Category Archives: Dulang May Isang Yugto

SUPLING

Dulang may isang yugto (One-act play)

 

download

Mga Tauhan

Marco – ang tatay
Maxene – ang nanay
Marc Andrei – ang anak
Aling  Baby, Aling  Nida, Aling  Susie – mga kapitbahay
Dolly – isang midwife

____________________

Ang Tanghalan

Sa bahay ng mag-asawang  Marco at Maxene.

Hati ang  entablado  sa tatlong  bahagi.  Ang  terrace,  sala  at kuwarto.  Sa terrace ay may mahabang  upuang  yari sa nilagaring  katawan  ng pine  tree na kasandal  sa pader at may  ilang halamang  nasa paso na nakapatong sa pasimano.  Sa salas naman ay makikita  ang sala set at isang rack. Nasa ibabaw ng rack ang isang flat  TV at sa ilalim nama’y  may stereo at mga speakers. Sa bandang  likuran  ng  sala  ay makikita  ang  kusina  ng  bahay.  Bahagya namang  nakaangat  ng 2 baytang  ang  kwarto  na ang  hagdanang  papasok ay nasa likuran  ng  isang  divan.  Sa kwarto ’y makikita  ang isang king size bed, aparador at isang tokador na may salamin  sa ibabaw.

____________________

Panahon

Kasalukuyang  panahon.

____________________

Click on the link below to continue reading…

Supling

KOREANOVELA

A One-Act Play in Filipino

Comedy TragedySYNOPSIS

Ang mundo ay parang malaking entablado at ang mga tao ay parang mga artista. Araw-araw ay may kuwentong  nangyayari at tayo ang ang sumusulat nito. Tayo ang magpapasiya kung ang kuwento nating lilikhain ay drama o komedya – minsan trahedya. Tayo rin ang magpapasiya kung may ibang tauhan tayong pagagalawin sa ating kuwento  o kung gagawin natin itong simple o komplikado.

Kanya-kanya tayo ng kuwento pero minsan may mga kuwentong sumasanga sa kuwento ng iba. Katulad ni Jack, bago pa man siya nagpunta ng Korea ay may sarili na siyang kuwento. Sina Joy at Arnold man ay may kanya-kanya ring kuwento. Ang kuwento ng dalawa’y magtagal nang nagsanga. At sa kuwento nila’y humalo pa ang kay Jack nang sila ay hindi inaasahang magkakila-kilala sa isang restaurant.

(Click on the link below to continue reading…)

Koreanovela (One-Act Play)

Kwadrado

Dulang May Isang Yugto
(One-act Play in Filipino)

kwardrado

S Y N O P S I S 

Matalik na magkaibigan at magkumpare pa sina  Christian  at Patrick. Pareho silang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Si Patrick ay napakamasikretong tao. Hindi siya mahilig magkwento ng mga personal na bagay. Para sa kanya may mga bagay at sikreto na hindi na kaylangang ipagsabi kahit sa mga kaybigan. Kabaligtaran niyan si Christian na tiwalang nasasabi kay Patrick halos lahat ng bagay tungkol sa kanyang buhay – lalong-lalo na ang mga kalokohan niya sa babae.

Lahat ng mga babaeng nakarelasyon ni Christian ay ikinukweto ng detalyado kay Patrick, bukod lamang sa isa.  Meron siyang sikretong kinakatagpong babae tuwing umuuwi sa Pilipinas na ayaw niyang ikwento sa kanyang kumpare’t kaibigan.

Dumating ang pagkakataon na parang nagsawa na sa mga ginagawang kalokohan si Christian. At sa gabing iyon, siya ay nagpasyang makipagkalas sa babaeng sikreto niyang kinakatagpo tuwing nagbabakasyon siya sa Pilipinas. Gagawin niya iyon alang-alang sa uliran niyang asawa at sa mabait na anak.

Ang pagtatangka ni Christian na iayos ang kanyang buhay ay sasalubungin ng isang malaking sorpresa.

 **********

MGA TAUHAN 

Christian – OFW, isang chickboy

Patrick –  OFW, masikretong tao

Missette – asawa ni Christian

Clarissa –  asawa ni Patrick

Mathhew – anak nina Christian at Missette.

 **********

ANG TANGHALAN

Nakadisenyong itanghal ang dulang ito sa isang intimate theatre na kung saan may dalawang malaking screen sa magkabilang bahagi ng entablado.  Layon kasi nitong ipakita kung paano ginagamit ng mga tao ang mga social networking sites habang sila’y nasa loob ng pribado nilang kwarto – kung papaanong ang cyberspace ay nagsisilbing entablado para sa mga drama nila sa buhay.

Ang dalawang malalaking screen ay kunwaring dalawang computer monitors na kung saan ay makikita ng malinaw ang palitan ng mga messages at video-chats  sa pagitan ni Christian na nasa loob ng entablado at ng iba pang tauhan na kausap niya sa cyberspace.

Isang study table ang makikita sa gitna ng stage. Nakaupo si Christian sa gitna na nakaharap sa isang laptop at sa audience. May dalawang mas maliliit na lamesa na makikita sa bandang kanan at kaliwa ng study table at sa likuran niya ay ang kanyang kama. May mga pagkain at inumin sa isang lamesa. Bukod sa laptop ay may isang 24-inch flat screen TV na ginagamit na extended monitor ni Christian. Ang kinalalagyang bahagi ni Christian sa entablado ay nakapagitna sa dalawang malalaking screen. Sa pamamagitan ng mga ito ay makikita ng audience ang lahat ng mga activities ni Christian na nasa screen ng kanyang laptop at sa nakakabit na extended monitor dito.

Dim light lang ang gagamiting ilaw sa entablado. Merong spotlight mula sa harapan ng stage na nakafocus kay Christian.

 **********

PANAHON

Kasalukuyang panahon

 **********

[Madilim. 

Maririnig sa background ang kanta ng Journey na “Faithfully” na sinasabayan ni Christian. Kasabay ng huling salita ng second stanza ng kanta ay bubukas ang ilaw sa stage at makikitang nakaharap si Christian sa audience payuko sa kanyang ginagamit na  laptop, sinasabayan pa rin niya ang kanta. Kasabay sa pagbukas ng ilaw ay makikita sa screen sa kaliwa na pinapalitan niya ang kanyang profile picture sa Facebook at sa kanang screen naman ay bukas ang Youtube at pine-play ang video ng kanta ng Journey na “Faithfully”. Matapos niyang ma-upload ang kanyang picture ay makikita sa screen sa kanyang kanan na tumatawag sa Skype ang kanyang kumpareng si Patrick. Ipo-pause ni Christian ang music video at sasagutin ang Skype call.]

Christian: Oh pare natawag ka. [Makikita sa kanang screen si Patrick, may hawak na mug.]

Patrick: Oo eh, kasi miss na miss na kita. [Tatawa.]

Christian: Excuse me, hindi tayo talo bruha. [Tatawa at pagkatapos ay susubo ng pizza.]

Patrick: Wow, pizza!!![Ipapakita ni Christian ang fried chicken, coke at beer.] Food trip ba? Kumain na tayo kanina bago tayo naghiwalay ah.

Christian: Gutom pa rin ako eh! Bitin ako sa kain natin kanina!  Anong oras ka nga pala nakabalik d’yan sa apartment mo?

Click on the link below to continue reading…

KWADRADO

%d bloggers like this: