Advertisements

Blog Archives

SA ALON NG PAGSUBOK

22095682_10210508043282794_1746730958_o

Kapag umibig ka’t ‘di na makaiwas
Tiyaking handa’t kalooba’y matatag
Pagkat ang umibig parang naglalayag
Sa ganda’t panganib na hatid ng dagat.

Ihanda mo ang sagwan, layag mo’t katig.
Punuin mo ng tibay ang iyong dibdib.
Tandaan na pag-ibig dagat ay kawangis,
Ito’y sala sa lamig, sala sa init.

Sa duyan ng alon ikaw ay sumabay,
Tataas… bababa habang naglalakbay,
Tiyakin lamang na katig ay matibay,
Hampasin man ng alon ay’dibibigay.

At kapag alon ma’y malakas ang hampas,
Kamay ng sinta’y hawakan, h’wag kakalas,
Tumingala sa langit sa Kanya’y tumawag…
Ang pagsubok ng alon tiyak na lilipas.

At kapag kamay mo’y kanyang binitiwan…
Kung pag-ibig n’ya’y bangkang sa tibay kulang,
Katig sa dibdib mo’y mahigpit hawakan
Lumangoy kang pabalik doon sa pampang.

H’wag hayaan na ikaw ay malunod!
H’wag pagagapi sa alon ng pagsubok!
Muling magmahal, muli kang pumalaot
Dagat papanatag matapos ang unos.

Advertisements

AKO’Y LAYUAN

walk away

Humakbang kang palayo sa akin
Kinabukasan mo’y h’wag sirain
Pag-ibig mo sana’y h’wag sayangin
Mahalin ka’y ‘di ko pwedeng gawin

Ang maging tayo’y isang pangarap
Na ‘di kaylan man pwedeng matupad
Ang ibigin kita’y ‘di marapat
Dahil sa dusa ka masasadlak

H’wag kang lumuha, h’wag mong damdamin
Nais ko ma’y ‘di pwedeng pilitin
Masakit ma’y dapat na tanggapin
Hindi ka pwedeng hagka’t yakapin

Bakit nang dumating ka’y huli na
Hindi na malayang ibigin ka
Kung noon sana tayo nagkita
Kuwento nati’y naging masaya

H’wag ka nang sa aki’y magpaalam
Baka kasi kita pa’y pigilan
Humayo ka na’t ako’y layuan
Pagsikapan mong ako’y kalimutan

Paglayo mo’y aking daramdamin
Pagluha’y mahirap na pigilin
Matapos kasing ako’y ibigin
Tinulak kang palayo sa akin

(Mula sa kantang “Walk Away” ni Matt Monro)

ROLEX (A short story in Filipino)

rolex

SYNOPSIS

Magkapitbahay sina aling Tessie at aling Cora. Si aling Cora, asawa ng pulis na si mang Nestor, ay nakakariwasa sa buhay habang si aling Tessie nama’y patay na ang asawa at pinagsisikapang buhayin ang mga anak sa pamamagitan ng pagtitinda ng damit sa palengke.

Hindi maganda ang ugnayan ng mag-kapitbahay dahil sa ilang mga isyu, unang-una ay ang napabalitang panliligaw ni mang Nestor kay aling Tessie nang ang huli’y naging balo. Ganun pa man, ang batang anak ni aling Cora na si Girlie ay bestfriend ni Junior, ang bunsong anak ni aling Tesie na may down syndrome.

Isang araw ay ipinatawag ng kapitan ng barangay si aling Tessie dahil sa reklamo ni  aling Cora laban kay Junior. Nawawala ang bagong rolex na inihabilin ng asawa ni mayor kay aling Cora. Ang rolex ay nakatakdang iregalo kay mayor sa kaarawan n’ya.

May nakakita na may pinulot si Junior nang ito’y nasa bakuran nina aling Cora at pinaniniwalaang ito ay ang nawawalang rolex.

Sa harapan ng dalawang pamilya sa barangay ay pipilitin nina aling Cora at ni mang Nestor na ilabas ni Junior at ng pamilya nito ang rolex. Itatanggi ni aling Tessie na nasa kanila ang relo, bagay na ayaw paniwalaan ng nagrereklamong mag-asawa.

Pilit na kukumbinsihin si Junior ng pamilya nito na sabihin  kung napulot nga ba n’ya ang nawawalang rolex o hindi. Aamin si Junior na s’ya ay may napulot subalit ayaw nitong sabihin kung ano iyon. Secret daw nila iyon ni Girlie.

Hahantong sa isang trahedya ang usapin.

(Click on the link below to continue reading…)

ROLEX (Maikling Kwento)

 

%d bloggers like this: