Blog Archives
Ang Bird ni Father

Umiiyak si Father isang umaga,
Bird kasi niya’y naglaho sa hawla.
May nagnakaw – ang kanyang suspetsa
Kaya’t nagpasya itong magimbestiga.
Bird na naturan mahal na mahal niya,
Hinihimas palagi gabi’t umaga,
Kasa-kasama kahit saan magpunta,
Maging sa pagtulog… hawak-hawak niya.
Kaya’t sumumpa s’yang ito’y hahanapin.
Sukdulang bawat bahay hahalughugin.
Pagiging pari sumumpang gagamitin,
Upang ang bird niya muling makapiling.
Nanawagan pagkasampa sa pulpito,
Pasimpleng tinanong ang mga Katoliko.
Ang tanong, “Sino ba ang may bird sa inyo?”
Syempre nagsitayo lahat ng ginoo.
Paring nagtanong tila nagulantang
Kaya’t ang tanong ay kagyat pinalitan.
“Anyone seen a bird?”… bagong katanungan,
Nagsitayo mga dalaga at ginang.
Apelyido Ng Sakristan
Isang araw noon doon sa simbahan
Dalawang madre sakrista’y nilapitan
Ang isa’y nagtanong sa batang sakristan
“Ano ba utoy ang buo mong pangalan?”
“Hello po sisters! Ang pangalan ko po’y Juan,
Pwede po bang apeldyido ko’y hulaan?”
“Aba! Basta ba may clue eh game kami d’yan.”
“Sure po… heto na ang clue inyong pakinggan.”
“Apelyido ko po’y gusto n’yong hawakan.
Kung pwede nga eh di n’yo ‘to bibitawan
Pagkarinig nito madre’y nagtinginan
At bigla na lamang sila’y nagtawanan.
Natameme si Juan… gulat at tuliro.
“Naku! Sorry at natawa kami hijo,
Kasi BAYAG pala inyong apelyido.”
Ha! Mali po. Apelyido ko’y ROSARIO!
BUNTIS

Ina’y nabagabag nang anak tumangis.
“Aking anak bakit ka naghihinagpis?”
“Sorry po… batid kong kayo’y magagalit
Ako’y nagkasala… ako po ay buntis.”
“Okay lang yan anak, h’wag mong problemahin.”
“Ganun inay… ‘di n’yo ako sasampalin?
Wala lang po? ‘di n’yo na tatanungin
Kung sino ba ang nakabuntis sa akin.”
Kinurot ng ina ang anak sa singit.
“Aray naman inay… kurot n’yo masakit.”
“Huwag nang uliting pangaraping mabuntis
Kasi Roberto wala ka namang matris.”
Ang Boyfriend Ni Bunso
Isang hapon sa bahay ni pareng Kulas
Mga anak na dalaga’y kinausap.
“Kumusta mga anak?” – kanyang bungad
Tatlong dalaga’y sabay-sabay nag-thumbs up.
Ang tatlong dalaga’y ating kilalanin
Ate sa magkakapatid ay si Lambing
Ang ditse’y Ngiti kung kanilang tawagin
Bunso’t sanse ang palayaw nama’y Hinhin
“Nag-boyfriend na kami.” Wika ng panganay.
“Huwag ka pong magalit sa amin itay
Mga boyfriend namin mahal kaming tunay
Asahang kami’y nasa mabuting kamay.”
Dagdag ni Lambing – “BF ko’y makabayan.”
Tumango ang Kulas… mukhang nasiyahan.
Lalo na nang si Ngiti siya’y bulungan –
“Sweetheart ko po ’tay makapamilya naman.”
“Papa ko po’y maka-Diyos at madasalin!”
Taas noong sabi ng bunsong si Hinhin.
“Good job anak… s’ya ba’y kakilala namin?”
“Opo! Siya’y pari sa simbahan natin.
Ang Pasahe
Bandang hapon pauwi na si mang Teban
Galing sa opisinang pinapasukan
Sa isang kanto’y nag-abang ng sasakyan
At isang jeep kaaagad s’yang hinintuan.
Dumukot si mang Teban ng ibabayad
Problema’y wala halos baryang mahagilap
Tig-lilimang daan kasi perang hawak
Apat na piso lang ang baryang nahanap.
Sa salamin ng jeep ang mama’y natingin
Sa mata ng driver meron s’yang napansin.
“Aha!” Wika n’ya, “Ang driver pala’y duling.”
Akala’y lutas na ang kanyang suliranin.
Ang apat na piso’y doble kung titignan
Kasi nga duling ang driver ng sasakyan
Kaya’t walong piso ang kakalabasan
Iyon ang pasaheng dapat n’yang bayaran.
Ang kwatro’y iniabot bago bumaba
Ngunit wika ng driver, “Kulang po mama.”
Ani mang Teban, “Walong piso na ‘yan ah.”
At sagot ng driver – “Kayo po’y dalawa.”
May Tatlong Bampira

May tatlong bampirang magkakabarkada,
Isang gabi’y nagpasyang magkita-kita.
Nang kwentuha’y matapos, nagutom sila
Sa suking restaurant nagpasyang magpunta.
Naunang umorder bampirang mayaman
Wika sa waiter, “Fresh cow’s blood ako’y bigyan,
Puso ng baka’y ihawin, extra-rare lang,
Ako’y gutom na kaya’t iyong bilisan.”
Sumunod naman bampirang ordinaryo –
“Dinuguang baboy nga… meron ba kayo?”
Half-cooked lang! For my drinks? Ah… dugo ng pato!
Tumango ang waiter bilang tugon nito.
Nang dukhang bampira sa waiter tumingin
Wika nito’y, “Hot water lang ang sa akin,
Kasi…heto… may napulot akong napkin,
Kaya’t tsaa na lang ang aking iinumin.
Ang Holy Water

Si lola Basyang ay isang biyuda,
Si aling Luring nama’y isang soltera,
Sila’y sanggang dikit, laging magkasama –
Silang dalawa’y tunay na magbarkada.
Sa kanilang baryo ay may isang kapilya
At doon, si Lola Basyang ay nagpunta.
“Luring… dalian mo, ako’y nandito na.”
Aniya sa kaybigan nang tumawag s’ya.
“Nandyan na kumare, nasa jeep na ako,
Heto kasing driver… mabagal magpatakbo.
AYY… hayan binilisan, narinig ako.
Sige mareng Basyang, pababa na ako.”
“Mama para… mama dyan na lang sa tabi.”
Di huminto ang driver, tila yata nabingi.
Sumigaw ang Luring…”PARA NA SABI!!!”
At biglang pumreno, driver na narindi.
Nagkabusiksikan mga pasahero
Napalakas yata sobra ang pagkakapreno
Si aling Luring hiyang-hiya’t dismayado
Katabing lalaki’y hawak sa pundiyo.
“Ay dalag!” Bulalas ni aling Luring.
“Hindi dalag… cobra po yan kung tawagin.
Aray! Teka po… h’wag ninyong sakalin,
Bitawan n’yo na’t baka kayo tuklawin.”
Buamaba ang hiyang-hiyang aling Luring,
Tahimik na umusal ng panalangin
“Ako’y patawarin Diyos na mahabagin,
Kamay kong nagkasala ay lilinisin.”
Dali-dali itong pumasok sa kapilya
“Ay ang aling Luring nandito na pala.”
Wika ni lola Basyang nang siya’y makita.
“O… aanhin mo iyang bitbit mong tasa?”
“O…bakit? Ang holy water sinalok mo?”
“Mareng Basyang, nagkasala ang kamay ko
May lalaking nahawakan ko ang pundiyo
Kaya’t holy water ang panlinis dito.”
Pagkahugas… si aling Luring lumuhod.
Ang Basyang dahan-dahang tasa’y dinukot,
At pasimpleng ng holy water sumalok
Ipinasok sa bibig… siya’y NAGMUMOG.
