ANG KAPALIT NG LIHIM – Part 2
(Maikling Kuwento)
Bago kami nagsimulang kumain ay lumapit sa akin si Junior. Kalmado na s’ya. Niyakap niya ako’t sinabing, “So..sssorri ku…kuya ha. Gu…good boy na ako…pa…promise.”
Nilapitan din ni Junior ang nanay at nag-sorry.
“Gu…good boy na ako na..nanay! L…love m…mo n…na u…ulit a…ako?”
Tumango lamang ang nanay. Buong higpit na niyakap si Junior at hinalikan sa pisngi. Nakita kong nangilid ang luha niya. Nakaramdam ako ng awa sa aming ina. Hindi ko siya puwedeng husgahan sa biglaang pag-init ng ulo niya nang komprontahin ang bunso namin kanina. Paminsan-minsan na ang tao’y panandaliang nawawala sa katwiran dala ng pagod, inis o galit. Pressured lang din siguro ang nanay dahil nga nililigalig nanaman kami ni Aling Cora.
**********
Nadatnan na namin sa barangay hall sina Aling Cora at ang asawa niyang pulis na si Mang Nestor. Na-late kami dahil pinilit pa naming kumbinsihin si Junior na sumama sa amin. Ayaw nitong lumabas ng bahay dahil madalas lamang siyang tuksuhin ng mga bata sa lugar namin. Tanging kay Girlie lamang siya nakaramdam ng pagtanggap mula sa isang kababata.
“Nakakahiya naman sa inyo, pa-VIP ba? Aba’y halos kalahating oras na kaming naghihintay dito ah,” bungad sa amin ni Aling Cora.
Yumuko lamang ang nanay. Ako ang sumagot.
“Pasensya na po, ma’am, ayaw kasing sumama kanina si Junior, hinintay pa naming mawala ang tantrums niya.”
“Ay! Ganun? May tantrums. OMG!!! Ang pangtutuya ni Aling Cora.
“Ay s’ya, simulan na natin ang pag-uusap para maaga tayong makatapos,” ang mungkahi ni Mr. De Villa, ang aming punong barangay. “Magsiupo kayong lahat.”
Nagsi-upo nga kami. Si Junior ay kumandong kay Nanay. Tumabi sa kanila si Jeng at ako nama’y tumayo na lamang sa kanilang likuran. Pinagmasdan ko sina Aling Cora at Mang Nestor na nakaupo sa katapat namin. Namumutiktik sa alahas ang mag-asawa at sa magkabilang kamay nila’y puro smartphones ang hawak. May nakasingit na clutch bag sa kili-kili ni Mang Nestor. T’yak kong baril ‘yun.
Pumwesto na rin si kapitan sa lamesa niya. Katabi niya ang secretary ng barangay na may hawak na logbook. May dalawang tanod sa bandang likuran nila at isa sa may pintuan.
“Eh, Kapitan, ano po ba ang dahilan kung bakit ipinatawag n’yo kami? Ano po ba ang problema kay Junior?” ang tanong ni Nanay.
“Ganun! Nagmamaang-maangan ka! As in hindi mo talaga alam kung ano ang ginawa ng anak mo,” ang pasarkastikong sabi ni Aling Cora.
“Eh, hindi nga talaga namin alam, eh. Sa palagay mo, magtatanong ba ang nanay kung alam na niya ang dahilan?”
Nabigla ako sa sagot ni Jeng. Natingin sa kanya ang lahat ng taong nasa loob ng opisina ni kapitan. Parang ready for war ang kapatid ko.
“Jeng, cool ka lang ha!!!” ang bulong ko sa kanya.
“Hindi, kuya. Hindi ako papayag na babastusin ng gagang ‘yan si Nanay,” ang pabulong ding tugon ng kapatid ko.
“O sige, straight to the point na ako, Aling Tessie,” ang deklarasyon ng punong barangay namin. “Nawawala ang bagong cellphone ni Ma’am Cora. At may nakakita na pinulot ito ni Junior.”
“Bago ang cellphone. Nakalagay pa sa box. Nalaglag siguro ito ni misis nang bumaba ng kotse namin pag-uwi niya sa bahay kahapon,” ang dagdag ni Mang Nestor.
“Kapitan, tiningnan ko pa ito bago ako bumaba ng kotse. Akala ko siguro ay naibalik ko nang maayos sa aking bag. Ramdam kong may ilang bagay akong nalaglag. Hindi ko na pinansin kasi nagmadali akong pumasok. Ihing-ihi na kasi ako at that time. Nadaanan kong nasa sakop ng bakuran namin ‘yang si Junior.”
“Ah, mawalang-galang na po, Ma’am Cora,” ang sabi ko. “Sino po ba ang nakakita na pinulot ni Junior ang nawawala ninyong relo?”
“Si Josie!!! Maghintay ka lang at paparating na iyon. Akala mo ba nag-iimbento lang ako ng kuwento, ha, Sean?”
“Hindi po, ma’am, nagtatanong lang po ako.”
“Eh sana nga hindi ka lang nag-iimbento, Aling Cora.” ang buwelta sa kanya ni Jeng. “Binabastos mo ba ako, ha Jeng?” Tumayo si Aling Cora at balak niyang lapitan ang kapatid ko.
Pinigilan s’ya ni mang Nestor.
“Tumahimik ka ha! Kapag nagsalita ka pa ulit, eh papauwiin na kita,” ang pagbabanta ni Nanay kay Jeng.
“Bitter ka lang, Jeng, dahil ayaw namin sa iyo para kay Alfred. Bitter ka lang dahil hiniwalayan ka ng anak namin. Magaling ka kasing pumili ng BF. Siyempre, iyong gwapo na at marami pang laging allowance. O, di ba?”
Nanggigigil ang kapatid ko. Gustong-gustong niyang sumagot, pero pinisil ko ang braso niya upang pigilan ito.
“Kahit kailan ay hindi ka namin magugustuhan para kay Alfred. Tandaan mo ‘yan. Wala kang breeding.”
“Ba…bad ka, ba…bad ka…ba bad ka!” pasigaw na sabi ni Junior habang nakaturo kay Aling Cora. Sa ganun mang kalagayan ng kapatid ko ay ramdam niya na parang may masamang ginagawa sa amin si Aling Cora at gusto n’yang ipagtanggol ang mga mahal n’ya sa buhay.
“Ba…bad ka, ba..baadddd. Pa…pangit mo.!”
Napuwersa ang nanay na takpan ang bibig ni Junior. Kinagat ng kapatid ko ang kamay ni Nanay. Kitang-kita kong nasaktan ang aming ina ngunit hindi niya inalis ang kamay dahil agitated na ang kapatid ko. Magsisigaw siyang tiyak kapag nawala ang kamay sa bibig nito.
Umalalay ako sa nanay. Tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ni Junior at ipinalit ko ang sa akin. Kinagat din ito ng kapatid ko. Gigili na gigil na siya. Ramdam ko ang diin ng ngipin nito sa aking palad. Tiniis ko ‘yon.
“Good boy ka, Junior, ‘di ba? Doon tayo sa likod ni Nanay. Kainin natin itong cupcake o.”
Pagkakita ng kapatid ko sa inilabas kong pagkain ay bumitaw ito sa pagkakakagat sa kamay ko at sumama papunta sa likod ng nanay. Habang kinakain niya ang cupcake, nakatingin ito kay Aling Cora. Matalim.
“Ano ba ito? Freak show!” ang patudyada ni Aling Cora.
“Tumigil ka na, Cora! Nakakahiya kay Kapitan, ano ba!” Hinila paupo ni Mang Nestor si Aling Cora pagkasabi n’yon.
“Pasensya na po kayo, Ma’am Cora… Sir Nestor sa mga anak ko,” wika ni Nanay.
“Nanay, wala kang dapat ihingi ng pasen…” hindi natapos ni Jeng ang sasabihin, marahang tinampal ni Nanay ang kanyang bibig.
“Sinabi nang manahimik ka lang! Gusto mo bang mapauwi, ha? Hindi na umimik si Jeng. Yumuko na lamang ito.
Nakakita ako ng pagkakataon upang magtanong kay Junior.
“Ahh Junior. Masarap ba cupcake?” “Sa…sarap ku…kuya. Sa…sarap!”
“Mamaya, bili ulit tayo ha.”
“Si…sige ku…kuya…Bi…bili m…mo a…ako u…ulit ha.” “Promise! Pero sagutin mo muna ang tanong ko.”
Tumango si Junior.
“May napulot ka ba kahapon sa bakuran nila, Ma’am Cora?” Tumango ulit si Junior.
“O kitam kapitan. May napulot daw s’ya. Ilabas n’yo na,” ang bulalas ni Aling Cora.
“Teka po, misis, hayaan n’yo munang tapusin ni Sean ang pagtatanong sa kapatid n’ya,” ang sagot ni Mr. De Villa.
“Bunso, ano naman ang napulot mo?” ang pagpapatuloy ko sa pagtatanong kay Junior.
Tumingin sa akin si Junior at sinabing, “Se…secret. Se…secret. Wa… walang clue. Hi…hindi k… ko sa…sabihin.”
“Dali na bunso. Good boy ka ‘di ba? Ano napulot mo?
Hindi na sumagot si Junior. Tumalikod ito sa akin at ipinagpatuloy lang ang pagkain ng cupcake.
“Se…secret…se…secret! Wa… walang clue.”
Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Junior. Ang nanay naman ang lumapit kay Junior.
“Bunso, sabi mo good boy ka ‘di ba? Sige na naman, oh, sabihin mo na sa amin kung ano ba ang napulot mo. Saan mo inilagay?”
“Sa…sabi ng se…secret eh! Se…secrettttt!!! Wa… wala ngang clue.
Alam ng nanay na hindi niya mapapaamin si Junior kahit ano pa ang gawin niya.
“O, paano kapitan ayaw sabihin ng bata. Baka naman naturuan na na huwag sasabihin para alam mo na. Puwede kasing ipagbili ang cellphone para magkapera.”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
“Mam Cora, h’wag n’yo naman kaming insultuhin ng ganyan. Hindi po namin pag-iinteresan ang cellphone n’yo. Kung iyon ay napulot ni Junior at dinala sa bahay ay titiyakin ko sa inyo na hahanapin namin ang may-ari para isauli ito.”
“Hoy!!! Huwag kang magtaas ng boses. Kilalanin mo kung sino ang mga kausap mo.” “Opo, Mang Nestor, kilala ko si Aling Cora!!! Kilala kita. Kilalang-kilala!!! Alam kong…” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. Ang bibig ko naman ang tinampal nang marahan ni Nanay. “Naku, Sir Nestor, pasensya na talaga, pasensya na po. Ganito na lang po kapitan, kung
papayag po si mam Cora ay bibili na lamang ako ng bagong cellphone katulad nang nawala n’ya. “Ha, ha, ha. Talaga lang ha!!!” ang parang nang-iinsultong sabi ni Aling Cora. “Sigurado
ka ‘ba dyan sa sinasabi mo?”
“Opo mam Cora. May naitabi naman akong pera. Pang-tuition sana ng mga anak ko sa pasukan. Para lang po matapos na ang usapan. Baka nga kasi napulot ni Junior ang relo n’yo at naitapon na kung saan.”
“iPhone 17 Pro ang cellphone na iyon. Halos isang daang libong piso ang halaga. Hindi kasya ang naitabi mong tuition fee ng mga anak mo,” ang bulalas ni Mang Nestor.
Natahimik si Nanay. Nagkatinginan kami. Kitang-kita ko ang pamumutla niya. Marahil ay napahiya siya. Akala niya siguro, ako man, na isang mumurahing cellphone lamang ang nawawala.
Ganun kabigat ang napasukan naming problema. Niyakap ni Jeng si Nanay. Nilapitan ko naman si Junior. Bumulong ito sa akin,“Ku…kuya, pa…pahingi p…pang c…cup c…cake.”
“O natahimik kayong mag-anak. Akala n’yo ba tig-isa o dalawang libong pisong cellphone lang ang nawawala?” ang pangangatyaw ni Aling Cora. “At hindi sa amin ang cellphone na nawawala. Ipinatago lang sa akin ni Mayora matapos niyang bilhin ito kahapon. Ireregalo n’ya kay mayor bukas sa birthday n’ya. Siguro naman alam n’yo na kung ano ang mangyayari kapag nakarating pa kay mayor ang usaping ito.”
“Anong gusto mong gawin ko mam Cora. ‘Di ba sinabi ko naman sa inyo na walang iniuwing cellphone si Junior sa bahay. Walang ibinigay sa akin, o kay Jeng o kay Sean na cellphone ang batang ‘yan.”
“Pero nadinig n’yo naman na umamin ang Junior na ‘yan na may napulot s’ya.” Ang dagdag ni Aling Cora.
“Ilabas n’yo na kasi. Pinagiinit n’yo ulo ko ah. Hindi ako papayag na mapahiya kay mayor dahil sa kagagawan n’yo.” Tumayo na si Mang Nestor sabay akmang bubuksan ang clutch bag na dala nito.
“Mawalang galang na po mam Cora…sir Nestor.” ang sabat ni kapitan. “Ako’y walang kakampihan sa isyung ito, ano. Pareho ko kayong kababaryo. Ang sa akin lang ay kailangang mapatunayan beyond reasonable doubt na napulot nga ni Junior ang nawawala ninyong relo.”
“Okay, okay. Paparating na si Josie. S’ya ang magpapatunay na napulot ni Junior ang cellphone.” Pagkasabi n’yo ay matalim kaming tinitigan ni Aling Cora.
Mula sa labas ay may narinig kaming wang-wang. Nakita ko mula sa bintana ng barangay hall na bumaba si Josie mula sa isang police patrol.
“O kapitan ayan na si Josie, ang witness namin.” ani mang Nestor.
Pumasok si Josie. Isang matandang dalaga na nakatira malapit sa amin. May dala pang plastic bag na malaki. Mukhang nag-shopping bago pumunta sa barangay. Binigyan siya ng tanod ng mauupuan. Nang makita ni Josie si Nanay ay umismid ito. Minsan kasi ay ipinabarangay siya ng nanay dahil sa pagkakalat ng tsismis na kabit daw ng kung sino-sino ang aming ina.
“Aling Josie! Alam mo na siguro kung bakit ka ipinatawag dito,” ang tanong ni Mr. De Villa.
“Opo kapitan.” ang tugon ni aling Tessie “Kahapon po kasi ay nagkataong nagawi ako sa lugar nila aling Cora. Nakita ko ‘yang si Junior na nasa loob ng bakuran nina Aling Cora. Kitang-kita ko na may pinulot s’yang parang ano ba…iyong parang rectangle ang hugis…pahaba s’ya. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay bigla niyang itinago sa likuran ang napulot niya.”
Tumingin si Josie kay Junior. “Junior, ‘di ba nakita mo ako kahapon?”
Pinagmasdang mabuti ni Junior si Josie. Lahat kami’y nag-abang sa isasagot ng kapatid ko.
Tumango ito.
“Junior, ‘di ba may napulot ka kahapon sa bakuran nina Ma’am Cora?” Tumangong muli si Junior.
“Ano ba napulot mo. Cellphone ba iyon?”
“Se…secret nga eh. Se…secret!. Wa… walang clue.”
“Kita ko eh, relo napulot mo.”
“SE…SECRET NGAA! KU…KULIT N…N’YO…
“Tama na aling Josie, nagagalit na kapatid ko, baka po mag-tantrums ito dito.” Ang pakiusap ko.
“Anong tantrums tantrums. Pilitin mong magsalita ang kapatid mo. Ilabas n’yo ang iPhone ni mayora. Ilabas n’yo!!!” Galit na sabi ni Aling Cora.
“Ilang beses ba naming sasabihin sa inyo na wala sa amin ang cellphone? Walang iniuwing cellphone si Junior sa amin. At nakakasigurado ba kayo na iyon nga ang napulot ng kapatid ko? Sobra na kayo, Aling Cora,” ang bwelta ni Jeng na halatang hindi na kayang magtimpi.
“Bastos ka talagang bata ka! Manang-mana ka sa nanay mong walang pinag-aralan.”
Pasugod na si Aling Cora kung hindi nakapagitna ang isang tanod. Nakita kong tumayo na ang nanay. Medyo nangigigil na rin. Hindi siya papayag na masaktan ang aking kapatid.
ANG KAPALIT NG LIHIM – Part 1
(Maikling Kuwento)
Pinapapunta kami ni Mr. De Villa, ang aming punong barangay, sa kanyang opisina. May reklamo daw kay Junior. Ang kapitbahay naming si Aling Cora ang nag-file ng complaint. Pinilit kong alamin sa nagdala ng notice kung bakit, pero ayaw nitong sabihin. Basta pumunta na lamang daw kami doon bandang ala-una ng hapon.
Inisip ko kung ano nanaman ang isyu ni aling Cora sa pamilya namin. Kinarir na yata ang pamimwisit sa amin. Sa dinami-dami naman kasi ng puwedeng maging kapitbahay, bakit siya pa at bakit nagkataon pa na magkatapatan ang aming bakuran na ang nakapagitan ay isang lamang makipot na eskinita.
Walang mapagsidlan ng kayabangan si Aling Cora at lalo pang naging mapagmataas nang maging personal assistant ng asawa ng mayor sa bayan namin.
Dati’y inaway nito si Nanay. Sumunod ang kapatid kong si Jeng. Ngayon naman ang puntirya niya ay ang bunso namin. Marahil ako na ang susunod.
Kung ano man sana ang problema tungkol kay Junior ay puwede naman sigurong pag-usapan na lang namin bilang magkapitbahay. Bakit kailangang dalhin pa niya sa barangay. Hindi makakatulong sa kalagayan ng kapatid ko ang ginawa niyang iyon.
Nagpasya akong tanungin si Junior kung ano ba ang ginawa niya, kaya’t pinapatawag kami ng aming kapitan sa barangay. Hindi siya sumagot. Umiling-iling lamang siya.
“Sige na, Junior! Good boy ka naman, ‘di ba? Sabihin mo naman sa akin, o. Ano ba ang nangyari? Bakit inirereklamo ka ni Aling Cora?” Ang hiling ko sa aking bunsong kapatid. “Kapag sinabi mo sa akin ay ibibili kita mamaya ng paborito mong cheese cupcake.”
Tiningnan lamang ako ni Junior, ngunit hindi pa rin ito nagsalita. Sinimangutan pa ako. Halatang wala nanaman s’ya sa mood. Gusto kong mainis ngunit pilit ko na lamang siyang
inunawa. Hindi ko na siya pinilit at baka umiyak siya at magwala. Ganun siya kapag naiinis o nasasaktan. Iiyak, magsisigaw at minsa’y naninira ng mga gamit na mahawakan.
Special child ang kapatid ko. Meron siyang Down syndrome. May pagka-moody. Dapat ay Grade 4 na siya, pero dahil nga sa kanyang kalagayan ay mabagal ang kanyang mental development. Parang sa isang 3-taong bata pa lamang ang kanyang pag-iisip. Maliit kumpara sa normal ang kanyang ulo. Maging ang kanyang mga tenga at labi man ay may kaliitan din. Hindi proporsyonal ang sukat ng kanyang mga paa’t kamay sa kanyang katawan. Utal din siyang magsalita. Laging inuulit ang unang pantig ng bawat salitang bibigkasin.
Hindi siya makapag-aral dahil sa kanyang kalagayan. Walang provision for special education sa mga public schools sa lugar namin. Sinubukan noong i-integrate siya sa regular classes, pero hindi naging maganda ang resulta. Natakot ang ibang classmates niya sa kanya at ang iba nama’y madalas siyang pagtawanan dahil sa kanyang kakaibang anyo. Hindi naman siya mabigyan ng sapat na atensyon ng teacher noon dahil mahigit limampu ang bilang ng mga estudyante sa klase. Tumigil na sa pagpasok si Junior nang minsan ay may classmate na nanakit sa kanya. Lumaban siya, nagwala sa klase at ipinagbabato ang kahit anong mahawakan. Maraming nasaktan sa mga kaklase niya noon at natural na magreklamo ang mga magulang ng mga ito.
Hindi na nga pumasok si Junior mula noon. Wala naman kaming sapat na pera para pag-aralin siya sa isang school for children with special needs. Ganun pa man, kapag may pagkakataon, ay tinuturuan ko ang aking kapatid ng basic reading, writing at math.
Hindi rin namin kayang ipagamot si Junior. Patay na ang aming ama, limang taon na, at tanging ang nanay ko lamang ang nagtataguyod sa aming magkakapatid. Nagtitinda siya ng damit sa isang maliit na puwesto sa palengke. Kapag walang pasok ay halinhinan kami ni Jeng na tumutulong sa pagtitinda. Iyong lamang ang source of income ng aming pamilya. Ganun pa man
ay pilit na iginagapang ni Nanay ang pag-aaral namin. Si Jeng ay nasa high school at ako nama’y nasa kolehiyo. Education ang kurso ko at dahil kay Junior ay magme-major ako sa Special Education. First year pa lamang ako pero nagbabasa na ako ng literature tungkol sa mga batang may special needs, lalo na ang may Down syndrome. Nanonood din ako sa YouTube ng mga documentaries tungkol sa kalagayan ng aming bunso. Gusto kong kahit papaano ay matulungan ko ang nanay sa pag-aalaga kay Junior.
Bagama’t bata pa’t maganda ang nanay at maraming nanliligaw, ay hindi na ito muling nag-asawa. Inilaan na ng aking ina ang buhay niya para kay Junior at sa amin ni Jeng. Madalas na nababalita sa amin na kabit daw ang nanay ng kung sino-sino. Tinatawanan lamang niya ang mga ganoong tsismis. Hindi ko pinaniniwalaan iyon. Kilala ko ang aking ina. Hindi siya kailanman gagawa ng bagay na ikasisira niya at ng aming pamilya. Hindi niya dudungisan ang pangalan ng pumanaw kong ama.
Napabalita rin noon na niligawan si nanay ni Mang Nestor, ang asawang pulis ni Aling Cora. Kilalang babaero si Mang Nestor at sinubukan niyang makascore sa aking ina. Nire-regaluhan ng kung anu-ano ang nanay. Pero hindi siya pinatulan nito. Alam ni Aling Cora iyon. Kaya nga’t mainit ang dugo nito sa nanay at sa amin. Minsan ay tinapatan niya ang bahay namin at sinabihan ang nanay na tigilan ang kanyang asawa. Hindi pumatol sa pang-aaway na iyon ang aking ina.
Nagkagustuhan din ang anak niyang si Alfred at ang kapatid ko. Magkakalase sila at madalas magkasama. Galit na galit si Aling Cora nang malaman niya ang tungkol doon. Tumapat nanaman naman siya sa bahay namin at nagtatalak. Napilitang i-break ni Alfred ang kapatid ko at pagkatapos ay inilipat siya sa isang school sa Maynila upang tuluyan nang makaiwas kay Jeng.
Ayaw na ayaw din niyang nakikipaglaro ang limang taong anak niyang si Girlie kay Junior.
Madalas na itinataboy ni Aling Cora ang kapatid ko kapag ito’y nagpupunta sa kanilang bahay.
Sinubukan ding bilhin ni Aling Cora ang lupa’t bahay na ipinundar para sa amin ni Tatay. Hindi pumayag ang aking ina. Iyon daw ay alaala ng aking yumaong ama at walang halagang puwedeng itumbas doon.
**********
Halos tanghali na nang dumating sa bahay ang nanay at si Jeng mula sa palengke. “Nasaan si Junior!” ang nanggagalaiting tanong ni Nanay. Nakakunot ang noo ng aking ina at hindi mangiti.
Nilapitan ng nanay si Junior na nakaupo sa sahig habang nanonod ng TV sa salas. “Ano bang kabalbalan ang nagawa mo at ipinapatawag tayo sa barangay ha?” ang tanong ni Nanay habang hawak ang magkabilang balikat ni Junior. “Junior naman, hirap na hirap na kami sa pag-aalaga sa’yo tapos problema pa ang idudulot mo.”
Mahigpit ang pagkakahawak ng nanay sa mga balikat ni Junior kaya’t halatang namimilipit ito sa sakit habang nakapikit. “Magsalita ka, ano ba ang nangyari at inirereklamo ka ni Aling Cora ha…ano?”
Sa halip na sumagot ay bumunghalit ng malakas na iyak ang aking kapatid. Tinabig ang mga kamay ni Nanay at nagpagulong-gulong ito sa sahig. Umiyak nang umiyak si Junior, malakas, nakakabingi. Nang tumigil ito sa paggulong ay sinimulang pagsisipain ang mga upuan sa salas habang ito’y nakahiga.
Natigilan ang nanay. Nahimasmasan. Nakita kong nangilid ang luha. Marahil ay nagsisisi sa pamamaraang ginamit sa pagtatanong kay Junior.
Lumapit si Jeng kay Junior. Nais sigurong pigilan ang huli sa ginagawa. Ngunit siya manay nasipa.
Nang tumayo na ang bunso naming kapatid ay nilapitan ko na ito. Ang susunod na gagawin niya ay maghahanap ng alinmang bagay na ibabalibag. Niyakap ko siya.
“Tama na bunso. Good boy ka ‘di ba.”
Pilit na kumakawala si Junior mula sa pagkakayakap ko. “Bb…bad ka…kayo! Bb…bad!!!” Pautal na sabi ni Junior habang umiyak pa rin siya at isinusuntok sa likod ko ang kanyang mga kamay. Paulit-ulit ang suntok niyang iyon sa aking likod. Hinayaan ko lamang. Masakit, pero pilit kong tiniis.
“Sorry na bunso! Sorry na! Tama na!”
Habang nagtatagal ay naramdaman kong humihina na ang suntok ni Junior sa likod ko.
Tumigil na rin siya sa pag-iyak.
Ganun ang role ko kapag may tantrums si Junior. Kapag umiyak at nagwala ang bunso namin at akma nang maghahanap ng ibabalibag ay kailangang yakapin ko na siya upang huwag makapanira at makapanakit. Titiisin ko ang sakit ng suntok o sipa niya hanggang siya ay kumalma.
Nang maayos na si Junior ay nilapitan kami ng nanay.
“Junior, anak. Sorry ha. Nabigla lang ang nanay. Pagod lang kasi ako.”
“Bbb…badd kk…ka na…nanay. Hi…hindi mm…mo n…na a…ako ll…love” ang sagot ni Junior. Humulagpos sa pagkakayakap ko si Junor. Nahiga ito sa ilalim ng upuan. Hinayaan na lang namin s’ya doon.
Iyon ang laging huling stage ng tantrums ni Junior. Pupunta ito sa ilalim ng upuan, mahihiga doon nang ilang minuto at kapag okay na siya ay kusang aalis doon. Paminsan-minsan naman na kapag gusto kong umayos kaagad si Junior ay sinasabi kong may dumarating na pulis at may dalang baril. Kaagad na tatakbo sa akin ito at yayakap. Takot na takot sa baril si Junior. Kapag bukas ang TV at may nakitang baril sa pinapanood, ay tatakbo ito sa akin. May mga pagkakataon na lalampasan niya ako’t sa labas ng bahay tatakbo. Kapag ganoon ay kailangan ko siyang sundan. Minsan kasi ay muntik na siyang mabundol ng traysikel nang tumakbo siya
Palabas ng bahay.
“Nanay, alam n’yo na pala ang tungkol sa complaint ni Aling Cora.” Tumango lamang si
nanay.
“May nagbulong sa kanya kanina sa palengke, kapatid nung secretary sa barangay. Sinabi ngang inirereklamo ng mahaderang kapitbahay natin si Junior,” ani Jeng.
“Ganun ba?” sagot ko kay Jeng. “Teka, nakita ko nga pala naglalaro kahapon sina Girlie at Junior sa harap ng bahay nila.”
“Hindi ba kabilin-bilinan ko kasi sa inyong dalawa na huwag ninyong hahayaang makipaglaro si Junior sa anak na iyon ni Aling Cora!!!”
“Nanay, tanging si Girlie lang ang batang gustong makipaglaro kay Junior. Best friends sila. Kaya hayaan lang natin s’ya. Masaya si bunso kapag magkasama sila ni Girlie. At kapag pinipigilan kong pumunta doon ay nag-iiyak at gumulong sa sahig,” sagot ko sa nanay.
“Nandoon na ako pero laging itinataboy ni Aling Cora na parang aso ang kapatid n’yo kapag nakikita s’ya d’yan sa kabila. At kaya takot sa baril ‘yan eh minsang tinutukan na siya ng baril ni Mang Nestor para umalis sa bakuran nila.”
“Mas madalas namang wala doon sina Aling Cora at Mang Nestor.” tugon ni Jeng. “Hay naku, nakahanap na naman ng dahilan ang Aling Cora na iyan para idikdik tayo. Si Nanay kasi. Sana pumayag ka na lang na bilhin nila ang lupa’t bahay na ito, magpakalayo-layo tayo sa kanila para tahimik na buhay natin.”
“Jeng, alam mo na ang isasagot diyan ng nanay.” Tinignan lang kami ni nanay. Wala itong sinabi.
“Oo na. Oo na!!! Kuya… hindi kaya nasaktan ni Junior si Girlie kaya ganun?”
“Hindi gagawin ni Junior iyon. Napakaamo’t napakabait niya kay Girlie. Minsan nga tinatawag pa natin iyong bata para siya ang magpatigil sa tantrums ni Junior.”
“Malalaman natin mamaya. Hala, Jeng, Sean…maghain na kayo nang tayo’y makakain na.
Bago mag ala-una kaylangang nasa barangay tayo.
Grace In A Foreign Land
Today, I begin my 14th year here in South Korea.
Fourteen years ago, I boarded a plane carrying more than luggage. I carried questions. I carried fear. I carried unfinished conversations with the people I loved. And yet, above all, I carried conviction — the kind that whispers, Go. There is more waiting for you.
Time has a way of softening distances and turning foreign places into familiar ground. What was once unknown has become part of my story. What once felt like exile became expansion. And in all these years, I have come to understand that certain decisions do not merely change your address — they change your direction.
South Korea did not simply become my workplace; it became a refining ground. Here, I grew not only as an educator but as a thinker, a writer, and a man of faith. The classrooms sharpened my discipline. The solitude deepened my introspection. The unfamiliar culture stretched my perspective. This land became the platform on which I learned to rebuild, rediscover my purpose, and pursue excellence beyond the limits of my former comfort zone.
I thank the Lord for sustaining me through every season — through doubt, through growth, through silent battles no one else saw. And I thank this country for serving as the backdrop to one of the most defining chapters of my life.
But every long journey has a beginning. Every transformation has a first trembling step.
And mine began with a single day — a day marked by cold air, empty rooms, unanswered calls, unexpected kindness, and a faith that refused to collapse.
That first day in South Korea is something I will never forget.
It was in the early dawn of March 2, 2013 when I left the Philippines aboard Asiana Airlines. Around eight in the morning, the plane landed at Busan International Airport. At that time, Mr. Kenn Lachenal was with me. We were both headed to South Korea to teach English at Gyeongju University.
I admit that during that time, I was overwhelmed — not because of drugs, but because of the many thoughts about my loved ones and the anxiety over the new challenge I had chosen to face.
It was against my will to leave my loved ones behind, but it was necessary. I also did not want to step away from the school I had served as Principal for almost a year. Yet I have always refused to be ruled by my emotions. I did not want to avoid a decision simply because I surrendered to feelings. I carefully thought through my decision to go to South Korea to teach. It was not impulsive. It was part of my plans — a long-considered intention whose time had finally come. I would not allow my emotions to stop me.
It was not the desire for a higher salary that drove me abroad. I was already earning well as a principal. On top of that, I was working as an academic consultant at a technical school and as a part-time college instructor. Financially, I was stable. I had even built a house. The problem was this — I was no longer comfortable in my comfort zone.
I had grown weary of supervising teachers and employees. It felt stagnant — no longer challenging. Something was missing — something I longed to find. Personal issues that needed resolution did not help either. It became clear to me that I needed a radical change in my life if I wanted to preserve my sanity. I had to go somewhere new for a fresh beginning.
I felt as though I was at a dead end — yet I knew there was a world beyond dead ends. That was the world I wanted to reach… to explore.
As Jake Sully, the main character in Avatar, once said, “Sometimes your whole life boils down to one insane move.” Like Jake, though I felt fear, I was certain of my decision before I jumped to wrestle and tame my own “Toruk.”
I brought only two things with me to South Korea — self-confidence and faith in God. That combination has always been my shield against trials and my hook for reaching whatever I aspire to achieve.
I was not seeking luck in this country; I do not believe in luck. I believe that “God gives mercy, but man must act.” My purpose was to write a new chapter of my life here — a new phase in the destiny I believe I must draw for myself.
It was my first time traveling abroad, and I was fortunate to be with Mr. Lachenal. Aside from being helpful, he was experienced in overseas travel. Since we were both headed to Gyeongju University, I was confident I would not get lost.
When we arrived at Busan International Airport, I was shocked by the cold. It pierced through my jacket. I had assumed that since winter had ended and spring was beginning, the weather would be like Baguio. Thankfully, the bus we took to Gyeongju-si had its heater running. Though I was sleepy, I could not fall asleep during the ride. I kept looking at every place we passed. I said to myself, “Here I am in South Korea.”
After nearly two hours, we arrived in Gyeongju-si. Mr. Mark Celis welcomed us. He brought us to the apartments where we would stay — Mr. Lachenal to the “white house,” and me to the “blue house.” Not the White House of Washington D.C., nor any political residence in Seoul — those were simply the names given to the apartments provided by Gyeongju University for foreign professors. They were named after their paint colors. There was also a “yellow house” and a “green house.”
Before leaving, Mr. Celis ensured that my unit was in order and introduced me to another Filipino professor at Gyeongju University — Dr. Randy Tolentino, who also lived in the “blue house.”
When I entered my room, I felt for the first time what it truly meant to be alone — far from loved ones, in an unfamiliar place. I simply stood there, unsure of what to do first.
After regaining composure, I opened my suitcase and slowly arranged my belongings.
The surroundings were silent. I heard nothing but my own footsteps. I could even hear my heartbeat and the sound of my swallowing. After arranging my clothes and things, I suddenly felt the intense cold again — and hunger. The refrigerator was empty. There was a gas stove, but nothing to cook. I made do with the biscuits I had brought from the Philippines.
Then I remembered I needed to call my loved ones to inform them I had arrived safely. When I reached for my cellphone, I realized I had not activated roaming on my SIM card. I felt foolish. I cursed under my breath. I could not call anyone; my phone was nothing more than a music player.
I admit that at that moment, deep sadness overwhelmed me. I was still hungry despite finishing almost all my biscuits. I was shivering from the cold. The silence felt deafening. I was alone, with no one to talk to. I also worried that my loved ones were already anxious, waiting for news from me.
In that moment, I understood the true meaning of HOMESICKNESS — just hours after landing in South Korea.
But amid that sadness, I looked up to heaven and remembered that I had prayed many times for the chance to come to this country. I do not know why, but as far as I know, He has never ignored my prayers. I even wrote a poem about it in English — seven syllables only:
He answers.
Just wait.
Have faith!
I was about to lie down to drown my hunger and sadness in sleep when I heard knocks at my door. It was Randy.
He came in and talked with me. He was from Iloilo. At least I had someone to speak with now. While we talked, he looked at my stove and showed me how to operate it. He must have noticed I was cold, because he also taught me how to use the floor heater. I felt somewhat relieved by his help. He opened the kitchen drawers and found a few cans of food left behind by the previous tenant. He left briefly and returned with packs of noodles and some 3-in-1 coffee.
I was surprised by the generosity Randy showed, whom I would later call Sir Randy. It was as though he had known me for years. He stepped out again and returned, saying, “Come on, bro, my girlfriend has cooked. Let’s eat.”
I followed him to his unit. I was surprised, but I did not hesitate — not because I was desperately hungry, but because I felt the sincerity of his invitation. It would have been embarrassing to refuse.
The food was warm, but warmer still was the care shown to me by Sir Randy and his girlfriend, Nikki, who was from China. I was about to take my first bite when Sir Randy offered a prayer of thanksgiving. My respect for him deepened at that moment. At my first bite, tears welled up in my eyes — moved by their kindness and by how God answers prayers. When the couple looked at me, I casually said I must be catching a cold — that was why my eyes were watery. I do not know if they believed me.
After dinner, Sir Randy walked me back to my unit, carrying some cooked food. I said, “This is more than enough, bro!” He smiled and explained they were leaving for Daejeon and just wanted to make sure I had food until the next day. He then returned to his unit and brought me a pot, a pan, a kettle, and some coffee sticks. I did not know what to say. I wanted to hug him for all the help he was giving.
His kindness did not end there. When he learned I could not use my SIM card, he lent me one of his smartphones and his iPod before they left, and he kept his Wi-Fi open so I could use the internet. Our units were only meters apart, so I could access his connection from my room.
I had no words left. “Thank you” felt worn out from repetition. I wanted to hug him, but he was in a hurry to leave. After he stepped out of my unit, I simply closed my eyes and silently thanked Him. I am not a good person. I am weak and sinful. It is simply that the Lord is gracious and loving to those who call on Him.
I am truly fortunate that on my very first day in South Korea, I met friends like Randy and Nikki. They are more than friends — they are siblings from different wombs. They are the reason my first day in South Korea is so special.
Randy and Nikki are living testimonies of God’s goodness.
MAD’S WORKSHOP
My Main YouTube Channel
MAD’s Workshop is my virtual studio. It is where I blog, vlog, and scratch my creative itch. I have diverse interests, including prose and poetry, education, research, language learning, and sports (basketball and boxing). But I consider self-improvement as my primary advocacy.
I blog and vlog about my interests and advocacies. I create content in English and Filipino. I have two other active YouTube channels:
M.A.D. Ligaya (The Road To Self-improvement): https://www.youtube.com/@madligaya-2
Mukhang_Poet: https://www.youtube.com/@madligaya-3
This channel is the repository for all my videos on my social media accounts.
You can check my research works here:
https://www.researchgate.net/profile/...
Please check my websites also:
https://chingligaya.wordpress.com/
You can read some of my stories here:
https://wattpad.com/user/madligaya
You can see the PINS of the poems I have written here:






