MULA SA BINGIT
Muli kong binagtas ang trail paakyat sa bundok na madalas kong puntahan kapag gusto kong mapag-isa at mag-isip. Bumibyahe pa ako ng isang oras para makarating dito. Wala kahit sinuman ang nakakaalam na pumupunta ako sa bundok na ito. Ito’y ang aking hideaway kaya sinikreto ko. Ang pagakyat ko mang ito’y wala ring nakakaalam. Ni hindi ako nagsabi kaninoman na ako’y may pupuntahan at hindi na muling babalik.
Medyo malayo na ang nalalakad ko at lampas tanghalian na. Pero mangilan-ngilan lang na butil ng pawis ang nararamdaman kong dumadaloy sa aking noo’t pisngi. Wala pa akong basang nararamdaman sa bandang likuran ko. Kahit na nga nakakangawit pa ang backpack sa likuran ko na maraming lamang pagkai’t inumin para sa aking huling hapunan. Siguro dahil medyo maliliit lang naman ang mga hakbang ko. Parang lakad ng mga naghahatid ng patay sa sementeryo. Parang lakad ng isang nakatakdang bitayin na kaylangang itulak ng mga taong naghahatid sa kanya sa bitayan. O kaya’y mahirap lang talagang pagpawisan dahil kalagitnaan pa lamang kasi ng Marso at hindi pa lubusang tunaw ang lahat ng nyebeng naipon noong tag-lamig. Pero hindi na ganoon kakapal ang aking jacket at isang layer na lang ang suot kong panloob – isang itim na t-shirt.
Naglalabasan na ang mga ubod ng bulaklak sa mangilan-ngilang puno ng cherry blossoms sa dinaraanan ko. Nagsisimula na ring umusbong ang mga dahon sa mga sanga ng ilang puno’t halaman. Ilang araw na lang at ang mga bulaklak ng mga halaman ay bubukadkad na ng todo upang bigyang buhay at kulay ang paligid na ginawang parang disyerto ng nagdaang tag-lamig.
Sayang at hindi ko na muli pang masusumpungan ang pamumukadkad ng mga bulaklak sa paparating na tag-sibol. Ang trail na nilalakaran ko ay hindi ko na muling hahakbangan pababa.
Walang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa muli kong pag-akyat sa bundok na ito. Bahala na pagdating ko sa tuktok. Basta planado na ang lahat. Basta’t aakyat ako doon at uubusin ko ang dala kong isang dosenang beer at dalawang bote ng soju. Wala rin akong ititira sa fried chicken, mani at kaunting kimching binaon ko. Ang mga ito na ang huling pagkaing matitikman ko. At least, busog ako’t lasing na mamamatay. Hindi lang naman ang mga bibitayin ang pinapakain ng gusto nila bago igawad ang kanilang sistensya. Maging ang mga malapit nang mamatay ay binibigyan din ng mga paborito nilang pagkain.
Ito dapat ang isa sa mga pinakamasasayang araw sa buhay ko. Pinaghandaan ko ito. Ginastusan ng malaki. Dapat sana’y nasa Pilipinas ako ngayon. Pero nagkalintek-lintek ang lahat. Saan ba ako nagkamali? Saan ako nagkulang?
Wala akong matandaan.
Nakarating na ako sa pinakamabatong bahagi ng bundok. Noon ko lang napansin na kapag ganung panahon ay para palang sementeryo ang bahaging ito. Wala kasing puno at ang mga malalaking tipak ng bato ay parang mga puntod at krus ang mga halamang hindi pa muling inuusbungan ng dahon.
Sabagay ginagawa naman talagang libingan ng mga tao dito ang mga bundok. Tuwing nagpupunta ako sa bundok na ito ay may ilan nga akong nadaanang puntod na kung walang marker na nagsisilbing lapida ay aakalain mong isang punso.
Sa bundok na ito rin ako mahihimlay. Iyon nga lang hindi ako maililibing ng maayos.
Malayo-layo pa ang lalakarin ko pero ayaw kong bilisan ang aking mga hakbang. Hindi naman ako nagmamadaling mamatay. Basta kaylangang sa tuktok ng bundok ko isasagawa ang aking plano. Nakahanda na ako. Basta mamayang hapon, bago lumubog ang araw eh tapos na ang kwento ng buhay ko.
Kung pwede nga lang, para hindi na ako mapagod pang umakyat ng bundok eh nagpasagasa na lang ako sa trak. Kung pwede lang din eh gumamit na lang ako ng baril o kutsilyo para mas madaling matapos ang lahat-lahat.
Pinagisipan kong gawin ang alin man sa mga iyon. Pati nga pag-inom ng lason. Pero ayaw kong mamatay sa ganoong paraan. Ang isa pa eh baka hindi mabisa ang lason na mabili ko. Gusto ko eh maka-tiyak na malagot ang aking hininga. Kapag nagpasagasa naman ako sa trak eh tiyak na lasog-lasog ang katawan ko’t madidiri ang sinumang pupulot ng mga magkakapira-piraso kong buto’t laman. Isusumpa niya o nila akong tiyak.
Sa lahat kasi ng ayaw ko eh mang-istorbo ng ibang tao. Ayaw kong kapag natagpuan akong patay eh marami pang tao ang maaabala. Pumasok nga din sa isipan ko na magpasagasa sa tren sa subway. Pero ayaw ko namang makaladkad pa ang ang pangalan ng bayan ko sa ganoong paraan kapag nalaman ng media dito na ang sira ulong binangga ang tren ay isa palang Pinoy.
Sabagay, pangkaraniwan lang naman sa bansang ito ang balita tungkol sa pagpapakamatay. Kung totoo ang nabasa ko eh mahigit dalawampu daw ang nagsu-suicide dito araw-araw. Kaya ang pagpapatiwakal ko, mabalitaan man nila eh malamang hindi nila papansinin. At iyon ang gusto kong mangyari. Walang makapansin sa gagawin ko. Dapat ang tanging makaalam na may tumalon sa pinakamataas na bahagi ng bundok na inaakyat ko ay patay na kapag lumapag sa mabato’t madawag na bahagi nito.
Syempre hahanapin ako ng mga kasamahan ko sa trabaho, ng pamilya ko, ng mga opisyales sa embahada ng Pilipinas, at ng mga awtoridad dito. Pero hindi nila iisiping nandoon ako sa matarik na bahagi ng bundok na ito na tinatakpan ng maraming puno at damo. Sinadya ko ngang doon sa walang CCTV na bahagi ng trail pumasok kanina para walang pruweba na umakyat ako dito. Bahagi iyon ng pagpaplano ko. At sa panahong magbakasakali silang doon ako’y puntaha’t hanapin eh marahil napaghati-hatian at naubos na ng mga hayop at insekto ang aking mga buto’t laman. Hindi din nila makikita alinman sa mga kasuotan ko dahil susunugin ko ito at hubo’t-hubad akong tatalon tungo sa aking kamatayan. Kaya kung matigas ang aking bungo at hindi kayang mabasag pagtalon ko eh tiyak na sa hypothermia ay wala akong lusot.
Ganun kadetalyado ang aking plano. Suicide note lang ang wala dahil ayaw ko ngang may makaalam sa gagawin ko.
*****
Namahinga muna ako. Para kasing ayaw nang humakbang ng mga paa ko. Naupo ako sa isang tipak ng bato na nakasandal sa isang malaking puno ng pine tree.
Tahimik ang paligid. Nagkataon lang ba na ngayon ay wala ang mga humuhuning ibong dati kong nakikita sa mga puno kapag nagpupunta ako dito sa ganitong panahon. Wala rin akong nasalubong kahit isang tao habang ako’y papaakyat. Ayos lang iyon para walang makapagsasabing may nasalubong silang taong parang Pilipino o Indonesian ang itsura habang sila’y pababa ng bundok. At sana ay wala ring tao pagdating ko doon sa tuktok. Gusto kong pagkakain at maubos ang mga pagkaing dala ko eh makatalon agad ako para matapos na.
Habang ako’y namamahinga, eh nagsindi ako ng sigarilyo. Naubo ako ng bahagya nang mahithit ko ang usok. First time kong manigarilyo. Naisipan ko lang biglang gawin ito nang bumili ako ng lighter sa isang convenience store bago ako umakyat. Hindi na ako natakot magkaroon ng kanser sa baga. Ilang orang na lang naman eh ipipinid ko na ang aklat ng aking buhay.
Bago ko maubos ang isang stick ng sigarilyo eh biglang tumunog ang aking cell phone.
Ang aking ina ang tumatawag. Ayaw ko sanang sagutin pero gusto ko naman siyang bigyan ng pagkakataong marinig ang boses ko sa huling pagkakataon.
“Joseph…anak, okay ka lang ba hijo?”
Ramdam ko ang awang nadarama ng aking ina para sa akin habang sinasabi niya iyon. At iyon ang ayaw na ayaw ko – kinakaawaan. Kaya nga ayaw ko sanang sagutin ang tawag niya.
“Don’t worry about me ma. I am okay.”
“Sigurado ka ba hijo?”
Parang nakulitan ako sa aking ina.
“Unli ba ma?”
“Pasensya na, gusto ko lang makasigurado. Anak, sana umuwi ka pa rin dito kahit ganun ang nangyari. Miss ka na namin. Ilang buwan ka na naming hindi nakikita.”
