Blog Archives
SUPLING
Dulang may isang yugto (One-act play)

Mga Tauhan
Marco – ang tatay
Maxene – ang nanay
Marc Andrei – ang anak
Aling Baby, Aling Nida, Aling Susie – mga kapitbahay
Dolly – isang midwife
____________________
Ang Tanghalan
Sa bahay ng mag-asawang Marco at Maxene.
Hati ang entablado sa tatlong bahagi. Ang terrace, sala at kuwarto. Sa terrace ay may mahabang upuang yari sa nilagaring katawan ng pine tree na kasandal sa pader at may ilang halamang nasa paso na nakapatong sa pasimano. Sa salas naman ay makikita ang sala set at isang rack. Nasa ibabaw ng rack ang isang flat TV at sa ilalim nama’y may stereo at mga speakers. Sa bandang likuran ng sala ay makikita ang kusina ng bahay. Bahagya namang nakaangat ng 2 baytang ang kwarto na ang hagdanang papasok ay nasa likuran ng isang divan. Sa kwarto ’y makikita ang isang king size bed, aparador at isang tokador na may salamin sa ibabaw.
____________________
Panahon
Kasalukuyang panahon.
____________________
Click on the link below to continue reading…
On Writing Poems
It’s challenging, to say the least.
For me, the literary genre most difficult to produce is the poem. Putting together the elements of meter, rhyme scheme, sound and imagery is not easy. It would take more than creativity to express thoughts and feelings using the most appropriate figures of speech.
My best poems are written in Filipino. I’ve been trying to write good ones in English but I have to admit that it’s a mighty struggle. I’m not sure if for example the following quatrain makes sense:
Whisper your woes on the flicker
Cover it with dried leaves and twigs
Whisper till the flame grows taller
Let it burn your anguish and grief
I have no problem with free-verse but my dream is to walk gloriously the “rhymed” and “metered” path while holding the hands of either Erato or Euterpe.
One time I tried to mix Greek mythology and poetry and this is what came out:
Writing stories is just as difficult because mixing in a bowl the elements of fiction within the bounds of the plot is not a walk in the park. But fiction writers have the luxury of using a lot of pages to serve their purpose. Leo Tolstoy needed more than half a million words for his novel “War and Peace.”
Conversely, a poet has a single page, sometimes not even the whole of it, to capture vivaciously and vividly the emotions and thoughts pervading within or around him. The Japanese, through their Haiku, would do it in a single-stanza poem with three lines consisting of a total of 17 syllables.
What adds difficulty when poets thread the rhyme zone is that they can not walk the path of sadness while wearing a smile. Neither can they frolic in the lake of happiness while riding the canoe of sadness.
Pain begets pain, joy engenders joy. This is seemingly the prevailing mood in the realm of poetry. Rare are the crying clowns who can masterfully inject sadness into the veins of their poems while they are cracking a joke.
The melancholic lyre sounds best when played by a poet who in one way or another licked some emotional wounds sometime ago in a desolate room. On the other hand, the trumpet of merriment can best be blown by a poet who has journeyed the clouds of ecstasy.
But life is a masterful musician who teaches poets to play both the melancholic lyre and the trumpet of merriment. Life enables a poet to play any of the said instruments at any given time.
If a poet intends to paint his canvas with gloom then he can easily prick an old emotional wound until it bleeds sadness. He can walk down memory lane and revive the pains inflicted by either a person or an event he would rather forget. That’s not masochism but rather a form of sacrifice, the poet ought to feel what he intends to write.
Conversely, it is from the same memory lane where the poet could revisit the happiest moments in his life if it is the lovely colors of joy he wants to be seen in his canvass.
That‘s the beauty of being a poet. Poets can switch with ease to any emotions that they desire. Like an actor in a theater, crying one moment then in a jiffy burst into laughter.
Sometimes poets get misconstrued. When a poem tackles sadness and regret for losing someone the readers would think that the poet still loves and wants that someone back. Worse, the person who felt alluded to may either be excited or feel vindicated.
Lest we forget that poets are men of arts who write for art’s sake. Yes, they draw inspiration from someone or something. They need a motivation in the pursuit of their art. But as it is, the end is the art and the motivation is but the means to achieve that end.
And what is the reward the poet receives for writing a poem? The reward is the poem itself. No reward can be sweeter than a poem that artistically conveys the joys and sorrows of the poet.
As to whether or not the poets who write a poem of gloom and bewail are sad and regretful, only them know. Who knows it may be Melpomene who visited them in their dreams.
Sa Sayawan
May nagbulong sa akin…
Ika’y nasa sayawan
May kasama ka raw
Magkahawak ang inyong kamay.
Ang bilis.
Noong isang linggo lang eh tayo,
Kamay ko ang hawak mo.
Bakit ganoon?
Ayaw ko sana
Na sa sawayan pumunta
Subalit para mo akong hinihila
Parang gusto kitang muling makita.
Nadatnang tugtog doo’y mabilis… magaslaw
Subalit ‘di ako maenggayong sumayaw
At pilit kitang tinatanaw
Sa gitna ng patay-sinding mga ilaw.
Nang biglang nagliwanag ang paligid
Tumigil ang tugtog na mabilis
Pumalit ay mabagal na himig
Himig ng mga pusong umiibig.
Silang lahat nagsiupo
Humihingal…
Hapong-hapo.
Ngunit kayong dalawa nanatiling nakatayo.
Kayo’y aking pinagmasdan,
Umiindayog kayo ng marahan.
Katawan ninyo’y magkadikit,
Parang kinukurot ang aking dibdib.
Nakahilig ka sa kanyang balikat
Balakang mo nama’y mahigpit niyang hawak.
Hindi mo ako matanaw dahil ikaw ay nakapikit.
Parang nang-aalipusta ang ngiti mong matamis.
At bakit naman ang sumunod pang kanta
Ay ang paborito nating dalawa
Kantang sabay nating inawit
Noon ako pa ang iyong iniibig.
Kanta’y parang ayaw matapos
Halos hininga ko sa panibugho’y malagot.
At nang sa labi siya’y iyong hinagkan,
Masuyong halik mo’y kanyang ginantihan.
Nang marubdob kayong naghalikan
Sayawan ay dagli kong nilisan.
(Mula sa kantang “Dancing on my Own” ni Calum Scott)
The Lonely Boat

“What am I without you?”
The boat says to the sea.
“Bring back the tide,
make me alive.
I beseech thee.”
Bring back the tide
Let me ride your waves
Toss me to and fro
Throw me up high
Then splash me down hard into your waiting arms.
Bring back the tide,
Pull me out of the dock!
I’d rather face the peril
of being whipped
by the mighty waves of your love
Than left alone moored in the lonely sands of memory.
Ang Sumpa
(Maikling Nobela)

Paano kung mali ang akala natin na lahat ng totoo ay kung ano lamang ang nakikita ng dalawang mata… kung ano lang ang puwedeng ipaliwanag sa pamamagitan ng lengwahe ng siyensiya, matematika at lohika?
Paano kung ang lahat ng kaalaman ng mga itinuturing na mga dalubhasa’t paham na nabuhay mula noong unang araw sa kasaysayan ng tao ay hindi pala naisulat sa ano mang aklat o sadyang hindi isinulat dahil kapag ito ay nalaman ng mga hindi dapat makaalam eh sa halip na makabuti sa sangkatauhan eh makasama ito?
Paano kung bukod sa dalawang mata ay totoong may pangatlo at ang nasusulat lang at nababasa sa mga libro eh iyong nakikita lang ng dalawang mata? At kung totoong may pangatlong mata, ano kaya ang nakikita nito?
Paano kung bukas ang iyong ikatlong mata? Gusto mo ba? Kakayanin mo bang bigla na lamang makakita ng mga hindi pangkaraniwan – mga kakaibang elemento at mga espiritu? Hindi ka kaya mabaliw o mamatay sa takot?
Kay lolo Benjamin at kay Mon, ano ba ang nangyari nang bumukas ang ikatlong mata nila?
Ano naman kaya ang mangyayari kay Alfred kapag ang kanyang ikatlong mata ang bumukas?
**********
Part 1
Papalubog na ang araw. Nagsisimula nang gumapang ang dilim sa paligid. Nagsisihapon na ang manok sa mga punong nakapaligid sa aming bahay. Isa-isa na ring nagsisipag-paalam ang aming mga bisita. Ilan na lamang ang natira sa kanila kasama ang ilang mga kamag-anakan namin.
Masaya ang maghapong iyon. Maraming pagkain at inumin. Rumenta rin ako ng videoke para mas mag-enjoy ang mga bisita. Nagkakantahan sila habang kumakain. Ang iba’y nag-iinuman at ang ilan sa kanila’y sumasayaw kapag may kantang nagtutulak sa kanila upang umindak. May ilan rin sa mga bisita na nag-abot ng regalo kay Alfred. Ang iba’y sobre ang ibinigay sa kanya.
Pinagmamasdan ko ang aking kaisa-isang anak habang inaasikaso niya ang kanyang mga kaklase at mga kaybigang nagdatingan. Masigla siya at tawa ng tawa. Panay nga ang kuha ng selfie kasama ang mga bisita. Pihadong mamaya o bukas eh babaha nanaman ng pictures sa Facebook ng anak ko. Ipinalangin ko na sana ay ganoon siya palagi. Sana pagkatapos ng araw na iyon ay walang magbago sa takbo ng buhay niya… sana ay walang magbago sa takbo ng buhay naming mag-anak.
“Kuya, mukhang hindi ka yata uminom ngayon. Nakakapanibago ah. Parang pang balisa ka.” Si Pol iyon, pinsan ko.
“Ha, eh pagod lang siguro ako,” tugon ko sa pagitan ng isang ngiting pilit.
“Ang dami mong inihanda para kay Alfred ah!”
“Siyempre naman, binata na ito mula ngayong araw na ito.” Sagot ko sabay akbay sa aking anak. “Alam mo naman ang tradisyon sa lahi nating mga Cervantes. Kapag unang kaarawan, ika-7, ika-13 at debu ng mga anak natin ay ipinaghahanda natin sila, di ba?.”
“O tito Pol, itay… picture-picture muna.” umakbay sa akin si Alfred sabay kuha ng picture namin gamit ang bagong cell phone na iniregalo ko sa kanya.
“Siyanga pala, next month eh debu naman ng unica hija ko. Huwag na huwag na hindi kayo pupunta ha.”
“Aba eh hindi talaga puwede na hindi kami pupunta. Magtatampo iyong inaanak ko,” sagot ng asawa kong si Sally na bigla na lamang sumulpot mula sa aming likuran.
“Aasahan ko yan! Pasensyan na ulit kung iyong mag-ina ko eh hindi nakarating ngayon, may sinat kasi iyong inaanak mo kanina.”
“Okay lang iyon Pol. Tumawag kanina si kumare at nagpaliwanag,” ang sagot ni Sally.
“O papaano, ako eh aalis na at hayan oh papadilim na. Happy birthday na lang ulit Alfred. Iyong regalo ko, binuksan mo na ba?”
“Naku hindi pa po, mamaya ko pa siguro maaasikasong buksan mga regalo ko.”
“Okay… okay! Hoy batang tisoy, huwag ka munang manliligaw ha… hehe.”
“Wala pa po sa isip ko iyan tito.”
“Talaga lang ha. Iyong isang bisita mong dalagita kanina eh laging nakadikit sa iyo ah. Panay pa ang sulyap sa iyo.”
“Ha… eh…”
“O kitam hindi ka makasagot. O…o…biglang namula mukha mo ah.”
“Naku tito wala lang po iyon, napakababata pa po namin ano.”
“Okay…okay… sige… sabi mo eh!. Ay siya, lalakad na ako.”
“Sige po tito. Ingat kayo,” ang sagot ni Alfred.
Inihatid ko sa labasan ang aking pinsan at ilan pa sa mga bisita namin.
Habang pabalik ako sa loob ng bahay ay napansin kong may mga uwak na aali-aligid sa bahay namin. Napansin din iyon ng ilang mga bisita naming papalabas. Iyon eh binale-wala lang ng mga bagong kakilala namin subalit sa aming mga kaybigan na alam ang kuwento ng aming pamilya ay nabakas ko sa kanilang mukha ang pag-aalala.
Bawat huni ng uwak na marinig ko ay parang nagpapasidhi sa kabang aking nararamadaman at nagpapabilis sa paglalakad palayo ng ilan sa mga bisita namin.
Nagsimula na ang kinatatakutan ko. Kung kaylan pa naman na parang nanumnumbalik na ang lahat sa normal. Kung kaylan na parang nakalimutan na ng mga dating kapitabahay at mga kaybigan namin doon sa sityo sa barangay na aming pinanggalingan ang mga nangyari.
Naabutan ko si Alfred na naglalagay sa ilang supot ng mga pagkaing inihanda habang ang asawa ko’y patuloy sa pagliligpit ng mga ginamit sa handaan.
“O, saan mo dadalhin iyan?” tanong ng kanyang ina.
“Kay tito Mon po. Dadalhan ko siya ng makakain.”
“Ha! Gabi na, malayo iyon. Bukas mo na lang siya dalhan niyan!”
“Inay naman eh! Ngayon na po. Pleaasee!!! Magmo-motor naman ako eh.”
“Ay naku anak!”
“Pleaaasseee!!!” Ang nagsususumamong sabi ni Alfred sabay halik sa pisngi ng ina.
“Pero anak, baka mapaano ka. Dumidilim na oh.”
“Inay, hindi na po ako bata.”
“Hayaan mo lang si Alfred ‘nay. Binata na nga naman siya.” Pagkatapos kong sabihin iyon sa aking kabiyak eh bumaling naman ako kay Alfred. “Sige na anak, lakad ka na para makabalik ka kaagad. May pasok ka bukas kaya hindi puwedeng doon ka nanaman matutulog ha.
“Opo itay. Babalik po agad ako.”
“Huwag mabilis magpatakbo ng motor. Iyong bago na ang gamitin mo. I-check mo muna ang preno at ilaw bago mo paandarin,” dugtong ko.
“Sir… yes sir!”
Habang isinusuot ni Alfred ang helmet ay may itinanong siya.
“Itay, iyon nga po palang sunog na mga bahay sa tabi ng bahay ng tito Mon… ano po ba talaga ang nangyari doon? Ang tagal nang ganoon ang hitsura ng lugar na iyon ah. Bakit kaya hindi na inayos ng mga may-ari.”
“Ha?! Eh…” Hindi ko inaasahan mula sa kanya ang tanong na iyon. Hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko.
“Naku… naku… Alfred lumakad ka na at gagabihin ka masyado. Saka na lang ikukwento sa iyo ng tatay mo iyan,” ang wika ni Sally.
“Ang gara ah… kapag tinatanong ko si tito Mon tungkol doon eh halatang ayaw niyang ikuwento kung ano ang nangyari. Tapos ang tatay naman eh parang nagulat ng nagtanong ako tungkol doon.”
“Alfred… sabi nang lumakad ka na eh!”
“Oo nga po inay, heto na nga po bababa na.”
“Ikumusta mo na lang kami sa tito Mon mo.”
“Sige po itay. Lalarga na po ako.”
Ang Samyo Ng Hinog Na Bayabas
Nang trabaho’y natapos, ako’y lumabas
Sa jeep na dumaan pumara’t umangkas
Nang maupo, sa barandilya’y humawak
Nais na maidlip, pumikit akong kagyat.
Habang nakapikit, ako’y may nalanghap
Animo’y samyo ng hinog na bayabas,
Natakam…kaya’t mata ko’y iminulat
“Ay sus!” Katabi ko… braso’y nakataas.
Di pala bayabas ang aking naamoy
Ito pala’y panis na pagkaing baboy
Nang langit ng baho sa daigdig nagsaboy
Sinalo lahat ng katabi kong kolokoy.
Ako’y nahilo sa amoy na nasagap
Sikmura ko noo’y halos bumaligtad
Para akong ikinulong sa “septic tank”
Nais ko nang pumara upang tumakas.
Ilang saglit pa’t meron akong napansin
May pasaherong sa akin nakatingin
Braso ko kasi pala’y nakataas din
Doon sa baradilya’y nakalambitin.
Hindi lang pala dalawa kundi marami
Matang tutok sa aki’t aking katabi
Marahil ay pilit nilang winawari
Akin o kanya… mabahong kili-kili.
Halos sabay kaming nagbaba ng braso
Pagkatapos… tumingin sa akin ang loko
Aba’y biglang tinakpan ang ilong nito
At mabilis bumaba nang jeep pumreno.
Bago ang jeep nagpatuloy sa pag-usad
Aba’t ang kolokoy ako’y kinausap –
“Eh tanggapin mo sana ang payo ko brod,
Maligo ka palagi’t gumamit ng tawas.”

