Blog Archives

Forty-four Shades of Red

header_bg(Lest we forget!)

Grey has fifty,
Red has forty-four.

It’s neither black nor white,
But not grey also.
The choice’s not clear –
Good or evil?

It’s neither black nor white –
Not grey.
It’s red,
It’s blood!
The choice is clear,
Heed the marching orders!
No shades of grey,
It’s red.
Forty-four shades of death.

Apelyido Ng Sakristan

nuns-weed-cannabis-nzweed-1200x628Isang araw noon doon sa simbahan
Dalawang madre sakrista’y nilapitan
Ang isa’y nagtanong sa batang sakristan
“Ano ba utoy ang buo mong pangalan?”

“Hello po sisters! Ang pangalan ko po’y Juan,
Pwede po bang apeldyido ko’y hulaan?”
“Aba! Basta ba may clue eh game kami d’yan.”
“Sure po… heto na ang clue inyong pakinggan.”

“Apelyido ko po’y gusto n’yong hawakan.
Kung pwede nga eh di n’yo ‘to bibitawan
Pagkarinig nito madre’y nagtinginan
At bigla na lamang sila’y nagtawanan.

Natameme si Juan… gulat at tuliro.
“Naku! Sorry at natawa kami hijo,
Kasi BAYAG pala inyong apelyido.”
Ha! Mali po. Apelyido ko’y ROSARIO!

Find Me This Country

peace

Where people are not on a killing spree
Where no violence could erupt,
Bomb explode
Or a four-wheeled might just run amok.

Where nobody thirsts for a mayhem
And for no reason but insanity
Spray bullets on anybody.

Where there are no drug addicts
No extremists,
Who, when under the influence of drugs
Or their beliefs,
Rape, steal,
and have the innocent maimed… killed.

Where the military, police and the leaders
Are not the devil’s apprentices,
Whose power they use
To abuse and oppress!

Is there any country
Where people embrace diversity,
Where no people claim racial superiority,
Where nobody wears mask?
No pretense.
No hypocrisy.

Is there any country
Where there’s no poverty?
No war.
No calamity.

One whose inhabitants
Could rest assured,
And say
We’re safe and secured.

Is there any country
Where we could go
When that dreaded mushroom grow?

Where in the world is that country?
Tell me where.
Take me there.

Kung Pwede Lang

don__t_leave_me_by_katkooota-d3fsla2

Nakakamanghang kahit ano ang gawin
Sukdol man sa langit kung kita’y mahalin
Bakit pag-ibig ko tuwing susukatin
Sisidlan mong gamit ‘di kayang punuin

Naglahong muli sa yakap mo ang higpit
Halik mo’y tumabang…naglaho ang tamis
Kung hinahangad mo na muling umalis
Samo’y sa pakiusap ika’y makinig

Bago sana kita muling palayain
Pwede ba nating pagsikapang alamin
Bakit ningas-kugon ang pag-ibig natin
Ayaw magluwat ang alab sa damdamin

Ngunit bakit nais mong ako’y iwanan
Kung sa makalawa’y muling babalikan
Pwede ba kasing aminin mo na lamang
Ligayang hanap mo ako ang may tangan

Pwede bang sa akin ay iyong aminin
Sobra bang mahigpit kung kita’y yakapin
May pagkukulang bang dapat kong punuin
Kung may nais sabihi’y h’wag nang kimkimin

Palabas sa pinto hirap kang humakbang
Dahil ang nais mo kita ay pigilan
Humarap ka’t mata ko sana’y titigan
Lumapit ka…yakapin ako at hagkan

Usapang ito’y h’wag na nating pagtagalin
Pwede namang atin na lamang tanggapin
Ang magkalayo’y ‘di natin kakayanin
Kaylangan kita’t ako’y kaylangan mo rin

(Mula sa awiting “Just Once” ni James Ingram)

Punso Sa Likod-bahay

nuno“Nagmamadali ka yata pareng Teban?”
Ang tanong ni Pedro sa kanyang kaybigan.
“Oo pare, albularyo’y pupuntahan,
Nagkaproblema inaanak mong si Juan.”

“Lumaki’t namaga ang paa ni bunso
Nang sa likuran namin sila’y naglaro
Paano ba naman sinipa ang punso
Kaya hayon nagalit yata ang nuno.”

“Pati nga iyong kaybigan n’yang kalaro
Aba eh dinuraan daw iyong punso
Kaya’t sa kanya ma’y nagalit ang nuno
Hayun ang pobre… namamaga ang nguso.”

“O… pareng Pedro saan ang tungo mo n’yan?
Biglaan mo yata akong nilayasan!”
“Pare… likod-bahay ninyo’y pupuntahan –
Iyong punso doo’y aking iihian.”

Like Wine

wineBe like wine.
As you age,
Sweeter you must become.

Age with grace…
Not disgrace.
Be elegant.
Be opulent.
Like an aged wine.
Let your value appreciate,
Not depreciate.

Life’s an oak barrel.
Live to be smoother.
Full-bodied.
Intense.

 

Paskong OFW

Home-alone-2-19

Walang simbahang dito’y mapupuntahan
Upang misa de gallo ay maipagdiwang
Sa bibingka’t puto-bumbong natatakam
Salabat na mainit walang makuhanan

Hanap-hanap ko ang mga batang paslit
Na tuwing gabi sa Disyembre’y nangungulit
Sintunado man kung sila ay umawit
Himig nilang pamasko’y nais madinig

Hinahanap ko’y parol na maliwanag
Walang matanaw makulay na Christmas lights
Wala ring Christmas trees na kumukutitap
Ganito ang pasko sa ibayong dagat

Ngunit ‘di bale nang wala iyong lahat
Kung ngayong pasko kita ay mayayakap
Ihain ma’y bibingka lang at salabat
Basta’t kapiling ka’t kamay mo’y aking hawak

Pagkaing masarap maghahanda pa ba
Kung sa noche buena ako’y mag-iisa
Aking christmas lights ‘di na sisindihan pa
Nang dibdib ‘di madurog sa pangungulila