MGA PANGARAP (3)

(3rd of 6 parts)

4-ways-to-jumpstart-your-dream-1

Tumayo si Chris. Naginat-inat. Si Jay naman ay nagsinding muli ng sigarilyo. Inalok niya si Chris.

Oh no doc Jay.” Kinuha ang stick ng sigarilyo. “Don’t you know that smoking is dangerous to your health? Tigilan mo na ang paninigarilyo.”

It’s too late.” Ang sagot ni Jay.

Nagkatinginan kami ni Chris sa narinig naming iyon.

“Seryoso ka ‘tol?” Ang tanong ni Chris.

“Heto naman… joke lang. Ang ibig kong sabihin eh mahihirapan na akong tigilan ito, ”

ko sigurado kung nagbibiro nga lang si Jay o seryoso siya sa sinabing iyon.    Hindi tuloy sinindihan ni Chris ang sigarilyong bigay nito. Inilagay na lamang niya ito sa bulsa ng suot na polo shirt.

Pinagmasdan kong Mabuti si Jay. Parang payat at maputla siya.

“Okay ka lang ba ‘tol?”

Tango lamang ang isinagot sa akin ni Jay. Magtatanong pa sana ako pero napansin kong parang ayaw ni Jay na pag-usapan ang kalagayan ng kanyang kalusugan.

Engineer pala si Mario at sa Saudi nakapagtrabaho. Nakita ko sa Facebook niya.”

Oo Chris.” Ang sagot ni Jay. “Napakayaman na niya. Mukahang naka-jackpot siya sa Saudi. Sa isang oil refinery daw siya nagtatrabaho doon. Nandito nga siya sa Pilipinas kaya nang magkita kami nitong si Mon eh naisipan kong magkita-kita tayo. Baka kasi isang buwan lang daw ang bakasyon niya.”

Bumaling sa akin si Chris. “Eh ikaw naman Mon. Bakit hindi kita mahanap sa Facebook? Gumagamit ka siguro na alyas ano?!”

Ngumiti lamang ako.

“Walang hilig sa social media si Mon Chris.” Wika ni Jay. “Hindi katulad mo na adik sa Facebook.”

“Adik pala ha. Ikaw nga itong halos kada dalawang araw yata na nagpapalit ng profile pic. By the way Mon, gusto mo ba magka-Facebook? Puwede kitang igawa ng account.”

“Naku huwag na. Wala namang internet connection sa barangay namin.”

“Puwede naman sa cell phone lang, kapag nag-load ka may data nang kasama iyon. Makapag-Facebook ka na.”

“Hay naku Chris, tantanan mo na si Mon. Hayaan mo kung ayaw niya mag-Facebook.”

“Ibigay mo na lang sa akin ang cell phone number mo Chris para magkakontakan tayo. Nakuha ko na ang kay Jay.”

“O heto.” Binigyan ako ni Chris ng calling card. “Mag-miskol ka para makuha ko number mo. Pero, basta igagawa pa rin kita ng Facebook account. Ise-send ko na lang sa iyo password. Teka, ano nga pala ang e-mail mo.”

“Wala rin akong e-mail. Wala akong Google account.”

“Grabe ha. Napaka-Jurrasic mo pala Mon. Sige ‘tol. Ako na bahala sa lahat.”

“Naku Mon, pagbigyan mo na ang makulit na iyan.”

Tumango na lamang ako. Alam ko kasing  hindi rin ako tatantanan ni Chris.

“Teka, maiba ako. Ikaw Jay eh may PhD, si Mario naman eh engineer, at ako naman eh natapos ng IT at may MBA. Ikaw Mon, ano nga pala natapos mo?”

Bachelor of Arts… double major… driving and farming.” Ang sabi ko sabay tawa ng kaunti.

“Hindi nakapag-college si Mon.” Sabi ni Jay sabay akbay sa akin.  “Pero sa pagkakatanda ko eh mas mataas ang mga grades ni Mon kaysa sa inyong dalawa ni Mario.”

“Oo na, sige na. Kami na ni Mario ang kulelat sa grupo natin.”

“Eh paano, tamad kayong dalawa noon, si Mon lang ang laging kasama ko sa library noon para magbasa at gumawa ng assignment.”

Stop!” Ang biglang sabi ni Chris. “Alam ko na ang susunod na sasabihin mo ‘tol… na tanging si Mon lang ang hindi kumokopya sa iyo kapag may test tayo noon. Sige, kayo na matalino.”

“O… ikaw ang nagsabi niyan ha, hindi ako.” Ang natatawang sagot ni Jay kay Chris.

Nangiti ako sa palitan ng mga kaybigan ko. Gusto ko sanang ipaalaala sa kanilang dalawa na palagi akong nasa top-10 sa klase mula 1st year hanggang 4th year noon at sa aming 4 na magkakaybigan ay pinakamataas ang naging score ko sa NCEE. Kaya lang parang nakakahiyang banggitin ko pa iyon. Pero siguro naman eh hindi pa nila nakakalimutan iyon.

“Pero ‘tol kung sumabay kang kumuha sa amin noon ng scholarship exam sa kapitolyo noon eh nakakatiyak akong makakapasa ka. Heto ngang si Chris eh nakapasa eh ikaw pa.”

“Pasang awa nga lang ako noon eh.” Dagdag ni Chris.

Gusto ko naman talagang mag-aral sa college noon at balak ko talagang kumuha ng scholarship exam para makapag-aral ako sa Maynila noon. Pero mas pinili kong tulungan na lang si ama sa bukid. Pagsasaka kasi ang ikinabubuhay namin at kaylangan noon ni ama ang tulong ko. Nagkakaedad na siya noon at tingin ko eh kaylangan ko siyang alalayan sa mga gawain sa bukid. Tindera ng isda at gulay sa palengke naman ang aming ina. Apat kaming magkakapatid, ako ang panganay at nag-iisang lalaki. Puro babae ang mga kapatid ko. Alam kong hindi kakayanin ng mga magulang ko na sabay-sabay kaming mag-aaral sa kolehiyo. Kaya hinayaan ko na lang ang mga kapatid kong magpatuloy sa pag-aaral. Nakatapos ang dalawa sa kanila. Ang bunso kasi naming kapatid eh nabuntis ng boyfriend na seaman isang taon bago siya sana matapos ng pag-aaral. Pero pinakasalan naman siya at naging maganda ang buhay.

“Ay oo nga pala… Ano hanapbuhay mo niyan Mon?” Ang tanong ni Chris.

Driver ako ng jeep at may lupa akong sinasaka sa bukid. Minana ko sa aking ama. Ikaw ba?”

Systems supervisor ako sa isang BPO sa Ortigas. Freelance website developer din ako. Iyang kotse kong iyan eh kinita ko lang iyan sa  mga website na pinagawa at piname-maintain ko.”

Bigtime na si Chris Mon. May 2 condo units na ‘yan sa QC.”

“Mas bigtime ka kaya doc Jay. Sabi ng lady guard ninyo  sa akin na singkwenta mil daw  ang suweldo mo bilang college dean.”

“Naniwala ka naman?”

“Oo naman. Bukod doon eh lagi ka nagla-live sa Facebook kapag speaker ka sa mga seminars. Tiyak mahal ang bayad sa iyo doon.”

“Wow! Mukhang stalker kita sa Facebook ah Chris. Updated na updated ka sa mga activities ko.”

“Halika Mon. Tignan mo ito o, cover ng Facebook ni Jay. Iyan ang maliit niyang bahay kubo.”

Tinignan ko ang ipinapakita ni Chris. Malaki nga at maganda ang bahay ni Jay.

“Hinuhulugan ko pa iyon hanggang ngayon ano.”

Hangang-hanga ako kina Jay at Chris. Masaya akong malaman na malayo na ang kanilang narating. Hindi nasayang ang kanilang pagsisikap.

“Ikaw Mon, saan ka nga pala nakatira?” ang tanong ni Chris.

“Sa dati pa rin.”

“Ha? You mean sa lumang bahay ninyo? Doon sa pinupuntahan namin noon?”

“Oo Chris, doon nga. Bukod sa bukid eh ipinamana din sa akin nga mga namatay naming magulang ang lupa’t bahay na iyon.”

“Mabuti hindi naghabol ang mga kapatid mo.” Ang wika ni Jay.

“Ay oo. Kasi maayos naman ang mga napangasawa nila. May mga sariling lupa’t bahay at maganda ang mga hanapbuhay. Sinusuklian ko naman pero ayaw nilang tanggapin.”

“Ang suwerte mo ah. Iyong iniwang lupa’t bahay ng mga magulang namin eh hanggang ngayon pinag-aawayan pa naming magkakapatid.”

“Chris naman. Hayaan mo na iyon sa mga kapatid mo. Eh ang dami mo ng pera ah at may dalawang condo units ka pa.”

“Naku Jay, mas maraming pera ang dalawang kapatid ko na iyon. Dapat nga na sa akin na lang nila ipaubaya ang bahay at lupang iyon. Magkakademandahan pa nga yata kami dahil doon.”

Hindi na bago sa akin ang sinabi ni Chris na awayan ng magkakapatid dahil sa mga ari-ariang iiwanan ng mga namamatay na magulang. May mga mga magkakadugo pa nga na nagpapatayan dahil sa manang lupa at bahay. Masuwerte nga siguro ako dahil nagparaya sa akin ang mga kapatid ko. Ganun pa man, tuwing umaani ako ng palay o mga gulay eh hindi ko sila nakakalimutang bahaginan.

Naputol ang kuwentuhan nang makita namin may dumarating na isa pang sasakyan – isang itim na Mercedez Benz. Mismong sa harapan namin huminto ang sasakyan.  Sa wakas eh dumating na rin si Mario.

Part 4

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer M, A, and D are the initials of my two first names (Massuline and Antonio) and my mother's family name (Dupaya). Ligaya (a Filipino word which means happiness in English) is my family name. MAD is actually one of my nicknames aside from Tony and Ching. My full name is Massuline Antonio Dupaya Ligaya. Many times I was asked the question "Why do you write?" I don't write for material rewards nor adulation. When I write poems, stories, and essays, when I do research, seeing them completed gives me immense joy and satisfaction. I don't write for cash incentives, "likes," and "praises." I would be thankful should I get those but the happiness and sense of fulfillment I feel when completing my works are my real rewards. Is teaching difficult? No! When I teach, I don't work but I play. The classroom is my playground, the students are my playmates, and the subject is our toy. Proud to be me! Proud to be a FILIPINO! TO GOD BE THE GLORY!

Posted on February 29, 2020, in Creative Writing, Dreams and Aspirations, Maikling Kuwento, Mga Pangarap Sa Buhay, Short Story and tagged , , , , . Bookmark the permalink. 1 Comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: