Category Archives: Poetry
The White Lie

Believe me!
It’s true,
What they say about white.
That it stands for goodness…
It symbolizes innocence.
Believe me !
It’s true,
What somebody said, and I quote –
“White is
inclusive,
impartial color,
favoring no single hue and refusing to take sides.”
Don’t believe the lie
That white is a color
that could kneel on your neck
and spray your back with seven bullets.
Why?
Because white is pure… untainted.
It’s true.
Believe me!
Bolero

Gabi noon nang umuwi si mang Teban
Itong si Bebang sa pinto nakaabang
At nang asawa’y pumasok sa pintuan
Pinadapo’y hampas sa kanyang bumbunan.
Sa nakita’y natawa anak na si Juan
Amang napaluhod siya’y sinimangutan
At nang makatayo lumapit kay Bebang
At siya’y tinanong, “Bakit ngayon ka lang?”
“Darling… sorry ako kasi’y nagovertaym.”
“Hoy… hoy kalbo luma na ang tugtuging ‘yan
Kung ‘di OT… traffic ang idadahilan
Gasgas na ang mga palusot mong ‘yan.”
Alam mo ba Bebang na A-B-C-D ka,
Sa totoo lang eh E-F-G-H ka pa.
Ika’y I-J-K, maniwala ka sana.”
Si Bebang ay natahimik… takang-taka.
A – as in AWESOME… B… Bebang you’re a BEAUTY,
Bilang asawa ika’y napakabuti,
C – you’re CHARMING, taglay mong ganda ay matindi,
D – so DAZZLING, wala na akong masabi.
“Matandang kalbo ako’y tigilan mo na,
Ika’y diyan magaling… sa pambobola.”
Ngunit halatang si Bebang… kinilig na,
Habang si Juan sa gilid… tawa nang tawa.
“E – EXCITING, oh kay sarap mong kasama,
F – FAITHFUL, sa akin Bebang ay tapat ka,
G – I’m GLAD ika’y aking napangasawa,
H – You’re so HOT Bebang, sa kuwarto’y tara na.”
Hetong si Juan, sa nangyari’y takang-taka
Animo’y na-hypnotize ang kanyang ina
Ina’y sinundan ang nagbubunying ama
Silid nila’y magdamag na nakasara.
Kinabukasan nang sila’y nagsigising
Naisipan ni Juan na ama’y tanungin –
“I-J-K… ano po ang ibig sabihin?”
Bulong ni Teban … “I’M JUST KIDDING.”
Dila
May isang hayop mailap at mabangis
Ito’y dila mong nasa loob ng bibig
Kontrolin mo yan… itali ng mahigpit
Nang hindi magulo, buhay mong tahimik.
Dila kasi’y matalas parang patalim
Nang h’wag makapanugat dapat kontrolin
Kaya nga’t anuman ang gustong sabihin
Pag-isipang mabuti bago bigkasin.
Kung ang dila mo ay kalahi ng anay
Laging ang hanap ay sisiraing buhay
Kapahamakan sa iyo’y naghihintay
Kaya’t maghunos-dili’t magbulay-bulay.
Itong sinasabi ko sundin mo sana
Iyang bibig mo bago ibuka
Sasabihi’y dapat pag-isipan muna
Baka katabilan mo’y ipahamak ka.
Huwag sumama sa makikitid ang utak
Na tao ang paksa kapag nag-uusap
Dilang makakati, makasira ang hanap
Sa saliw ng tsismis h’wag kang maki-indak.
At tandaan mo ito… payong kapatid
Isang bagay ang lagi mong isa-isip
Mga katoto mong mahilig sa tsismis
Kapag wala ka ikaw naman ang topic.
Kaya dilang makating nais kamutin
Kung naghahanap ka ng kakausapin
Bakit ang Panginoon ‘di mo subukin
Pumikit ka na lamang at manalangin.
KAMALIG
Malakas ang hangi’t madilim ang langit
Parating na bagyo handang humagupit
Kaya’t sa likod-bahay ika’y sumaglit
Pumasok ka’t silipin ang ‘yong kamalig.
May imbak ka bang palay na babayuhin,
Kapag naubos na bigas na pang-saing?
May sobra ba na puwede mong kalakalin,
Kung biglaang pera’y iyong kakaylanganin?
Sa kamalig ba ika’y may isinusksok
Upang kapag nagipit may madudukot
O nang umani ka lahat ay inubos
Pinagbilha’y winaldas, lahat ginastos.
Diskarte mo’y ayusin, huwag kang bulaksak
Sa kamalig mo matuto kang mag-imbak
Nang sa ganoon ay handa kang humarap
Kapag dumating pagsubok na mabigat.
Sana kung may panahon upang magtanim
Sikapin mong palagi lupa’y bungkalin
Batid mo namang ikaw ay may tungkulin
Tiyaking bukas may bigas kang isasaing.
Diligin ng pawis ang iyong pananim
Nang sa ganoon marami kang anihin
Maaani’y ‘wag kagyat lahat kainin
Magtira’t sa kamalig doo’y ipunin.
Ako’y Hinog Na

Ika’y nagbantay,
Matyagang naghintay.
Sa wakas, ako’y nahinog.
Hinog na hinog!
Pagmasdan mong mabuti ang aking alindog.
Hayaan mo munang mata mo’y mabusog.
Ika’y lumapit.
Di ba’t ako’y walang kasing-kinis?
Batid mo nang ako’y ubod tamis.
Batid mo ring ako’y makatas…
na ako’y walang kasing-sarap.
Halina.
Lapit pa.
Hawakan mo ako.
Hinay-hinay lang.
Ako’y hinog na.
Hinog na hinog.
Ako’y haplusin,
Dahan-dahang pitasin.
Amuyin…
Kagatin…
Gutom mo’y iyo nang pawiin.
When Our Color Turns Gray
We were born white
or black
or yellow
or brown
or red.
Different skin
Different hair
Different height
Different sizes
…but the same species –
HUMAN.
We all shall live.
… to grow
… to dream
… to triumph
… to fail
… to laugh
… to cry
… to love
But we all shall die…
The amount of melanin
That creates the illusion
Of whiteness, blackness, yellowness, brownness, or redness
Will not prevent us from dying.
We all shall die!
From ashes we came
to ashes we return.
And ashes are neither red
… nor brown
… nor yellow
… nor black.
Definitely, it’s not white.
It’s gray.
Oh C.M.
You’re strong,
but sweet.
Very sweet!
You lift me up.
You make my heart beat fast…
You gave me sleepless nights.
They say you’re no good for me.
Thus I tried hard to avoid you,
against my will.
I succeeded!!!
But just briefly,
Because one day… that familiar scent,
Shattered the promise I made,
To never fall again under your addicting spell.
So down I went to the coffee shop,
Where I first met you.
I was excited oh C.M.,
To have my soul,
Enslaved again by your fullness…
Twisted by your sweetness.
There in the coffeehouse
I told the server
“C.M. please!”
“And what’s that sir?” She asked.
“Caramel Macchiato!!!” I replied.
