Blog Archives

My Website – “Hardpen’s Portfolio”

Allow me to guide you through the highways and byways of this site.

The following are the main sections which are accessible by clicking on them directly or  you may go to the home page and click on them in the navigation menu and tabs.

First

Home
About the Philippines
My Korean Stuffs
My Works in English
My Works In Filipino
Welcome

If you click on the section Home from here, you will be brought to the homepage of this website.

If you click directly on the other main sections (after Home) from this page you will be directed to an article introducing the section at the bottom of which are links to the subsections (or articles) beneath them.

Second

On the left is the homepage of the website. The article that appears when you open  it and the other two you’ll find should you scroll down are the latest of my blog posts.

If items are posted in the HOME section they are classified by WordPress as “blog posts.” All other items in the other sections (and the sections themselves) are called “pages.” That, I suppose, is only for the purpose of proper placement because technically all the “posts” can be transformed to  “pages” if desired so. The first item in the NAVIGATION MENU, as you can see, is HOME. That is where all “blog posts” are displayed. All tabs north of HOME is where all “pages” are placed.

After posting a blog, I automatically create its “page version” and place  it in a category where it belongs in the other sections.

Let me help you if you wish to explore the entirety of this website. The following are the links you can click from here. You can also access all of my works using the navigation bar.

I also provided an introductory page in each section and subsection. The introductory  page  for each section provides links to the subsections. There are also links to specific works provided in the introductory pages for the subsections.

I included the section About The Philippines for the essays I wrote (and will be writing) and other stuffs about my country – the Philippines. My intention for this is to make people from different parts of the world know more about us Filipinos and our country.

In the section My Korean Stuffs is where I share my experiences as a Filipino expat and as a teacher here in South Korea. The four subsections are Korean Adventures (essays/commentaries written in English), Kuwentong Kimchi (essays written in Filipino), “Kimchied” (articles chronicling my gastronomic journey here in South Korea), and Korean Dishes/Foods I Tried (videos and essays about the Korean dishes I have been eating here in this country).

The section My Works in Filipino  contains the one-act plays, short stories, essays and poems (all in Filipino) which I have written through the years, mostly from 2013  onwards. The following are the sub sections: Dulang May Isang Yugto, Maikling NobelaMaikling Kwento, Sanaysay and Tula. Clicking on these links brings you to the pages where you can see also links for the specific individual works.

Below you’ll see how a section is subdivided into subsections, and subsections into more subdivisions until the titles of specific works could be seen.

Fourth

I have written a lot of poems in Filipino. Thus, you see here that Tula also has its own sub sections, namely, Apatang Taludtod, Bayan Muna, Heto Na Ang Jeep, Kwentulaan, Pagninilay, Pakwelang Taludturan, Sa Piling Ng Mga Hayop, Samu’t-sari, Tibok, Tinulang Jokes and Tinula Kong Kanta.

There are also several sub-sections for the section My Works in English . These are Commentaries, Dramatic Monologue (Declamation), Essays, My Research WorksOratorical Pieces, Poems, Short Stories,  and The Jungle Story – a collection of the anthropomorphized blogs I wrote (in another blogsite) when I got so frustrated with the leadership style of the school administrator where I used to work in the Philippines.

I love the sports  of basketball and boxing. I included in the section My Works in English the subsection Sport Blog where I put together the articles I wrote about the said sports, including those that were published in a couple of sports websites.

Topics I discussed in my essays vary. So I also subdivided the section Essays into several subsections namely Changing Perspectives, Literature, Language and Movies, and Personal Essays. I also wrote essays on education and my experience as a teacher but I kept them in the section My Academic Essays  beneath the section My Research Works.

Just like my poems in Filipino, the few poems I have written in English are also subdivided with the following assigned labels: Heartbeats, Quatrains,  Random Thoughts,  and Frames and Verses.

My website also features some of the studies I have completed including those that were presented in international conferences and published in international journals. You can find them in the subsection My Research Works under My Works in English. The said subsection  is further subdivided into the following: As Main Author, As Corresponding Author, My Academic EssaysMy Master’s Thesis, and My PhD Dissertation.

The items I have in the section Welcome, aside from this guide to my website, include my curriculum vitae and an answer to the question “Why do I write?”. There you can find also the poem I wrote about my names and pseudonyms.

 

Advertisement

Puti at De-kolor

slavery

“Ihiwalay mo ang mga puti sa de-kolor.”

Ako’y isang batang musmos pa lamang noong marinig ko ang mga salitang iyon sa unang pagkakaton. Iyon ang mahigpit na bilin ng lola  sa aming kasambahay tuwing ito’y maglalaba.

“Brasin mo ang mga puti. Tiyakin mong mawawala lahat ng mantsa.” Dagdag pa ng medyo may pagka-istriktang nanay ng nanay ko. “Huwag mong kalimutang ikula.”

Ganun ka-espesyal ang atensyong ibinibigay sa mga puting damit.

Heto pa ang pahabol ng lola ko noon, “Ihuli mo ang mga kulay itim. Huwag na huwag mong isasama sa mga puti yan. Naku, malilintikan ka sa akin.”

Tumimo iyon sa aking isipan. Kaylangang pag-ingatan ang mga damit na puti ang kulay. Huwag na huwag silang ihahalo sa mga de-kolor kapag naglalaba upang huwag silang mamantyahan. At ang mga itim na damit ay kaylangang ihuli sa lahat – huwag na huwag isasama sa mga puti at kahit anong de-kolor na damit. Kapag nagbanlaw man ay ihuli raw rin ang mga de-kolor at itim at ang gamiting tubig ay iyong pinagbanlawan na lang ng mga puti.

Kaawa-awang de-kolor, lalo na ang mga itim.

Naugnay ito sa isang bagay na nagdulot sa akin ng kalituhan noong ako’y mura pa ang gulang. Ito ay nang tanungin ko ang aking ina tungkol sa isang larawan sa pahina ng librong binabasa niya na ang pamagat ay “Land of the Free.” Ipanagpatuloy kasi ni mama ang pag-aaral sa kolehiyo noong kaming magkakapatid ay hindi na alagain. Madalas eh buklatin ko’t basahin ang mga librong iniuuwi n’ya galing sa kanilang library. Ipinapakita sa larawan iyon ang salitang “rest room” at may nakalagay sa ilalim nito sa magkabilang bahagi na “white” at “colored.”

“Colored” daw ang tawag ng mga Amerikanong puti sa mga kababayang nilang itim ang balat.

Hindi ko alam kung bakit natawa ang aking ina nang sabihin kong kulay din naman ang puti. Mali ba ako? Bakit ang mga maiitim eh “colored” kung tawagin  at ang mga puti eh hindi? Colorless ba ang puti.

Pilosopo daw ako sabi ni mama. Tama daw akong kulay din ang puti pero napakabata ko pa daw para maiintindihan ang konseptong “colored.”

Para bang gusto akong batukan ni mama ng sabihin ko sa kanya na siya ang nagturo sa akin na ang English sa kulay ay color at tanging ang tubig alang masasabing walang kulay.

Natingin ako noon sa aking balat. Ito’y kayumanggi. Kaunti na lang eh itim na rin. Basta hindi ako maputi. At kapag natapos akong  maglalaro ako ng matagal sa labas tuwing  walang pasok eh sasabihin ng nanay kong, “Ayan kakabilad mo sa araw nangitim ka na.”  Kung ang mundo’y isang malaking batya at ako’y damit na lalabhan eh masasama ako sa de-kolor at hindi sa puti. Kaunti na lang ang diperensya ng balat ko sa itim kaya kapag binanlawan ako eh malamang sa bandang huli na rin.

Ipinaliwanag ni mama na may panahon daw sa bansang Amerika na hindi pwedeng makihalubilo ang mga Negro sa mga puti sa mga pampublikong lugar katulad ng restaurant, sinehan, mga sasakyan at maging nga sa mga palikuran.

Eh bakit?

Tinignan ko ang iba pang mga larawan sa mga sumunod na pahina ng libro. Maging sa isang drinking fountain eh ganoon nga. Hindi pwedeng uminom ang mga de-kolor ang kutis sa iniinuman ng mga puti.

Bakit ganun?

“Baka ba mamantsahan ang mga puti kaya’t bawal na makihalubilo sila sa mga hindi nila kakulay ng balat?”

Iyon syempre ang uri ng tanong na pwedeng manggaling sa isang batang paslit na katulad ko.

Parang nagulat si mama. Hindi kaagad siya nakasagot. Naningkit ang mata’t pagkatapos eh biglang kumunot ang noo. Ganun din ang itsura ng mga kaklase ko kapag sila’y biglang tinawag ng titser namin upang sumagot sa isang tanong at hindi nila masagot.

Tila nahirapan si mama na sagutin ang tanong ko. Tumango’t ngumiti na lamang siya. Hindi ko masasabing “oo” ang sagot ni mama sa aking tanong. Sa tango niya’t ngiti kasi ay parang sinasabi niyang, “Sorry hind ko alam ang sagot.” Parang ako lang kapag hindi ko kayang sagutin ang tanong ng aming guro. Titingin na lang ako sa kanya at ngingiti sabay kamot sa aking batok.

Kabisado ako ng aking ina. Alam n’yang unang tanong ko pa lamang iyon, marami pang susunod. Subalit bago ko pa man buksan ang bibig ko upang muling magtanong ay inunahan na niya ako.

“Balang araw eh maiintindihan mo din kung bakit. Sige na anak, maglaro ka na muna sa labas. Akin na muna ang librong iyan at magre-review pa ako.”

*****

Pagsampa ko ng high school eh naririnig ko pa rin ang bilin ni lola na dapat hiwalay ang mga puti sa de-kolor. At tulad pa rin ng dati, ang mga itim na damit ay parang ketongin na nakahiwalay sa lahat nang huwag makahawa ng kulay. Sa panahong iyon si mama naman ang nagbibilin sa bunso naming kapatid na babae bago sila maglaba. Wala na kasi kaming kasambahay noon. Nagsimula ng magtipid ang mga magulang ko. Hindi na rin namin kapiling si lola kaya’t siya at ang bunso namin ang naglalaba.

Minsan tumutulong akong paghiwalayin ang mga puti sa de-kolor bago maglaba ang aking ina’t kapatid. At habang ginagawa ko ‘yon ay bumabalik sa aking ala-ala ang mga larawang nakita ko noon sa librong binabasa ni mama – mga larawang nagpapakita na sa Amerika ay pinagbabawalang makihalubilo ang mga de-kolor ang kutis sa mga puti. Akala ko pa naman na mababait ang mga Amerikano dalhin madalas magkwento ang lola ko noon na iniligtas daw tayo ng mga puting dayuhan laban sa mga mapang-aping mga Hapones noong panahon ng ikalawang-digmaang pandaigdig.

Kaya nga’t kahit first year pa lang ako noon eh nagbabasa na ako ng libro ng World History. Sa fourth year pa namin pag-aaralan dapat iyon subalit nabitin kasi ako sa sagot noon ni mama kung bakit ganun – kung bakit sa bansang Amerika ay parang pinandidirihan ang mga  maitim ang kutis. Naisip ko din kung ganun din ba ang turing sa mga Negro sa iba pang bahagi ng mundo. Eh bakit ba kasi ganun? May ginawa bang masama ang mga taong maiitim ang balat kaya ganun sila kung tratuhin? Kasalanan ba ang maging maitim?

Akala ko na sa pagbabasa eh mauunawaan ko kung bakit may ganoong patakaran sa Amerika noon. Hindi pala. Marami pa akong nalaman at habang ang isip ko ay nadadagdagan ng impormasyon eh lalo lamang akong nalilito. Lalong dumadami ang aking mga tanong.

Gusto ko noong tanungin ang aking ina kung bakit hindi n’ya sa akin kaagad ipinaliwanag na dati pala’y alipin ng mga puti ang mga taong itim ang balat kaya’t mababa ang pagtingin nila sa mga ito.

Ang pinagmulan pala ng lahi ng mga Amerikano ay ang Inglatera. Dati pala silang mga  Briton. Ang mga Briton ang nagdala noon sa Amerika ng mga Negro galing sa kontinente ng Africa upang gawing mga  alipin – tagapagsilbi nila at mga taga-tanim.

Ang dami ko palang hindi alam tungkol sa kasaysayan ng mundo. Kaya’t pinagbuti ko pa ang pagbabasa. Noon ko naunawaan na sa pagbabasa ay hindi ka lang makakahanap ng sagot sa mga katanungan mo kundi mula sa mga sagot ay dadami lalo ang iyong mga tanong. Sa mga malalaman mo ay maaring ikaw ay magtaka, matawa, magalit, mainis o mandiri. Maari din namang maawaka ka.

