Blog Archives

Ang Samyo Ng Hinog Na Bayabas

underarmNang trabaho’y natapos, ako’y lumabas
Sa jeep na dumaan pumara’t umangkas
Nang maupo,  sa barandilya’y humawak
Nais na maidlip, pumikit akong kagyat.

Habang nakapikit, ako’y may nalanghap
Animo’y samyo ng hinog na bayabas,
Natakam…kaya’t mata ko’y iminulat
“Ay sus!” Katabi ko… braso’y nakataas.

Di pala bayabas ang aking naamoy
Ito pala’y panis na pagkaing baboy
Nang langit ng baho sa daigdig nagsaboy
Sinalo lahat ng katabi kong kolokoy.

Ako’y nahilo sa amoy na nasagap
Sikmura ko noo’y halos bumaligtad
Para akong ikinulong sa “septic tank”
Nais ko nang pumara upang tumakas.

Ilang saglit pa’t meron akong napansin
May pasaherong sa akin nakatingin
Braso ko kasi pala’y nakataas din
Doon sa baradilya’y nakalambitin.

Hindi lang  pala dalawa kundi marami
Matang tutok sa aki’t aking katabi
Marahil ay pilit nilang winawari
Akin o kanya… mabahong kili-kili.

Halos sabay kaming nagbaba ng braso
Pagkatapos… tumingin sa akin ang loko
Aba’y biglang tinakpan ang ilong nito
At mabilis bumaba nang jeep pumreno.

Bago ang jeep nagpatuloy sa pag-usad
Aba’t ang kolokoy ako’y kinausap –
“Eh tanggapin mo sana ang payo ko brod,
Maligo ka palagi’t gumamit ng tawas.”

 

Advertisement

Ang Talong Ni Father

eggplantHeto pong si Father ay mayroong hardin
At talong ang noo’y doon nakatanim
Isang araw nang mga bunga’y aanihin
Biglaang mga bisita’y nagsidating.

Naroo’y si lola Basyang, isang biyuda
Kasama’y si Luring, matandang dalaga
At nang mga talong kanilang nakita
Biglaang nanlaki kanilang mga mata.

“Ang talong po ba ninyo’y puwedeng hawakan?”
Ang tanong kay Father nitong lola Basyang.
“Basta ba paghawak mo’y hinay-hinay lang.”
Ang wika ng pari bilang katugunan.

“Ah father …” Wika naman ni aling Luring.
“Ang talong po ninyo’y kay sarap himasin.
Mahaba’t kay kinis ang sarap kagatin.”
Ani father, “Inyo po munang lutuin.”

“Naku… naku kayo po eh sobrang pilya.
Kung talong ko’y gusto n’yo, sige dampot na.”
“Ay thank you po! Ang bait mo father talaga.”
Ang sabay na sabi ng soltera’t biyuda

“Oh bakit po tatlo ang inyong kinuha
Gayong kayo naman po eh dadalawa?”
At ang kasagutan ng biyuda’t soltera –
“Eh uulamin po namin itong isa.”

Sorry Honey!

tamad“Honey! Sira na yata ang electric fan.”
Ang wika ng kanyang misis kay mang Teban.
“Pakisuyo nga, pwede bang iyong tignan?”
“Sorry darling! I am not an electrician!”

Tila nagulat sa sagot na nadinig,
Napabuntong-hininga kawawang misis,
Tiniis na lamang ang matinding init,
At siya’y nagpatuloy  sa paglilinis.

At nang dumating pang-display na inorder…
“O pakipako na lang nito sa pader.”
At ang sagot ni mang Teban kay kumander,
“Sorry darling! But I am not a carpenter!”

At pagkatapos,  si mang Teba’y nagbihis,
Pasipol-sipol pa nang ito’y umalis,
Iniwan ang asawang inis na inis,
Hating-gabi na nang siya ay bumalik.

Nang ang pintua’y binuksan ni mang Teban,
Siya’y nagulat sa eksenang dinatnan –
Umaandar na ang sirang electric fan…
Si misis – display sa pader, minamasdan.

“Wow! Fixed na pala ang mga problema mo.”
“Yes!” Sagot kay mang Teban ng misis nito.
“Pag-alis mo… may dumaang estranghero,
Pumayag naman siyang tulungan ako.”

“Ngunit ang loko’y may hininging kapalit
Magbake ako ng cake o – kami’y magtalik.”
“Aba, oportunista pala ang lintik.”
Wika ni mang Tebang, halatang naiinis.

“Kaya’t pinagbigyan ko na’t sobrang kulit.”
“Ha? You mean ipinag-bake mo siya ng cake?
Sumagot ang misis, parang kinikilig –
“Sorry honey! I’m not a baker. I shouldn’t bake.”

%d bloggers like this: