KAMALIG

barnMalakas ang hangi’t madilim ang langit
Parating na bagyo handang humagupit
Kaya’t sa likod-bahay ika’y sumaglit
Pumasok ka’t silipin ang ‘yong kamalig.

May imbak ka bang palay na babayuhin,
Kapag naubos na bigas na pang-saing?
May sobra ba na puwede mong kalakalin,
Kung biglaang pera’y iyong kakaylanganin?

Sa kamalig ba ika’y may isinusksok
Upang kapag nagipit may madudukot
O nang umani ka lahat ay inubos
Pinagbilha’y winaldas, lahat ginastos.

Diskarte mo’y ayusin, huwag kang bulaksak
Sa kamalig mo matuto kang mag-imbak
Nang sa ganoon ay handa kang humarap
Kapag dumating pagsubok na mabigat.

Sana kung may panahon upang magtanim
Sikapin mong palagi lupa’y bungkalin
Batid mo namang ikaw ay may tungkulin
Tiyaking bukas may bigas kang isasaing.

Diligin ng pawis ang iyong pananim
Nang sa ganoon marami kang anihin
Maaani’y ‘wag kagyat lahat kainin
Magtira’t sa kamalig doo’y ipunin.

Advertisement

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer-Lifelong Learner I have three passions - teaching, writing, and learning. I am a Filipino currently residing and teaching in South Korea. I blog and vlog the things I write. I have two websites and two YouTube channels where I publish my works in my areas of interest. I also use Wattpad and Pinterest to publish my creative works. I am into research as well. Some of my articles were presented at conferences and published in indexed-journals. TO GOD BE THE GLORY!

Posted on August 3, 2020, in Creative Writing, Poetry, Tula and tagged , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: