Reunion (5)

(5th of 6 parts)

5th

“Bakit ba ‘tol, ganyan ang salita mo? Kanina ka pang ganyan.” Ang tanong ko kay Jay.

Yumuko si Jay, bumuntong-hininga. Hinintay namin kung ano ang sasabihin niya. Tahimik lamang kami. Parang kay tagal bago siya muling nagsalita.

“Mga ‘tol. May prostate cancer ako. Stage 1.”

Napailing si Chris sa narinig. Si Mario nama’y umakbay kay Jay. Medyo hindi na ako nagulat sa rebelasyong iyon. Parang nahulaan ko na may problemang ganoon si Jay dahil dalawang beses na siyang may ipanapahaging tungkol sa kalagayan ng kanyang kalusugan.

“Kaya nga Mario nang makita ko sa post mo sa Facebook na magbabakasyon ka, tapos tamang-tama naman na nagkita kami ni Mon eh hiniling ko sa inyo na magkita-kita tayo. Baka kasi… baka kasi…”

Hindi na naituloy ni Jay ang sasabihin niya. Nagsimula nang tumulo ang kanyang mga luha.

“Eh hindi pala si Mario ang pinakamadrama sa atin… ikaw pala Jay. Hindi pa katapusan ng mundo ano… may lunas ‘yan.”

Gusto ko sanang soplahin si Chris pero may katwiran siya. Nakakapanlata na malamang ganoon ang kalagayan ni Jay. Pero wala siyang choice kundi lumaban.

“Natatakot ako kasi prostate cancer din ang ikinamatay ng aking ama. Tila namana ko ito sa kanya.”

Nakinig lang kami sa mga sinasabi ni Jay. Hinayaan naming ilabas niya ang kanyang mga saloobin. Sina Mario at Chris ay nagsabi rin na may mga iniinda na  rin daw sila sa katawan. Pareho silang high blood at may problema sa bato ang dalawa kaya marami na ring iniinom na gamot. Sinabi ni Chris na kapag hindi natunaw ng gamot ang bato niya eh malamang na operahan siya.

Ang isang bagay na ipinagpapasalamat ko sa Panginoon eh wala akong sakit na kaylangang nang ikunsulta sa doktor at inuman ng gamot. Kapag namamasada kasi ako mula noon pa ay may tinututukan akong programa sa radio tungkol sa kalusugan at sinusunod ko lahat ng mga payong naririnig ko doon.  Paminsan-minsan lang na kumikirot ang tuhod ko at likuran pagkatapos ng mga gawain ko sa bukid.

“Hayaan mo ‘tol. Sasamahan kita doon sa kilala kong magaling na urologist sa St. Luke’s. Gagawan natin ng paraan iyan. Tutulungan kita.” Ani Mario.

“Sige…sige… para sa paggaling ni Jay… CHEERS!”

Thank you Chris. Thank you mga ‘tol. Medyo lumuwag ang aking pakiramdam nang nasabi ko na kung ano ang kalagayan ko. Kayo pa lang ang nakakaalam tungkol sa kalagayan kong ito.”

“Ibig mo sabihin, hindi pa alam ng asawa mo’t mga anak ang nangyari sa iyo.”

“Mon… binata pa si Jay.” Wika ni Mario.

Marami akong hindi alam tungkol sa mga kaybigan ko. Siguro kung konektado ako sa kanila sa mga social media eh updated rin ako tungkol sa mga nangyayari sa kanila.

“Jay… kaya mo iyan. Kayanin mo! Alam ko kung gaano ka katibay. Dapat magaling ka na sa susunod na uwi ni Mario kapag nagkita-kita tayo ulit.” Wika ni Chris habang nagbubukas siyang muli ng mga bote ng beer.

“Mamaya na ako Chris. Hindi pa ubos itong sa akin.”

“Naku naman Mon… mandadaya ka nanaman.

Nagtawanan silang tatlo. Pero tanggap nila ang kahinaan ko sa pag-inom at hindi nila ako pinipilit. Ang palaging nangyayari noon sa inuman namin ay makatig-tatlo na sila bago ko palang maubos ang unang bote ko. At alam nilang hindi ako puwedeng uminom ng hard.

“Lalakarin natin iyang problema mo Jay next week. Aayusin ko lang muna iyong kasong isinampa ko laban sa aking asawa.”

Natuon ang atensyon namin kay Mario sa sinabi niyang iyon.

“Oo mga ‘tol. Nag-file ako ng  kasong adultery laban sa aking asawa 3 years ago. Sometime next week na ang promulgation of judgment. Makukulong ang lintik na babaeng iyon at ang kanyang kalaguyo.”

Ipinaliwanag sa amin ni Mario ang buong pangyayari. Kasosyo daw nila sa negosyo ang lalaking umahas sa kanya. Sampung taon na daw pala halos na nagtataksil sa kanya ang kanyang asawa bago niya ito nadiskubre. Isang common friend nilang mag-asawa sa Facebook ang nagmalasakit na sabihin ang nalalaman niya tungkol sa katraydurang ginagawa ng kanyang asawa.

“May anak ba kayo? Ano ang sabi ng mga bata?” Ang tanong ni Jay.

“Galit sila sa kanilang ina. Wala daw silang pakiaalam kung makukulong siya. Dalawang lalaki ang naging anak namin. Pareho nang graduate ng college at pareho rin silang engineer. Kasama ko na silang nagtatrabaho sa Saudi. Hinayr rin sila ng mga employers ko doon.”