Ako’y naawang lalo sa mga taong itim ang kulay ng balat.

Ang mga larawang nakita ko kasi sa patuloy kong pagbabasa eh hindi lamang inihihiwalay ang mga taong maitim sa mga mapupusyaw ang balat. Merong mga larawang nakakadena sila sa leeg, nakatali ang kamay at hinihila ng mga puti na parang mga hayop. May mga tinatadyakan, sinasampal at sinusuntok

Ang iba’y may tali sa leeg, hindi hinihila kundi nakasabit sa puno. Labas ang dila. Patay. Nakapaligid ang mga mapuputi’t matatangkad na tao. May hawak na pamalo at baril. Ang ila’y nakapamaywang pa at parang tumatawa. Ang hirap unawain na kung bakit sa mga larawang iyon ay nakuha pa nilang ngumiti habang sa likuran nila’y may mga bangkay ng mga taong itim ang balat na nakalambitin.

Bakit ganun?

Nabasa ko rin na ang mga kababaihan ay ginagahasa. Ganun kabrutal ang mga puti. Minaltrato’t inaabuso nila ang mga de-kolor. Sana eh hindi totoo ang mga nabasa ko. Sana inimbento lang iyon ng mga sumulat ng kasaysayan. San lang eh ang mga larawang nakita ko ay mga drawing na masyado magaling lang ang gumuhit kaya’t nagmukhang totoo.

Sana man lang eh binigyan ako ni mama ng babala noon na magugulantang ako sa iba pang mga bagay na malalaman ko kapag ako’y nagpumilit na ungkatin ang isyu tungkol sa mga de-kolor ang kutis at mga puti. Naisip ko na lamang na kaya hindi sinagot ni mama kung bakit ganun ay maging siya man ay nahirapang unawain ang bagay na iyon. At kung siya nga ay nahirapan eh ako pa kaya na noo’y batang uhugin lang.

Tama naman si mama. Mahihirapan talaga akong unawain kung bakit hinakot ng mga ninuno ng mga puti sa Amerika ang mga tinatawag nilang “colored” mula sa Africa upang sila’y gawing alipin at pagkatapos ay parang hayop kung ituring, parang baka o kabayong pwedeng ibenta, sasaktan kung magkakamali, gagahasain ang mga kababaihan kung sila’y lukuban ng makamundong pagnanasa,   at papatayin kung magtatankang lumaban.

Mahirap pa ring unawain na porke de-kolor ang kutis ng tao ay may karapatan na ang mga puti na sila’y maltratuhin. O dahil maputi ba sila eh pwede na nilang gawin ang ano mang gusto nilang gawin?

Bakit? Nabili na  ba ng mga taong maputi ang balat ang mundo?

Natanong ko sa sarili iyan nang sabihin ng guro namin sa Philippine History na minsa’y  hinati ng Espanya at Portugal ang lahat ng lupain sa mundo na nasa labas ng Europa. Kaya hayun, bukod sa kasaysayan ng mundo eh nagbasa na rin ako ng tungkol sa kasaysayan naman ng Pilipinas.

Hindi ko maintindihan. Lalo akong nalito. Pinaghati-hatian daw ng mga Ingles, Pranses, Espanyol, Portuges, at Aleman ang lahat ng lugar na kayang marating ng kanilang mga dambuhalang sasakyang-pandagat. Silang mga mapuputi ang siyang naghari.

Bakit ganun?

Nabasa ko na ng pahanong iyon ay na sinakop pala tayo ng mga Kastila, mga puting galing sa Europa sa loob ng mahigit tatlong daang taon. Tapos nagtangkang agawin ng mga Ingles ang Pilipinas mula sa kanila. Ngunit ang nagtagumpay na umagaw ng bayang sinilangan ko mula sa Espanya ay ang Amerika. Ang katwiran pa ng mga Amerikano ay kung hindi daw nila sinakop ang bansa natin ay ang mga Aleman daw ang gagawa nito. Ganun? Parang laruan lang ang mga bansa ng mga taong de-kolor kung pagpasapasaan  ng mga puti.

Ang mga lahing de-kolor, mga itim at kayumanggi, tayo’y parang mga hayop na itinuring ng mga puting galing sa kanluran. Ang mga lupain nati’y kanilang kinamkam at ang ating mga likas na yaman ay kanilang ninakaw.

*****

Pagtungtong ko sa kolehiyo, ako na naglalaba ng sarili kong damit. Sinunod ko pa rin ang mahigpit na bilin ng aking lola – inihihiwalay ko ang mga puti sa de-kolor at ang itim ay laging huli.

Patuloy pa rin ang pagbabasa ko ng kasaysayan ng mundo at ng Pilipinas. Marami pa akong nalaman tungkol sa pilit na ginagawang paghahari-harian ng mga puti at kung papaanong hindi nila ituring na kapantay ang mga de-kolor.

Noon ko mas naintindihan ang tinatawag na “holocaust” na kung saan ay pinatay ng mga Nazi ang milyong-milyong Hudyo na ang intension ay burahin sa mundo ang lahi ng mga ito. Kay hirap unawain kung bakit ganun na lamang ang galit ng mga Aleman sa mga Hudyo. Marami ang naniniwala na nang gawin ng mga Aleman ang karumal-dumal na krimeng iyon ay sinunod nila  ang sistema ng “racial segregation” na ipinatupad ng mga Amerikano sa mga kababayan nilang itim ang kulay ng balat.

Pinilit kong saliksikin iyon dahil sa isa ding larawang nakita ko sa isang encyclopedia sa high school library namin noon. Larawan iyon ng isang malaking hukay na may lamang maraming bangkay at may mga nakapaligid na sundalong mga puti’t matatangkad, mga Aleman, na parang mga nakangisi pa habang nakamasid sa mga kahabag-habag na mga kapwa nila taong patay na.

Bakit ganun?

Bakit tinangkang lipulin ng mga Aleman ang lahing galing sa binhi ni Abraham? Kasalanan ba ang maging Hudyo.

Hindi ko maintindihan na kung bakit sa paniniwalang sila’y ang superiyor na lahing puti ay nagkaroon na sila ng karapatang ubusin ang mga Hudyo. Dahil ang mga Hudyo daw ay hindi maituturing na puti. Ang mga Hudyo daw ay isang mantsa sa lahing puti kaya’t dapat burahin.

Gusto ko na sanang tigilan na ang pagbabasa dahil habang patuloy kong binabaybay ang mga pahina ng kasaysayang ng bansa ko’t ng mundo eh paulit-ulit kong nasasabi ang “Bakit ganun?”

Bakit tuwing may larawang pupukaw ng aking atensyon ay laging may mga  mapuputi’t matatangkad na kung hindi nakatingala ay nakayapak sa mga bangkay ng mga taong de-kolor ang kutis?

Bakit kasi kinunan pa ng larawan ang mga sundalong Amerikano na mga nakangiti’t nakapamaywang habang nasa paanan nila ang isang malaking hukay na puno ng dang-daang bangkay ng mga kayumangging Pilipinong Muslim.

Ke puputi’t ke yayabang ng mga kriminal. Di bale sana kung mga mandirigma lang ang mga napatay nila. Bakit pati mga sibilyan, mga babae at mga bata eh kanilang idinamay? Dahil ba sa sila’y de-kolor kaya’t wala silang karapatang mabuhay.

Wala akong makitang pagkakaiba sa larawan ng Holocaust at sa larawan ng Bud Dajo massacre. Pareho lamang silang nagpapakita ng kalupitan na kayang gawin ng tao sa kanilang kapwan. At di ko alam kung bakit nagkataong parehong puti ang kulay ng kutis ng mga taong may kagagawan ng mga iyon.

Bakit ganun?

Ang mga sundalong Nazi sa Alemanya ay kinasuhan ng “genocide.” Eh ano naman ang tawag sa ginawa ng mga Amerikano sa Jolo, sa Samar at sa ilang lugar pa sa Pillipinas? Ano ba ang tawag sa ginawang pamamaslang ng mga kapwa nila puting Kastila, Pranses, Ingles, Portuges at Aleman sa mga bansang sinakop nila noong “colonial period?”

Ah, may teknikalidad pala sa batas na dapat ikonsidera. Krimen lamang na maituturing ang genocide kung ginawa ito matapos ang “Genocide Convention” noong 1948. Kaya sorry na lang sa mga de-kolor na nabiktima ng mga puti noong panahong inari nila’t pinaghahatian ang mundo.

Kung hindi man magbayad ng danyos perwisyo eh humingi man lang sana ng paumanhin ang mga puti sa mga pagpatay, pag-aabuso’t pangangamkam na ginawa nila sa mga bansang kanilang sinakop.

Pero imposibleng gawin nila iyon. Hindi kaylanman yuyuko ang mga puti sa mga taong ang balat ay de-kolor.

Nangangatwiran pa nga ang mga taong mapuputi ang kutis na kaya nila pinatay ang mga taong hindi nila kakulay sa mga bansang sinakop nila noon eh dahil sa ang mga ito’y lumaban. Aba eh natural na sila’y lumaban. Alangan namang inaalipin ka na’t  ninanakawan at sinaktan pa’y hindi ka na lamang kikibo. At kung panangutin daw ang mga gobyernong kolonyal ng mga puting mananakop sa kung ano mang krimeng ginawa nila sa mga bansang sinakop nila eh hindi daw ba dapat ring bayaran naman sila sa mga ipinagawa nilang mga gusali, tulay at mga daan at sa pagbibigay ng edukasyon sa kanilang mga  sinakop. Bakit? Wala ba silang naging pakinabang sa  mga bansang sinakop nila? Hindi ba’t sapilitan naman nilang pinagtrabaho ang mga sinakop nilang taong itim o kayumanggi ang balat? Hindi ba’t ang mga likas na kayamanan ng mga bansang sinakop nila eh kinankam nila. Kulang na kulang  pa na kabayaran  kung tutuusin ang ano man ang mga ipinagawa nila.

Hindi kayang ibalik ng mga puti o walang halaga ng salapi na makakasapat upang kanilang ipambayad sa dignidad ng mga taong de-kolor ang balat na kanilang sinira’t niyurakan ng ang mga ito’y kanilang sakupin.

*****

Bakit ganun?

Sabi ng aking ina noong bata ako na balang araw ay maiintindihan ko din kung bakit hindi pwedeng umihi ang mga de-kolor sa ihian ng mga puti. Pero heto ako’t tumanda na at sobrang dami na mga nabasa ko sa libro… sa internet… eh hindi ko pa rin maintindihan.

Ano kaya ang isasagot ko sa aking anak halimbawa’t isang araw eh makita rin niya ang alin man sa mga larawang nakita ko? May paliwanag kaya akong maibibigay kung tatanungin niya ako kung bakit ang “drinking fountain” ng mga “white” ay hindi pwedeng gamitin ng mga “colored.”

Paano kaya kung sa Facebook o sa YouTube eh makita ng anak ko  ang pamamaril ng mga puting pulis sa mga hindi armado at walang kalabang-labang mga taong kulay itim ang balat?

Pwede kayang sabihin ko na lang kapag nagtanong siya na ang mundo’y parang batyang gustong solohin ng mga puti. Ayaw nilang makasama ang mga de-kolor, lalo na ang mga itim ang balat at baka sila ay mamantyahan.

Tutularan ko na lang siguro ang aking ina. Tatango na lamang ako’t ngingiti at sasabihin kong, “Balang araw anak eh maiintindihan mo kung bakit.”

 

Ang Maging Makata

poet

Mahirap ang maging makata.

Sa lahat ng dyanra ng panitikan, ang tula ang pinakamahirap sulatin. Hindi gawang biro ang pagsama-samahin sa iisang kabuuan ang mga elemento nitong tugma, sukat, saknong, talinghaga, at kariktan. Kaylangan ding puno at liglig ang talasalitaan ng sinumang susulat ng tula upang doo’y hugutin ang salitang katumbas ng damdami’t kaisipang nais ipahayag.

Hindi sa mas madaling magsulat ng maikling kwento o nobela. Hindi rin gawang biro ang pagapangin sa banghay ng kwento ang mga elemento nitong tagpuan, tauhan at tunggalian. Subalit ang mga sumusulat ng kwento ay maginhawang nakakagamit ng maraming pahina hanggang matumbok nila ang kasukdulang ng kwento at marating ang wakas. Si Leo Tolstoy ay nangailangan ng mahigit kalahating milyong salita upang tapusin ang nobela niyang pinamagatang “War and Peace.”

Sa kabilang banda, ang makata’y mayroon lamang isang piraso ng papel, minsan nga kalahati lamang nito, upang ipahayag ng malinaw at buo ang kanyang saloobi’t iniisip. Ang mga Hapon, sa anyo ng tula nilang tinatawag na Haiku, ay kapiranggot na bahagi lang ng papel ang kaylangang gamitin sa dahilang ang naturang tula’y binubuo ng isang saknong lamang na may tatlong taludtod na ang gitna’y may pitong pantig at ang una’t huli’y tig-limang pantig.

May mga dagdag pang hamon sa mga makata kapag kanilang nilakbay ang mundo ng taludturan.

Mahirap bumagtas sa daan ng kalungkutan habang ikaw ay nakangiti. Hindi rin pwedeng sumagwan sa ilog ng kasiyahan habang nakasakay ka sa bangkang yari sa luha. Ang luhang ididilig sa mga taludtod ng tula upang ito’y mamunga ng kalungkutan ay iniigib ng makata sa balon ng mapapait niyang karanasan.

Tanging ang puno ng kalungkutan ang pwedeng pitasan ng luha at tanging ang hardin ng kasiyahan ang pwedeng tubuan ng nakangiting bulaklak. Kung aakyat ang makata sa puno o dadalaw sa hardin ay nakadepende sa uri ng damdaming nais niyang ipahayag.

Kung meron man ay iilan lamang ang mga makatang kayang humahalhak habang gumagapang sa balag ng malungkot na taluduturan.

Mas magandang pakinggan ang kudyapi ng lumbay kung ito’y hihipan ng isang makatang minsa’y halos malunod sa sariling luha dahil sa isang karanasang nagdulot sa kanya ng matinding kapanglawan. Ang tambuli naman ng kagalakan ay pwede lamang hipan ng makatang narating na ang kasukdulan ng saya na tuwing ito’y naaalala ay nangingiti ito o natatawa kahit siya ay nag-iisa.

Ngunit ang buhay ay isang musikerong tinuturuan ang makata na kayang hipan ang kudyapi ng lumbay o tambuli ng kagalakan sa ano mang pagkakataon na kanyang naiisin.

Kung ang intensyon ng makata’y hasikan ng butil ng luha ang kanyang mga taludtod upang doo’y yumabong ang hapis ay kanyang susundutin ng karayom ang pilat na iniwan ng isang sugat ng kahapon hanggang umagos mula rito ang dugo ng kalungkutan. Hindi ito pagiging masokista bagkus ay isang sakripisyo na dapat gawin ng makata. Dapat kasing nararamdaman niya ang ano mang damdaming nais ilatag sa mga saknong ng kanyang tula.

Kaya nga tunay na alagad ng sining ang makata. Kaya niyang paikutin sa kanyang kamay ang mga emosyon. Katulad ng isang artista sa entablado, umiiyak…matapos ang ilang saglit ay biglang tatawa.

Minsan ay mali ang pakahulugan ng mga tao sa makata. Kapag ang tula’y puno ng pagsisisi at kalungkutan dulot ng isang hiwalayan ay inaakala ng mga bumabasa na ang makata’y minamahal pa rin ang nakahiwalayan at nais na ito’y muling bumalik. At ang taong nag-aakalang siya ang pinatutungkulan sa tula’y nagmamalaki’t nagbubunyi.

Huwag kalimutang ang makata’y alagad ng kanyang sining. Ang makata’y hindi alipin ng nakaraan, masaya man o malungkot. Ang tunay na makata’y inaalipin ang nakaraan. Pinaglilingkuran siya nito.

Binabalikan ng makata ang nakaraan para maghanap lamang ng  inspirasyon. Binabalikan ng makata ang nakaraan upang may paghugutan ng emosyon…upang siya ay magalit, mainis, mangiti o matawa…upang muling maramdaman kung paano umibig at mabigo…kung paano magtaksil at pagtaksilan…upang muling mangarap…upang muling maramdaman kung paaano mabigo, bumangon at magtagumpay.

%d bloggers like this: