Ang Samyo Ng Hinog Na Bayabas

underarmNang trabaho’y natapos, ako’y lumabas
Sa jeep na dumaan pumara’t umangkas
Nang maupo,  sa barandilya’y humawak
Nais na maidlip, pumikit akong kagyat.

Habang nakapikit, ako’y may nalanghap
Animo’y samyo ng hinog na bayabas,
Natakam…kaya’t mata ko’y iminulat
“Ay sus!” Katabi ko… braso’y nakataas.

Di pala bayabas ang aking naamoy
Ito pala’y panis na pagkaing baboy
Nang langit ng baho sa daigdig nagsaboy
Sinalo lahat ng katabi kong kolokoy.

Ako’y nahilo sa amoy na nasagap
Sikmura ko noo’y halos bumaligtad
Para akong ikinulong sa “septic tank”
Nais ko nang pumara upang tumakas.

Ilang saglit pa’t meron akong napansin
May pasaherong sa akin nakatingin
Braso ko kasi pala’y nakataas din
Doon sa baradilya’y nakalambitin.

Hindi lang  pala dalawa kundi marami
Matang tutok sa aki’t aking katabi
Marahil ay pilit nilang winawari
Akin o kanya… mabahong kili-kili.

Halos sabay kaming nagbaba ng braso
Pagkatapos… tumingin sa akin ang loko
Aba’y biglang tinakpan ang ilong nito
At mabilis bumaba nang jeep pumreno.

Bago ang jeep nagpatuloy sa pag-usad
Aba’t ang kolokoy ako’y kinausap –
“Eh tanggapin mo sana ang payo ko brod,
Maligo ka palagi’t gumamit ng tawas.”

 

Advertisement

About M.A.D. LIGAYA

Teacher-Writer-Lifelong Learner I have three passions - teaching, writing, and learning. I am a Filipino currently residing and teaching in South Korea. I blog and vlog the things I write. I have two websites and two YouTube channels where I publish my works in my areas of interest. I also use Wattpad and Pinterest to publish my creative works. I am into research as well. Some of my articles were presented at conferences and published in indexed-journals. TO GOD BE THE GLORY!

Posted on April 13, 2019, in Creative Writing, Filipino Humor, Pinoy Jokes, Poetry, Tula and tagged , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: