw. Wala namang tayo dahil may asawa ka na, kahit ba live-in lang kayo.
Lumayo ako ng kaunti sa kubo at katulad ng kahilingan ni Elena ay kinuhanan ko ng larawan ang kubong naging pugad ng ating kataksilan.
Pagkatapos niyon ay nakaramdaman ako ng malamig na simoy ng hangin. Sumunod doon ang pagtatago ng araw sa likod ng mga ulap. Nagbadya nananamang umulan. Pero sa pagkakataong iyon ay may dala na akong payong. Pinillit ako ni Elena na dalhin iyon at baka nga umulan nanaman.
Nagsimula nang umambon. Pumasok muna ako sa kubo upang kuhanin sa aking back pack ang payong. At lumakas na nga ang ulan. Puwede pa rin akong maglakad sa labas kung gugustuhin ko pero sa dahilang pagod na din lang ako at gutom ay nagpasya akong manatili muna sa loob ng kubo sandali. Magpapahinga lang ako sandali at kakain at pagkatapos ay uuwi na rin ako, kahit umuulan.
Inilapag ko ang aking mga gamit sa kama at inilabas ko ang baon kong pagkain. May dalawa pa akong beer in can. Isa lang ang naubos ko at mukhang wala akong tama.
Lumakas ang hangin kaya isinara ko ang bintana ng kubo. Nang hihilahin ko rin pasara ang pintuan ay… pumasok ka. Napakahirap paniwalaang naulit nanaman ang pagkakataong iyon. Nagkita nanaman tayo sa loob ng kubo. Ang pagkakaiba lang eh hindi ka na basa ng ulan dahil may dala kang payong. May dala rin akong payong. Kapwa tayo may dalang payong pero bakit kahit isa sa atin eh hindi nagdesisyong tumuloy na lang ng paglalakad para hindi na lang tayo nagkita doon ulit.
Nang magpanama ang ating paningin ay wala na tayong kinaylangang sabihin. Niyakap mo ako at nang magdikit nanaman ang ating mga katawan ay nagliyab ang hindi maitantangging pananabik natin sa isa’t-isa.
Habang sa labas ay bumubuhos ang malakas na ulan sa loob ng kubo’y may sumabog nanamang bulkan.
**********
Pagkatapos niyon ay nagusap tayo.
“Ayaw ko ng makisama kay Daniel. Ayaw ko na dito sa Sagada. Tulungan mo akong makaalis dito. Ikaw na lang ang pag-asa ko Jeff.”
Hindi ako kaagad nakasagot key Camille. Nasorpresa ako ng sabihin niya iyon.
“Jeff… dalhin mo ako kahit saan. Sasama ako sa iyo.”
“Ang ibig mo ba sabihin eh iiwan ko si Elena para magsama tayo?”
Kumalas ka sa pagyayakap sa akin. Bumangon ka’t naupo sa gilid ng kama.
“Jeff, ano ba ako sa iyo? May nararamdaman ka ba sa akin o isa akong piraso ng karne na gusto mo lang tikman?”
“Camille…”
“Ganito ba lagi ang ginagawa mo? Mang-aakit ka ng babae tapos gagamitin mo lang?”
“Eh ikaw ba Camille? Ano ba ako sa iyo? Panakip-butas? Iyong pagmamahal na hindi sa iyo kayang ibigay ni Daniel eh pilit mong kinukuha sa akin?
“Pagmamahal? Bakit Jeff, mahal mo ba ako?” Puwede bang magmahal sa ganoong kaikling panahon. Ilang araw na ba tayo magkakilala? Tatlo? Sa loob ng tatlong araw eh puwede mo na bang sabihin na mahal mo na ang isang tao?”
“Eh ako ba Camille… may nabuo ka na ba pagmamahal sa akin?”
“Paano kung sabihin ko sa iyong oo?”
“Paano kung sabihin ko rin sa iyong oo? Paano Camille kung sabihin ko sa iyong mahal na kita?”
Nang marinig mo iyon eh tumayo ka’t nagbihis habang patuloy tayong naguusap.
“Wala palang problema kung ganoon.” Ang wika mo.
“Ano ang ibig mo sabihin?
“Jeff, nasa kamay mo ang desisyon. Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin. Ako, sasamahan mo man ako o hindi, eh aalis na ako ng Sagada. Sumama ka kung gusto mo. Bukas magkita tayo. Hihintayin kita dito ng hanggang alas-dos ng hapon.”
“Pero Camille…”
“Wala ng pero pero. Magdesisyon ka – ako o si Elena.”
Binuksan mo ang pintuan ng kubo. Malakas pa rin ang ulan. Hinalikan mo ako. Naglapat na naman ang ating mga. Matagal. Nang akmang yayakapin kita eh tumigil ka ng paghalik sa akin. Lumayo ka.
“Kung hindi ka darating bukas, iyan na ang huling halik kong matitikman mo.”
Pagkatapos niyon ay sinuong mo ang malakas na buhos ng ulan. Hindi mo na binuksan ang iyong payong. Nagpakabasa ka.
Tuwing Bubuhos Ang Ulan (4)
(4th of 7 Parts – A Novelette in Filipino)

“Hoy Jeff… ate Camille… Bakit? Anong ba ang nangyayari? Magkakilala na ba kayo dati?”
“Hi… hindi. Ngayon ko lang siya nakita. Hello Jeff! Happy to meet you.”
“Same here.”
Iniabot mo sa akin ang iyong kamay. Kinamayan kita at hindi ko pa man napipisil ang kamay mo ay binawi mo na agad ito na parang diring-diri ka.
Pagkatapos ay naupo ka mismo sa tapat ko na parang wala lang ako doon. Binabale-wala mo lang ako katulad nang ginawa ninoman sa mga taong hindi naman nila kilala. Napakalamig mo, ibang-ibang doon sa Camille na nakasama ko sa kubo.
Parang nasaktan ako pero naiiintidihan ko ang pagsisinungaling at pagkukunwari mo. Kung ako man ang unang nakapagsalita eh ganoon din ang sasabihin ko. Kapag sinabi mo kasing nagkita na tayo doon sa may kubo sa may mini rice terraces, kahit hindi mo pa sabihing may namagitan sa ating dalawa, eh mabibisto ako ni Elena. Sinabi ko na kasi sa kanya na hindi ko pa nakikita ang lugar na iyon.
“Nasorpresa ako sa ang reaksyon ninyo kanina. Para kasing nagulat kayo pareho nang magkita kayo.” Wika ni Elena.
“Naku Elena, sa kisig ba naman ni Jeff eh kahit sinong babae ang makakita sa kanya sa unang pagkakataon eh magugulat talaga. Lalo na nga’t naka-shorts at sando lang siya oh. At tignan mo naman ang misis ko, pang beauty queen ang mukha at katawan. Kaya nagulat din si Jeff nang makita siya. Akala kasi ni Jeff na ikaw na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa eh hindi pala. May mas maganda pala sa iyo – ang ate Camille mo.”
“Naku, kumana ka na naman Daniel. Magtigil ka na. Malay natin nagkita na sila noon at hindi lang nila matandaan kung kaylan at saan kaya ganoon ang reaksyon nila. Nangyayari talaga iyon.”
Nakayuko ka lang habang nakikinig sa usapang iyon. Napansin kong tinitignan ka ni Elena at pagkatapos ay sumusulyap din siya sa akin.
“O sige… sige… Kain na nga lang tayo.” Ang mungkahi ng nanay nina Elena.
“Oo nga para kami nitong guwapitong bayaw ko eh makapagsimula nang mag-inuman.”
“Mga anak, baka naman puwede kahit ngayon lang eh magpasalamat muna tayo bago kumain. Magapasalamant din tayo dahil nakarating na dito sa atin si Jeff. Elena pangunahan mo ang pagdarasal.”
Nagsiyuko tayong lahat. Nakita kong nagsipikit kayo. Ako lang ang hindi. Pinagmasdan kita habang nagdarasal si Elena. Maya-maya’y nakita kong nagmulat ka ng mata. Tumingin ka sa akin. Mugto ang iyong mata. Ngumiti kang pilit. Ganoon din ang ngiti mo nang una mo akong nginitian sa kubo – pilit. Pero pinagaan ng ngiti mong iyon ang kalooban ko. Nginitian din kita at tinanguan.. Pagkatapos niyon ay pumikit kang muli. Pumikit din ako.
Masaya ako’t malungkot. Masaya ako dahil nakita kita ulit. Malungkot dahil sa sitwasyon, dahil sa pagkakataon. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari.
Sa lahat ng problemang dinadala mo eh, nakaramdam ako ng awa. At heto ako na mukhang dumagdag pa sa pasanin mo.
“Welcome to the family bayaw.” Iyon ang sinabi ni Daniel pagkatapos ng panalangin.
“O sige mga anak. Kain na tayo.”
“Tinolang manok, adobong baboy, piritong bangus, at chop suey…wow! Lakas mo Jeff kay inay ah. Apat na putahe. Sa akin kapag pumupunta ako dito eh magpipirito lang ng itlog at magbubukas ng sardinas ang inay.”
“Tama na daldal Daniel, kumain ka na lang.” Wika ng nanay nila.
“Ate… ano nga pala iyong sinasabi mong nangyari sa iyo kanina habang papunta ka rito?”
Napatingin ako sa iyo ng itanong iyon ni Elena. Tumingin ka rin sa aking bago mo ibanaling ang tingin mo kay Elena. Alam ko namang wala kang sasabihin tungkol sa atin.

“Doon kasi sa kubo kanina.”
Huminto ka sa pagsasalita.
“Ano ate? Ano ang nangyari sa kubo?”
“Ano kasi… parang may sumusunod sa akin habang naglalakad ako. Iyong lang naman.”
“Baka naman may isa sa mga taga-hanga mo na sumusunod sa iyo talaga kanina?” Ang sabi ni Daniel.
“Hay naku… kumain na lang tayo.” Wika ng nanay nila.
Habang kumakain tayo ay nakayuko ka lang. Tahimik na tahimik. Pinilit kong huwag mapako sa iyo ang aking paningin dahil baka mapansin iyon ni Elena eh magduda lalo at biglang nanamang umandar ang pagkaselosa. Alam kasi ni Elena ang mga ginawa ko bago kami naging magkasintahan. Alam ni Elena ang mga kahinaan ko. Alam niyang hindi ako santo… na ako’y tao lang… hindi banal.
“Dad oh…”
Sinubukan ni Elenang subuan ako ng atay ng manok. Hindi ko puwedeng tanggihan.
“Alam ko paborito mo ito.”
Napakatingin ka sa akin habang ako’y sinusubuan ni Elena. Sandali lang iyon. Binawi mo kaagad ang tingin mong iyon. Aywan ko kung may naramdaman ka ba, kung nagselos ka ba.
“Camille,” ani Daniel, “ang sweet nila oh. Baka naman ako puwede mo ring subuan.”
“Ay Daniel magtigil ka. Matapos mong away-awayin itong asawa mo eh aaasta ka ng ganyan. Kung ako si Camille eh lason ang isusubo ko sa iyo.”
“Inay naman eh. Bati na po ni Camille. Nag-sorry na po ako. Di ba ma?”
Ganoon lang ba iyon? Kung totoo lahat ang narinig ko mula kay Elena tungkol sa mga ginagawa ng asawa mo eh sa palagay ba niya sa simpleng sorry lang mapapatawad mo na siya?
Tumango ka bilang tugon. Pero parang pilit. Kitang-kita ko kung paano nangilid ang luha mo ng matapos sabihin iyon ng biyenan mo… ng magiging biyenan ko. Nahabag ako sa iyo. Kung puwede lang eh papahirin ko ang luha mong iyon o hahawakan kita sa kamay para gumaan ang pakiramdam ko.
Ginawa ko ang puwede kong gawin. Sinubukan ko lang. Nagbakasali akong okay lang sa iyo. Ipinatong ko ang paa ko sa paa mo sa ilalim ng mesa. Medyo parang umigtad ka noong una pero hindi mo iginilaw ang iyong paa. Hinayaan mo lang na nakapatong doon ang aking paa.
“Okay ka lang ate Camille?”
Parang nagulat ka ng tanungin ka ni Elena. Ako man eh parang ganoon din. Iniurong mo bigla ang paa mo. Pero sandali lang eh naramdaman kong ipanatong mo ito sa paa ko. Paa mo naman ang nasa ibabaw ng paa ko. Bigla ko tuloy naalaala ang mga nangyari sa kubo… lalo na nang nagpumilit kang…
At pagkatapos niyon ay nagkiskisan tayo ng mga daliri natin sa paa. Mula sa mga panakaw na sulyapan natin ay napansin kong parang umaliwalas ang mukha mo. Nawala ang lungkot mo at naging magana kang kumain. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya noon.
Hinayaan nating sina Daniel, Elena, at ang kanilang ina ang nagsalita nang nagsalita habang tayo’y kumakain. Paminsan-minsan lang tayong sumasabat dahil abala tayo sa ginagawa ng mga paa natin sa ilaim ng lamesa. Ginawa natin iyon hanggang matapos tayong kumain.
**********

Pagkatapos nating kumain ay nagsimula na kaming mag-inuman ng asawa mo habang tinulungan ninyo ni Elena ang kanilang ina na maglinis sa kusina at maghugas ng mga pinggan.
Bago kami uminom at magkuwentuhan ay binukasan ni Daniel ang clutch bag at inilabas ang isang kalbre .45. May nasilip akong parang maliliit na sachet sa loob ng bag. Malamang na drugs ang mga iyon. Patay malisya ako, kunwari ay hindi ko nakita. Nililinis ni Daniel ang kanyang baril habang umiinom. Mabilis tumagay si Daniel. Parang soft drinks lang kung inumin nito ang alak. Halatang batikan siyang manginginom. Ayaw kong sabihing alcoholic siya pero parang ganoon na nga. Ako nama’y hinayaang niyang tumagay kung kaylan ko gusto.
“Heto bayaw sikreto natin ha, kahit sina inay at Elena hindi ito alam. May napatay na ako gamit ang baril na ito. Siguro mga dalawang taon na ang nakakaraan. Malinis na malinis ang pagkakagawa ko.”
Nakinig lamang ako sa kuwento ng asawa mo. Maaring totoo ang sinasabi niya at maari din namang kuwentong lasing lang.
“Alam mo kung bakit ko pinatay iyong tao? Nabalitaan ko kasing gustong-gusto daw niya si Camille. Nakita ko minsan noon habang nagbabakasyon ang asawa ko dito sa Pinas na magkausap sila. Kaya humanap ako ng tiyempo para kanain siya. Bago ko siya pinagbabaril eh sinabihan ko muna na ang kay Pedro ay kay Pedro, at ang kay Juan ay kay Juan.”
Sinabi pa sa akin ni Daniel ang pangalan ng napatay niya at hinamon niya akong i-check ko and record sa munisipyo ng Sagada para maniwala ako.
Matapos ang halos isang oras siguro eh nagpuntahan na kayo sa terrace, kasama mo sina Elena at ang inay.
“Daniel, magusap-usap nga tayo sandali.” Wika ng nanay nila.
“Ano ba kuya, itago mo nga ang baril na iyan. Baka pumutok iyan.”
“Okay…okay.” Sagot ni Daniel sabay silid ng kanyang baril sa kanyang clutch bag.
“Daniel ano ba ang nangyayari sa inyo ni Camille? Bakit ba hanggang ngayon eh sinisisi mo pa siya sa hindi niya pag-alis noon papuntang Italy?”
“Inay, kung hindi ba naman gaga iyang si Camille eh ‘di sana nakabalik pa siya doon. Tignan nga ninyo oh, wala akong mabentahan ng mga inaani kong gulay dahil sa lockdown. Hindi ko maibiyahe palabas ng Sagada ang mga gulay. Kahit sana papaano eh may source of income kami kung bumalik siya sa Italy.”
“Bakit ba hindi mo maintindihan na takot na akong bumalik doon dahil sa Covid. Ayaw ko nang magtrabaho doon. Baka kung mapaano ako.”
Umiiyak ka na ulit ng sabihin mo iyon. Awang-awa ako sa iyo at inis na inis ako kay Daniel. Gustong-gusto ko nang sumabat pero pilit kong pinigil ang sarili ko.
“Eh bakit si ate Nancy nandoon pa rin at buhay pa.”
“Kuya Daniel, huwag mong pilitin si ate Camille na bumalik doon kung ayaw na niya. At iba ang sitwasyon ni ate Nancy, nandoon din ang boyfriend kaya mas gugustuhin niyang manatili doon.”
“Lintik!!! Pinagtutulungan ninyo ako.”
“Malaki na ang ipon natin. Iyong ipinapadala ko sa iyo buwan-buwan sa loob ng limang taon ay sinabi kong i-bangko mo para kako may magamit tayong pang-negosyo. Kumikita ka rin naman sa taniman natin.”
“Oo nga naman Daniel. Nasaan ang pera ninyo. Magkaano ang naipon mo sa bangko?” Ang tanong ng kanilang ina.
Hindi makasagot ang asawa mo. Ikaw nama’y umiiyak lang, pailing-iling.
“Daniel, anak, magtapat ka sa akin. Totoo ba na kinabit mo iyong asawa ng isang OFW doon sa baranggay ninyo? At sa kanya mo inubos ang perang ipon ninyo?”
Panandaliang tumahimik. Walang nagsasalita. Maya-maya’y biglang tumayo si Daniel. Hinila sa kamay si Camille.
“Halika na, umuwi na tayo.”
“ARRAYY…bitiwan mo nga ako. Ayaw kong sumama sa iyo.”
“Daniel, bitiwan mo ang asawa mo. Napakawalanghiya mo.”
“Inay… huwag po ninyo kaming pakialaman… wala sa inyo makikialam.”
Hawak ni Daniel ang clutch bag na naglalaman ng baril. Idinuro iyon sa amin habang sinasabi niya iyon. Kitang-kita ko kung paano kang puwersahang ipinasok ni Daniel sa likuran ng kanyang kotse.
Wala ring akong magawa kundi ang kaawaan ka.
Bago humarurot palayo ang kotse ay nakasulyap ka pa sa amin. Parang humihingi ka ng tulong. Hindi ko alam kung sa akin ka direktang nakatingin, kay Elena ba, o sa kanilang nanay. Pero pakiramdam ko ay parang hinihiling mo sa pagkakataong iyon na saklolohan kita. Pero ano ba ang puwede kong gawin?