Sa narinig ko’y nagsalubong ang aking mga kilay. Parang mga sala-salabat na pansit na naipon ang mga kunot sa aking noo. Parang wala na nga akong mukhang ihaharap sa lahat ng mga kakilala ko matapos ang pangyayaring iyon tapos gusto pa ng aking ina na umuwi ako! Para ano? Para kaawaaan o kaya’y pagtawanan? At kung uuwi man ako ng Pilipinas eh hindi ko gugustuhing puntahan ang bahay namin. Nakatitiyak akong may masamang mangyayari. Kung hindi ako ang mapapatay eh baka ako ang makapatay.
“Sorry ma, may bigla kasing ipinagawa ang boss ko sa hagwon.”
“O ‘di ba naka-leave ka dahil dapat eh…”
“Ma…STOP…PLEASE.”
Iyon pa ang isang dahilan kung bakit ayaw kong umuwi. Tiyak na ang pangyayaring iyon lamang ang paulit-ulit na pag-uusapan. Sa tuwing naiisip ko kasi ito eh parang tinutusok ng karayom ang aking mga kalamnan. Sabihin nang madrama ako pero sinuman ang makaranas ng nangyari sa akin eh tiyak na guguho at hihinto sap ag-inog ang mundo niya
Sa unang pagkakataon eh nagsalita ako sa aking ina ng madiin. Pakiramdam ko’y parang lumuwa ang mga mata ko nang bitiwan ko ang mga salitang iyon. Parang ang bunso kong kapatid na babae lang ang kausap ko.
Matagal bago ko muling narinig ang boses ni mama.
“Anak, kung kaylangan mo ng kausap tawagan mo lang ako ha. O kaya mag-Skype tayo.”
“Opo ma. Pasensya na po. Hayaan ninyo lang muna ako.”
“Nagpunta nga pala ang mga magulang niya dito kanina. Gusto sana nilang…”
“ANO BA MA!!! Hindi ninyo po ba talaga naiintidihan ang sinasabi ko. Mahirap po bang unawain ang gusto kong mangyari?”
Pakiramdam ko’y gustong sumabog ng mga litid ko sa lalamunan habang sinasabi ko iyon. Kung ibang tao lang ang kausap ko eh malamang may kasunod pa iyong mura.
“Okay…okay anak. Ahh… Joseph…”
Ang isang hibla pa na pasensya at paggalang sa akin ina ang nagtulak upang sumagot pa rin ako sa kanya.
“Ano po iyon ma?”
“Ano kasi…”
Alam ko na kung ano ang gustong sabihin ng aking ina.
“Nandito nga pala ang kuya mo. Mag-usap sana kayo. Nagmamakaawa ako sa iyo.”
Tuluyang nalagot ang huling hibla ng pasensya ko. Hindi ako sumagot. Pinutol ko ang pag-uusap namin. Iyon ang hindi na pwedeng mangyari kaylanman – ang kausapin ko ang panganay na anak ng aking ina. Sakali mang magmilagro na hindi madurog ng batong babagsakan ko ang aking mga buto’t bungo at mabuhay pa ako eh hinding-hindi na kami magkakaayos pa.
Kung hindi sana siya kasali ay mas madaling tanggapin ang nangyari.
Paulit-ulit na tumatawag si mama pagkatapos nun. Hindi ko sinasagot. Kung wala lang akong hinihintay na tawag eh pinatay ko na ng tuluyan ang telepono.
Wala na akong kakampi. Siyempre, ang papaboran ng aking ina ay ang paborito niyang anak.
Siguro ang mga kaybigan ko ay naiintidihan ako. Tiyak na alam nila ang nangyari. Malabong hindi nila nabalitaan. Ang marami sa kanila ay imbitado pa sa okasyon sanang mangyayari. May mga tumatawag nga at nagte-text sa akin mula Pilipinas. Meron din mga nagsesend ng PM sa Facebook. Tambak ang mga messages ko sa Messenger, ganun rin sa email. Ni isa ay wala akong sinagot. Makagugulo lang ang mga payo’t opinyon nila.
Ano man kasi ang sabihin nila ay ako pa rin ang gagawa ng desisyon para sa sarili ko. Buhay ko ito. Tingin ko ay walang namang makakatulong sa akin. Wala nang sino mang makapagbabago sa nangyari.
Ang Panginoon kaya? Pwede ba Niyang baguhin ang lahat ng nangyari? Kung pwede nga lang sana. Pero alam kong hindi ganun ang pamamaraan ng Panginoon. Hindi Siya nanghihimasok. Wala Siyang kinakampihan. Sa pagkakaalam ko’y hinahayaan Niyang gumawa ang mga tao ng desisyon at harapin nila ang resulta ng kanilang gagawin.
Nang isilang ang tao’y nagsimulang tumakbo ang gulong ng kapalaran niya. Minsan mapapailalim siya sa gulong na iyon. Pasensya na lang kung hindi siya makailag at siya’y magulungan nga nito. Maipit. Madurog. Katulad ko ngayon. Durog. Durog na durog.
Parang hindi ko na mahintay na makarating pa ako sa tuktok ng bundok. Gusto ko na lamang iumpog sa bato ang ulo ko ng paulit-ulit hanggang mabasag ang bungo ko.
*****
Pinagpatuloy ko ang aking “death march.”
Sa tantya ko’y nasa kalagitnaan na ako. Sinimulan ko nang inumin ang beer. Gusto ko nang malasing. Dapat bangenge na ako kapag narating ko na ang bahaging iyon ng bundok para magkaroon ako ng lakas ng loob na gawin kung anuman ang gusto kong gawin. Para hindi magbago ang takbo ng isip ko. Para kasing may maliit na boses na kanina pa bumubulong sa akin na maghunos-dili ako. Naisip ko nga sa convenience store kanina na kung hindi bawal at meron silang shabu eh baka bumili ako. Hindi lang dahil gusto ko rin sanang marandaman mabangag bago man lang ako madedo. Gusto kong mabangag para aakalain kong ako’y isang ibon para hindi ako magdalawang-isip na tumalon.
Nang maubos ko ang pangalawang beer eh tumunog muli ang aking cell phone. Hindi na si mama. Ang tumawag ngayon ay si Luis, kaybigan kong abogado. Iyon ang hinihintay kong tawag.
“Pare kumusta ka na?”
Hindi ako agad nakasagot. Dinig na dinig ko naman siya pero para kasing nagsasalimbayan sa utak ko ang napakaraming bagay.
“Hello… Joseph?”
“O.”
“Parang humihingal ka.”
“Naglalakad kasi ako.”
“Nangunugmusta ako kanina. Okay ka lang ba?”
“Bakit ba kayong lahat eh nagtatanong pa sa kung ano ang kalagayan ko? Ikaw pare, kung sa iyo nangyari ang ganitong sitwasyon, ano ang mararamdaman mo? Magiging okay ka ba?
“O…o…teka…pare…relax ka lang. Mukha yatang mainit ang ulo mo. Sige… mamaya na lang kita tatawagan.”
Pagkatapos nun eh nawala siya. Pinatayan ako ng telepono. May parang bumulong sa akin na ibalibag ko ang cell phone.
Huminga ako ng malalim. Meron pa palang natira sa mga natutuhan ko sa mga motivational videos na napanood ko. Kapag inis na inis ka raw o litong-lito, eh huminga ka ng malalim. Senyales daw kasi ang biglaang galit at kalituhan na nawawalan na ng supply ng oxygen ang utak mo.
Matapos ang ilang hingang malalim eh tinawagan ko si Luis.
“Pare. Pasensya ka na. Sobrang bigat lang talaga ng dalahin ko ngayon. Alam mo iyan. Sorry.”
“Ayos lang pare. Naiintidihan ko ang pinagdadaaanan mo. Dapat kasi eh masaya ang araw na ito dahil…”
“Pare please lang, h’wag na nating pag-usapan.”
“Okay…okay. Ah. S’ya nga pala. Tungkol doon sa tinatanong mo. Wala kang habol doon sa bahay, nakapangalan doon sa babae ang land title. Bakit pumayag ka ng ganun pare?
Hindi ako sumagot. Hindi ko kayang sagutin.
“Ang pag-asa mo na lang eh kung kusa niyang i-surrender iyon sa iyo. At pare, iyong pera sa bangko na joint account ninyo, na-withdraw na niyang lahat 3 days ago. Kasama pa nga raw niya ang kuya mo sabi nung kakilala nating teller sa bangko.”
Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod na sinabi ni Luis. Nablangko na ako. Napansin ko na lang na hindi ko na pala s’ya kausap. Hindi ko alam kung ako ba o s’ya ang pumutol sa usapan namin. Lutang na lutang talaga ako…litong-lito. Huminga ulit ako ng malalim ng ilang beses. Ilang hakbang pa bago ko naramdaman ang lupang tinatapakan ko.
Ipinagmamalaki ko palagi na napakatalino ko. Kaya nga ako naging ESL teacher. Madalas ding sabihin ng mga kaybigan ko’t mga kamag-anak na ang galing-galing ko raw. Napakataas daw siguro ng IQ ko.
Hindi pala.
Napakalaki ko palang tanga.
“ANG TANGA-TANGA KO!
Isinigaw ko iyon ng paulit-ulit. Hindi ko alam kung ilang beses.
“PUTANG-INA NILA!”
*****
Pinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa tuktok ng bundok. Gusto ko nang tapusin ang lahat. Ayaw ko nang sumapit pang muli ang isang gabi na mag-iisa na naman ako sa loob ng kwarto. Tutulala at iinom lang nanaman ako nang iniinom. Magpapakalunod sa alak hangggang sisinghap-singhap nanaman ako sa kalasingan.
Ang binuksan ko naman eh ang bote ng soju. Umiinom ako habang naglalakad. Wala pa namang suray ang lakad ko. Tuwid pa. Hindi pa tumatabingi ang daan. Hindi ako tinamaan ng beer na ininom ko kaya nagpasiya akong soju naman ang tirahin ko.
Dati kapag inaakyat ko ang bundok na ito eh tubig ang tinutungga ko habang ako’y naglalakad. Dati eh selfie roon… selfie rito. Dati ay nakikinig pa ako ng paborito kong mga kanta ng Eraserheads, habang pasipol-sipol na binabagtas ang mga trails paakyat. At kapag narinig ko na ang kantang “Ligaya” eh sasabayan ko ito mula simula hanggang dulo.
“Ilang awit pa ba ang aawitin o giliw ko…gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo…”
Nagpagawa nga ng thesis ang lintek na iyon sa akin. Nang biruin kong gagawin ko lang ang chapter 3 kapag syota ko na siya eh sinagot na kaagad ako. Nang sabihin kong tatapusin ko hanggang chapter 5 kapag natikman ko siya eh bumigay agad ang gaga. Wala sigurong kaalam-alam ang unibersidad nila na may mga graduates doon na nagpapagawa lang ng thesis o dissertation. Nagbabayad ng pera o puri, o pareho, para magka Master’s o PhD.
“…At ang galing-galing mong sumayaw. Mapa boogie man o cha cha. Ngunit ang paborito ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo. Nakakaindak…nakakaaliw…nakakatindig balahibo.”
“Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay. Na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay.”
Kung kaylan ako nagseryoso sa babae. Kung kaylan ako umibig ng tunay saka nangyari ang ganito.
“PUTANG-INA.’
Ang sarap palang magmura.
“PUTANG-INA NINYO.”
Mas malutong pala ang mura kapag isinisigaw.
“Noong nagsama tayo…ay kanan ang ginamit mo. Ngunit biglang naturete…ikaw pala ay kaliwete…”
Paulit-ulit kong kinanta iyon habang inuubos ko ang soju. Nang paos na ako at wala ng laman ang bote ay malapit na ako sa tuktok ng bundok. Kaunti na lang ay makakarating na ako sa aking huling hantungan.
Magkahalong pagod at hilo ang nararamdaman ko. Parang umiikot ng kaunti ang paningin ko. Pahinga muna ulit. Pinili kong mahiga sa lupa na may kaunting nagkalat na tuyong dahon kesa sumandal sa puno. Wala lang. Trip ko lang.
Ilang minuto rin ang lumipas bago ako tumayo at muling naglakad.
Sa wakas nakarating ako sa tuktok. Narating ko na ang bundok ng aking Golgota… naihaon ko na sa wakas ang krus ng aking kalbaryo. Suot-suot ko pa rin ang koronang ipot. Papakuan ko na ang aking sarili. Tutusukin ko na ng sibat ang aking sariling tagiliran.
Hawan ang parteng iyon ng bundok. May mga upuan at isang parang kubo na para pahingahan. May malalaking bato at ilang puno ng pine trees sa bandang gilid at nilagyan ng mga malalaking lubid na pangharang. May mga nakasabit na babalang nakasulat sa Hanguel. Huwag daw lumampas sa lubid. Madulas at matarik kasi ang bahaging iyon ng bundok kaya mapanganib.
Iyong panganib ngang iyon ang gusto kong hamunin. Nilampasan ko ang lubid. Nilapitan ko ang gilid ng bundok. Isang hakbang na lang at wala na akong lupang tatapakan.
Pero hindi ko pa balak tumalon.
May seremonyas pa akong gagawin. Parang mga Hapong Samurai lang noon bago nila isagawa ang “hara-kiri.” Kesa sa mahuli sila ng kaaway eh magpapakamatay na lang sila. Pero ako, sa halip na gayatin ko ang aking tiyan, eh pupunuin ko ito ng pagkain.
Malalim-lalim ang babagsakan ko. Mabato at maraming pine trees. Huwag sana akong sumabit sa mga punong iyon para siguradong dedo ako. Mukhang mahihirapang mahanap ang bangkay ko doon. Ayos lang… iyon naman talaga ang gusto kong mangyari.
Humanap ako ng pinakamalapit na batong medyo patag ang ibabaw. Doon ko inalatag ang natitira ko pang beer, soju, at mga pagkaing dala ko.
Magsisimula na sana akong kumain nang may taong dumating.
Isang babae.
Istorbo.
Sana lang eh umalis kaagad upang pagkatapos kong kumai’t ubusin ang natitira ko pang inumin eh makatalon na.
Parang walang nadaanang tao ang babae. Gusot ang buhok. Nakakunot ang noo. Nakasimangot. Salubong ang dalawang kilay. Hindi ako pinansin kahit mismong sa harapan ko siya dumaan.
Sinundan ko siya ng tingin. Tumigil siya’t naupo sa ibabaw ng isang bato. Siya’y nakatalikod sa akin. Inilabas niya ang kanyang cell phone. Hindi ko alam kung may tumawag ba sa kanya o may tinawagan siya. Basta nauulinigan kong meron siyang kausap at mukhang inaaway niya kung sinuman iyon.
Sa halip na kumain eh parang binantayan ko ang babae. Umaaasa akong umalis siya kaagad.
Inaalis ng babae sa tenga ang cell phone. Natapos na yatang makipag-usap. Nagulat ako ng biglang nagsisigaw ang babae.
“Neohui dul-eun jiog-e gal su-iss-eo.”
Hindi ko naitindihan lahat ng sinabi niya. Iyong “impyerno” lang at “dalawa.” Baka sinabi niyang mapunta sana sa impyerno iyong kausap niya at kung sino pa man iyong isa.
Pagkatapos ay tumayo’t paulit-ulit na idinakdak sa pinakamalapit na pine tree sa akin ang hawak na cell phone.
Wasak!
Ang ilang piraso ng nasirang cell phone eh nakarating pa sa aking paanan.
Naupo sa lupa ang babae. Parang batang nagmamaktol dahil inagawan ng laruan.
“Salanghae! Geuleona wae?”
Ayon, mukhang iniwan ang babae ng kanyang boyfriend. Umiyak siya. Humagulgol na parang bata.
Nahabag ako sa kanya. Naiitindihan ko siya. Naka-relate ako. Tumayo ako upang bigyan siya ng tisyu.
Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Nang iaabot ko na sana ang tisyu eh bigla itong tumayo’t hinakbangan ang mga nakaharang na lubid. Tumigil siya sa mismong gilid ng bundok. Isang maling hakbang lang at tiyak na kamatayan ang babagsakan niya.
Balak pa yata akong unahang tumalon.
Hinakbangan ko rin ang mga lubid.
Napalingon siya sa akin. Parang nanlilisik ang mga mata niya.
“Deo isang dagaoji mal-ayo.”
Naiintindihan ko ang sinabi niya. Huwag ko daw siyang lapitan.
Tumigil ako. Ngunit nang akmang tatalon na ang babae ay mabilis ko siyang hinawakan sa braso.
Pilit siyang kumakawala habang hinihila ko siya palayo sa gilid ng bundok. Nang sipain ako sa hita ay nabitawan ko siya ngunit hindi niya nagawang tumalon, dahil niyakap ko naman s’ya ng mahigpit mula sa likuran at binuhat ko papalayo sa gilid ng bundok.
“Naleul bonaejuseyo!!!”
Hindi ko siya binitiwan. Nagsisisigaw siya at nagpupumiglas hanggang natumba kami pareho at nagpagulong-gulong. Maraming beses niya akong siniko. Pinagmumura.
GEUNYEOLEUL NAEBEOLYEODWO!
Boses iyon ng lalaki.
Parang may ibang tao.
Meron nga.
May isang grupo ng mga lalaking biglang dumating at nakita kami sa ganoong kalagayan.
Nagtakbuhan sila palapit sa amin. Hinila ng isa palayo sa akin ang babae at ang iba’y sinunggaban ako. Tatlo o apat yata ang may hawak sa akin. Katulad ko, amoy alak sila.
Mabilis ang pangyayari. Dumapo sa mga pisngi ko ang mag-asawang sampal. Sinundan iyon ng isang malakas na budyok sa tiyan na nagpaluhod sa akin.
Naduwal ako sa sakit.
Halinhinan silang pinagbabatok-batukan ako. May sumasabunot rin sa akin. Nabingi ako sa lakas ng mga sampal na ang ilan eh sa mga tenga ko tumama.
Habang ako’y nakaluhod ay tumingala ako sa mga lalaking nakapaligid sa akin. Humawak ako sa tuhod ng isa.
“Please…”
“Dakcho!!!
Shibalnoma!”
Minura na ako ng isa’y dinuraan pa ako sa mukha.
“Seolmyeonghae julge.” Sabi ko.
Ngunit bago pa man ako makapagpaliwanag eh hindi na mabilang na suntok at tadyak ang inabot ko… sa mukha… sa sikmura… sa hita.
Mata ko lang yata ang hindi nasayaran ng kanilang mga kamay at paa.
Nagawi ang tingin ko sa babae na hawak pa rin ng lalaking humila sa kanya. May sinasabi siya sa mga lalaki na hindi ko maintindihan. Basta pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ng lalaki.
Duguan na ako pero ayaw pa nila akong tantanan. Nang tumakbo ako papunta sa gilid ng bundok para tumalon na lang sana ay pinatid ako ng isa. Napaluhod akong muli.
Hindi pala sa pagtalon sa bundok ako mamatay kundi sa bugbog.
Nakakapagsisising hindi pa ako kaagad tumalon kanina at sana’y hindi ko na lang pinigilan ang babae. Sana’y sinabayan ko na lang ang kanyang pagtalon. O sinundan ko siya. Isang bugso lang sana ng sakit iyon. Baka nga ni hindi ko na maramdaman. Hindi katulad ng pambubugbog ng mga lalaki na unti-unti akong pinapatay sa sakit.
Bago ako panawan ng ulirat, eh nakita kong tumakbong palapit sa akin ang babae. Pilit niyang pinipigilan ang mga bumubugbog sa akin. Naramdaman kong idinagan niya sa akin ang kanyang katawan upang ako’y tantanan ng mga galit na galit niyang kababayan.
*****
Sinalubong ng liwanag ang aking pagmulat. Masakit sa mata. Pumikit akong muli. Nakiramdam. Makirot ang buo kong katawan. Kapag humihinga ako’y may masakit sa bandang tadyang ko.
Tumagilid ako at muling minulat ang mata. Dahan-dahan.
Buhay pa ako. Hindi langit o impyerno ang kinalalagyan ko. Nasa kwarto ako ng isang hospital.
Dalawang karayom ang nakatusok sa aking kamay. Isa pang-dextrose at ang isa nama’y hindi ko malaman kung ano. Hindi naman dugo.
May nakalagay sa aking oxygen. Iniangat ko ito at tuluyang tinanggal nang maluwag naman akong nakakahinga. Puro pasa ang aking magkabilang braso.
Nang tumanaw ako sa aking bandang paanan ay napansin ko na may babaeng nakadukdok ang ulo sa kamang hinihigaan ko. Tila siya ang bantay ko.
Pinilit kong maupo. Medyo masakit talaga ang aking tadyang.
Sa puntong iyon, nagising ang babae. Tumayo. Tumingin sa akin.
Kilala ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang babae sa bundok. Walang kaabog-abog ay yumakap siya sa akin. Nabigla ako lalo ng umiyak siya.
Hindi ko alam kung itutulak ko ba siya palayo o yayakapin ko rin. Siya ang dahilan kung bakit ako nabugbog.
Dapat ko ba siyang sisihin?
Humigpit ang yakap niya sa akin. Sa pagkakataong iyon ay naala-ala kong bigla ang kapatid kong babae. Ganoon niya ako kahigpit niyakap, sabay iyak, noong sitahin ko siya kung bakit ilang beses na ang padala kong pera ay hindi niya ibinigay sa aming ina.
“Dangsin-i sal-a gyesim-eul gamsadeulibnida.”
Nagpasalamat siya sa Panginoon dahil buhay pa ako. Ako ba’y dapat ding magpasalamat at nasa akin pa ang buhay kong hiram na gusto ko na sanang isauli?
“Jeongmal mianhae. Geugeos-eun modu nae jalmos-ieossda.”
Ang babae’y humihingi ng paumahin. Inaaming kasalanan niya ang nangyari.
Kung tutuusin eh sino ba ang may sala sa pagkakabugbog ko? Masisisi ba ang mga lalaking sinaktan ako dahil inaakalang sinasalbahe ko ang babaeng kababayan nila? Kung may madatnan ba akong ganoong eksena – nagsisisigaw at pilit kumakawala ang isang babae habang yakap na mahigpit ng isang lalaki’t sila’y nasa lupa na parang nagpapambuno – ano ang gagawin ko?
Pero kasalanan ko ba ang nangyari dahil pinigilan ko ang babaeng ito sa balak niyang pagtalon? Tama ba na pinigilan ko ang pagpapakamatay niya?
“How stupid of me. I put you in danger.”
Marunong pala siyang mag-English.
“Okay…okay… Jam-kkan-man! Let go of me first.”
Kumawala sa pagkakayakap ang babae. Lumuhod.
“Please forgive me.”
“Wait…wait…Please stand up. Don’t do that.”
Hindi tuminag ang babae. Nanatili itong nakaluhod at humawak pa sa hita ko.
Sinubukan kong tumayo. Masakit ang aking mga binti’t kasu-kasuan pero kinaya ko. Hinawakan ko sa magkabilang balikat ang babae. Pinilit ko siyang itayo.
“I am not blaming you for what happened to me.”
Tumayo siya. Yumakap muli sa akin.
“Thank you. Thank you. But I’m really sorry.”
Pagkasabi nun ay dahan-dahan niya akong pinaupong muli sa kama.
“Just sit down. You’re still weak. You were badly injured.”
Umupo akong muli sa gilid ng kama.
“You might to know. The doctors said all you have are bruises and contusions. None of your bones are broken.”
Hinila niya ang isang upuan at mismong sa harapan ko pumwesto’t naupo.
“By the way, I’m Su Jin.”
“Oh, and I’m…”
“Joseph! You’re Joseph. You’re from the Philippines. I’m sorry. I opened your wallet. I had to get information about you when I brought you here.”
Natigilan ako ng kaunti.
“Well, you had no choice but to do that. It’s okay.”
Mula sa kanyang bag ay kinuha niya ang cell phone at wallet ko’t iniabot sa akin.
“Here. I have in my car your other personal belongings.”
“Thanks. By the way, how long have I been here?”
“This is the second night.”
“How were you able to bring me to this hospital, all the way from the mountain?”
“Those men helped me. I explained to them what really happened. They’re very sorry. They were drunk at that time. Ah, by the way, they’re paying for your hospitalization. They’are hoping that you would not sue them and just settle things amicably.”
Magdedemanda ba ako? Parang hindi na. Ako man kasi ang nasa lugar nila ay maaaring gawin ko din iyon. Sapat nang tinulungan nilang madala ako sa hospital.
“I told them that they should pay you also for damages especially if you would decide not to work for sometime because of what happened. They agreed. I will call them later so they could come and talk to you.”
Nakatutuwang isipin na mukhang inayos niya ang lahat. At maayos talaga siyang magsalita ng English. Hindi pangkaraniwan iyon sa kanila. Mukhang nakatapos ng university ito oh sineryoso lang ang pag-aaral ng English katulad ng karamihan sa kanyang mga kababayan.
“How come you could speak English so well?”
“I studied in the US for almost 10 years. I just completed my Master’s there recently.”
Kaya pala.
“I was also able to contact your family in the Philippines?”
“Really? How?”
“Through your embassy. Your sister is coming to fetch you. By the way Joseph…”
“Yeah?”
Hindi kaagad nagsalita si Su Jin. May gusto siyang sabihin pero parang nahihiya siya.
“Ah…Your sister told me your story.”
“What do you mean?”
“I know what happened.”
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano. Napakatsimosa talaga ng kapatid ko.
“Is that so?”
Tumango s’ya at sinabing, “We’re on the same boat.”
Pagkarinig ko nun eh hindi ko napigilang matawa na kaunti. Natawa din si Su Jin.
“You would not believe this.”
“What?” Ang nagtatakang tanong ni Su Jin.
“I was in that mountain that afternoon to commit suicide.”
Natigilan si Su Jin.
“You want me to believe that!”
“But that’s the truth. Believe it or not.”
“Stop it Joseph! I don’t believe you. You didn’t go there to die. You were there to save me.”
Tumahimik na lamang ako. Sino nga ba ang manininawala na pumunta ako doon para magpakamatay. Tama nga siguro siya. Nandoon ako para sa kanya.
Hinawakan niya ang aking kamay. Kay lambot ng mga palad niya. Ngumiti siya’t tumingin sa akin. Noon ko lamang napansin na maganda pala siya’t napaakaamo ng kanyang mukha.
“I owe you my life. You saved me. You are a very good man.”
Marahan ko na lamang na pinisil ang kanyang mga kamay bilang tugon dahil hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko. Kasi, kung tutuusin eh siya lang ba ang naligtas nang pigilan ko siyang tumalon? Siya lang ba ang dapat magpasalamat sa akin? Dapat ko rin ba siyang pasalamatan?
Naisip ko tuloy, na siguro ay nakatakdang gumulong pataas ng bundok ang aking kapalaran sa araw na iyon dahil kay Su Jin. Nangyari siguro ang lahat – na nabuntis ng mismong kuya ko ang kasintahang nakatakda ko na sanang pakasalan upang panawan ako sandali ng katinuan at maisipan kong umakyat sa bundok na iyon at balaking magpakamatay. Ngunit sa halip na ako’y tumalon eh nandoon ako para pigilan ang pagtalon ni Su Jin.
Paano kaya kung nangyari ang nangyari sa kanya? – ang pagtaksilan din siya ng kanyang kasintahan upang siya ma’y panawan sandali ng katinuan nang magkrus ang mga landas namin sa bundok na iyon.
Binitiwan niya sa wakas ang mga kamay ko’t tumayo.
“By the way, aren’t you hungry? I brought some food.”
Tumuro ito sa lamesa.
“Yeah, actually I’m starving. Is coffee available?”
“I’m afraid not but there’s a coffee shop nearby. I’ll get one for you. What do you want?”
“Is it okay?”
“Of course!”
“Can you get me caramel macchiato, please?”
“Sure! I’ll be back in a few minutes.”
“Wait!” Binuksan ko ang aking wallet.
“No please. It’s on me.”
Bago lumabas ng pinto eh lumingon pa si Su Jin. Ngumiti siyang muli sa akin.
“Don’t go anywhere, okay. Don’t run away from me.”
Natawa ako sa sinabi niya. May sense of humor si Su Jin.
Inisip ko ang mga binitiwang salita ni Su Jin bago siya lumabas. Nakakatawa pero sa totoo lang eh parang manghihinayang ako’t malulungkot kapag hindi siya bumalik. Para kasing meron siyang pinupunan sa buhay ko sa pagkakataong iyon. Ganun din kaya ang pakiramdam niya?
Naalaala kong bigla ang kantang “Two Less Lonely People In The World.”
Bumukas ang pinto.
“Oh, you’re still here. You did not escape.”
Iniabot niya sa akin ang kape.
“You’re funny.”
“Am I?”
Kumuha siya ng tinapay mula sa mesa’t ibinigayt sa akin.
“By the way, your sister invited me to visit the Philippines. I’d like to. Can I go with you and your sister? PLEASE. I need a little break.”
Tumingin ako’t nangiti sa kanya.
“Chincha?”
Tinanong ko kung seryoso siya. Mukha naman.
“Ne!.. Boo ta kam ni da!”
Hinawakan niyang muli ang aking mga kamay. Pinisil ng bahagya. Parang nagbabantang kapag hindi ako pumayag eh tuluyan niyang pipilipitin ang mga kamay ko.
Nang tumango ako eh nakita kong kung paano gumuhit ang saya sa maaamo niyang mukha.
“Yes! Gomabseubnida!”
Nagpasalamat si Su Jin at sa sobrang tuwa eh muli akong niyakap.
– WAKAS –
The Different Animals in the Workplace
I couldn’t agree more whenever people describe the workplace as “a jungle.” I have worked long enough – thirty years in 8 different institutions in 2 countries – that I have enough reasons to concur with that description. There are uncanny similarities in the behavior of people inhabiting the working environment and the animals in the forest. Even the patterns of relationships between people in the field of work resembles the way the living creatures in the wild treat each other. Thus, they say, in the workplace “only the fittest survive.”
I have been in this jungle called workplace for three decades now. Here I am, still standing and breathing. I managed to hold my own against the different animals I encountered in my journey. I experienced being stared down by a lion, stalked by an eagle, bitten by a snake, and clipped by a crab. I survived.
How did I do it? How did I live to tell the tale?
I simply took a cue from Charles Darwin. He theorized that “species with useful adaptations to the environment are more likely to survive.” That exactly is what I have been doing (and what you should do also) – ADAPT.
If you wish not to be dinner for the predators it would behoove you to study carefully the environment of the workplace where you belong. Know what kind of animals you are dealing with. Study them carefully. You also need to put your survival instincts into full gear.
Predators lurk in the shadows. It could be a big cat hiding in the bushes or a mighty bird hovering above. These predators could the “people upstairs” or somebody from among you “downstairs.”
Don’t get me wrong. I don’t mean that all bosses succeed in their business endeavors at the expense of the people in the rank and file – like predators slaying their preys and eat them. Perhaps a majority of them (I hope) consider themselves rhinos and the people they hire oxpeckers whom they allow to freely land on their backs to feast on the insects pestering them. The point I wish to drive at when I argued they (the bosses) are predators is that they are on the top of the food chain and like it or not you’re on their territory. They dictate the terms and conditions of your employment. That doesn’t sound good but it’s the reality in the workplace.
The ones who own or manage the workplace are the alpha males. You need to have a full understanding of how they think and operate. Better if you could dig deeper and try to know what they like and dislike. If it is not too much for your dignity (or should we say EGO) to adapt to their whims and fancies then stay in the pack. You could flop onto your back, not necessarily to submit but to submit to the alpha males.
If not, if your ego clashes with theirs, the wisest thing to do is find another pack.
Believe me, you cannot afford to take too much bravado and think you are that brave “angry bird” who would tweet your disagreement and not expect dire consequences. Your chirps will not go unnoticed and before you know it the eagle will swoop down on your nest and tear you apart with its powerful beaks.
More often than not, or almost always, that locking horns with the “powers that be” in the workplace is like Don Quixote fighting the windmills. It’s a losing proposition.
Of course not all bosses are saints. Some of them would take advantage of the people they hire in different ways. That you’d discover (hopefully) in time. So, why stay on a watering hole when you discover that there are crocodiles under the mud waiting in ambush?
What about the predators among you “downstairs”.
Wherever you work, you’ll encounter malevolent individuals. So, be careful. Beware of the wolf in sheep’s clothing. These are co-workers who camouflage themselves as your friends. Thinking that they are, you share with them your darkest secrets. Later you’ll just discover that the entire workplace is talking about the skeletons you’re keeping in your closet.
Let’s talk more about the different animals in the workplace. You’ve got to be able to identify them if you really want to survive the wild called workplace.
We have already mentioned about the monkey at the top of the tree, the big cats and the mighty birds. Yeah… including the wolves pretending to be sheep.
Are there other animals you ought to be wary of?
Yes, there are!
Among your co-workers spot the crabs.
Why?
Do you know what happens when you put crabs in a bucket? They’ll try to escape by pulling back down others effectively preventing anyone of them from climbing out of the bucket.
That’s the origin of the proverbial “crab mentality.” The philosophy of the malevolent among your co-workers is “if they can’t have a promotion or an incentive, neither can you.” Some people in workplaces just don’t want to see their co-workers succeeding. They so hate it when somebody climbs up the ladder especially if they’ve been there longer. These are the snakes who would bite you with intrigues and gossips when they see you work harder that they do. They would accuse you of being a leech trying to suck the attention and favor of the people upstairs.
Don’t allow the venom of the snakes get through your nerves. Continue to work as hard as your personal values would allow you. That’s just the reality in the workplace – that generally there are two types of workers – the ants and the termites.
And with who would you rather be associated – with the ants in the workplace who keep themselves busy working and helping one another in order to achieve the goals of the organization or with the termites, whose actions and pronouncements, deliberate or otherwise, are damaging – not only to the organization but more so to themselves?
They are basically a negative bunch that should be avoided at all cost. The termites hold a grudge against the people upstairs for one reason or another and they think that by not doing their jobs the way they ought to and by behaving oddly they could get even. They spin tales about the current state of the organization basically for the purpose of demotivating people. Be aware that the termites could also sow dissension among their co-workers.
Nonetheless, the people upstairs are not naïve. They could easily detect the existence of termites and they get them exterminated.
Watch out also for the parasites in the workplace.
The parasites seem to have special training in detecting generosity. Once they have spotted a kind-hearted co-worker who wouldn’t say no when asked for favors then they will have a field day. They would ask you to solve their work-related problems and sometimes even seek personal favors.
So, be careful. Learn to say no when you have to or else they would eat up your time and resources. They would not hesitate to abuse you.
It’s okay if they return the favor. The problem is the word “reciprocate” is not in their vocabulary.
They also tend to exhibit that selfish attribute in their work. You could neither expect them to walk an extra mile for the organization nor perform their duties and responsibilities as stipulated in their contracts. They care for nothing but their salaries.
For the workplace to prosper, the relationship between the people and the organization should be symbiotic.
Let’s consider the relationship between the clownfish and the sea anemone. It’s a perfect example of a symbiotic mutualistic relationship. While the fecal matter from the clownfish serve as nutrients for the sea anemone, the latter provide the former with protection from its predators.
You can choose between becoming a parasite or a clownfish.
The workplace gives you a venue for professional growth and a source of livelihood. You need to keep it afloat. Your organization needs your help for it to succeed and continue existence. You may have disagreements with the people upstairs but you need to bear in mind that commitment to job and organization is different from commitment to your employers.
Lastly, in order to survive in the forest, you need to clearly determine where you rank in the food chain. Identify the different kinds of animals there. And most importantly – don’t stand in the path of your predators.
It’s as simple as knowing your designated place in the organization, being mindful of your words and actions, and being careful with how you deal with everyone. And remember that the most foolish thing to do is to offend your employers.
You have to study the culture of the workplace. Again… ADAPT. Remember what Charles Darwin said, “It’s not the strongest species that survive, nor the most intelligent, but the ones most responsive to change.
If you can’t adapt, it’s time to migrate to another forest.
Manalangin
Buksan ang bintana’t, kurtina’y hawiin
Pagsikat ng araw iyong salubungin
Kapag dumampi na ang sariwang hangin
Pumikit ka na’t umusal ng panalangin
Ibulong sa hangin ang iyong hiling
At manalig sanang ikaw ay didinggin
Pasasalamat sa Kanya’y iparating
Pagpapatawad Niya’y iyong hilingin
Ibulalas sa hangin iyong hinaing
Ipanalanging ito’y Kanyang lusawin
Dusa’t kabiguan mo’y ibuga sa hangin
Sa iyong isipa’y burahi’t limutin
Taimtim sanang manalangin sa kanya
Nang ika’y puspusin ng saya’t pag-asa
Sa Kanya’y sumandal, manampalataya
Bubukal sa balon mo’y maraming biyaya
New Site Title and Updates

I decided to change (again) the site title (or name of my website). What used to be “Hardpen’s Mixed Bag” is now “Hardpen’s Portfolio.” I hope that this name is for keeps.
I heeded my friends’ suggestion that “portfolio” is more appropriate for my website than any of the previous ones (Harpen’s Journal, Hardpen’s Log, Hardpren’s Hub, and Hardpen’s Mixed Bag.)
My website (as of March 10, 2018), already had 26,172 viewers from different countries, most of them coming from the Philippines, United States and South Korea. My most viewed/read articles (with the corresponding number of views) are the following:
- The Confessions Wives (Ang Dalawang Mrs. Real): A Review (2,582)
- The Substitute Teacher (794)
- “Walang Dungis” ( 601)
- The Taxi Driver ( 466)
- “Heto na ang Jeep” (312)
The Jokers In The Academe

I have been a teacher since 1988. It has been a long journey full of ups and downs and filled with joys and sorrows. I don’t regret anything that I have undergone as a teacher and proudly I could l say that I triumphed over all the difficulties and pains because I wouldn’t last this long in the academe if not.
I worked in eight different schools in the Philippines, in six as a full-timer and in two as a part-timer. Here in South Korea, where I am teaching now is my second university. I stayed a year in the first one and now I’m on my way to completing my fifth year where I transferred.
Go back to the previous paragraph and count the number of academic institutions where I worked.
How many?
Two short of a dozen.
In those schools, I met different kinds of students, administrators, and – teachers, the best and the worst.
This essay deals with teachers I refer to as “jokers in the academe.” The experience I had with them taught me to have a great deal of patience. There were times though that I lost that patience and locked horns with them. Actually, I wrote this essay right after a verbal tussle with one of them.
Yes, you need to be patient when you encounter the jokers among your colleagues. These jokers aren’t funny at all. They are annoying.
I am not saying that I am a perfect teacher. I still have lots to improve. At least I have been trying my best to conform with the existing and evolving professional standards set for teachers.
Most importantly, I am not a joker. I would never be.
Who might these jokers be?
One of those that I classify as jokers are the “super dependents.”
The “super dependents” are teachers who will not solve their own problems. They expect their colleagues to do that for them. They are the ones who hate exerting extra effort to find a solution to whatever bugs them. Their sense of entitlement is so strong that they think that it is the duty of people around them to help them get out of a difficult situation.
What these jokers consider as problems are not problems to begin with.
For example – the school requiring teachers to apply a new technology in the classroom. That for them is a contentious issue. They would try to dip their hands deep into their bag of reasons to justify their non-compliance.
You would hear the lamest of excuses like “My training as an educator did not include applying those technology.”
Really!?
Another excuse, lame also, “It’s labor-intensive.”
They want things to be given to them on a silver platter. They would never go the extra mile.
They are like square pegs in round holes. No amount of explanation would make them buy the idea that being a 21st century teacher teaching 21st century learners would require the learning of 21st century skills.
These jokers don’t understand that part of their responsibility as educators – if they really consider themselves as educators – is to retool and retrain if necessary in order to cope with the demands of what has become a technology-driven pedagogy used by 21st century teachers.
They should not subscribe to the idea that “old dogs can’t learn new tricks” because they are not dogs. They’re human beings who are supposed to be rational.
Are they?
Anyway, let’s talk about dogs.
They bark, right?
Some of the jokers in the academe are like dogs. They bark a lot.
I call them the “barkers.”
These jokers bark about their disagreement with school policies and what they perceive as incompetence among the “people upstairs.” They are the eternal fault-finders who see nothing but negative in the organization. They live to seek the “tiny black in an ocean of white.” For them nothing is right, everything is wrong.
They complain day and night, except when they go to the ATM machine during payday.
Do they deserve their pay? Are they doing their job? Only them and their students could tell.
Yes, there are times that they have valid reasons to disagree. But what is frustrating is that they bark up the wrong tree. They don’t address their concerns to the right people at the right place and at the right time. They grandstand during meetings wasting their colleagues’ precious time. They force them to listen to their misguided eloquence. Sometimes they also write long unsolicited e-mails where they express their grievances. They don’t understand that not everybody in the organization share their opinion about the policies and their school administrators.
The funny thing is these jokers just bark but they don’t bite.
They do nothing about their complaints except bark about them. But when the administrators responsible in implementing the policies they disagree with are present in meetings, they are very quiet, silent in one corner of the room wagging their tails.
These jokers curse the school and their administrators at every opportunity they have. They tell everybody that the school where they work is the worst place to be. Yet at the end of the school year they (let me use these words again) wag their tails as they sign their names on the dotted lines for a contract extension.
Dogs bark. They also eat their own vomits.
The last category of jokers in my list are those who applied (and luckily got hired) as teachers even if they are not qualified and trained for the profession.
They are the ones I call the “pretenders.”
Yeah, they pretend to be teachers.
These jokers applied as teachers because there are no other jobs available. They are very fortunate (and the students unfortunate) that there are schools willing to hire them even if they are not qualified to be teachers.
Among these jokers are English teachers who thought that they could be English teachers because they can speak the language. I have emphasized in one of my essays that it doesn’t mean that when you know something you can already teach it. “If you know it, you can teach it” is a fallacy.
Knowing a subject matter is different from knowing how to teach it. The former is only one of the many requirements for the latter.
“Real teachers,” those not pretending to be, know what it takes to be a teacher. Teaching is not parroting the contents of the book. It’s not delivering a monologue in front of the students.
Teachers need to choose the best strategy to use in the class from a variety of strategies available. They have to set objectives and test if those objectives are met. They need to differentiate the levels of their students and identify the corresponding techniques and activities suitable for those levels.
“Real teachers” know what philosophy would inform whatever they do and say in the class. They know which sociological, psychological, historical and legal foundations upon which they would base all their decisions as teachers.
It means that the job of a teacher is so complicated that not just anybody should be allowed to teach. And when a school commits the mistake of hiring applicants who are not trained to be teachers, expect them to become the jokers in the academe.
In the academe, most of those who complain a lot – those who create a lot of troubles – are the ones who are not really trained to become teachers. These jokers are the ones who seemed to be lost in the wilderness not knowing what to do and how to do things related to the job of a teacher. They are the ones who would blame others when they encounter difficulties and can’t figure out how to deal with them.
The common trait among these jokers is that they want everything given to them in a silver platter. You need to explain to them in detail (and repetitively) how to perform tasks that teachers are supposedly trained to do. Sometimes they would even require their colleagues to do things for them. They would not bother learning how to do it themselves.
Beware of the jokers in the academe. They’re not funny.
These jokers could be many or but a few in schools everywhere.
There was a voice within that kept telling me not to mind the jokers in the academe. I did so, but not for long. It became too difficult for me to hold my horses when I heard the “non-performing” barkers whined and whinged so persistently. It’s so difficult to just turn a blind eye (and a deaf ear) to the things they are doing (and saying) all the time. I had to say my piece – through this essay.
What’s dangerous is that they are contagious. They contaminate the working environment. They have the ability to flip the organizational climate, from positive to negative.
So, beware of the jokers. Avoid them like a plague.
These whining and crying babies are not cute. Don’t babysit them.
Puti at De-kolor

“Ihiwalay mo ang mga puti sa de-kolor.”
Ako’y isang batang musmos pa lamang noong marinig ko ang mga salitang iyon sa unang pagkakaton. Iyon ang mahigpit na bilin ng lola sa aming kasambahay tuwing ito’y maglalaba.
“Brasin mo ang mga puti. Tiyakin mong mawawala lahat ng mantsa.” Dagdag pa ng medyo may pagka-istriktang nanay ng nanay ko. “Huwag mong kalimutang ikula.”
Ganun ka-espesyal ang atensyong ibinibigay sa mga puting damit.
Heto pa ang pahabol ng lola ko noon, “Ihuli mo ang mga kulay itim. Huwag na huwag mong isasama sa mga puti yan. Naku, malilintikan ka sa akin.”
Tumimo iyon sa aking isipan. Kaylangang pag-ingatan ang mga damit na puti ang kulay. Huwag na huwag silang ihahalo sa mga de-kolor kapag naglalaba upang huwag silang mamantyahan. At ang mga itim na damit ay kaylangang ihuli sa lahat – huwag na huwag isasama sa mga puti at kahit anong de-kolor na damit. Kapag nagbanlaw man ay ihuli raw rin ang mga de-kolor at itim at ang gamiting tubig ay iyong pinagbanlawan na lang ng mga puti.
Kaawa-awang de-kolor, lalo na ang mga itim.
Naugnay ito sa isang bagay na nagdulot sa akin ng kalituhan noong ako’y mura pa ang gulang. Ito ay nang tanungin ko ang aking ina tungkol sa isang larawan sa pahina ng librong binabasa niya na ang pamagat ay “Land of the Free.” Ipanagpatuloy kasi ni mama ang pag-aaral sa kolehiyo noong kaming magkakapatid ay hindi na alagain. Madalas eh buklatin ko’t basahin ang mga librong iniuuwi n’ya galing sa kanilang library. Ipinapakita sa larawan iyon ang salitang “rest room” at may nakalagay sa ilalim nito sa magkabilang bahagi na “white” at “colored.”
“Colored” daw ang tawag ng mga Amerikanong puti sa mga kababayang nilang itim ang balat.
Hindi ko alam kung bakit natawa ang aking ina nang sabihin kong kulay din naman ang puti. Mali ba ako? Bakit ang mga maiitim eh “colored” kung tawagin at ang mga puti eh hindi? Colorless ba ang puti.
Pilosopo daw ako sabi ni mama. Tama daw akong kulay din ang puti pero napakabata ko pa daw para maiintindihan ang konseptong “colored.”
Para bang gusto akong batukan ni mama ng sabihin ko sa kanya na siya ang nagturo sa akin na ang English sa kulay ay color at tanging ang tubig alang masasabing walang kulay.
Natingin ako noon sa aking balat. Ito’y kayumanggi. Kaunti na lang eh itim na rin. Basta hindi ako maputi. At kapag natapos akong maglalaro ako ng matagal sa labas tuwing walang pasok eh sasabihin ng nanay kong, “Ayan kakabilad mo sa araw nangitim ka na.” Kung ang mundo’y isang malaking batya at ako’y damit na lalabhan eh masasama ako sa de-kolor at hindi sa puti. Kaunti na lang ang diperensya ng balat ko sa itim kaya kapag binanlawan ako eh malamang sa bandang huli na rin.
Ipinaliwanag ni mama na may panahon daw sa bansang Amerika na hindi pwedeng makihalubilo ang mga Negro sa mga puti sa mga pampublikong lugar katulad ng restaurant, sinehan, mga sasakyan at maging nga sa mga palikuran.
Eh bakit?
Tinignan ko ang iba pang mga larawan sa mga sumunod na pahina ng libro. Maging sa isang drinking fountain eh ganoon nga. Hindi pwedeng uminom ang mga de-kolor ang kutis sa iniinuman ng mga puti.
Bakit ganun?
“Baka ba mamantsahan ang mga puti kaya’t bawal na makihalubilo sila sa mga hindi nila kakulay ng balat?”
Iyon syempre ang uri ng tanong na pwedeng manggaling sa isang batang paslit na katulad ko.
Parang nagulat si mama. Hindi kaagad siya nakasagot. Naningkit ang mata’t pagkatapos eh biglang kumunot ang noo. Ganun din ang itsura ng mga kaklase ko kapag sila’y biglang tinawag ng titser namin upang sumagot sa isang tanong at hindi nila masagot.
Tila nahirapan si mama na sagutin ang tanong ko. Tumango’t ngumiti na lamang siya. Hindi ko masasabing “oo” ang sagot ni mama sa aking tanong. Sa tango niya’t ngiti kasi ay parang sinasabi niyang, “Sorry hind ko alam ang sagot.” Parang ako lang kapag hindi ko kayang sagutin ang tanong ng aming guro. Titingin na lang ako sa kanya at ngingiti sabay kamot sa aking batok.
Kabisado ako ng aking ina. Alam n’yang unang tanong ko pa lamang iyon, marami pang susunod. Subalit bago ko pa man buksan ang bibig ko upang muling magtanong ay inunahan na niya ako.
“Balang araw eh maiintindihan mo din kung bakit. Sige na anak, maglaro ka na muna sa labas. Akin na muna ang librong iyan at magre-review pa ako.”
*****
Pagsampa ko ng high school eh naririnig ko pa rin ang bilin ni lola na dapat hiwalay ang mga puti sa de-kolor. At tulad pa rin ng dati, ang mga itim na damit ay parang ketongin na nakahiwalay sa lahat nang huwag makahawa ng kulay. Sa panahong iyon si mama naman ang nagbibilin sa bunso naming kapatid na babae bago sila maglaba. Wala na kasi kaming kasambahay noon. Nagsimula ng magtipid ang mga magulang ko. Hindi na rin namin kapiling si lola kaya’t siya at ang bunso namin ang naglalaba.
Minsan tumutulong akong paghiwalayin ang mga puti sa de-kolor bago maglaba ang aking ina’t kapatid. At habang ginagawa ko ‘yon ay bumabalik sa aking ala-ala ang mga larawang nakita ko noon sa librong binabasa ni mama – mga larawang nagpapakita na sa Amerika ay pinagbabawalang makihalubilo ang mga de-kolor ang kutis sa mga puti. Akala ko pa naman na mababait ang mga Amerikano dalhin madalas magkwento ang lola ko noon na iniligtas daw tayo ng mga puting dayuhan laban sa mga mapang-aping mga Hapones noong panahon ng ikalawang-digmaang pandaigdig.
Kaya nga’t kahit first year pa lang ako noon eh nagbabasa na ako ng libro ng World History. Sa fourth year pa namin pag-aaralan dapat iyon subalit nabitin kasi ako sa sagot noon ni mama kung bakit ganun – kung bakit sa bansang Amerika ay parang pinandidirihan ang mga maitim ang kutis. Naisip ko din kung ganun din ba ang turing sa mga Negro sa iba pang bahagi ng mundo. Eh bakit ba kasi ganun? May ginawa bang masama ang mga taong maiitim ang balat kaya ganun sila kung tratuhin? Kasalanan ba ang maging maitim?
Akala ko na sa pagbabasa eh mauunawaan ko kung bakit may ganoong patakaran sa Amerika noon. Hindi pala. Marami pa akong nalaman at habang ang isip ko ay nadadagdagan ng impormasyon eh lalo lamang akong nalilito. Lalong dumadami ang aking mga tanong.
Gusto ko noong tanungin ang aking ina kung bakit hindi n’ya sa akin kaagad ipinaliwanag na dati pala’y alipin ng mga puti ang mga taong itim ang balat kaya’t mababa ang pagtingin nila sa mga ito.
Ang pinagmulan pala ng lahi ng mga Amerikano ay ang Inglatera. Dati pala silang mga Briton. Ang mga Briton ang nagdala noon sa Amerika ng mga Negro galing sa kontinente ng Africa upang gawing mga alipin – tagapagsilbi nila at mga taga-tanim.
Ang dami ko palang hindi alam tungkol sa kasaysayan ng mundo. Kaya’t pinagbuti ko pa ang pagbabasa. Noon ko naunawaan na sa pagbabasa ay hindi ka lang makakahanap ng sagot sa mga katanungan mo kundi mula sa mga sagot ay dadami lalo ang iyong mga tanong. Sa mga malalaman mo ay maaring ikaw ay magtaka, matawa, magalit, mainis o mandiri. Maari din namang maawaka ka.
Ako’y naawang lalo sa mga taong itim ang kulay ng balat.
Ang mga larawang nakita ko kasi sa patuloy kong pagbabasa eh hindi lamang inihihiwalay ang mga taong maitim sa mga mapupusyaw ang balat. Merong mga larawang nakakadena sila sa leeg, nakatali ang kamay at hinihila ng mga puti na parang mga hayop. May mga tinatadyakan, sinasampal at sinusuntok
Ang iba’y may tali sa leeg, hindi hinihila kundi nakasabit sa puno. Labas ang dila. Patay. Nakapaligid ang mga mapuputi’t matatangkad na tao. May hawak na pamalo at baril. Ang ila’y nakapamaywang pa at parang tumatawa. Ang hirap unawain na kung bakit sa mga larawang iyon ay nakuha pa nilang ngumiti habang sa likuran nila’y may mga bangkay ng mga taong itim ang balat na nakalambitin.
Bakit ganun?
Nabasa ko rin na ang mga kababaihan ay ginagahasa. Ganun kabrutal ang mga puti. Minaltrato’t inaabuso nila ang mga de-kolor. Sana eh hindi totoo ang mga nabasa ko. Sana inimbento lang iyon ng mga sumulat ng kasaysayan. San lang eh ang mga larawang nakita ko ay mga drawing na masyado magaling lang ang gumuhit kaya’t nagmukhang totoo.
Sana man lang eh binigyan ako ni mama ng babala noon na magugulantang ako sa iba pang mga bagay na malalaman ko kapag ako’y nagpumilit na ungkatin ang isyu tungkol sa mga de-kolor ang kutis at mga puti. Naisip ko na lamang na kaya hindi sinagot ni mama kung bakit ganun ay maging siya man ay nahirapang unawain ang bagay na iyon. At kung siya nga ay nahirapan eh ako pa kaya na noo’y batang uhugin lang.
Tama naman si mama. Mahihirapan talaga akong unawain kung bakit hinakot ng mga ninuno ng mga puti sa Amerika ang mga tinatawag nilang “colored” mula sa Africa upang sila’y gawing alipin at pagkatapos ay parang hayop kung ituring, parang baka o kabayong pwedeng ibenta, sasaktan kung magkakamali, gagahasain ang mga kababaihan kung sila’y lukuban ng makamundong pagnanasa, at papatayin kung magtatankang lumaban.
Mahirap pa ring unawain na porke de-kolor ang kutis ng tao ay may karapatan na ang mga puti na sila’y maltratuhin. O dahil maputi ba sila eh pwede na nilang gawin ang ano mang gusto nilang gawin?
Bakit? Nabili na ba ng mga taong maputi ang balat ang mundo?
Natanong ko sa sarili iyan nang sabihin ng guro namin sa Philippine History na minsa’y hinati ng Espanya at Portugal ang lahat ng lupain sa mundo na nasa labas ng Europa. Kaya hayun, bukod sa kasaysayan ng mundo eh nagbasa na rin ako ng tungkol sa kasaysayan naman ng Pilipinas.
Hindi ko maintindihan. Lalo akong nalito. Pinaghati-hatian daw ng mga Ingles, Pranses, Espanyol, Portuges, at Aleman ang lahat ng lugar na kayang marating ng kanilang mga dambuhalang sasakyang-pandagat. Silang mga mapuputi ang siyang naghari.
Bakit ganun?
Nabasa ko na ng pahanong iyon ay na sinakop pala tayo ng mga Kastila, mga puting galing sa Europa sa loob ng mahigit tatlong daang taon. Tapos nagtangkang agawin ng mga Ingles ang Pilipinas mula sa kanila. Ngunit ang nagtagumpay na umagaw ng bayang sinilangan ko mula sa Espanya ay ang Amerika. Ang katwiran pa ng mga Amerikano ay kung hindi daw nila sinakop ang bansa natin ay ang mga Aleman daw ang gagawa nito. Ganun? Parang laruan lang ang mga bansa ng mga taong de-kolor kung pagpasapasaan ng mga puti.
Ang mga lahing de-kolor, mga itim at kayumanggi, tayo’y parang mga hayop na itinuring ng mga puting galing sa kanluran. Ang mga lupain nati’y kanilang kinamkam at ang ating mga likas na yaman ay kanilang ninakaw.
*****
Pagtungtong ko sa kolehiyo, ako na naglalaba ng sarili kong damit. Sinunod ko pa rin ang mahigpit na bilin ng aking lola – inihihiwalay ko ang mga puti sa de-kolor at ang itim ay laging huli.
Patuloy pa rin ang pagbabasa ko ng kasaysayan ng mundo at ng Pilipinas. Marami pa akong nalaman tungkol sa pilit na ginagawang paghahari-harian ng mga puti at kung papaanong hindi nila ituring na kapantay ang mga de-kolor.
Noon ko mas naintindihan ang tinatawag na “holocaust” na kung saan ay pinatay ng mga Nazi ang milyong-milyong Hudyo na ang intension ay burahin sa mundo ang lahi ng mga ito. Kay hirap unawain kung bakit ganun na lamang ang galit ng mga Aleman sa mga Hudyo. Marami ang naniniwala na nang gawin ng mga Aleman ang karumal-dumal na krimeng iyon ay sinunod nila ang sistema ng “racial segregation” na ipinatupad ng mga Amerikano sa mga kababayan nilang itim ang kulay ng balat.
Pinilit kong saliksikin iyon dahil sa isa ding larawang nakita ko sa isang encyclopedia sa high school library namin noon. Larawan iyon ng isang malaking hukay na may lamang maraming bangkay at may mga nakapaligid na sundalong mga puti’t matatangkad, mga Aleman, na parang mga nakangisi pa habang nakamasid sa mga kahabag-habag na mga kapwa nila taong patay na.
Bakit ganun?
Bakit tinangkang lipulin ng mga Aleman ang lahing galing sa binhi ni Abraham? Kasalanan ba ang maging Hudyo.
Hindi ko maintindihan na kung bakit sa paniniwalang sila’y ang superiyor na lahing puti ay nagkaroon na sila ng karapatang ubusin ang mga Hudyo. Dahil ang mga Hudyo daw ay hindi maituturing na puti. Ang mga Hudyo daw ay isang mantsa sa lahing puti kaya’t dapat burahin.
Gusto ko na sanang tigilan na ang pagbabasa dahil habang patuloy kong binabaybay ang mga pahina ng kasaysayang ng bansa ko’t ng mundo eh paulit-ulit kong nasasabi ang “Bakit ganun?”
Bakit tuwing may larawang pupukaw ng aking atensyon ay laging may mga mapuputi’t matatangkad na kung hindi nakatingala ay nakayapak sa mga bangkay ng mga taong de-kolor ang kutis?
Bakit kasi kinunan pa ng larawan ang mga sundalong Amerikano na mga nakangiti’t nakapamaywang habang nasa paanan nila ang isang malaking hukay na puno ng dang-daang bangkay ng mga kayumangging Pilipinong Muslim.
Ke puputi’t ke yayabang ng mga kriminal. Di bale sana kung mga mandirigma lang ang mga napatay nila. Bakit pati mga sibilyan, mga babae at mga bata eh kanilang idinamay? Dahil ba sa sila’y de-kolor kaya’t wala silang karapatang mabuhay.
Wala akong makitang pagkakaiba sa larawan ng Holocaust at sa larawan ng Bud Dajo massacre. Pareho lamang silang nagpapakita ng kalupitan na kayang gawin ng tao sa kanilang kapwan. At di ko alam kung bakit nagkataong parehong puti ang kulay ng kutis ng mga taong may kagagawan ng mga iyon.
Bakit ganun?
Ang mga sundalong Nazi sa Alemanya ay kinasuhan ng “genocide.” Eh ano naman ang tawag sa ginawa ng mga Amerikano sa Jolo, sa Samar at sa ilang lugar pa sa Pillipinas? Ano ba ang tawag sa ginawang pamamaslang ng mga kapwa nila puting Kastila, Pranses, Ingles, Portuges at Aleman sa mga bansang sinakop nila noong “colonial period?”
Ah, may teknikalidad pala sa batas na dapat ikonsidera. Krimen lamang na maituturing ang genocide kung ginawa ito matapos ang “Genocide Convention” noong 1948. Kaya sorry na lang sa mga de-kolor na nabiktima ng mga puti noong panahong inari nila’t pinaghahatian ang mundo.
Kung hindi man magbayad ng danyos perwisyo eh humingi man lang sana ng paumanhin ang mga puti sa mga pagpatay, pag-aabuso’t pangangamkam na ginawa nila sa mga bansang kanilang sinakop.
Pero imposibleng gawin nila iyon. Hindi kaylanman yuyuko ang mga puti sa mga taong ang balat ay de-kolor.
Nangangatwiran pa nga ang mga taong mapuputi ang kutis na kaya nila pinatay ang mga taong hindi nila kakulay sa mga bansang sinakop nila noon eh dahil sa ang mga ito’y lumaban. Aba eh natural na sila’y lumaban. Alangan namang inaalipin ka na’t ninanakawan at sinaktan pa’y hindi ka na lamang kikibo. At kung panangutin daw ang mga gobyernong kolonyal ng mga puting mananakop sa kung ano mang krimeng ginawa nila sa mga bansang sinakop nila eh hindi daw ba dapat ring bayaran naman sila sa mga ipinagawa nilang mga gusali, tulay at mga daan at sa pagbibigay ng edukasyon sa kanilang mga sinakop. Bakit? Wala ba silang naging pakinabang sa mga bansang sinakop nila? Hindi ba’t sapilitan naman nilang pinagtrabaho ang mga sinakop nilang taong itim o kayumanggi ang balat? Hindi ba’t ang mga likas na kayamanan ng mga bansang sinakop nila eh kinankam nila. Kulang na kulang pa na kabayaran kung tutuusin ang ano man ang mga ipinagawa nila.
Hindi kayang ibalik ng mga puti o walang halaga ng salapi na makakasapat upang kanilang ipambayad sa dignidad ng mga taong de-kolor ang balat na kanilang sinira’t niyurakan ng ang mga ito’y kanilang sakupin.
*****
Bakit ganun?
Sabi ng aking ina noong bata ako na balang araw ay maiintindihan ko din kung bakit hindi pwedeng umihi ang mga de-kolor sa ihian ng mga puti. Pero heto ako’t tumanda na at sobrang dami na mga nabasa ko sa libro… sa internet… eh hindi ko pa rin maintindihan.
Ano kaya ang isasagot ko sa aking anak halimbawa’t isang araw eh makita rin niya ang alin man sa mga larawang nakita ko? May paliwanag kaya akong maibibigay kung tatanungin niya ako kung bakit ang “drinking fountain” ng mga “white” ay hindi pwedeng gamitin ng mga “colored.”
Paano kaya kung sa Facebook o sa YouTube eh makita ng anak ko ang pamamaril ng mga puting pulis sa mga hindi armado at walang kalabang-labang mga taong kulay itim ang balat?
Pwede kayang sabihin ko na lang kapag nagtanong siya na ang mundo’y parang batyang gustong solohin ng mga puti. Ayaw nilang makasama ang mga de-kolor, lalo na ang mga itim ang balat at baka sila ay mamantyahan.
Tutularan ko na lang siguro ang aking ina. Tatango na lamang ako’t ngingiti at sasabihin kong, “Balang araw anak eh maiintindihan mo kung bakit.”