 Naging sobrang seryoso na ang kinalabasan ng kuwentuhan namin. Natuon na sa pamilya. Hindi na rin bago sa pandinig ko ang nangyari kay Mario at sa kanyang asawa. Iyon talaga ang ang isa sa mga risks kapag isa sa mag-asawa ay magiging OFW. Mas magiging maganda ang kinabukasan ng pamilya kapag nakakapagtrabaho ang ama o ang ina. Ang problema ay kung ang umalis, o ang iniwan, ay hindi mapaglalabanan ang tukso.

“Siyanga pala Mon… Chris… may pamilya ba kayo?”

Tumango ako. Magkukuwento na sana ako tungkol sa aking pamilya pero naunahan ako ni Chris.

“May dalawa akong anak… pero wala akong asawa. O… bakit parang hindi man lang kayo nagulat.

“Hay naku Chris, hindi na nakakagulat iyang sinabi mo.” Ani Jay. “ Alam na naming malikot ka sa aparato.”

“May isa pa ngang babae na humihingi sa akin ng child support. Idedemanda daw niya ako kapag hindi ko sinuportahan iyong bata. Sabi ko ipa-DNA test ko muna ang bata. Patunayan muna niya na ako nga ama ng anak niya.”

“Bahala ka ‘tol. Baka magka-HIV ka niyan. Kung saan-saang kanal ka sumasaksak.”

“Mario… wise ine. Gumagamit ako ng helmet kung hindi ko kilala ang may ari ng butas na papasukan ko.”

“Eh nasaan iyong dalawang bata na kinilala mo na bilang anak?” Ang tanong ni Jay.

“Nasa akin. Ayaw kuhanin ng mga nanay nila. Kaya hayun, inaalagaan ng ka-live in ko ngayon.”

Parang balewala lang kay Chris ang mga ikinuwento niya. Parang okay lang na ganoon kakomplikado ang takbo ng personal na buhay niya. Ayaw kong husgahan ang kaybigan ko pero hindi kaya niya naiisip kung anong uri ng buhay magkakaroon ang dalawang anak niya sa magkaibang babae. At posible pa pala na maging tatlo na. Paano kung mabuntis pa iyong kalive-in niya? Kung nagkataong kapatid ko si Chris eh malamang nabatukan ko.

Hindi na ako nakapagkuwento tungkol sa aking pamilya dahil nasentro na ang usapang sa mga kapilyuhang pinaggagawa ni Chris. Pinagpayuhan namin siyang umayos alang-alang sa kanyang mga anak.

Nagpatuloy ang inuman at kuwentuhan naming magkakaybigan. Bandang ala-sais na ng hapon ng maubos ang beer at alak na dala ni Mario. Medyo parang nalasing sina Jay At Chris. Si Chris kalaunan ay tumahimik, parang naging antukin. Tuwing maghihilik ay sinisiko siya ni Jay para magising. Si Mario nama’y parang wala lang. Mukhang sanay sa inuman. Ako’y naka-3 bote lang ng beer, may kalahati pang natira kaya okay lamang ako. Sa bandang huli ay kami na lamang ni Mario ang nagkukuwentuhan.

Bumaba sina Jay at Chris.  Habang si Jay ay umiihi, sumuka naman si Chris. Bumaba ako’t hinagod ko ang likuran ni Chris. Sa pagkataong iyon eh nag-ring ang aking cell phone. Ang asawa ko ang tumawag.

Excuse me mga ‘tol. Si misis tumatawag.”

“Naku lagot… nagro-roll call na si kumander.” Ani Chris.

Part 6

Advertisement

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer-Lifelong Learner I have three passions - teaching, writing, and learning. I am a Filipino currently residing and teaching in South Korea. I blog and vlog the things I write. I have two websites and two YouTube channels where I publish my works in my areas of interest. I also use Wattpad and Pinterest to publish my creative works. I am into research as well. Some of my articles were presented at conferences and published in indexed-journals. TO GOD BE THE GLORY!

Posted on March 2, 2020, in Creative Writing, Dreams and Aspirations, Maikling Kuwento, Mga Pangarap Sa Buhay, Short Story and tagged , , , , . Bookmark the permalink. 6 Comments.

  1. Para sa problema ko sa prostate sinusubukan ko ang magnesium chloride. Sinubukan ko na lahat…sana uubra iyon

    Like

    • Nagkaroon din ako dati ng prostatitis. Isa sa mga inirekomenda sa akin, bukod siyempre sa gamot ay alternative medication – steaming… magpapakulo ng tubig tapos ilalagay sa isang planggana at pagkatapos ay itatapat mo ang iyong puwitan doon sa steam ng kumulong tubig for several minutes. Sang-ayong doon sa doktor ay nakakatulong din daw ang yoga. Weird pero ang sabi nga niya ay stress din ang isa sa mga sanhi ng problema sa prostate.

      Liked by 1 person

  2. Susubukan ko din ang mga iyon. Kailangang subukan lahat dahil mahirap matulog kung lagi kailangang pumunta sa C.R…..

    Like

  1. Pingback: Mga Pangarap – MUKHANG "POET"

  2. Pingback: Reunion | M. A. D. L I G A Y A

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: