Hindi Nga Ba Ukol? (2)

(2nd of 7 parts)

“Do you really need to ask me that?”

“Okay lang naman kung ayaw mong sagutin.”

Medyo may katagalan bago muling nagsalita si Kath.

“Bakit mo tinatanong iyan Marco.”

Bakit ko nga ba itinatanong iyon? Mahalaga pa ba na itanong ko iyon? Eh ano naman kung sabihin niyang oo. At paano kung sabihin niyang hanggang ngayon eh mahal pa rin niya ako? O gusto ko lang na may pag-usapan kami. Ano nga ba ang dahilan?

“Hey… bakit mo kako tinatanong.”

“Kath… ang dami nating dapat linawin. Mga bagay na tuwing nagkikita tayo noon after mo mag-resign eh ayaw nating pag-usapan. Mas pinili nating huwag pag-usapan. Hindi ko alam kung takot ba tayo na pag-usapan iyon o hindi naman mahalaga na dapat pang pagusapan dahil wala rin namang magandang pupuntahan.”

Hindi agad sumagot si Kath. Nakayuko ito at pailing-iling.

Hindi ko na mahintay ang sagot niya.

“I get it now. Assuming lang siguro ako na may mga bagay na dapat pag-usapan natin. All these years, ang dami kong assumptions na mali.”

Pagkasabi ko niyon eh pinili kong manahimik hangga’t hindi sumasabot si Kath.

Siguro nga eh ganoon. Ako lang ang nagiisip mula noon na meron kaming dapat pagusapan… na may mahalangang namagitan sa amin.

Hanggang…

“Ano na nga ang tanong mo?”

Sa wakas eh nagsalita siya. At inulit ko nga ang tanong ko.

“Did you really love me before?”

“Bakit Marco? Hindi mo ba alam ang sagot?

“Hany naku… why don’t you just answer?

Medyo yata nataasan ko siya ng boses.

“Siguro naman eh hindi ka galit niyan.”

“No… no… no… Sorry Kath. Bakit kasi ayaw mo pang sagutin?”

“Okay… okay… Did I love you before? Of course  I do… I do.  I mean I did. DIDDDD!”

Parang gusto kong matawa sa sagot niyang iyon.

“Oh ano ang nginingisi-ngisi mo diyan?”

“Wala… So it’s did. Not do.”

“You heard it!!!”

“Meaning… you…. you don’t love me anymore?”

“Napakagago mo talaga Marco.”

“Yes or no lang ang sagot doon di ba.” Ani ko.

“There are questions that are better left unanswered Marco.”

Hindi ko na pinilit si Kath na sagutin ang tanong kong iyon. Gusto ko sanang sabihin na I can read between the lines  pero tumahimik na lang ako.

“Masaya ako kapag nakikita ko ang mga photos ninyo ni Anna tuwing umuuwi ka dito sa Pinas. You are obviously happy living life together now.” Dagdag pa ni Kath.

“So tsine-check mo pala Facebook ko ha.”

“Bakit Marco, masama ba? Facebook ko ba hindi mo ino-open?”

Inamin ko sa kanya na tuwing bubuksan ko ang aking FB eh hindi ko nakakalimutang tignan ang kanyang timeline.

Pagkatapos niyon ay tinanong ko siya.

“Eh… ano naman iyong gusto mong itanong sa akin?”

“Alam mo na iyon Marco. Hindi ka naman siguro engot para hindi mo mahulaan ang gusto kong tanungin kanina ‘di ba?” But as I said… maging honest ka sana sa sagot mo.”

“Alin ba sa dalawa ang gusto mong saguting ko – Did I love you before? Oh Do I still love you now.”

Nakita kong napangiti si Kath.

“What? Which of the two?”

“I want you to answer both…”

“Do you really need to ask me that?”

Natawa si Kath sa sinabi kong iyon.

“Gara… parang linya ko yata iyang kanina ha Marco.”

“Honestly Kath… hindi mo alam ang sagot sa tanong na iyan?”

“Nakakainis ka. Sagutin mo na nga lang nang matapos na.”

“Okay… okay…” Aniko.

 Minahal kita noon Kath.”

Nangiti siya.

“Alam ko naman iyon. Eh mahal mo pa ba ako hanggang ngayon?”

“Kath… there are questions that are better left unanswered.”

Pagkasabi ko niyon ay nagkatawanan kami ni Kat.

“I can read between the lines Marco.”

“I can too Kath.”

At muli nanaman kaming nagtawanan.

“Hay naku Kath…”

“Teka nga… may I go out muna ako ha. Wiwi muna ako.” Aniya.

“Okay… go.”

Habang hinihintay ko  si Kath eh nagbalik nanaman sa ala-ala ko ang maraming bagay. Nasa iisang opisina lang kami at mula umaga hanggang hapon, minsan eh inaaabot ng gabi na nandoon kami. Noong una, lalo na noong intern ko pa lang siya, strictly business kaming dalawa, nothing personal. Pero unti-unti na ang mga kuwentuhan namin kapag hindi kami busy sa trabaho eh nasentro sa mga personal na bagay. Hanggang dumating ang punto, lalo na nang naging regular employee na siya, na inihihinga ko na sa kanya ang mga problema namin ni Anna. Nagkukuwento din siya noon tungkol kay Jay na nililigawan pa lang siya.

Mahirap i-define kung ano ang relasyon namin ni Kath.  Basta isang gabi noon habang may inoovertime kaming trabaho eh hindi ko napigilang hawakan siya sa kamay at halikan. Naghalikan kami. Matagal. Kung hindi malakas ang pangontrol ni Kath eh baka tuluyang bumigay siya noon.

Mas naging close kami ni Kath after that. Kapag darating ako sa opisina, halik ang isasalubong niya sa akin. Ganoon din ang gingawa ko minsan. At minsan binubulungan ko siya ng “I love you” oh “I miss you.” Kapag gabi at nasa opisina kami ay minsang may nangyayari. Pero hanggang halikan lang. Ayaw niyang lumampas pa doon. Naghahalikan man kami pero kahit minsan eh hindi niya ako nasabihan ng “I love you.” Never. Kaya nga ang hirap sabihin kung ano ang namagitan sa amin.

Kung ano mang meron sa pagitan namin ni Kath eh tiniyak naming pareho na walang makikitang unusual ang mga kasamahan namin sa trabaho. Lalo na nga’t sa katabing opisina lang naka-assign si Anna.

Malaking travel agency ang pagmamay-ari na iyon ng tito ko na dating sundalo, kapatid ng aking ina. Recruitment agency siya at the same time. May kasosyo siyang Koreano na naging  matalik niyang kaybigan noong Korean war. May malaking factory din dito sa Korea ang partner ng tito ko at maraming Pinoy na nagtatrabaho doon. Iyon ang dahilan kung bakit ako napunta ng Korea, ako ang nagsusupervise sa mga Pinoy factory workers dito na kami mismo ang nagre-recruit. Ayaw ko sana pero pinilit akong i-assign dito ng tito at nanay  ko dahil sa isang problema na nagawa ko sa opisina sa Pinas.

Maya-maya pa’y…

“I am back. Okay lang ba na nakahiga ako while we’re chatting? Ngalay na kasi puwit ko.”

Tumango lang ako. Nahiga si Kath sa sofa na kinauupuan niya. Naka-shorts pala siya. Maikli. Medyo din manipis ang suot niyang t-shirt. Halatang wala siyan bra. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Kahit nagkaedad na’t may anak na si Kath eh maganda pa rin siya at slim pa rin ang pangangatawan.

“Hoy Marco, baka lumuwa ang mata mo niyan ha. Bawal maakit.”

“Matagal mo na akong naakit.”

“Susme, kumana nanaman ang bolero.”

You’re still very attractive Kath.”

“I know.”

“Naniwala ka naman?”

“Hindi! Alam ko nga kasing bolero ka. Kaya nga siguro lahat ng naging intern mo eh naging dyowa mo ano?”

“Hoy, hindi ah.”

“Talaga lang ha. O sige. May isa pa akong tanong.”

Tanong? Napaisip ako. Mukhang alam ko na kung ano ang itatanong ni Kath.

“Sabi mo nga kanina, ang dami nating mga isyu na dapat linawin ‘di ba? Ang dami nating mga bagay na ayaw pag-usapan noon. Sige… humanda ka… ngayon pag-usapan natin. Lahat ng dapat natin pag-usapan eh pag-usapan na natin.”

Tumango lamang ako bilang tugon.

“Marco… may kilala ka bang Mayette?”

Part 3

Advertisement

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer-Lifelong Learner I have three passions - teaching, writing, and learning. I am a Filipino currently residing and teaching in South Korea. I blog and vlog the things I write. I have two websites and two YouTube channels where I publish my works in my areas of interest. I also use Wattpad and Pinterest to publish my creative works. I am into research as well. Some of my articles were presented at conferences and published in indexed-journals. TO GOD BE THE GLORY!

Posted on March 3, 2021, in Creative Writing, Fiction, Maikling Kuwento, Malikhaing Pagsulat, Prose and Poetry, Short Story and tagged , , , , , . Bookmark the permalink. 3 Comments.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: